Chapter 9
Matapos ng pangyayaring 'yon ay naging normal ulit ang tibok ng puso ko, hindi naman kase siya nang aasar, dahil siguro kasama namin si mommy.
Papunta na ako ngayon sa company dahil tapos ng ang leave ko. Ako na ang CEO kaya mas kailangan kong maging responsable.
I wore a slacks and white shirt, nilagyan ko lang ito ng blazer . Naglagay din ako ng red lipstick dahil bagay 'yon sa maputi kong mukha. Matapos mag ayos ay lumabas na ako ng bahay, naghihintay ang gwapo kong asawa kaya napangiti ako.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya sumakay agad ako. Nagpatugtog na din ako dahil ayoko ng akward. Kahit mag asawa kami ay nahihiya parin ako! Nagsalita siya kaya hininaan ko ng kaunti ang music.
" Wife..."
" Hmm?" tumingin ako sa kaniya. Lumingon siya sa'kin bago ibalik sa daan ang tingin.
" Tungkol sa Shop ko, plano ko sanang magpatayo ulit..." he trailed off. " May ipon pa naman ako kaya hindi ko iaasa sa'yo lahat ng gastos sa bahay. Pero naisip kona sa susunod nalang kase i want to focus to you..... to us."
Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Masyadong affected, girl?
Inhale. Exhale.
" I-ikaw bahala." Nice. Walang kwentang sagot.
Hindi na siya nagsalita ulit hanggang makarating kami sa company.
" Sasama ako sa'yo sa loob." saad niya habang papunta kami sa elevator. Napakunot naman ang noo ko.
" Anong gagawin mo don? Baka mainip ka lang kase marami din akong gagawin." liar. Naiilang kase ako, alam kong tititigan niya lang ako buong araw!
" Paano ako maiinip kung ikaw naman ang nakikita ko." he huskily said. Sasapakin ko'to kapag hindi tumigil!
Hindi ako sumagot dahil alam kong mauutal lang ako. Talandi neto ampota!
Pagkarating sa office ay pupunta na sana ako sa desk ko ng hilahin niya ako at pinaupo sa couch. Tangina.
" Maaga pa naman, dito ka muna." he whispered to my ears. Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko kaya nagtayuan ang mga balahibo ko. The fudge!
" S-shaun, ano bang ginagawa mo?" i asked nervously.
Humarap ako sa kaniya na agad kong pinagsisihan. Ang lapit ng mukha niya! Amoy na amoy ko ang mabangong hininga neto. Napalunok ako ng lalo pa siyang lumapit. He was about to kiss me when the door open and my secretary entered the room. Agad akong lumayo kay Shaun. Nakaligtas! Tiningnan ko si Shaun ay natawa ng mahina dahil sa itsura niya. Inis na inis!
" H-hala! Sorry po..." yumuko ang secretary ko ng makita si Shaun.
" Anong kailangan mo?" I asked formally bago pumunta sa desk ko.
Lumapit naman agad siya sa'kin, nilingon ko si Shaun at ang sama ng tingin niya sa babae. Napaikot nalang ako ng mata.
" Iyong pinag kukuhaan po kase natin ng materials ay nasunog po ang pabrika kaya po kailangan natin humanap pansamantala ng bagong magiging supplier."
" Sige, maghanap ka muna ng bago then asked me first if pwede na 'yon." tumango lang siya bago lumabas ng office ko.
I turned my gaze to Shaun and he's staring at me! I raised my eyebrow.
" Kiss ko." he said and pouted.
" Umuwi kana nga."
" Ayoko." matigas na aniya bago sumandal sa kinauupuan niya. Parang bata!
" Hindi ako makakapag concentrate." seryosong sabi ko. He sighed.
" Sabi konga uuwi na'ko, i-text mo ako kapag pauwi kana." i smiled before nodded.
Nasa pinto na siya nang lumingon ulit siya sa'kin.
" What?" mataray na tanong ko.
Naging mabilis ang hakbang niya at hindi ko napansin na nasa harapan kona siya. He lean closer to me and give a peck on my lips. What the......
Nakatulala lang ako at hindi napansin na nakaalis na pala siya. Nang marealize ang ginawa niya ay napatili ako.
Maghapon akong nagtatrabaho pero hindi parin mawala sa isip ko 'yung ginawa niya! Kanina pa ako parang bulate dito dahil hindi ako mapakali. Kanina din ay nagtanong ang secretary ko kung bakit daw ako namumula! Sa tanong niya ay lalo akong namula! Shuta ka talaga Shaun. Lagot ka sa'kin mamaya. Napangisi ako sa kalokohan na naisip ko.
Alas otso na ng gabi ng i-text ko siya.
Me: Pauwi na'ko.
Wala pang isang minuto ng mag beeped ang cellphone ko.
Shaun my Sugar dadeh: I'll be there in 10 minutes.
Napangiti ako sa pangalan niya sa contacts ko. Sigurado akong uusok ang ilong non kapag nakita 'to!
Linigpit kona ang gamit ko bago lumabas sa building.
Nasa labas na siya at nakasandal sa kotse niya. He's wearing a polo shirt and maong shorts na hanggang tuhod niya ang haba. Wala ring gel ang medyo mahaba niyang buhok kaya bahagya itong hinahangin. Ang hot!
Napatingin ako sa labi niya at agad na napalunok. Umayos ka Zariya!
Napaiwas ako ng tingin nang lumapit siya sa'kin.
" Nag dinner kana?" he asked softly.
" H-hindi pa." i stuttered.
" Saan mo gusto kumain?"
" Kahit saan mo gusto." i replied and he chuckled. Ang wala ko talaga kwentang kausap kapag siya ang kaharap ko.
" Hey, look at me." he uttered. Hinawakan niya ang baba ko at pinakatitigan ako. Naging malikot ang mata ko 'wag lang tumingin sa mga mata niya.
" K-kumain nalang tayo, nagugutom na'ko." i uttered. Nagtungo ako sa kotse niya at agad na pumasok doon.
Bakit ganon na kalakas ang epekto niya sa'kin? Malala na'ko.
" Anong gusto mo? Sa labas nalang tayo kakain o ipagluluto kita?" he asked while driving.
" Pagod kaba?" tanong ko at hindi pinansin ang tanong niya.
" Ha? Hindi naman, bakit?"
" Edi ipagluto mo'ko." masayang saad ko.
Pagkarating sa bahay ay dumeretso agad siya sa kusina. Ako naman ay dumeretso sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos magbihis ay pumunta na ako sa kusina. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin na nandoon ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya sa likod, ramdam ko ang paninigas ng katawan niya.
" Wife..." he uttered.
" Magluto kalang diyan." binitawan niya ang hawak niyang sandok at tinanggal ang kamay ko na nakayakap sa kaniya. Humarap siya sa'kin.
" Wife..."
" Hmm?"
" M-mahal mona ba ako?" nahihirapang tanong niya. Hindi ko inaasahan na itatanong niya 'yon! Tumingin ako sa mata niya, nakakalunod iyon, halo-halong emosyon.
Hindi ako makasagot.
" Huwag mo muna sag-" i cut him off using my lips. Yes, i kissed him. Nakadikit lang ang labi ko sa labi niya, walang gumagalaw. Hihiwalay na sana ako ng hawakan niya ang batok ko at siya na ang humalik sa akin. Banayad lang iyon at hindi agresibo. Nang maubusan kami parehas ng hininga ay humiwalay na siya.
"Siguro naman sapat ng sagot 'yan sa katanungan mo." i uttered.