Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

KABANATA 29

Thymine

Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko na alam kung kaya ko pang huminga nang maayos. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Ilang beses nila akong sinabihan na mag-ingat pero naging pabaya pa rin ako.

"Nakakainis ka, Thymine! Kahit saan ka talaga pumunta, sinusundan ka ng kamalasan. Dinamay mo pa ang mga kasama mo ngayon," naiinis kong bulong sa sarili.

Nang dahil lang sa papel na hindi ko naman alam kung para saan, nanganganib ang buhay namin ngayon. Kung mas naging maingat lang sana ako. Kung hindi ko na sana kinuha ang papel. Nakakabaliw! Sana nanahimik na lang ako sa isang tabi.

"Nanganganib ang buhay niyong lahat ngayon. Kung may mangyaring masama ay walang ibang dapat na sisihin kung hindi ikaw, Thymine. Ikaw ang tumawag kay Kamatayan. Niintindihan mo ba kung gaano kalaking bagay ang ginawa mo?" muling pagsisi ko sa sarili.

Hindi ko na alam kung dapat pa ba akong sumama sa kanila sa pagtakbo o dapat na ba akong tumigil. Kung hihinto ako at aabangan si Kamatayan, magiging ligtas na sila. Hindi na sila hahabulin dahil tiyak na ako lang ang kailangan niya. Ako ang nakabasag sa banga.

"S-Saan ba tayo pupunta? T-Talaga bang hinahabol tayo ni Kamatayan? Kasalanan mo ito, hindi ba? Iiwanan niyo na lang ba ako rito para maging ligtas kayo?" kinakabahang tanong ko habang tumatakbo kami papalayo.

Wala pa ring tigil sa sunud-sunod na pagkabog ang puso ko. Kinakabahan na ako sa mga mangyayari at wala akong makapitan sa mga oras na 'to. Wala si Rhian na palaging nagpoprotekta sa akin. Wala akong tagapagtanggol sa mga oras na ito.

"Kailangan na agad nating humanap ng mapagtataguan dahil nasisiguro kong natunugan na tayo ni Kamatayan. Nasa malapit lang siya at tiyak na malalagot tayo sa oras na maabutan niya. Hindi na dapat tayo magtagal sa lugar na ito," natatarantang sambit ng babae sa tabi ko.

Kahit na gusto kong magpaiwan para hindi na sila madamay ay hindi ko ito kayang gawin. Masyado lang akong inuusig ng konsensya ko kaya ako nagkakaganito. Hindi ko pa gustong mamatay pero dahil ako ang may kasalanan, naiisip kong ako lang ang dapat na managot.

"S-Saang lugar naman 'yan? Wala namang ligtas na lugar sa bahay na ito. Nakakalimutan niyo bang nasa loob tayo ng teritoryo ni Kamatayan? Kahit saan tayo magtago, siguradong mahahanap niya rin tayo. Kinakabahan na ako sa posibleng mangyari sa atin," natatarantang sabi ng isa pa naming kasama.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Klian na siyang sinasabi nilang namumuno sa grupo ngayon. Ayoko mang humingi sa kaniya ng tulong pero wala na akong magagawa. Siguro naman may mga nakahanda siyang plano kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan tulad nito. Sana naman hindi niya kami pababayaan.

"K-Klian, ano bang gagawin natin? Baka may plano ka riyan kung papaano tayo makakaligtas. Siguro naman may mga tagong lugar na hindi pinupuntahan ni Kamatayan. B-Baka p'wedeng doon na lang muna tayo para makaligtas ngayon," nakikiusap na sabi ko sa kaniya.

Nawawalan ako ng lakas at hindi ko na alam kung papaano pa kami makakaligtas. Masyadong maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Nagtatalo ito kung dapat pa ba akong sumama sa kanila o mag-iba ng daan. Hindi ko na alam kung ano ba talagang dapat gawin ngayon.

"Kumalma ka muna, Thymine. Huwag ka munang magtanong kay Klian dahil masama ang loob niya ngayon. Hindi mo magugustuhan ang magiging sagot niya sa mga ganitong pagkakataon. Lalo na at ikaw ang may dahilan kung bakit ito nangyayari," mariing giit ni sa akin ng kasama kong babae.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ang pangalan niya. Pero kahit na hindi ko siya kilala at wala akong anumang ideya para pagkatiwalaan siya, wala na akong ibang pamimilian pa. Kailangan ko ng tulong at kahit na anong mangyari ay hindi dapat ako maiwang nag-iisa. Kailangan kong makaligtas.

