Chapter 41

TUMIGIL na ang sinasakyan nila sa tapat ng entrance kung saan gaganapin ang kanilang ball. Hindi rin si Dior ang nag drive ng sasakyan.

Tinitigan niya ang entrance kung saan may napasok na sa loob. Si Dior ang nakaupo sa harap ng entrance habang siya ay sa kabila. Nag tataka rin siya kung bakit hindi pa lumalabas ang binata habang nag iintay na sa labas ang driver nila.

Lumingon siya rito nang bumuntong hininga ito, "Why? May problema ba?" Nag aalala na tanong niya rito pero tinitigan lang siya nito at pagkatapos ay umiling.

Binuksan na nito ang pinto sa gilid at lumabas na. Inangat naman nito ang kamay sa kaniya na kinuha niya at lumabas na rin ng sasakyan.

Pinag intertwine ng binata ang kamay nilang dalawa pero napansin niya pa rin na hindi pa rin nawawala ang gusot sa mukha nito.

"Kuya Ben, tawagan na lang po kita." Saad ni Dior bago sila tumuloy sa pag pasok sa loob. Bitbit din nito ang kaniyang hand bag.

"Good evening!" Bati sa kanila ng mga estudyante na nag aassist sa entrance. Ngumiti siya sa isang babae at lalaki. "Good evening." Balik na bati niya rin sa mga ito ngunit si Dior ay hindi bumati at mas lalo humigpit ang kapit sa kamay niya.

Kinuhanan muna sila ng litrato bago sila makapasok sa loob ng tuluyan. Medyo dim light at maraming ilaw na iba't iba ang loob at may malakas din na tunog na tumutugtog.

Tag ten-seater ang bawat lamesa at dahil soccer team si Dior ay doon siya makiki-upo habang si Chloe naman ay sa kabilang mesa dahil classmate nila ang ka-date nito.

Nang makalapit na sila sa mg ito ay napansin niya agad si Zoey, habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Dior ay binati niya ito.

"Ate, you look gorgeous!"

"You too, Ens."

"Ay! Hahaha." Umikot naman ang paningin niya para hanapin si Logan at hindi naman siya nabigo dahil nasa table rin nila ito at kasama nito si Summer.

Humarap siya kay Dior na kinatanguhan nito, umupo na rin ito sa tabi ni Parker habang siya naman ay nilapitan ang kapatid at ang girlfriend nito.

"Ate Summer, hello!" Bati niya rito. Tumayo ito at niyakap siya "Hi, Ens. Oh come on, paganda ka ng paganda."  Bulong nito sa kaniya na kinatawa niya. "Bolera ka talaga, ate. Kaya ka love ni kuya. Hahaha."

"You're with Dior?"

"Yes, po." Nahihiya na saad niya rito. Tumingin naman si Summer sa gawi ng binata na kanina pa sila pinag mamasdan. "I see."

"Ha?"

"Lapitan mo na kapatid mo." Bulong pa nito sa kaniya at tinaboy na siya sa kapatid niya habang si Summer naman ay tumatawa lang sa kaniya.

"Hi, kuya Logan." Bati niya rito at yumuko siya para halikan ito sa pisngi.

"Fucking close your eyes, Parker!" Lumingon agad siya kay Dior nang sigawan nito si Parker. Nag tataka naman siya rito. Narinig naman niya tumawa ang kapatid.

"Bakit kuya?"

"Conservative ng boyfriend mo—" sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay bumaling kay Parker. "Ang gago mo talaga, Wu." Inis na saad ng kapatid niya sa rito.

Tiningnan ni Ensley si Parker na tumatawa lang sa tabi ni Dior habang masama na ang tingin nito rito.

"Logan." Hinawakan ni Summer ang kamay nito para tumigil na ito. Nilapitan na rin siya ni Dior at tinanggal nito ang jacket at pinasuot sa kaniya.

"Wait! What?"

"Just fucking wear, it, Ensley."

Medyo nahiya naman siya sa nangyari at tahimik na lang na umupo sa pagitan nila Dior at Zoey.

"Shut your mouth, Wu!" Rinig niya pang saad ni Dior kay Parker. "Dude, chill! Parang kapatid ko na yan si Ensley—"

"I don't fucking care!"

"Selos ka lang, mas gusto kasi ako ni Ens. Haha."

