Epilogue
T H R E E Y E A R S A F T E R
HABANG hawak ni Ensley sa kamay ang palumpon ng boho flowers ay pinag-masdan niya ang buong paligid.
Maraming bisita ang makikita, mga pamilya at mga kaibigan. Kita sa mga mata at ngiti ng mga ito ang saya. Nakasuot ang mga ito ng magagarang kasuotan para sa okasyon ngayon. Kasalukuyan din sila nasa isang kagubatan. Dito naisipan ganapin ang importante na okasyon ngayon.
Binaling niya ang tingin sa lalaki nasa unahan. Masaya itong naka tingin at makikita sa mga mata nito kung gaano nito inantay ang araw na ito, kahit siya ay hindi na rin mapigilan na ngumiti at maluha sa nakikita sa unahan.
Sa tinagal nang pag iintay nila ay ngayon ay mag iisang loob na ang dalawang matalik nilang kaibigan na sina
Xavier at Zoey.
Naka-suot siya ngayon ng isang kulay kayumanggi na mahabang velvet gown. May slit din ito sa gilid at short sleeve ang gown na may mahabang v cut sa dibdib.
Tumuloy na siya sa pag lakad sa aisle. Kahit hindi siya ang ikakasal ay kinakabahan pa rin siya dahil maraming mga mata ang naka tingin sa kaniya ngayon.
Dumako ang mata niya sa lalaking katabi ni Xavier, nakatingin din ito sa kaniya na mas lalong nag bigay ng kaba at pag bilis ng kaniyang puso.
Nang makalapit na siya sa unahan ay nginitian niya si Xavier at tumuloy na para sa assigned seat niya.
Maririnig sa buong paligid ang tinig ng mga ibon at mga dahon sa tuwing tumatama ang hangin dito. Maganda rin ang simoy ng hangin at kahit malamig ay ayos lang.
Bumaling ulit siya sa aisle kung nasaan marahan nag lalakad si Zoey patungo sa unahan. Naka-suot ito ng magandang wedding dress at nakataklob din ang belo sa mukha nito.
May hawak din itong palumpon ng puting rosas, at kung titingin ka sa mukha nito ay mapapansin na lumuluha na ito sa kasayahan. Kasama ni Zoey ang magulang niya sa mag kabilang braso nito.
Nang makalapit sa unahan ay nag mano muna si Xavier sa magulang ni Zoey bago kinuha ang kamay nito sa mga ito.
Nag palakpakan sila matapos halikan ni Xavier si Zoey sa labi habang napa-dayo ang kaniyang mga mata sa kabilang bahagi ng mga upuan at nag salubong ang mga tingin nila ni Dior. May bahid ng emosyon ang makikita sa mata ng lalaki na hindi niya mawari.
Nawala lang ang atensyon niya rito ng kausapin na siya ni Chloe.
"Ens, hindi na ba kita mapipigilan?" Malungkot na tanong nito sa kaniya. Ngumiti siya na parang sinasabi na magiging maayos din ang lahat.
AFTER ng wedding ay pumarito naman sila ngayon sa reception ng kasal. Andito pa rin sila ngayon sa kagubatan, sa hindi kalayuan kung saan ginanap ang kasal nila Xavier at Zoey ay may isang tent naka tayo sa gitna ng mga puno.
Makikita sa labas ang loob nito na may mahahabang lamesa na upuan. May old chandelier din sa itaas ng tent para maging ilaw sa buong lugar at ilang mga maliit na ilaw nakapaligid sa buong tent. Simple lang ito pero nakaka fresh sa mata dahil na rin sa mga kulay berde na puno at damo.
Dapat kasama niya ngayon ang kuya Logan niya ngunit busy ito sa kaniyang trabaho.
Kumapit siya sa braso ni Chloe, papasok sa loob ng tent. Walang assigned seats kaya sumunod na lang sila sa kapatid nito na si Parker kasama ang girlfriend nito na si Harper.
Oo, nakahanap na rin ng girlfriend ang loko. Ang salitang destiny ay para talagang para sa kanila, dahil sa pangalan pa lang ay mag katunog na at dahil na rin sa istorya ng dalawa.
"Babe!"
Lumingon sila sa lalaki na tumawag at pinag masdan nila ito na papalapit sa kanila.
"Bigla ka na lang nawala sa kamay ko." Saad pa nito. Tumawa naman siya at tinitigan si Hunter, malaki itong tao, may magagandang mga mata, makapal na kilay at may dimple sa kanang pisngi nito.