"Nakakainis ka, Thymine. Sinabi ko na sa 'yo na wala kang ibang hahawakan at pakikialaman ngunit bakit sinuway mo ang bilin ko? Ano bang mahirap intindihin doon? Ang linaw naman nang pagkakasabi ko pero bakit hindi ka nag-ingat?" naiinis na sabi ni Klian sa akin habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo.

Bakas ang sobrang pagkainis sa boses niya at kung hindi namin kailangang tumakbo ngayon ay siguradong sinuntok na niya ako. Galit na galit siya dahil sa nangyari. Hindi ko naman siya masisisi dahil aminado akong naging pabaya. Hindi ako mas nag-ingat at naging kampante ako.

"Hindi ko talaga sinasadya. G-Gusto ko lang basahin 'yung papel na nakita ko. Hindi ko naman akalain na may masasagi akong importanteng bagay. P-Pasensya ka na, hindi ko rin gusto na mangyari ito," kinakabahang paliwanag ko sa kaniya.

Wala na akong ibang naririnig kung hindi ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Para akong nabibingi at tanging takot ang bumabalot sa pagkatao ko. Walang kasiguraduhan kung anong mga susunod na mangyayari. Walang makapagsasabi kung buhay pa ba kaming aabutan ng iba naming kasamahan.

"Ang lakas naman ng loob mong humingi ng tawad matapos ng ginawa mo! Hindi ako nagkulang ng paalala ko masyado kang naging pabaya. Hindi mo man lamang ba naisip ang mangyayari sa atin? Porket palaging nasa tabi mo si Rhian ay ganiyan ka na kung umasta," naiinis na sigaw niya sa akin.

Bahagya naman akong natigilan dahil sa sinabi niya. Ano na naman bang kinalaman ni Rhian? Bakit kailangang madamay na naman siya rito? Hindi namin kasama si Rhian pero dinadamay niya ito sa naging kapabayaan ko. May problema ba siya?

"Anong kinalaman ni Rhian sa nangyayari? Hindi natin siya kasama kaya huwag kang mandamay. Nananahimik siya sa kung saan ngayon. Kung galit ka sa akin, dito mo na lang ibuntong ang lahat. Huwag kang mandamay ng inosenteng tao," mariing giit ko sa kaniya.

Kahit na naiinis ako kay Rhian ay hindi dapat siya madamay dito lalo na at wala naman siyang kinalaman. Matatanggap ko na galit sa akin si Klian dahil sa ginawa ko at naiintindihan ko ang ipinupunto niya. Kung talagang naiinis na siya sa akin gawin niya ang lahat para saktan ako. Huwag niya lang idamay si Rhian.

"Bakit, hindi ba totoo? Masyado kang pabaya kasi alam mo na palaging may magliligtas sa iyo kapag nalagay ka sa alanganin. Kapag napahamak ka, siguradong pupuntahan ka ni Rhian para saklolohan. 'Yan ang dahilan kaya hindi mo pinahahalagahan ang mga sinasabi sa iyo," muling paliwanag niya sa akin.

Ano raw? Iyon ba talaga ang gusto niyang ipaintindi sa akin? Ganoon ba ang tingin nilang lahat sa akin. Bahala na siya sa kung anong gusto niyang sabihin. Napapagod na ang utak ko na mag-isip. Huwag niya lang idadamay si Rhian at wala kaming magiging problema.

"Klian, huwag mo naman siyang sisihin dahil hindi naman niya kagustuhan ang nangyari. Sa halip na mag-alburoto ka riyan, mag-isip ka na ng mapagtataguan natin. Hindi p'wedeng ganito lang tatayo. Tatakbo pero hindi alam kung saan papunta," singhal ng babaeng kasabay ko sa pagtakbo.

Tama siya. Kanina pa kami tumatakbo pero wala akong ideya kung saan ba kami patutungo. Basta ang tanging nasa isipan ko lang ay kailangan naming makalayo at iligtas ang mga sarili. Hinahabol kami nI Kamatayan at kailangan namin makapagtago sa kaniya.

"Saka mo na isipin ang bagay na iyan kapag nasigurado mo nang ligtas na tayo. Kapakanan muna natin ngayon ang alalahanin mo. Habang tumatagal ang pagtakbo natin, mas lalaki ang posibilidad na mahanap tayo ni Kamatayan. Naiintindihan mo ba ako?" pilit na pagappaliwanag ng babae pero nahihirapan na akong intindihin iyon.

Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Naririnig ko silang nag-uusap pero hindi ito kaagad maproseso ng utak ko dahil sa sitwasyon ngayon. Para akong nawawalan ng lakas at anumang oras ay maaari akong mawalan ng malay dahil sa matinding takot. Hindi pa ako sigurado kung may magliligtas sa akin.

"Maxine, talagang ipagtatanggol mo pa siya? Bakit hindi mo na lang ipamukha na kasalanan niya ang lahat? Naging pabaya siya kaya nangyayari sa 'tin 'to ngayon. Huwag mo naman sanang kalimutan na siya ang nagkamali at hindi ako," singhal sa kaniya ni Klian.

Hindi ko maintindihan ang babaeng katabi ko ngayon sa pagtakbo kung bakit kailangan niya akong ipagtanggol kay Klian. Alam naman namin pareho na ako ang mali. Talaga bang pinagtatanggol niya ako kay Klian kahit na mas matagal na silang magkasama at magkakilala? Totoo ba ito?

"Magkakasama tayo rito at isang grupo kaya hindi natin kailangang magtalo. Naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit pero sana naman, saka mo na isipin 'yan. Nasa kalagitnaan tayo ng peligro tapos init pa ng ulo ang pinaiiral mo. Pinuno ka, hindi ba? Anong nangyari?" mariing giit ni Maxine.

Hindi naman siya pinansin ni Klian at nagpatuloy pa rin kami sa pagtakbo. Pakiramdam ko ay nasaktan ito sa sinabi niya. Ano ba naman 'yan, parang kasalanan ko kung bakit sila nagtatalo ngayon. Lahat na lang ba talaga ng nasa paligid ko ay minamalas dahil sa akin?

"Ano bang pakialam ko sa kaniya? Hindi naman talaga siya nandito kung hindi siya umalis sa tabi ni Rhian. Hindi natin siya dapat kasama kaya bakit ko siya kaaawaan? Sino ba siya? Kahit magsumbong siya kay Rhian, wala akong pakialam," determinadong sagot ni Klian.

Hindi ko ito inaasahang lalabas sa bibig ni Klian. Ang buong akala ko pa naman ay bukal sa loob ang pagtanggap nila sa akin na isama sa pagkuha ng mga gamit. Pero mukhang napilitan lang siya na isama ako.

Bahagyang tumigil sa pagtakbo si Maxine kaya napatigil na rin kami. Naiinis niyang hinarap si Klian at mariing tiningnan bago bigyan ng malutong na sampal. Hindi ko ito inaasahang mangyari. Kahit na ang isa ko pang kasamahan ay nagulat din.

"Ganiyan ba talaga ang ugali mo? Hindi mo ba talaga kayang maging mahinahon at umisip ng paraan para may mapagtaguan tayo? Napakamakasarili mo, hindi ka na dapat namin tinulungan. Ang hirap mong intindihin," mariing giit ni Maxine at kaagad na hinatak ang braso ko.

Hindi na niya muling sinulyapan ang mga kasamahan namin at sa halip ay nagpatulot na lang sa pagtakbo. Kahit na binabalot pa rin ako ng kaba ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Ang hirap paniwalaan ng nangyari. Hindi ako makapaniwal sa ginawa niya.

"Huwag mo na silang pansinin pa. Ang mga tulad nilang makikitid ang utak, hindi mo na dapat sinasamahan. Sa halip na tulungan niya tayong maghanap ng pagtataguan para makaligtas, mas inuuna niya ang paninisi sa iyo. Pinag-iinitan ka niya kaya ako na ang humihingi ng paumanhin," bulalas ni Maxine nang unti-unti na kaming makalayo kila Klian.

Gusto ko siyang tanungin kung ano ang nakita niya sa akin para iligtas ako at piliin kaysa sa mga kasamahan niya. Babae siya at lalaki ako. Hindi niya ba naisip na baka may gawin akong masama sa kaniya? Wala siyang matatakbuhan. Hindi rin naman ganoon kalaki ang katawan niya kaya siguro akong mas malakas ako sa kaniya.

"Bakit kailangan mo pang gawin 'yon? Hindi ko naman sinabi na ipagtanggol mo ako sa kanila. Nagkaroon tuloy ng lamat ang samahan niyo. Paano na kayo niya? Ayoko naman na magkasira kayo dahil sa akin. Nakokonsensya ako," nag-aalalang sambit ko sa kaniya.

