Chapter 20: Hurt

Naunang nagpaalam si Kath sa kanyang magulang at iba pa niyang pamilya dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang tama ng alak. Ayaw niya rin pag-antayin pa ng matagal si Saviour sa labas dahil baka naiinip na ito, kaya madali siyang lumabas ng venue at nang tinungo niya ang parking ay wala na rito ang nobyo.

"Hon? Nasaan ka?" Sigaw nito habang palinga-linga na hinahanap ang nobyo.

"Nasaan na kaya siya?" Mahinang turan niya sa sarili sabay dukot ng cellphone sa kanyang purse at nag-dial. Ngunit hindi ito sinasagot ng binata kaya tinawagan niya itong muli.

"Sinong hinahanap mo?"

Napalingon naman ang dalaga sa pinanggalingan ng taong nagsalita mula sa likuran nito.

"Dave!" Sambit nito sabay baba ng phone.

"Hi sweetie," anang lalaki sabay kindat sa kanya.

"What are you doing here?" Nakataas kilay na tanong ni Kath kay Dave.

Dave was her ex 2 years ago.

"Pagmamay-ari ko lang naman itong hotel na pinagdarausan niyo ng reunion." Sarkastiko nitong sagot sa dalaga. Muli naman siyang tinaasan ng kilay ni Kath saka mabilis na tinalikuran.

"Why so bitter Kath? Hindi kapa rin ba nakakamove-on sa'kin?" Mapanudyo itong napangisi kay Kath, kaagad naman siyang hinarap ni Kath na nakahalukipkip.

"Me? Hindi pa naka move-on? Anong tinira mo at magpahanggang ngayon lakas pa rin ng tama mo?" Panggagatong na ani ng dalaga kay Dave na kinakunot ng noo nito.

"You! Alam kong mahal mo pa ako kaya ganyan ka kung makapagpakipot sa'kin." May bahid na ng inis ang tono ni Dave. Mapang-asar namang napatawa si Kath rito saka tinaasan ito ng kilay.

"Excuse me! Hindi ako nagpapakipot sa isang tulad mo, sadya lang talagang matagal na kitang kinalimutan and for your information may boyfriend na ako, at mas mahal na mahal ko yun kesa sa'yo." Pang-uuyam na turan ng dalaga kay Dave. Napansin naman nito ang biglang pagkamao ng lalaki na mas kinangiti ni Kath.

"Mas mahal na mahal? Bakit nakuha kana ba niya para sabihin mong mahal na mahal mo!? Ha Kathalina!" May galit ng namumuo sa pigura nito. Lumapad naman ang ngisi ni Kath saka muli itong tinaasan ng kilay.

"He have me! And it's none of your business anymore! F*ck you!" Puno ng pang-uuyam nitong turan kay Dave saka mabilis itong tinalikuran at humakbang papalayo rito.

Habang papasok siya ay naabutan niya si Alistaire na pababa ng hagdan kaya agad niya itong hinarang.

"Kuya!" Tawag nito. Kinunotan naman siya ng noo nito.

"What?" Tanong nito.

"Pwedeng ihatid mo ako sa apartment ni Seb," pakiusap ni Kath sa kanyang nakakatandang kapatid.

"Ha! Bakit ako? Diba may kotse ka? Nasaan pala si Seb?" Palinga-linga rin nittong hinahanap ang presensya ni Seb.

"Wala na nga siya eh' hindi ko alam kung nasaan kasi hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. Tapos yung kotse ko naroon naman pero nasa loob ang susi." Sagot ni Kath kay Alistaire.

"What!? Ang clumsy mo naman masyado Kathalina!" Reklamo ng kuya nito. Kinaikutan lang siya ng mata ni Kath saka hinawakan ang kamay ni Alistaire at puno ng pakiusap itong tinignan.

"Kuya please!" Pangungulit nitong pakiusap.

Alistaire sighed in defeat. Kahit kailan hindi niya matatanggihan ang kapatid kaya sumang-ayon nalang siya rito at kaagad naman siyang niyakap ng bunso niyang kapatid.

"Thank you kuya!" Malapad na ngiting ani Kath.

"Fine! Let's go,"

Anito na napakibit balikat pa.

Kaagad naman nilang tinungo ang parking lot at sumakay sa audi nito.

"Is this your new car?" Biglang tanong ni Kath sa kanyang kuya.

"Yes why?" Mabilis na sagot ni Alistaire.

"Gumastos kana naman para sa isang mamahalin at latest na audi?" Taas kilay na tanong ni Kath sa kuya nito.

"It's my money by the way," Kibit-balikat nitong sagot sabay ngisi. Kinaikutan lamang siya ng mata ni Kath saka nito inumpisahang ipaharurot ang kotse.

Pagdating nito sa apartment ay iniwan na siya ni Alistaire kaya kaagad niyang pinasok ang bahay ngunit wala siyang Saviour na nakita. Kaya muli niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin nito sinasagot, kaya tinext niya ito.

-

Where are you? Bakit bigla kang nawala sa parking lot? I keep calling you but you don't even answer. Call me asap if you read this message.

Message Sent.

Pahampas na napaupo si Kathalina sa kama habang iniisip kung nasaan ang nobyo. Alam niyang naiilang ito sa kanilang family reunion pero sana naman nagpaalam siya kung saan siya pupunta para hindi siya mag-aalala ng ganito.

------

Nagmulat si Kath ng may narinig siyang mga yabag sa sala. Kaya dahan-dahan siyang bumangon at naglakad patungong pinto. Habang unti-unti niyang pinipihit ang door knob may narinig siyang boses mula sa labas ng silid kaya sinadya niyang hindi muna ito buksan.

"Salamat sa pag-aalala mo sa'kin Seb," turan ng babae mula sa labas ng pintuan.

Kaagad naman nagsalubong ang kilay ni Kath sa mga narinig.'so siya pala ang dahilan kung bakit hindi ko mahagilap ang nobyo ko kagabi.' Bulong nito sa sarili.

"Welcome Claire, alam ko naman kailangan mo ng tulong kaya hindi ako nag-atubili na tulungan ka." Sagot ni Seb sa babae.

Dito na tuluyang lumabas si Kath mula sa silid at naabutan nga nito si Seb na buhat-buhat ang isang babae at pareho silang napatigagal ng makita si Kath.

"How dare you do this to me!" Kath yelled in anger sabay duro kay Seb.

"Hon let me explain ___ "

"No more explanation Saviour! You fooled me! Damn you!" Sigaw na iyak ni Kath sa binata habang malalaking hakbang ang ginawa nito papalabas ng apartment.

Kaagad namang binaba ni Seb ang babae sa sofa at mabilis na sinundan si Kath. Akmang hahawakan na sana niya si Kath ng biglang huminto ang dalaga at mabilis siyang hinarap saka binigyan ng malulutong na sampal.

"Manloloko!" Hagugol nitong turan saka tuluyang iniwan si Seb na tulala.

Puno ng hinanakit na umiiyak si Kath habang papauwi sa kanilang villa. Ito ang pangalawang pagkakataon na napaiyak siya dahil sa lalaki. Her first heartache was Dave, na kagabi niya muling nakita at ngayon kay Seb naman siya umiiyak.

"Kahit kailan manloloko ang mga lalaki!" Inis niyang sambit sa sarili habag naglalakad sa tabi ng daanan.