"Ensley!" Nawala siya sa pag iisip ng tawagin siya nito at masungit na tinitigan siya.
"Kinukuha mo na lang palagi si Chloe sa akin." Kunwari na pag mamaktol nito sa kaniya. Hindi niya mapigilan na tumawa sa akto nito, dahil kay laki-laki nitong lalaki pero pag dating kay Chloe ay para itong bata.
"Babe, alam mo naman na mas nauna sayo si Ens." Sabi pa ni Chloe na mas lalo niya kinatawa dahil hindi na maipinta ang mukha ni Hunter sa sinabi ni Chloe sa kaniya.
"Papahiram ko na ulit sayo si Chloe, at baka awayin mo pa ako." Pabiro na saad niya rito. "What? Ens? Iiwan mo na nga ako nang tuluyan, ayaw mo pa sulitin pag sasama natin ngayon?" Madrama na saad pa ni Chloe sa kaniya pero naka hawak na ito sa kamay ni Hunter.
Napa-iling na lang siya at lumapit na sa lamesa kung nasaan sina Parker at Harper. Naramdaman niya rin na naka sunod sa kaniya sina Chloe at Hunter.
Umupo siya na may ngiti sa labi, ang mga kaibigan niya ay masasaya na ngayon at nakahanap na ng tao na mag papasaya sa kanila.
"Mukha ka talagang unggoy kapag naka-ngiti." Dumako ang mata niya sa opposite na inuupuan niya at nakita niya si Parker na may malokong ngiti sa kaniya habang naka patong ang braso nito kay Harper.
"Love!" Suway pa ni Harper sa nobyo. "Ako na naman nakita mo." Lumingon siya kay Harper na walang magawa at sanay na sa ugali ni Parker. "Ate!" Tawag niya rito at nang hihingi ng saklolo.
"As if naman sayo kakampi si love ko." Presko na saad nito sa kaniya. Kinurot pa nito ang pisngi ni Harper.
Tinaboy ni Harper ang kamay ng lalaki. "Parker, tigilan mo na si Ensley." Suway nito na kinagulat niya dahil pinag tanggol siya ni Harper kaysa kay Parker.
Tumingin sa kaniya si Parker na naiinis pero nginitian niya lang ito at binilatan. "Iba talaga alindog ko. Haha."
"Tameme ka naman kapag nandiyan si Dior." Banat pa nito sa kaniya and on cue ay dumating na ito sa lamesa nila at umupo sa side nila Parker na medyo malayo sa kanila.
Katulad nang sinabi ni Parker ay hindi na naman siya naka pag salita at natahimik habang pinag masdan kanina si Dior mag tungo sa upuan nito.
"I told ya! Hahaha!" Natatawa na asar ni Parker sa kaniya.
KATULAD sa kadalasan na ginagawa sa kasal. Ang groom ay kailangan tanggalin ang garter sa binti ng bride habang sa bride naman ay kailangan niya ihagis ang kaniyang bulaklak.
May malawak na space sa gitna para roon gamitin ang program. May isang upuan nakalagay doon at naka upo na roon si Zoey habang inaantay si Xavier tanggalin ang garter sa binti nito. Nag hiyawan ang mga tao nang pumasok na ang mukha ng lalaki sa loob ng gown ni Zoey para tanggalin ang garter dito.
May mga matatanda na tumatawa dahil sigurado naranasan na nila iyon at ilang kababaihan at kalalakihan na kinakatsyawan ang mag asawa.
Nag palakpakan sila ng matanggal na ni Xavier ang garter. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa labi bago pumuwesto sa mga lalaki nakahalera sa gitna na mga walang nobya.
"Wait! Pre, may hahabol." Singit ng isang lalaki na kaibigan ata ni Xavier at hinila si Dior sa mga lalaki nakahalera roon. Nakita niya na hindi nito gusto ang pag hila sa kaniya pero wala na siya magawa dahil marami ang nakatingin sa kaniya.
"Alright! Ready?" Natatawang tanong ni Xavier nang pumuwesto na sa gitna patalikod para ihagis ang garter sa mga lalaki.
Tumawa sila nang mag unahan ang mga lalaki na kunin ito pero nang tumingin siya kay Dior ay nakatayo lang ito roon at naka tingin sa kaniya. Umiwas siya agad ng tingin dito at binalik sa lalaking nakakuha ng garter.
