Chapter 19: Family Reunion
Kabado si Saviour habang papasok sa venue na pinagdarausan ng Ramirez Family reunion. Kahit si Kathalina mismo ang nagyaya sa kanya na sumama rito ay kinakabahan pa rin siya at nahihiya dahil sa mayayamang tao nga ang makakahalubilo niya.
"Your sweating hon," turan ni Kath sa kanya. Nginitian naman niya si Kathalina at mas humigpit ang hawak sa kamay ng kanyang nobya.
"Im slightly nervous and shy hon," nahihiyang pag-amin niya.
"At bakit naman mahal ko?" Tila nagtataka pang tanong ni Kath habang napasulyap sa nobyo.
"I don't attend parties hon, saka alam mo na." Nanghihinang sagot ni Seb kay Kath. Malambing naman siyang nginitian ng dalaga saka dinampian ng halik sa pisngi.
"Just for now hon, okay' and thank you for coming with me, I really appreciate this." Buong paglalamabing siya nitong nginitian. Gumanti rin siya ng malambing na ngiti rito.
Habang papalapit na sila sa mga kumpulan ng tao ay may biglang tumawag sa atensyon ni Kath dahilan para magawi ang paningin ng dalaga sa tumawag rito habang hila-hila si Seb.
"Hi cousin! Long time no see." Nakangiting bati ng pinsan ni Kath na si Julie habang napapasulyap kay Seb.
"Hi cous! Likewise sayo, how are you?"
Nakangiting bati rin ni Kath kay Julie, napansin naman agad nito ang pagsulyap kay Seb kaya kumalabit pa ito lalo sa braso ni Seb saka nagsalita.
"By the way cous! This is Saviour my boyfriend," pakilala ni Kath kay Seb sa pinsan nito. Kaagad naman napangiti si Julie at inilahad ang palad.
"Oh! Hi Saviour, I'm Julie, Kathalina's cousin. Nice to meet you," Nakangiting bati ni Julie kay Seb na sinabayan pa ng kindat.
"Cous he's my boyfriend don't try to flirt with him!" Kinaikutan agad ni Kath ng mata si Julie na kinatawa naman nito.
"I know cousin!" Sabay kalabit sa braso ni Kath.
Sabay naman silang nagtawanan habang si Seb ay hindi pa rin maalis ang kaba. Malapit na magpinsan si Julie at Kath dahil simula pagkabata sila na ang palaging naglalaro. Pareho rin sila ng field pagdating sa trabaho.
Nagsimula na ang event at masyadong nagkakatuwaan ang mga Ramirez samantalang si Seb ay tahimik lamang sa tabi ni Kath. Napansin naman ng dalaga ang pananahimik ng kanyang nobyo kaya hinawakan niya ang kamay nito at pinisil.
"Gusto mo lumabas na muna tayo hon?" Kath softly asked.
"Is it okay hon na lumabas na tayo? Baka mapagalitan ka." Nag-aalalalang tanong ng binata sa kanyang nobya. Nginitian naman agad siya ng dalaga saka naunang tumayo at sabay hila sa kanya palabas.
"Saan kayo hija?" Sabay na napalingon ang magkasintahan ng may nagtanong sa kanila.
"Tita Megan? Ohh my god!" Buong galak na napangiti si Kath sabay yakap sa tita nito. Niyakap naman ni Megan si Kath saka bineso.
"How are you tita?" Kath asked.
"Im fine, and you? You look stunning and gorgeous Kathalina." Nakangiting puri ni Megan sa kanyang pamangkin.
Si Megan ay kapatid ng mama ni Kath at ito ang pinakamalapit na tita niya, parang ina na rin ang turi niya rito dahil noong bata pa siya ito ang nag-aalaga sa kanya.
"Same as you tita, thank you!" Malapad na ngiting ani Kath sa kanyang Tita Megan. Napasulyap naman ang matanda kay Seb saka ngumiti.
"Oh! Tita, this is Saviour my boyfriend," galak nitong pakilala kay Seb sa kanyang tita. Inabot naman agad ni Megan ang kamay niya kay Seb saka ngumiti.
"Hi hijo, I'm Megan Ramirez tita ni Kathalina." Nakangiting pakilala nito kay Seb. Inabot naman agad ni Seb ang kamay at nakipagkamay kay Megan.
"Im Saviour po, nice meeting you po Ms. Megan," nakangiting pakilala ni Seb.
"You can call me tita, Seb. No need to be formal." Nakangiting turan ni Megan sa binata. Napatango naman agad si Seb at napangiti.
"O_opo t_tita," nahihiya nitong turan. Napatawa naman si Megan saka tinapik si Seb sa balikat.
"Saan pala kayo pupunta?" Megan asked sabay tingin kay Kath.
"Sa labas po tita, magpapahangin lang." Kath smiled.
"Sige-sige! Take care okay," anang ni Megan sa pamangkin niya at sa nobyo nito.
Sabay na lumabas ng Venue si Seb at Kath, hindi naman nila napansin ang mga matang nakamasid sa kanila.
"Okay kana ba hon?" Tanong ng dalaga kay Seb, malalim na napabuntong hininga ang binata saka nginitian ang nobya.
"Mas okay ako dito hon," Ngiting sagot ni Seb.
"Ano na gusto mo gawin natin rito hon?" Kalahating ngiting tanong ni Kath kay Seb.
"May balak ka hon?" Pilyong turan ni Seb.
Malapad na napangisi si Kath sa nobyo sabay hila rito sa loob ng kotse niya.
------
Hingal at pawisan silang lumabas ng kotse habang si Kath ay inaayos ang zipper ng kanyang dress mula sa likod. Nilapitan naman agad siya ni Seb at tinulungan itong ayusin ang zipper.
"Thank you hon." Nakangiting ani Kath sa nobyo. Hinalikan naman siya ni Seb sa balikat and seductively smiled.
"That was amazing hon," anito sabay kindat. Pinisil naman agad ng dalaga ang pisngi ng kanyang nobyo.
"Your just excellent hon," Pilyang anito.
"Ehm! Papasok kana?" Napatikhim at biglang likong tanong ni Seb.
"Hmm! Hindi kaba sasama sa akin pabalik sa loob?" Nagtatakang tanong ni Kath.
"Hindi na hon, dito nalang ako. Okay lang ba?" May bahid ng hiyang tanong ni Seb.
"Okay hon, kung yan ang gusto mo. Pero sure ka ba'ng okay ka lang rito?" Nag-aalalang tanong ng dalaga.
"Yeah' okay lang ako rito hon, huwag mo akong alalahanin rito." Nakangiting turan ni Seb.
Nginitian naman siya ni Kath saka niyakap at hinalikan sa labi bago ito tuluyang umalis.
"Wait for me okay," papalayong sigaw ni Kath kay Seb.
"I will hon," Seb answered.
Tuluyan ng nakapasok si Kathalina sa loob ng venue habang si Seb naman ay nasa labas lamang at nakasandal sa pinto ng kotse at nakatanaw sa malayo.
-----------
Salamat po sa supporta 😊😊