Hindi siyansumagot at basta na lang kaming lumiko sa isang pasilyo sa gawing kanan. Sa pagkakatanda ko, ang daang tinatahak namin ngayon ay papunta sa may kusina dahil pamilyar na ako sa lugar. May iba pa bang lugar na p'wedeng pagtaguan malapit doon?

"S-Sandali nga, saan ba tayo pupunta? Huwag mong sabihin na sa kusina? Ayoko munang makita si Rhian. Hindi pa ako handa para magkita kami. Isa pa, may importante siyang ginagawa ngayon at hindi siya mag-aabalang hanapin ako," mariing giit ko sa kaniya.

Hindi niya ako p'wedeng ibalik kay Rhian ngayon. Kahit na gusto ko ng tagapagtanggol sa mga oras na ito ay hindi ko siya idadamay. Siguradong hinahanap pa rin kami ni Kamatayan ngayon kaya mas mabuting ako na lang ang mapahamak. Saka siguradong abala sila sa paglalandian ni Milo ngayon.

"Wala akong balak na ibalik ka kay Rhian ngayon. Hindi rin tayo pupunta sa kusina kaya hindi mo kailangang mag-alala. May iba tayong gagawin. Makakaligtas tayo sa kamay ni Kamatayn. Sisiguraduhin ko na hindi tayo mapapahamak," determinadong sabi niya.

Saglit akong natigilan at bahagya pang umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Bukod kay Rhian ay siya pa lang ang hindi ko kilalang babae na nagsabi sa akin na poprotektahan ako. Talaga bang babae ang kaharap ko ngayon? Bakit ako ang pinoprotektahan nila na sa halip na ako ang dapat na nagtatanggol?

"Huwag kang mag-aalala dahil gaya ni Rhian, poprotektahan kita at hindi ko hahayaang masaktan ka. Magtiwala ka lang sa akin, makakaligtas tayo. Ayoko pa rin mamatay ngayon kaya magkasama tayo makakaligtas," muling determinadong sambit niya bago buksan ang pintuan ng isang silid at hatakin ako papasok dito.

Hindi ko na ito nasagot pa dahil nahihiya ako. Ako ang lalaki na dapat nagtatanggol sa mga kasama ko pero kabaliktaran ang nangyayari. Ako ang palaging inililigtas at kailangan ng tulong. Ano ka ba naman, Thymine! Kailan ka ba magbabago at magiging malakas?

"Tara na dahil siguradong ligtas tayo sa loob ng silid naito. Hindi alam ng marami ang lugar na ito dahil tago at mahihirapan din si Kamatayan na mahanap tayo. Ito ang perpektong silid para pagtaguan natin. Nasisigurado ko nang magiging ligtas tayo," pagpapaliwanag niya sa akin.

Ngayon ko lang nalaman na may silid pala sa likod ng mga obrang nakapaskil sa mga pader. Ang buong akala ko ay purong semento lang ito subalit may itinatago pala. Ang dami ko pa talagang hindi alam sa lugar na ito. Madalas akong nagugulat sa mga imposibleng bagay na ngayon ko lang natuklasan.

"Paano mo nalaman ang silid na ito? Sa limang araw kong pamamalagi sa bahay na 'to ay ngayon lang ako nakarating sa silid na pinuntahan natin ngayon. Kung nalaman ko ito nang mas maaga, dito na sana ako nagtatago tuwing gabi. Mukha namang ligtas at walang magiging problema," namamanghang sambit ko sa kaniya.

Kaswal niya lang akong tiningnan at hindi man lamang niya ako tinapunan ng ngiti. Seryoso lang ang mga tingin niya habang sinusulyapan ang paligid. Ngayon lang din ba siya nakapasok sa loob nito? Pero imposible dahil alam niya kung saan ito eksaktong nakatago kaya siguradong nakapasok na siya.

"Natagpuan ko ito no'ng minsan akong muntik mapatay ni Kamatayan. Sa pagtakbo ko ay nabangga ko ang obra sa labas at kaagad na tumambad sa akin ang silid na 'to. Gaya mo, hindi ko rin inaasahan na may ganitong lugar pala. Pero nasa lugar tayo na kung saan lahat ng imposible, nagiging posible," sambit niya bago isara ang pintuan.

