Chapter 17

Pagod akong napatitig sa aking pagkain. Buong gabi akong hindi pinatulog ni Primo dahil sa paghalik nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit kahit anong pilit kong matulog ay hindi ako pinapatulog kakaisip sa nangyari.

Natapos na ang oras ng agahan ay hindi ko parin nagagalaw ang aking pagkain. Tumayo na ako at napagdesisyunang hindi nalang muna kakain. Pagkarating ko sa aking silid ay agad akong bumalik sa pagkakahiga. Sobrang antok pa ako at masakit rin ang aking ulo. Di nagtagal ay agad rin akong nakatulog.

Tanghali na ng muli akong magising. Masama pa rin ang aking pakiramdam pero hindi na tulad kanina. Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga at agad na nagtungo papuntang dining hall upang kumain.

Wala mang gana ay pinilit kong kumain para hindi ako mas lalong manghina. Di nagtagal ay natapos rin ako at bumalik ulit sa aking silid upang magbihis ng uniporme.

Pagkatapos ng paghahanda ay napagdesisyunan kong lumabas na ng dormitoryo upang pumasok sa panghapon na mga klase. Agad akong nagpanic ng makita si Primo sa labas ng aking dormitoryo. Nakatayo lang ito doon na para bang may hinihintay.

Tatalikod na sana ako upang pumasok ulit sa dormitoryo pero huli na dahil nakita na nito ako.

"Hey!"

-mahinang tawag nito sa akin

Hilaw akong ngumiti sa pagtawag nito sa akin.

"Hi."

-tipid na saad ko

"You haven't attended your morning class."

-saad nito

"Ah medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kanina pero okay na naman ako ngayon."

-sagot ko

"Alis na ako."

-dagdag na saad ko at nagsimula ng maglakad

Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi. At hindi ko rin alam kung bakit nagsisimula na akong mailang sa kanya. Dumagdag pa ang mabilis na naman na pagtibok ng aking puso.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay muli itong nagsalita sa bandang likuran ko.

"I'll walk with you."

-saad nito

"Okay."

-tanging nasagot ko

Napipilitan man ay wala na rin akong nagawa kundi umuo. Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad upang madali kaming makarating sa unibersidad. Habang nagtatagal kaming magkasama ay mas lalong lumalala ang kakaibang nararamdaman ko sa aking dibdib. Tahimik lang kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan naming narating ang pasukan ng unibersidad.

Akala ko ay matatapos na ang kakaibang nararamdaman ko sapagkat maghihiwalay na kami ng landas pero nagkamali ako. Imbes na lumiko ito sa kanan dahil naroon ang kanilang building ay tinahak nito ang direksiyong kapareho ng tinatahak ko.

Agad akong napatigil sa paglalakad ng dahil sa napuna at nagtatakang tinitigan ito.

"Diba doon ang building niyo?"

-tanong ko

"I'll take you to your classroom."

-saad nito na ikinagulat ko

Nauna na itong maglakad sa akin. Naguguluhan man ay sinundan ko nalang ito. Tahimik akong naglalakad sa likuran nito ng nakayuko kaya hindi ko napansin ang biglaang pagtigil nito dahilan upang di sinasadyang mabangga ako sa likod nito.

"Sorry."

-paghingi ko ng paumanhin

"Come here."

-saad niya at iminuwestra ang gilid nito

Unti-unti akong lumapit sa direksiyon na tinutukoy nito. Nakayuko lang ako, pilit na iniiwasang makasalubong ang mga titig nito sa akin.

"Closer."

-saad nito sa nag-uutos na boses

Imbes na sumunod ay nanatili lang ako sa aking puwesto. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

Nang makitang hindi ko sinunod ang sinabi nito ay mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking bewang at agad na itinulak palapit sa kanya.

"Better."

-nakangising saad nito

Nang dahil sa gulat sa nangyari ay agad ko itong itinulak ngunit masyado itong malakas para matibag sa kinatatayuan nito. Hindi man lang ito napa-atras sa ginawang pagtulak ko.

"Bitaw sabi!"

-reklamo ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito sa akin.

Pero imbes na sundin ang sinasabi ko ay nagsimula na itong maglakad dahilan upang mapilitan na rin akong sumabay sa paglalakad nito.

Habang naglalakad papunta sa aking klase ay pilit ko paring kinukuha ang kamay nito sa aking bewang. Halos ginamit ko na ang lahat ng lakas ko ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakawala sa pagkakahawak nito sa akin.

"Ano ba Primo! Bitaw!"

-galit na saad ko

Sa buong paglalakad namin ay wala akong ibang ginawa kundi gumalaw-galaw upang makawala sa pagkakahawak nito sa akin. Nang marating na nito ang pintuan ng aking silid-aralan ay sa wakas binawi na nito ang kamay nitong nakahawak sa aking bewang.

Pumasok ako sa aking silid-aralan sa pag-aakalang wala na si Primo pero nagulat ako ng maramdaman ko ang isang kamay na naka-akbay sa akin. Agad kong nilingon kung sino iyon at nagulat ng makitang si Primo ang naka-akbay sa akin.

Nilingon ko ulit ang aking mga kaklase. Maging sila ay nagulat sa nasaksihan.