"Shut—"

"Dior." Hinawakan niya agad ang braso nito. "I'm sorry, dapat pala—"

"No! No! Baby, it's not your fault. I'm sorry, okay?" Inilapit nito ang upuan sa tabi nito at pinalusot ang braso nito sa loob ng jacket niya at yumakap sa baywang niya.

Hinalikan din siya nito sa pisngi. "Sorry, nadala lang ako." Bulong nito sa tenga niya. Nakiliti naman siya rito. "You should wear whatever what you want lalo na when I'm with you." Bulong pa nito sa kaniya na kina-mula ng pisngi niya.

Lumapit ang labi ni Dior sa leeg niya at humalik doon na kinagulat niya. "Dior." Ungol niya rito.

"What the fuck dude?!"

Doon naman natauhan si Ensley at tinulak ang binata. Tiningnan niya ang mga tao naroon sa table nila. Gulat din ito at hindi makapaniwala sa nakita. Kay Dior sanay sila pero kay Ensley hindi.

Tiningnan niya rin ang kapatid at masama na ang tingin nito sa kaniya pero hindi naman ito nag iiskandalo na kinahinga niya ng maluwag, salamat na talaga kasama nito si Summer.

"Shit!" Rinig niyang mura ni Dior at pagkatapos ay tumayo para mag tungo sa restroom. Susundan niya sana ito kaso pinigilan na siya ni Zoey.

Kapag talaga kasama niya si Dior ay minsan nakakalimutan niya mga tao nasa paligid niya at puro ang binata na lang ang nakikita katulad kanina. Sa totoo lang, wala naman silang masamang ginawa. Sadyang inappropriate lang talaga pero para sa araw ng mga puso ang event na ito kaso mali pa rin, nasa public sila.

Bumalik na rin naman si Dior pagkagaking nito sa restroom at humingi rin ito ng paumanhin sa kaniya.

Sa buong gabi may ilang pa-games katulad nang sa mga single na walang date ay hinanapan ng date. Bumuto rin sila sa pwedeng maging valentine's queen and king sa gabi na iyon. Mga faculty ang namili ng candidates.

Tinext niya rin ang kapatid na si Levi na baka umabot sila ng madaling araw at sinabi niya rin na kasama naman niya si Logan pero pinapauwi pa rin siya nito ng 11 pm. Wala na siya nagawa dahil medyo stricto talaga ang panganay nilang kapatid.

Kanina pa rin sila tapos na kumain at may ilan na rin ang sumasayaw sa gitna.

"Let's dance?"

"Hindi ako marunong sumayaw, Didi"

"We won't dance."

"Ha?" Bilang sagot ay hinawakan ang kamay niya at pinatayo na siya at lumapit na sa gitna. Inilagay ni Dior ang kamay niya sa batok nito at ang kamay naman ng binata ay kumapit sa baywang niya.

"Hindi naman tugma ginagawa natin sa kanta."

"I know haha." Mas hinapit pa siya nito sa katawan ng binata at pumatong ang ulo nito sa balikat niya. Tahimik lang silang dalawang marahan na sumasayaw sa masiglang musika.

"They change the song." Wika niya at mas lalo na yumakap sa binata.

Huminto rin ang mga estudyante at nag hanap ng mga magiging partner ng mga ito sa bagong kanta tumutugtog. Mas pinadilim din ang ilaw sa paligid at binuksan ang pulang ilaw.

"Ens?"

"Hm?"

"Remember the first time you went to my parent's house? Wala roon si Dad diba?"

"Uhm. oh! Why?"

"He wanted me to take care our company." Umalis siya sa pag kakayakap at hinarap ito. "Wow! That's great." Naka-ngiting saad niya rito pero natahimik naman si Dior.

"Why? Is there something wrong?"

"Gusto ni Dad na ako yung mag asikaso sa branch namin sa US."

"That— US? That's f-far." Pabulong na niyang saad dito.

"Good evening, everyone—" Natigil sila nang may mag salita na sa harapan ng stage.

"Ens-" Hindi na rin niya napansin ang pag tawag ni Dior sa kaniya dahil marami na ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi niya mapigilan mag isip ng mga what ifs? Hindi naman niya ito pwede pag bawalan dahil importante iyon sa pamilya nila at hindi siya pwede magpaka-selfish.

"Congratulations to our valentine's king and queen of 2020. Dior Moore and Scarlett Rodriguez."