Hindi ko maiwasang mailang dahil dalawa lang kami sa loob, babae at lalaki pa. Hindi ko na lamang ito ipinahalata pa. Siguradong mahihirapan kaming makapag-usap kung magkataon. Ang mahalaga ay pareho na kaming ligtas ngayon mula sa kamay ni Kamatayan.

"Ano ka ba naman, Thymine! Itigil mo nga ang mga tumatakbo sa isipan mo. Umayos ka! Babae ang kasama mo ngayon. Mahiya ka naman," naiinis kong bulong sa sarili.

Naglakad-lakad si Maxine habang nililibot ang buong silid at sinenyasan niya ako na maupo sa kama. Wala naman kakaiba ang silid na ito kumpara sa iba dahil halos pareho lang naman ang laman. Ang siyang espesyal lang ay hindi kaagad matatagpuan ng kung sino dahil tago kaya masisigurado ang kaligtasan.

"Gaano ka na pala katagal sa bahay na 'to? Magkasabay ba kayong dumating ni Rhian o mas nauna ka pa sa kaniya? Pansin ko kasi na parang sanay ka na rin sa paligid. Hindi gaya ko an baguhan pa lang sa maraming bagay," nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Ang postura niya kasi kanina ay parang sanay na siya at wala akong gaanong naramdamang takot sa mga kilos. Nakakahiya talaga ako sa tuwing nararamdaman kong nasa malapit si Kamatayan, nagmumukha akong mas mahina pa sa mga babaeng naririto. Gusto ko namang maging matatag pero hindi ko magawa.

"Hindi naman sa tagal nang pananatili sa lugar na ito nasusukat ang bagay na iyan. May iba an kararating lang pero marami na kaagad natuklasan na mga sikreto. Depende sa tao iyan kung paano niya pipiliing makaligtas sa lugar na ito. Magiging matatag ba o mahina," mariing giit niya.

Sa sinabi niyang ito ay parang bumalik sa pagiging misteryoso ang lahat. Muntik ko nang makalimutan na kailangan kong umisip ng plano para makatakas sa lugar na ito. Masyadong maraming mga nangyari kaya nawala na ito sa isip ko.

"Thymine, alam mo ba na mayroong paraan para makalabas sa impyernong bahay na 'to? Dalawang paraan ang maaaring gawin para tuluyang makabalik sa dati nating buhay. Gusto mo bang sabihin ko ito sa iyo?" nagtatakang sabi niya sa akin,

Hindi ko alam pero may kakaiba saga titig niya. Interesado ako sa sinasabi niya subalit hindi ko rin maiwasang kabahan. Wala akong ideya sa kung anong mga paraan iyon. Hindi rin ako sigurado kung talagang may katotohanan ito.

"May mga paraan para makaligtas? Bakit hindi ko alam 'to? May mga nakasubok na ba na gumawa at nagtagumpay sila?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Una ay kailangang mamatay si Kamatayan dahil siya ang mag kontrol sa buong bahay na 'to. Makakaligtas at makakabalik tayo kung mawawala si Kamatayan subalit, imposible nating magawa ang bagay na 'yon dahil hindi hamak na mas malakas siya sa atin," diretsong sambit niya at unti-unting umupo sa silya malapit sa tabi ko.

Matagumpay niyang nakuha ang atenyon ko kaya sa kaniya nakasentro ngayon ang tingin ko. Umaasa ako na ang pangalawang paraan ay kaya naming gawin nang tuluyan na kaming makaalis sa lugar na 'to. Mahihirapan kaming gawin ang unang paraan dahil mas malakas si Kamatayan.

"Nakahanda ka na bang malaman ang ikalawang paraan na posibleng maging susi ng kalayaan mo?"

Sa pagkakataong ito ay ngumiti na siya sa akin. Kinakabahan ako nang bigla siyang tumayo sa upuan at dahan-dahan akong inikutan. Bahagya niyang hinahaplos ang dibdib ko bago siya pumantay sa tainga ko at bumulong.

"Kailangang masiping ng lalaki ang lahat ng babaeng naririto habang ang babae naman ay kailangang magpasiping sa lahat ng lalaki sa bahay na 'to. 'Yan ang ikalawang paraan para tuluyang makalabas sa impyernong bahay ni Kamatayan at makabalik sa dati mong buhay," nakangiting sambit niya bago umupo sa kandungan ko.

Tang ina! Ano ba naman itong napasok ko? Seryoso ba siya?

Chương trướcChương sau