Prologue
"KYAHHHH!" Hindi ko napigilang mapatakip ng tenga sa lakas ng sigaw ng Best Friend ko. Aba kung makatili daig pa ang nanganganak. Bwisit!.
Tinignan ko siya ng masama pero ang loka loka nagpeace-sign lang.
Kung pag pi-peace sign lang eh ayos na. Edi sana walang gulo, walang away sa mundo. tsk!
"Ano ka ba naman Miva. Kulang nalang basagin mo eardrums ko eh. Ang lakas mong tumili!" Inis na aniya ko sa kanya.
Ngumuso naman siya. " Eh kasi naman eh!" Maktol niya saka itinuro yung mga estudyante na naglalakad na may hawak na mamahaling magazine.
Kumunot ang nuo ko saka tinaasan siya ng kilay "Oh bakit?" Takang tanong ko.
Huminga siya ng malalim saka ngumuso nanaman.
"Buti pa ang mga bagets na yan. May pambiling magazine. Alam mo bang ang mahal mahal nyan? Pang isang taon na nating pagkain yan eh!" Anito.
Lumaki ang mga mata ko. Isang taon? As in
"Talaga ? Para sa iilang pahina ng magazine!" Gulat na tanong ko.
Humarap siya saakin."Oo, at hindi magazine lang yan. DK magazine ang mga yun. Nagkakalahaga ng 1 million kada kopya."
Lalo pang Nanlaki ang mga mata ko. Oh shit! Ano naman ang laman non? Bakit ang mahal? Jusme marimar!
"Anong laman nun para maging mahal ng ganun? Grabe naman" gulat na gulat na tanong ko.
"DK magazine nga. Or Mas Kilala bilang Dangerous Kings Magazine"
Ano raw ? Dangerous Kings? Neber hire that?
"Ano yun? I neber hire that." Curious pang sabi ko.
Nakita kong umasim ang mukha ng Best Friend ko.
"Anong neber hire that? Never hear that dapat!" Anito.
Napanguso nalang ako. Ede wow . Ako na di magaling sa English. Eh kasalanan ko ba? Nakapagtapos naman siya ng High school eh.
"Ode! So ano nga yun? Parang ngayon ko pa lang narinig yun " curious na wika ko.
Naparollyo ang eyebells ng kaibigan ko.
Teka eyeballs yata yun?
"Wala ka talagang alam sa mundo no! Dangerous Kings hindi mo kilala! Ikaw na galing sa bundok! Kahit na mga teenager ngayon kilala ang mga yun kahit lang sa pangalan. Iilan lang ang may alam ng mukha ng mga iyon. Masyado silang masekreto at Nakakatakot" napalunok ako habang nakikinig sa kaibigan. Bakit Bigla akong kinabahan sa sunod niyang sinabi. "Ang sabi sabi napakayaman ng mga iyon as in sobra!? Napakatalino, hot, gwapo! Parang anghel ang mga mukha pero demonyo sa loob. Isa silang grupo ng mga kalalakihan na hindi marunong magmahal. Hindi sila marunong magmakaawa o matakot. Sila ang kinatatakutan, Hari sila kung ituring, mga haring napakadaling makuha ang puso ng Sino man at kaya ka nilang sirain ng buong buo. Kaya huwag kang mahuhulog sa Isa sa kanila lalo na Kay Lord King Primo Alejares o Mas kilala sa tawag na Dangerous king Primo. The most heartless and dangerous king. Siya ang pinaka matalino, gwapo, at walang kakayahang magmahal".
"Bakit parin sila minamahal kung ganun sila?"
"Dahil nga may itsura at datong! Ang sabi sabi yung sikat na modelo si Valeen Saragoza nagpakamatay daw yun dahil kay Lord Primo. Paiibigin ka gamit ang mala anghel na mukha at sisirain ka na parang isang demonyo. He also known as a Evil Player."
"Nakakatakot pala sila lalo na yang Prime na yan!" Sabi ko.
Nakita konng sinapo niya ang nuo niya na parang bang hindi na ako kayang intindihin.
"Aya, alam kong mahina ang ulo mo pero paminsan ang hirap mong intindihin. Primo hind prime ginawa mo nalang sanang bumblebee no nahiya ka pa!" Sarkistikong anito sabay irap.
"Sorry naman." nakangusong turan ko.
Napailing iling nalang siya saka tumayo sa pagkakaupo.
"Mabuti pa halikana at baka mabungangaan nanaman tayo ng bisor natin" wika niya.
Kaya napatango ako at tumayo narin. Ayaw kong mabungangaan ng dragon nayun.
Para rin yung dangerous king eh
Ayyy! Teka babae pala yung bisor namin.
Ede dapat Dangerous Queer yun diba?
"Oo nga miva, para rin yung dangerous King eh kaso babae siya. Kaya Dangerous Queer siya" masayang sabi ko.. Feeling ko tuloy ang talino ko sa naisip.
Napatigil ako sa pag ngiti ng makitang nakatingin siya saakin na parang tuyong tuyo na ang utak ng dahil saakin.
"Anong Dangerous Queer? DANGEROUS QUEEN AYA! DANGEROUS QUEEN" Inis na sigaw niya.
Muli nanaman akong napanguso.
Ode wow!!