CHAPTER 1 Encounter
"KUYA para po!" Malakas na sigaw ko sa driver saka dali daling bumaba. Late na ako oh my gosh mabubungangan na nanaman ako.
Mabilis akong tumakbo sa parking lot ng mall para makapasok at sa sobrang pagmamadali hindi ko napansin ang humaharurot na kotse.
"Beep! Beep" natulos ako saaking kinatatayuan makitang mababangga na ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. My god kung mamamatay ako please naman Lord langit niyo ako dalhin. Ayaw ko sa hell mainit huhuhu.
Hinintay ko ang pagbangga ng sasakyan saakin katawan. Pero pagkalipas ng ilang minuto wala akong naramdaman . Kaya idinilat ko ang aking mga mata at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Nalaglag ang panga ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Teka ! Bakit my anghel dito?
Green Eyes, kissable lips, matangos na ilong napakakinis na mukha. OMG ! Ang gwapo!
Oppang oppa.
Napakagat-labi ako ng magsalubong ang mga perpekto niyang kilay at bahagyang nangunot ang maputi niyang nuo.
"Are you dumb?" Shet! Pati bosses lalaking lalaki.
Hindi ko alam kung ilang segundo ko itong pinagmamasdan.
Basta ang alam ko nagising ako sa pagpapantasya sa kaniya ng pinitik niya ang nuo ko.
"Arayy!" Reklamo ko saka tinignan siya ng masama.
"Arayy ha !"
Ngumisi siya kaya nakita ko ang perpekto niyangg mapuputing ngipin. Hala ang perfect naman ng lalaking to.
"Im asking you miss but it seems like your enjoying eye-raping me." anito na ikinalaki ng mata ko.
"Anong? Anong raping you! Hoy! Mister Am not raping you no! You are the air!" Madiing sabi ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil totoo ang sinabi niya. Nakakahiya naman.
Kumunot ang nuo niya.
"What?"
"Ang sabi ko ang hangin mo at hindi kita niri-rape atsaka gwapo kalang hindi kita tape." mataray na sabi ko rito.
Tumaas ang sulok ng labi niya."You mean type? Not tape." pagtatama niya saaking sinabi.
Ganun ba yun? Napangiwi ako at nakaramdam ng hiya. Bakit kasi nageenglish pa ako di naman ako marunong.
"Pareho lang yun magkatunog naman eh." nakangusong sabi ko.
"Yeah Right. The next time na gusto mong mag tatatakbo wag sa parking lot." anito na lalo kong ikanguso.
"Whatfever." mataray na sabi ko saka umirap .
"You mean whatever?" Pagtatama ulit niya.
"Sounds like naman eh." pagtatanggol ko sa sarili saka tumalikod para umalis. baka pag di pa ako umalis lalo pa akpng mapahiya sa baluktot kong English.
"Bye, nalang po, sorry sa isturbo mister #MagalingSaEnglish. " Sabi ko saka nagsimulang maglakad.
"Wait." rinig kong tawsg niya kaya napatigil ako pero di na humarap sa kaniya.
"My name is Rimo and you are?" pakilala niya at talagang tinanong pa ang pangalan ko para namang magkikita pa sila ulit at bakit pa ako magpapakilala sa kanya? Siguradong una at huli na pagkikita na nila.
Ipinilig ko ang ulo ko saka naglakad ulit. Hindi ko sinabi ang pangalan ko. Mahirap na. Pero bago pa ako makalayo narinig ko ang huling sinabi niya.
"Okay kung ayaw mong sabihin ako nalang ang aalam. Until we meet again miss." anito.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang may pinalidad sa bosses niys at makikita pa sila. Ano to?
At ano raw? Tsk, ang weird ng lalaking yun.
-
"Hoy bruha tulala ka teh!" Napaigtad ako dahil sa sigaw ni Miva.
"Ano ba Miva! Masasapak na talaga kita!" Bulyaw ko sa kaniya at masama ang tingin na ibinigay ko dito.
Miva rolled her eyes on her. "Tsk Paano naman po kasi Aya, tulala ka. Ano bang nangyari sayo?".
Bahagya akong napatigil. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang lalaking may kulay berdeng mata. Ang ngisi niya at ang auwra niya na puno ng autoridad.
"Aya!"
Napailing nalang ako saka humarap aa kaibigan at tipid na ngumiti.
"Wala to! May naiisip lang ako. Nasaan yung dragon na bisor natin?" Pag iiba ko ng usapan at para pansamanatalang mabura sa isip ko ang lalaking iyon.
Parang nahihiwagaan ako dito. Parang sa kabila ng mga mata niya maraming nakatagong lihim. Parang puno ng ibat ibang hindi magandang emosyon.
Bumuntong hininga nalang ako. Ano ba itong iniisip ko? At bakit ko ba iniisip ang lalaking yun?
"Ayun nandun nagpapa-cute sa mga kano nating costumer tsk, daig pa ang bata kung makaharot" parang nandidiring sabi niya.
Bahagya akong natawa. "Hayaan mo na baka sakaling maging mabait pagnagka love life " natatawang sabi ko.
"Tsk"
"Speaker jowa? How you and Marvin? Nagkabati na ba kayo?"
Tinignan niya ako na para bang hindi na naman niya ako maintindihan. Alam ko na ang tinging yan mali na naman ang english ko.
"Aya, Speaking hindi speaker ano yun napapatugtog?" Inis na anito.
Napanguso na naman ako.. Pinagbubutihan ko namang mag English. Palagi kaya akong nagbabasa ng English books pero mahina parin.
" Ode, ikaw na magaling" Napanguso nalang ako .
"Aya naman ka--"
"Hoy! kayong dalawa anong ginagawa niyo diyan? Diba dapat nasa harap kayo at asikasuhin ang mga costumer?" Nakataas kilay na sita saamin ng bisor namin.
Nakatinginan kami ni Miva halatang pinipigilan niya ring huwag matawa.
Paano ba naman kasi parang sinampal ng sampung legal wife ang bisor namin ang pula ng pisngi at labi.
Sure ba tong hindi ito clown?
"O ano pang tinatayo niyo diyan? Hala Sige lumabas kayo doon! Ang papangit niyo tamad pa kayo!" Bulyaw nito.
Dali Dali kami ng bumalik sa pwesto namin.
"Pangit raw tayo? Aba kung pangit ka sa kanya. Ano pa Kaya siya? Eh di hamak namang Mas maganda ka" ani Miva.
Kaya napahigikgik ako saka tumango tango.
Aba Ewan ko ba palagi nalang kami ng sinasabihan ng pangit lalo na ako Insecure yata sa beauty ko. Hahaha
Pangiti ngiti akong pinagsisilbihan ang mga costumer.
Pero unti unting nawala ang ngiti ko sa mga labi ng maramdamang parang may nagmamasid saakin at may nakatitig.
Pasimple kong sinulyapan ang paligid pero wala namang nakatingin sa gawi ko. Pero sigurado akong meron. Kanina ko pa nararamdaman.
Jusme, multo yata yun huhuhu.
Katakot.