"Ethan! Ethan! Ethan!" Chant ng mga kalalakihan sa lalaki nakakuha ng garter. May ngiti ito na nahihiya but at the same time natutuwa rin.
"Young ladies!" Tawag ng host sa mga babae na walang nobyo para mag participate sa pag hagis ng bulaklak ng bride.
Nakatayo lang sa gilid at pinag mamasdan ang mga ito sa unahan nang hawakan siya ni Chloe sa braso at may ngiti itong nakakaloko. "No! I don't like what you're thinking."
"Babe! Help me here."
Lumapit si Hunter sa kabilang braso niya at hinila na siya sa unahan ng mga ito. Nginitian siya ni Zoey ng makita siya nito.
"Lagot talaga kayo sakin mamaya." Baling niya sa mag kasintahan pero tinawanan lang siya ng mga ito at bumalik na ulit sa pwesto kanina.
"Ready? Ladies?" Nakangiting tanong ni Zoey sa kanila.
Wala siyang balak maki pag agawan sa mga ito kaya tumayo siya sa pinaka dulo dahil sigurado siya na mag kakagulo sa unahan. Tumalikod na si Zoey, natawa naman siya sa mga babae nasa unahan niya. Marami may gusto makakuha ng bulaklak ni Zoey dahil napag kaalaman niya na sikat sa mga babae yung Ethan kanina.
Masasabi niya na may itsura ito at mukhang mabait but at the same time may kapilyuhan sa mga ngiti nito.
Ang mga groomsmen ay naka-suot ng pare-parehas na kulay light gray na trouser, itim na polo sa pang loob nito at naka bukas din ang dalawa o tatlong butones na pinatungan ng light gray na tuxedo jacket.
Pero ngayon ang binata ay naka polo na lang ito at naka tupi ang manggas hanggang siko.
Inihagis ni Zoey ang bulaklak at nag puntahan sa unahan ang ibang kababaihan pero masyadong malakas ang pag kaka-hagis ng bride sa bulaklak kaya umabot ito sa dulo. Namalayan na lang niya na hawak-hawak na niya ang binato nitong bulaklak.
Gulat siyang tinitigan ang bulaklak sa kamay niya at pagkatapos ay inangat niya ang kaniyang paningin sa unahan na ngayon nakatingin na sa kaniya. Nakita niya pa na malokong naka ngiti sina Chloe at Hunter sa isang tabi.
Lumapit sa kaniya ang host na si Zeze at kumapit sa kaniyang braso para idala sa unahan kung nasaan ang mag asawa at si Ethan.
Nang makalapit na sila ay humalik si Zoey sa pisngi niya.
"What's your name?" Tanong sa kaniya ni Zeze na host. Alanganin naman siyang sumagot dito. "Ensley."
"What a beautiful name like you." Bola pa nito sa kaniya. "Everyone, please give a round of applause to Ethan and Ensley—" Nag palakpakan naman ang mga tao naroon.
"Oh my! Parehas pa kayong nag sisimula sa E. Is this what you called destiny?" Saad pa ni Zeze sa kanila. Bahagya naman na tumawa si Ethan at nang tingnan niya ito ay naka ngiti na ito sa kaniya.
Kumapit siya kay Zoey dahil nahihiya na talaga siya lalo na ang daming mga mata ang naka tingin sa kaniya. Hinanap niya sa dagat ng tao si Dior.
Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ito sa gilid kausap si Parker, naka hawak si Parker sa braso nito na parang pinipigilan si Dior. Lumapit na rin sina Chloe at Hunter sa mga ito.
Kumunot ang noo niya ng parang nag tatalo na ang mga ito. Gusto na sana niya puntahan ang mga ito para mag tanong pero nakuha ang atensyon niya nang mag salita na si Zeze.
"Simple lang ang gagawin niyo, gagayahin niyo lang ang ginawa ng mag asawa kanina." Paliwanag nito sa kanila at inabot sa kaniya ang garter. Nag tataka naman siya kung bakit binibigay ito nito sa kaniya.
"Suotin mo sa binti mo, Ens." Wika ni Zoey nang mapansin siya nito.
"Anyway, Ethan and Ensley. Wala naman kayong jowa diba?" Napalingon siya kay Zeze at pagkatapos kay Ethan na tinaasan siya ng kilay.
