Chapter 7

" Wow! Ang sarap ng luto mo, ate Zia." manghang sabi ko. Hindi kase siya pumayag na hindi kami makakain kaya pinamili niya si Shaun.

" Mas masarap na luto niya kesa sa'kin?" parang batang tanong ni Shaun.

" Oo." Padabog niyang binitawan ang kutsara at tinidor.

" Ayoko na! Magsama kayo!" inis na sabi niya bago pumunta sa kwarto niya. Natawa nalang si ate sa inasta niya.

So childish! I can't believe na ang isang tulad niya ay matatagalan ko ng ilang buwan. Kung ako lang masusunod sinipa kona palabas ng bahay 'yan! Kidding.

" Baliw talaga." naiiling na sabi ni ate.

" Uhm, sorry po nung nakaraang punta ko dito..." nahihiyang sabi ko.

" Ayun ba? Ayos lang 'yon, hindi mo pa naman ako kilala non." she said and chuckled. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at ang ganda niya! Hindi ko ata tanggap na may nakahigit sa ganda ko.

" Ang ganda mo." nakangusong sabi ko.

" I know right." sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain. Mukhang magkakasundo kami!

" Salamat sa pagkain, akyat muna ako sa taas at mukhang may magpapasuyo." paalam ko, tumango lang siya.

" Shaun!" sigaw ko at kinakatok ng malakas ang pintuan. Bumukas naman agad 'yon at bumungad sa akin ang mukha niyang nakasimangot at salubong ang kilay.

" Ano?" hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng kwarto.

" Hindi mo inubos ang pagkain mo, galit si ate." kahit hindi naman totoo.

" Hayaan mo siya." balewalang saad niya at nahiga sa kama.

" Hoy! Para kang bata, bumangon ka nga diyan."

" Suyuin mo'ko!" sigaw niya at nag takip ng kumot. The hell? Wala nga akong alam sa mga ganyan tapos magpapasuyo siya?

Lord, bigyan niyo ako ng mahabang pasensya.

" Oo na, mas masarap na luto mo." totoo naman, binibiro ko lang naman siya kanina, tsk! Mabilis siyang nag tanggal ng kumot at humarap sa akin.

" Talaga?"

" Oo nga." sabi ko at inikutan siya ng mata.

" Ako lang 'to." ang yabang!

Napatili ako ng bigla niya akong hilahin pahiga sa kama niya.

" Hindi ako nabusog kanina." bulong niya kaya napalunok ako.

" E-edi kumain ka."

" Ikaw ang gusto ko."

" Manyak! Manyak! Manyak!" para akong baliw na nagsisigaw dito at pinagbabato siya ng unan. Tawa naman siya ng tawa. Masaya talaga siya kapag naaasar ako!

" Tama na, binibiro ka lang e." aniya kaya tumigil na ako.

" Huwag mo ng uulitin 'yon, hindi ka talaga makakalapit sa'kin."

" Pero wife, kapag mag asawa may honeymoon." nakangising saad niya.

" Shaun Perez!"

" O bakit? Noong kinasal tayo wala namang nangyari." nakasimangot na sabi niya.

" Kapag hindi ka tumigil aalis ako." seryosong saad ko kaya tinaas niya ang dalawang kamay niya na suko na.

The fudge! Feeling ko sa mga pinagsasabi niya nangangamatis na mukha ko ngayon.

" Nahihiya ka ba?" he asked while laughing.

" H-hindi ah! Ang bastos mo talaga!"

Tsk, sumakit sana tiyan mo!

Napatingin kami sa cellphone niya ng mag ring iyon.

" Sagutin ko lang." tumango lang ako bago siya lumabas ng kwarto.

Ngayon palang ako nakapasok sa kwarto niya kaya nilibot ko muna ang paningin sa kabuuan nito. It's a black and white theme. My favorite!

" Zariyah!" rinig kong sigaw ni ate sa baba kaya dali-dali akong pumunta sa kaniya.

" Ate? Anong nangyare?"

" May nangyare ba kay Shaun? Nagmamadali kaseng umalis e tapos parang nag aalala pa." takang aniya.

" Wala naman po, pero may tumawag sa kaniya e."

Sinubukan ko nalang na tawagan si Shaun pero hindi ito nasagot. Nakailang tawag na ako pero hindi pa rin siya nasagot kaya nakaramdam na ako ng kaba.

" Ate, puntahan natin siya." tumango lang siya kaya lumabas na kami ng bahay, napamura nalang ako sa isip ko ng maalalang naiwan sa shop niya ang kotse ko!

Nag ring ang cellphone ko kaya tiningnan ko agad ito. Natawag si mama Sarah.

" Hello, ma?".

" Hija, ang shop ni Shaun.... nasunog."

I gasped when i heard what she said.

" S-si Shaun po? Okay lang po ba siya?" nagaalalang tanong ko.

" Oo, pero ang mga tauhan niya ay critical ang lagay. Pumunta ka sa hospital, kailangan ka niya..." pinatay ko na ang tawag at agad na sumakay sa taxi na nasa harapan na namin. Siguro ay tinawag ni ate.

" Sa malapit na hospital po, kuya."

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil nag aalala ako kay Shaun.

Pagkarating sa Hospital ay bumaba agad ako ng taxi at hindi na hinintay si Ate Zia.

Sa labas palang ng Hospital ay marami ng pasyente na nakakalat. Lahat sila ay may sugat sa katawan kaya sa tingin ko ay nasa bakeshop din sila. Nakita ko siya sa labas ng emergency room na nakaupo at nakayuko. Linapitan ko agad siya.

" Shaun..." nag angat siya ng tingin sa akin at kita ko ang takot sa mga mata niya. Agad ko siyang niyakap.

" W-wife..."

" Shh, I'm here." umiyak lang siya ng umiyak habang kayakap ako. Alam kong mahalaga sa kaniya ang bakeshop na 'yon kaya alam kong mahirap para sa kaniya ang nangyari ngayon.

Hindi lang pala mga stuff niya ang nadisgrasya sa nangyari, pati na rin ang ibang customer kaya medyo malaki ang babayaran. Hindi ko nalang sinabi sa kaniya pero ako na ang nagbayad ng hospital bills ng mga customer. Mabuti nalang din at napakiusapan ko ang mga pamilya nila na 'wag ng magsampa ng kaso.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ang nangyare kung aksidente ba iyon.