Special Chapter

D I O R  M O O R E

SA APAT na sulok ng silid ay maririnig ang tunog ng isang classical song na "La vie en rose" by Edith Piaf. Tumutugtog ito sa isang retro vinyl record player stereo habang si Dior ay busy sa pag pinta sa gitnang bahagi ng silid.

Palagi siya nag papatugtog sa tuwing nag pipinta siya. Maraming nakakalat na kagamitan para sa pag pipinta niya at maraming mga canvas rin ang naka display sa dingding at sa sahig.

Sa isang banda naman ay may isang cabinet, kung saan nakalagay ang mga vinyl records ng binata. Sa katunayan ay hindi niya talaga gusto maging sunod na mag papatakbo ng kanilang kompanya.

Para sa kaniya ay hindi siya para roon. Ngunit wala siyang magagawa dahil sa kaniya umaasa ang ama niya at isa pa ay masyado pa rin bata si Riley para sa ganoong bagay.

Pagkatapos nang kaarawan ng dalaga ay hindi ito umuwi sa bahay ni Dior dahil tuwing weekend ay sa kapatid nito ito natuloy.

Araw ng linggo.

At kanina pa siya rito nakaupo at nag pipinta. Pumunta kahapon ang kapatid ni Ensley, nagulat siya sa pag dating nito sa bahay niya. Akala niya nung una ay nalaman na nito na rito talaga natuloy ang dalaga.

Narinig niya na tumunog ang bell sa bahay niya at lumapit siya sa intercom para tingnan kung sino ang bisita niya. Kakatapos niya lang din kumain ng almusal.

Nag taka naman siya nang makita si Logan sa labas ng bahay niya. Pinabuksan niya ito at inantay sa loob na makapasok ito.

"Why are you—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nito suntukin sa mukha. Nawalan din siya ng balanse dahil hindi niya inaasahan ang gagawin nito sa kaniya.

Nang makatayo siya ay sinuntok siya ulit nito sa tiyan naman niya. "Para hindi mag alala kapatid ko na binanatan kita." At sinuntok pa siya ulit nito sa tiyan niya bago ito tumigil.

"What the fuck, Ignacio?!"

"Ako dapat mag sabi niyan! What the fuck, Moore?! Kapatid ko pa talaga?! Ang dami-daming babae umaaligid sayo! Bakit sa kapatid ko pa?!" Nag tatangis na wika ni Logan dito. "I'm sorry—"

"Bullshit!" Napa sabunot na sa buhok si Logan sa inis. "I didn't tell you." Dagdag ni Dior dito.

"Bullshit! Bullshit!"

Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.

"Hindi na kita tatanungin. Hahayaan ko muna kayo. Wag na wag mo lang sasaktan si Ensley."

"I won't."

"Don't say it. Fucking do it."

Hindi niya namamalayan na papangiti na siya habang pinipinta ang dalaga. Marami rin sa paligid ng kwarto, makikita ang portrait ng dalaga na ginawa ni Dior.

Walang may alam na mahilig siya mag pinta at isa pa, ang pag pipinta ay sa tuwing gusto niya mawala saglit sa realidad. Katulad sa pag babasa o pag susulat, ang pag pinta ay nag dadala rin sayo sa ibang mundo na ikaw mismo ang nag didikta. Ikaw lang din makakapag sabi ng tunay na kahulugan ng iyong pininta pero pwede rin ito mabigyan ng kahulugan nang isang tao kung paano niya ito tingnan.

Ginuguhit niya ang mata ng dalaga, kakaiba ang mga mata nito. Sa tuwing tinititigan niya ito ay puno ito nang emosyon na hindi niya masabi. Iba ang mga pinapakita ng kilos nito sa tunay na sinasabi ng mga mata nito.

Alam niya na may gustong ipahiwatig ang dalaga pero alam niya rin na takot ito mag sabi sa totoo nitong nararamdaman. Sa tuwing naguguluhan ito sa sarili ay palagi ito umiiwas sa kaniya.

Gusto niya harapin ng dalaga kung anuman ang bumabagabag dito, gusto niya rin iparamdam dito na hindi ito nag iisa at handa siya makinig sa lahat ng gusto nitong sabihin.

Huminto ang kaniyang kamay sa pag pinta nang may mapagtanto. Tinitigan niya ang ginuguhit. Hindi pa ito tapos pero makikita na rito ang mga mata nito nakatingin sa kaniya ngayon.

Unti-onti niya naunawaan ang tunay na raramdaman. Mabilis din ang pag tibok ng puso niya ngayon, palagi ito ganoon kabilis sa tuwing kasama niya ang dalaga. Hindi niya alam kung kailan nag simula. Ang sigurado lang siya ay masaya siya sa tuwing kasama niya ito at ngayon niya lang din ito naramdaman.

Tinitigan niya ang buong paligid nang kaniyang kwarto, kung saan maraming portrait ni Ensley ang nagawa na niya. Hindi siya makapaniwala na ganoon na pala karami ang mga ito.

Tumayo siya at inilapag ang brush sa lamesa. Inalis na rin niya ang suot na apron at inilagay sa ibabaw ng lamesa.

Napabuntong hininga siya ng malalim nang mahawakan na nito ang door knob dahil alam niya sa mga oras na iyon kung anong gustong sabihin ng kaniyang puso.

Mahal na niya ang dalaga.