Chapter 17: Just love me

Hindi na pumasok si Seb ng bar sa halip ay mas binigyan niya ng oras ang kanyang kasintahan. He want to spent more time with Kath dahil hindi niya alam kung hangang kailan at saan nalang niya magagawa ito.

"Anong iniisip mo?"

Kath softly asked habang nilalaro ang maninipis na balahibo sa kanyang dibdib.

"Wala naman hon, may gusto lang akong itanong sayo?" Nangungusap matang tiningnan nito si Kath habang ito naman ay ngiting nakatingala sa kanya.

"Ano 'yon?"

"Bakit mo binayaran ang binigay ni Cookie sa akin na pera?" Seryosong tanong niya. Gustong-gusto niyang malaman ang dahilan ni Kath kung bakit binayaran nito ang kanyang utang sa kaibigan na si Cookie.

"Bigay niya lang 'yon sa'yo?" Kath raises her one brows.

"Kusa niyang binigay, pero 'diba sabi ko sayo ayaw na ayaw kong tumanggap ng libre? Kaya mahuhulog yun na utang ko."

Paliwanag niya. Inangat naman agad ni Kath ang kanyang ulo saka nagalumbaba sa dibdib niya at tumitig.

"At dahil sa ako ang nagbayad ng bigay slash utang mo, sa akin kana may utang ngayon at hindi na sa boss mo na slash kaibigan mo rin."

Malapad na ngiting wika ng dalaga sa nobyo. Pinisil naman agad ni Seb ang tungkil ng ilong nito at ngumiti.

"Ang tanong ko ang sagutin mo hon."

Tanong nito muli. Tuluyang inangat ni Kath ang ulo nito sa dibdib ni Seb at tinitigan ito.

"Dahil ayokong nakikita kang nahihirapan Seb, alam ko mali 'yung ginawa ko pero yun lang ang tanging alam ko para makatulong sa problema mo hon."

She softly answered. Napangiti naman si Seb at pinisil ang pisngi ni Kath.

"Pasaway ka talaga Kath,"

Saka mabilis na pinagpalit ang kanilang pwesto dahilan para mapailalim si Kath at siya naman ang nakakubabaw rito.

"So anong plano mo ngayon mahal ko?"

Mapanuksong tanong ni Kath sabay pisil sa ilong ng nobyo.

"Paano kita mababayaran mahal ko?"

He smirked. Biglang lumapad ang ngiti ni Kath saka kumapit sa batok ni Seb and kissed him.

"Huwag mo lang akong iwan Saviour sapat na kabayaran na 'yon. Hindi ko hinihingi ang bayad mo ang gusto ko lang 'wag mo akong iiwan ng walang paalam."

She softly said. Tinitigan naman siya ng taimtim ng binata at napalunok.

Alam ni Seb na malabo ang hinihiling nito, pero gagawin niya ang lahat para matupad ang gusto ng nobya na magsama sila magpahangang kailanman. Kaya gagawa siya ng paraan para makumbinsi ang ama nito na manatili sa piling ng nobya at pakasalan ito sa tamang panahon.

"I will hon, i will!"

Tanging sagot nito sabay halik sa labi ng nobya.

-----------

Umalis na si Seb sa pagtatrabaho sa bar, ngunit nanatili ito sa coffee shop para may pagkakitaan siya. Si Kath naman ay hindi na umuuwi sa kanilang bahay sa halip ay kay Seb na ito umuuwi. Alam ni Kathalina na hindi nagugustuhan ng kanyang magulang ang ginagawa niyang ito, ngunit hinahayaan na lamang siya ng mga ito dahil alam naman nilang hindi sila pakikinggan ng dalaga.

"Hon nasaan ka?" Kath asked Seb on the phone habang kumakain sa kanilang maliit na kusina.

"May dinaanan lang ako hon," Seb answered.

"Okay! Papabili sana ako nang yogurt hon, okay lang ba?" Nakangiting turan ng dalaga kay Seb.

"Okay-okay hon," Maikling sagot nito.

"Okay bye! Ingat hon." Paalam nito sa nobyo.

"Okay hon, you too!" Paalam din ng binata.

Sabay nilang binaba ang tawag at nagpatuloy na muli si Kath sa pag-kain. Nang bigla niyang maalala si Stella kaya tinawagan niya ito at sinagot naman agad ng kaibigan niya ang tawag.

"Hi sissy kumusta?" Nakangiting turan nito kay Stella.

"Hey! Nandito ako sa hospital."

Bakas ang pagpapanik sa tono ni Stella sa kabilang linya, dahilan para mapakunot ang noo ni Kath at mapatigil sa pagkain.

"Bakit? Anong problema Stella?"

Kath asked.

"Sam got miscarried, Kath! She lost her baby!"

Tila niiyak nitong turan sa kabilang linya.

Napaawang ang labi ni Kath at nasapo ng kamay ang kanyang bibig. Kaagad siyang tumigil sa pag-kain at tumayo.

"Saan'g hospital kayo ngayon?" Nag-papanik niyang tanong.

"Nasa hospital namin Kath," Nanginginig Nitong sagot kay Kath.

"Okay-okay! Hintayin mo ako riyan."

Sabay baba nito sa tawag. Nagmadali itong magbihis at umalis saka tinext ang nobyo para magpaalam.

-----------

Gulong-gulo ang utak ni Saviour habang papauwi ng apartment at kahit nakauwi na ito ay hindi pa rin nito magawang iwaksi sa isipan ang mga katagang sinabi sa kanya ng ama ni Kath. Kanina habang papauwi na ito sa trabaho ay sinalubong siya ng mga tauhan ni Mr. Ramirez at pinilit na sumama sa kanila para kausapin ang matandang Ramirez.

"Kailan mo ba planong iwan ang anak ko Saviour?" Walang bahid ng ngiting tanong ni Mr. Ramirez. Hindi naman alam ni Seb kung ano ang isasagot kay Mr. Ramirez kaya nanatili itong tahimik.

"Are you mute Mr. De Cena? Bakit hindi ka makasagot?" Bakas na ang galit sa tono ng pananalita nito. Kaya napatikhim na lamang si Seb at seryosong tinignan ang matandang Ramirez.

"Hindi ko po kayang iwan ang anak niyo Mr. Ramirez! Im sorry but I couldn't let Kath run away again from me. I-i love your daughter so much at lahat gagawin ko para sa anak niyo!" Matapang nitong sagot na salungat sa gusto ng ama ni Kath. Matalim na titig ang pinukol ni Mr. Ramirez sa kanya bago ito tumayo at walang paalam na iniwan si Seb.

Alam ni Seb na sinusubukan lamang siya ng matanda at nasa sa kanya na yun kung magpapadala siya rito. Ngunit kahit nakauwi na nga siya hindi pa rin niya maiwasang mag-aalala para sa nobya. 'Paano kung si Kath ang ipitin nila at higpitan? Paano kung gamitin ni Mr. Ramirez ang impluwensya niya sa akin at sa pamilya ko? Ayokong mag-isip ng masama, but I couldn't help it!' Bulong nito sa sarili.

Habang wala pa si Kath ay inabala muna ni Seb ang sarili sa paghahanap ng makakatulong sa kanyang kahaharapin na problema. Alam niyang ayaw ni Mr. Ramirez sa kanya dahil sa antas ng pamumuhay niya kaya hahanap siya ng paraan para mapatunayan na kaya niyang buhayin si Kath in his own way at upang maipagmalaki siya ng mga Ramirez.