"I might have after this." Maloko na sagot ni Ethan kay Zeze pero sa kaniya ito nakatingin. Umiwas siya nang tingin dito at binalingan si Zeze.
"I- pwede ba na ibang babae na lang?" Bulong niya rito. Tumawa naman si Zeze. "Let's ask our groom and bride. Papayagan niyo ba na palitan si Ensley?" Tanong nito sa mga ito na kinalaki ng mata niya dahil sinabi pa talaga nito sa mic yung binulong niya.
"Sayang naman, ikaw pa naman nakakuha ng atensyon ko." Saad pa ni Ethan.
"It's okay." Sagot ni Zoey sa tanong ni Zeze. Naka hinga na siya ng matiwasay dahil hindi niya kayang gawin yung ginawa nila Zoey at Xavier kanina lalo na sa ibang lalaki na ngayon niya lang nakita.
NAKATANAW si Ensley sa malawak na karagatan at payapang kalangitan. Yumayakap din sa kaniya ang lamig ng simoy ng hangin. Niyakap niya ang sarili habang nakangiti pinag mamasdan ang kagandahan ng tanawin sa unahan niya.
Pinikit niya ang mga mata at mas lalo pinakiramdaman ang tuma-tamang hangin sa balat niya at pina-kinggan niya rin ang tunog ng pag hampas ng alon sa karagatan.
Nang dumilat siya ay pa-palubog na ang araw sa hindi kalayuan. Nag desisyon siya na rumito na sa Costa, tinapos niya lang ang kolehiyo niya sa Centro.
Gusto niya tumulong sa mga magulang niya sa pag papatakbo ng kanilang resto. Yung matagal na niyang hinahanap ay dito niya lang pala ulit mahahanap sa Costa, sa piling ng pamilya niya at mga pamilya na kinalakihan niya.
Sa huling pag kakataon para sa araw na iyon tumingin siya sa karagatan at pagkatapos ay tumalikod na pero laking gulat na lang niya kung sino ang nadatnan niya.
Nakatitig ito sa kaniya at halata sa mga mata nito ang pangungulila. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Ilang beses niya rin pinikit ang mata at ginusot ito kung totoo ba ang nakikita niya sa unahan.
Lumapit ito sa kaniya at humawak sa kamay niya at ang isang kamay nito ay dumako sa pisngi niya.
Nakatitig pa rin siya rito at pinag mamasdan ang bawat sulok ng mukha nito. Doon niya napagtanto na sobrang na-miss niya ito at ang mainit na haplos nito sa kaniya.
Pumikat siya at tumulo na ang luhang kanina pang nag babadya na tumulo. Tuloy-tuloy ang pag agos ng mga luha niya, walang tigil. "I can't believe this." Nababasag na saad niya rito.
Pinunasan nito ang mga luha na kumawala sa mata niya. "I told you; I don't want to see you crying."
Tumawa naman siya ng mahina. Kung may makakakita sa kaniyang ibang tao ay baka isipin ng mga ito na babaliw na siya dahil umiiyak siya at tumatawa na rin.
"I can't believe this." Ulit niya pa rito. "Me too." Sagot din nito sa kaniya na mas lalong kina-iyak niya.
"Thank you for waiting me, Dior." At niyakap na ang binata ng mahigpit. Binalik din nito ang yakap niya ng mas mahigpit.
Humiwalay si Dior sa yakap at pinaharap ulit siya rito para titigan ang mga mata nito. Namamaga ang mga mata niya at namumula na rin ang ilong niya dahil sa pag iyak.
"Ensley Ignacio,"
Humawak ulit si Dior sa kamay niya, sa dalawa na niyang kamay at tumingin ulit sa kaniya habang siya ay inaantay ang idu-duktong nito sa sinabi.
"Can I be your sunrise and sunset, again?" Sincere na tanong ni Dior sa kaniya. Mas lalo naman siyang umiyak dahil sa sinabi nito sa kaniya.
"You're always gonna be my sunrise and sunset." Tumango-tango pa siya rito. Napansin niya nakahinga na ng maluwag si Dior sa sinasabi niya at ngumiti na ito.
"My heart, it hurts." Saad ni Dior. Agad naman siya humawak sa dibdib nito at pinakiramdaman ang pag tibok nito sa kamay niya.
Mabilis. Buhay na buhay.
"I will always love you, Dior Moore." Ngumiti siya rito at tumingkayad siya para maabot ito at siya na mismo ang humalik sa labi nito.