Chapter 40

LUNES.

Humawak si Ensley sa braso ni Chloe habang patungo sila sa locker nila. Kakatapos lang nang kanilang klase.

"Niyaya ka na ba ni kuya Dior sa ball?"

"Hindi, pero sa tingin ko imposible niya akong yayain. Hindi mahilig si Dior sa ganyan."

"What? Come on, Ensley! Ayan ka na naman sa pag da-doubt mo sa sarili mo at kay kuya Dior."

"Sorry, sinasabi ko lang naman yung totoo."

"Whatever! I know, one of these days yayain ka rin niya."

Tinawanan na lang niya ito dahil sa tingin niya ay iposible kay Dior ang mga ganitong bagay, baka nga kabaliktaran pa. Sigurado siya na maraming nagyaya rito dati kaya sa tingin niya hindi ito nahihirapan makakuha ng date.

Miyerkules.

"Ens!" Tawag ni Chloe sa kaniya nang makapasok na siya sa loob ng classroom nila.

"Hi, Cho!" Bati niya nang makalapit na siya sa upuan nila. Wala pa yung prof nila kaya medyo maingay pa ang buong paligid.

"Niyaya ka na ni kuya Dior?" Tanong ulit ni Chloe sa kaniya. Napailing na lang siya rito. "Hindi pa rin?!"

"Hinaan mo nga boses mo, oo hindi pa. I mean, hindi nga niya ako yayain."

"Ano yon sasama ka na lang sa kaniya kapag ball na? Wala man lang ka-sweetan si kuya Dior sa katawan."

"Loko ka talaga. Hahaha!" Inikutan siya ni Chloe nang mata bilang sagot.

Biyernes.

Nasa canteen sila ngayon kumakain ng tanghalian.

"Did kuya Dior asked you—"

"Stop with that! Hahaha the answer will always be no."

"Ano ba naman yan! Gusto mo ba kausapin ko siya?"

"No! Ayan yung wag na wag mong gagawin, Chloe. Please."

"Okay, sorry."

Nag patuloy na ulit sila sa pag kain ng kanilang tanghalian na hindi na pinag usap ang tungkol sa ball.

Mayroon kasing gaganapin na ball for valentine’s day. As usual, maraming may interest na pumunta roon lalo na yung may mga kasintahan.

Ang dami na niya nakikita simula nung lunes pa na nag yaya sa mga babae na maging ka-date nila, kahit si Chloe ay nakakuha na rin ng date.

"Hi, baby!" Hinalikan siya ni Dior sa pisngi pagkatapos nila mag kita sa locker niya. Wala itong training kaya sabay sila uuwi ngayon.

Hinawakan siya nito sa kamay at sabay sila lumabas papunta sa parking lot. May ilan din ang nakatingin sa kanila, hindi pa rin ang mga ito sanay na makita si Dior na may kasintahan.

"Oh? Didi, sa backseat na lang muna ito ha." Saad niya rito nang pag bukas niya sa passenger seat ay may isang malaking rectangle ang nakabalot sa brown paper.

Bubuksan na sana niya ang backseat ng mag salita ang binata.

"Hindi! Sayo yan." Hindi makapaniwalang saad ni Dior sa kaniya.

"Ha? Wala naman akong ini—"

"I mean, bigay ko yan sayo." Natatawang saad ng binata na kinakunot niya ng noo.

"Just open it." Saad pa ni Dior sa kaniya.

Nakakunot pa rin niya na binuksan ito. Nanlaki ang mata niya nang makita ang sarili. Mas lalo niya sinira ang balot dito at tumingin kay Dior.

"A painting of me?"

"Yes."

"W-Wait! Did you? Painted this?!"

"Yes."

"What? You know how to paint? And I didn't know?! Seriously, ang dami kong hindi alam sayo. I feel guilty tuloy."

"Oh! Come on, baby. No, you shouldn't be. We have plenty of time to know each other." Saad ng binata at hinalikan siya sa noo.

"Thanks, Dior. Ang ganda— wait! At talaga napili mong ipinta yung naka hubad ako ha!" Birong saad niya rito at kinurot ang braso nito.

"Hindi naman kita katawan mo diyan, balikat lang and isa sa favorite ko ay sa tuwing kung paano ka tumingin sakin sa tuwing pagkatapos natin mag—"

"Subukan mo lang, ituloy yan!" Banta niya sa binata na kinatawa lang nito.

"Meron pa yan sa likod."

"Sa likod?—" itinalikod niya ang gawang painting nito sa kaniya at nakita sa likod nito na may white envelope na hindi kalakihan. "What's this?"

"Just open it, Ens."

"Okay!" Binuksan niya ito at nakita na may card sa loob. Inilabas niya ito at binuklat. Binasa niya ang nakasuot dito.

"Will you be my valentine? Yes or Oo?"

Tumingin siya kay Dior. "Let me think."

"Ensley!"

"Kidding haha! Yes, and Oo!"

"Thank God!" Saad nito at pagkatapos ay niyakap siya nito. "Kunwari ka pa na hindi mahilig sa ganito, pero ang totoo ay sobrang corny mo pala!" Bulong niya rito sa pagitan ng yakap nila sa dalawa.

Kinagabihan.

Tinawagan niya si Chloe para ibalita ang ginawa ni Dior kanina bago sila makauwi.

"I KNEW IT! KUYA DIOR IS A SWEET GUY! LET ME SEE HIS PAINTING OF YOU!"

"Hahaha No, Chloe. I can't hahaha."

"What?"

"I'm sorry, Chlo."

"Mga taong in love nga naman." Nag tatampo na saad ni Chloe sa kaniya.

"Chloe, I want to but I just can't."

"Yeah. Yeah! I understand."

"HAHAHAHAHA"

"Stop laughing at me, Ensley!"

"ENSLEY! Bumaba ka na rito!" Sigaw ni Levi sa kapatid. Si Logan naman ay nauna na umalis dahil susunduin pa nito si Summer na date nito.

"Ito na!"

Sabay na tumingin sina Levi at Dior sa hagdan kung saan bumababa ang dalaga. Naka-suot ito ng kulay light brown na dress.

Habang si Dior naman ay nakasuot ng brown turtle neck and gray suit. Medyk maluwag din ang trouser nito like old school.

"Hi." Nahihiyang bati ni Ensley sa mga ito, pagkababa sa hagdan. Nilapit din naman siya agad ni Dior at bumulong sa kaniyang tenga.

"You're so beautiful."

Nahihiya na ngumiti siya rito habang ang dalawang pisngi niya ay namumula na. "Thanks. You, too."

"Dior, hanggang 11 pm lang." Bilin ni Levi sa binata. "Kuya."

"No, Ensley. I said what I said."

"I'll make sure Ensley will be here before 11 pm."

"Siguraduhin mo lang."

"Kuya— I'll text you, okay?" Saad niya rito bago humalik sa pisngi nito at mag paalam sa kapatid.