Chapter 8
Tatlong araw nang nasa Hospital si Shaun at hindi niya rin ako kinakausap. Nag aalala na ako dahil hindi din siya nakain.
Sinubukan na rin siyang kausapin nila mama Sarah pero hindi niya ito pinapansin.
" Hija, ikaw na ang bahala kay Shaun ah? Alam kong makikinig siya sa'yo." tumango lang ako at niyakap si mama Sarah. Ramdam ko ang lungkot niya ngayon.
Pumunta ako sa Hospital dala ang pagkaing niluto ni Ate Zia para kay Shaun. Si Andrei ang binabantayan ni Shaun ngayon dahil wala naman itong pamilya.
Kumatok muna ako sa pintuan ng kwarto ni Andrei bago pumasok. Naabutan ko si Shaun na naka upo sa couch at nakatingin sa labas ng bintana.
Tumingin ito sa akin at nagulat ako sa paraan ng pag tingin niya, wala iyong kabuhay-buhay. He's not the Shaun that I know.
" Let's talk." he uttered using a cold voice. Lumabas siya sa kwarto kaya sumunod ako na naguhuluhan sa nangyari.
Pumunta kami sa rooftop.
" Uhm... anong pag uusapan natin?" pinasigla ko ang boses ko kahit kinakabahan ako.
" Magpahinga muna tayo." sabi niya ng hindi lumilingon sa akin.
" Ha? Nagpapahinga naman ako, ikaw nga diyan ang inaalala ko." lumingon siya sa'kin at walang kahit na anong emosyon ang mababasa sa mata niya.
" That's not what I mean. I'll filed an annulment. Kapag nabigay na ng abogado ko 'yon sa'yo pirmahan mo nalang." he said without any emotions.
With what he said, I feel the pain in my heart. Makikipag hiwalay siya?
" W-what? You must be kidding, Shaun."
" I'm serious, Zariya, I'm tired to you, I'm always there for you to the point that I'm losing myself."
Hindi ako makapaniwalang umiling.
" You don't love me, right? My dad just ordered you to take care of me, tama ba ako?!" I shouted and my tears started to fall.
" N-no, I love y-" i cut him off.
" If you really love me then why are you fucking tired with me?!"
" S-sorry, magulo lang ang isip ko ngayon."
" Fix yourself, Shaun. I'll be back tomorrow." walang gana kong saad. Nilagpasan ko siya at tuloy-tuloy na bumaba galing sa rooftop.
Umuwi ako sa bahay ni mommy ng bagsak ang balikat. Hindi ako pumunta sa kaniya para lang magtalo kami!
" O anak? Akala koba ay pupuntahan mo si Shaun?" my mom asked while watching a k-drama. Her comfort zone.
" Galing po ako doon." magalang na sabi ko. Maybe I was bitch pero pagdating sa magulang ko ay malambot pa ako sa malambot!
" Kumain kana ba? Ipagluluto kita." umiling lang ako bago tumabi sa kaniya at isinandal ang ulo sa balikat niya.
" Nag away kami ni Shaun, mom..." parang batang sumbong ko at inalala ang nangyare kanina kaya hindi ko maiwasang hindi maluha.
" Hmm, what happened?" she asked softly. Lalo akong naiyak sa tanong niya.
" H-he's planning to filed an annulment." narinig ko ang pagsinghap niya sa narinig.
" What? I'll talk to him." agad ko siyang pinigilan ng tumayo siya.
" Mom, mag asawa napo kami. Kaya na namin 'to." i uttered.
" Sus, e bakit parang bata kang nagsusumbong diyan?"
" Pagod na daw siya, nakakapagod ba akong mahalin?" naging seryoso ang mukha ni mommy sa tanong ko.
" Hmm, hindi lang maayos si Shaun ngayon kaya niya siguro nasabi 'yon. Try to understand him nalang." tumango nalang ako at niyakap siya.
NBSB ako at wala pang minahal na lalaki sa buong buhay ko, but except my dad. At ngayon na may sinusubukan na akong mahalin ay natatakot ako.... na baka iwan niya din ako katulad ng ginawa ni dad kay mommy. Hindi ko kakayanin 'yon.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumunta sa Hospital. Pero ikinagulat ko ng maabutan si Shaun sa kusina!
" A-anong ginagawa mo dito?" I asked nervously. O God! Sana wala siyang dalang annulment paper!
Napatingin siya sa akin at matamis na ngumiti. Shet! Nakakatunaw!
" Good morning, wife..." he greet me softly. O my God! My Shaun is back! Nangingilid ang luha ko kaya agad akong tumingala.
Tangina, ganito pala kapag nagmamahal. Nagiging emotional! Pero dati napaka bato ng puso ko, jusko!
" G-good morning din." shet! Kailan kapa nautal pagdating sa lalaki, self?
Para akong lumulutang sa ere ng maamoy ang niluluto niya, adobo. My favorite!
" Uhm, okay kana ba?" hindi maitago sa boses ko ang pag aalala.
Hindi muna siya sumagot at hinain ang pagkain sa mesa.
Sumenyas siya na umupo ako sa upuan kaya sumunod naman ako.
" Okay na'ko, sorry kahapon... i made you cry." hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyon ng marahan. Hindi ako makagalaw! Bumubuka ang bibig ko pero walang salitang lumalabas. Tangina, ganito pala ako kiligin!
" Hey, are you okay?" he asked worriedly, nag iwas ako ng tingin.
" You're blushing." he said and chuckled. " Cute..." he added.
Hindi kona kaya!! Binawi ko ang kamay ko na hawak niya at tumakbo papunta sa kwarto ko, muntik pa akong madapa! Pagpasok sa kwarto ay napasandal ako sa pintuan. 'Yung puso ko, abnormal na ata! Ang bilis ng tibok! Kailangan kona magpatingin sa doctor bukas.