Narinig niya ang mga palakpakan ng estudyante. Napansin niya rin na may spotlight sa kung nasaan siya. Tinitigan niya ang mga ito, nakatitig ito sa kaniya. Mga nakangiti at meron din mukhang gulat.

Nakita niya si Scarlett na palapit sa kanila, may ngiti ito sa labi.

Naramdaman niya ang kamay na humawak sa kaniya sa braso at tinitigan niya ito.

Si Chloe, may nakapinta na pag alala sa mukha nito. Tumingin siya kay Dior. Sa binata pala nakatutok ang ilaw at hindi niya mapaliwanag ang gusto ng mga mata nito sabihin.

Nang mapagtanto ang nangyayari ay ngumiti siya rito at tumango. "Go ahead, Dior."

Kahit hindi siya komportable sa nangyayari ay ngumiti siya rito at tumango.

"No, Ensley! We are going home." Inis nitong saad sa kaniya. Kinuha nito ang kamay niya at binalewala ang mga estudyante nakatingin sa kanila.

"D-Dior, wait! Paano—"

"I don't want to hear it."

Lumapit sila sa table nila habang hawak-hawak pa nito ang kamay niya. Nang makalapit ay kinuha nito ang bag niya at nag patuloy na sila sa pag labas. Narinig niya pa na tinawag ni Scarlett si Dior pero hindi pinansin ito ng binata.

"Shit!" Nagitla siya ng mag mura ito. Pagkalabas kasi nila ay wala pa yung sasakyan nito. Hindi rin kasi ito nakatawag dahil sa nangyari.

Inilabas nito ang cellphone sa pocket ng suot nito, ang kamay nito ay nakahawak pa rin sa kaniya. Parang takot na makawala siya.

Natahimik naman siya at hindi na nakinig sa kausap ng binata.

Naramdaman niya na masakit na ang kaniyang mga paa dahil sa suot na sapatos. Hinawakan niya ito gamit ang kaliwang kamay at minasahe kahit may suot pa siyang heels. Napansin naman niya na tapos na ito makipag-usap at nakatingin na ito sa kaniya ngayon.

"You're not fond of wearing heels, hm?"

Tumango siya rito bilang sagot. Lumuhod ang binata sa harapan niya at ang kamay na hawak ay pinapatong sa balikat nito bilang pwersa. Tinanggal ng binata ang pag kakasuot ng heels niya.

"Wait- kaya ko naman yan!" Pigil niya rito ngunit hindi siya nito pinansin at pinag patuloy ang pag tanggal sa suot na heels niya.

Wala na siyang suot ngayon, kinuha ni Dior ang heels niya at lumunod na patalikod sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?"

"Hop in, I'll give you piggyback."

"Ha? Wag na. Okay lang ako, malapit na rin naman yung driver mo."

"Hindi ka sasakay o ako mag papasakay sayo?"

She sighed and accepted his offer. Kumapit siya sa braso nito at sumakay sa likod nito. Nang tumayo na ito ay mas lalo siya kumapit dito. Naamoy niya rin ang mabangong amoy nito malapit sa leeg.

Natutukso tuloy siya na amuyin ito pero pinigilan niya ang sarili. May hiya pa rin naman siya para sa sarili.

"Ang bigat mo."

"I told you na wag mo na ako—"

"Kahit gaano ka man kabigat ay bubuhatin pa rin kita." Agad siya natahimik sa sinabi nito. Namumula na rin ang dalawa niyang pisngi, buti na lang ay dumating na ang sasakyan nito.

Lumabas doon ang driver na si kuya Ben. Humingi rin ito ng pasensiya na kinatango lang ni Dior. Binuksan nito ang pintuan sa backseat. Aalis na sana siya sa pagkakasampa kay Dior nang pigilan siya nito at ito mismo nag papasok sa kaniya sa loob.

"Thanks."

Nang makaupo na siya ay sumunod na rin si Dior sa tabi niya at sinara na ni kuya Ben ang pinto. Pumunta na rin ito sa driver seat at nang simula na paandarin ang sasakyan.

Habang sila ni Dior ay tahimik lang sa loob ng sasakyan. Naalala niya kasi ulit kung bakit bigla sila umalis sa loob. Nawala lang saglit kanina, dahil nadistract siya rito.

"Yung heels ko pala." Nang maalala niya nasa binata pala ito.

"Right!"

Alam niya sa sarili na dapat nila pag usapan ang sinabi ng binata tungkol sa company nito at lalo na rin yung tungkol kay Scarlett.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa siya handa.