Chapter 36

"KUYA Levi, nasaan si kuya Logan?" Tanong niya sa kapatid habang kumakain sila ng almusal sa hapag-kainan.

Huminto ito sa pagkain "Dior called earlier, may pupuntahan daw sila saglit." Sagot nito sa kaniya saglit bago nag patuloy na ulit kumain.

Mamayang tanghali ang alis nila papunta sa Costa, maaga rin siya nagising dahil sa galak na hindi makapag hintay na makauwi at makita ulit ang mga tao sa lugar nila.

"He called you? Without me knowing?"

Tinaasan naman siya ng kilay ni Levi, "Babalik din sila, Ensley." Masungit na saad nito sa kaniya. Sumimangot naman ang kaniya'ng mukha. "Okay." Sagot na lang niya rito.

Tatanungin na lang niya mamaya si Dior kung saan ito pumunta kasama ang kapatid niya na si Logan. Wala naman kasi ito'ng sinabi sa kaniya kagabi, kaya medyo nalungkot siya na wala siyang alam.

Pero hindi naman niya ito masisi, dahil ilang beses na rin naman siya hindi nag sabi nang totoo rito.

Nang matapos sila sa almusal ay umakyat siya sa kwarto niya para icheck ulit ang kaniyang gamit dahil baka may nakalimutan siya pero ayos lang naman kung may makalimutan siya dahil may mga gamit din siya sa Costa.

Hindi siya makapag hintay na makauwi. Sobra niya na-miss ang bahay nila roon, ang restaurant nila, ang mga customers nila, ang mga ate at kuya niya sa resto, ang dagat, buhangin, ang alaga niya'ng goldfish, mga halaman nila at ang simoy ng hangin sa Costa.

Napa-ngiti siya nang maalala ang lahat nang mga iyon, sigurado pag gising niya kinabukasan ay mararamdaman na niya ulit ang simoy ng hangin at ang amoy ng dagat na paborito niya. Matitikman na ulit niya ang mga pag kain na niluluto ni Lucas o nang tatay nito at shempre nang tatay niya.

Nang matapos niya i-checked ang mga gamit ay nag desisyon na siya mag asikaso ng sarili, ala-una ang lipad nila papunta sa Costa. Sa airport na rin sila mag kikita ng mga kaibigan niya. Hindi niya rin sinabi kay Lucas na kasama si Xavier dahil sigurado na hindi 'yon papayag.

Naka-suot siya ngayon ng kulay beige na vintage cardigan na crop top at high-waisted trouser at ang paborito niyang sapatos na itim na converse shoes. Tinali niya rin sa pagka pony tail ang maiksi niyang buhok at may ilang hibla rin ang kumawala rito dahil maiksi ang kaniyang buhok.

Hindi na rin siya nag abala na mag make up pa, nag sunscreen lang siya, pina-curl ang pilik mata at nag lagay siya ng matted lipstick na kulay beige.

Kinuha niya ang isang maleta niya at isang sling bag, doon nakalagay ang essentials na mga gamit niya.

Pag bukas niya ng pinto sa kwarto niya ay narinig niya agad ang tunog na rumaragasa na tubig sa mini fountain nila sa ibaba at himig ng mga ibon nila. Nang masara na niya ito ay hinila na niya pababa ang maleta.

Pababa na siya nang hagdan ng marinig ang mga boses sa ibaba. Biglang bumilis ulit ang tibok ng puso niya nang marinig ang paborito niyang boses.

Pag kababa niya ng hagdan ay doon lang siya napansin ng mga ito. Nasa dining area kasi ang mga ito at nag uusap. Nakita niya rin nasa baba na ang bagahe ng kaniya'ng mga kapatid.

Naka-ngiti na lumapit sa kaniya si Dior at kinuha ang bitbit niyang maleta. Parang noong unang beses lang sila nag kita. Lumusot ang halimuyak na pabango nito sa ilong niya.

"Hi, baby." Bati nito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Namumula naman na binati niya rin ito. "Ehem." Tikim ni Logan sa gilid kaya agad sila nag hiwalay.

Seryoso nakatingin ito sa kanila habang si Dior naman ay tinawanan lang ito.

"Kuya naman." Sita niya rito at nilapitan ito para halikan sa pisngi. Tinapik lang din ni Dior ito sa balikat at sumunod na sa dalaga.

"Saan pala kayo galing?" Tanong niya sa dalawa. Nakita niya na tinabi ni Dior ang maleta niya sa gilid ng sala.

"Nagpasama lang ito—" Hindi na natuloy ni Logan ang sinasabi nang sumabat na agad si Dior at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"I found out na mahilig si tita Mila sa mga halaman, so I bought her seeds. Balak ko rin sana bilhan si Mr. Ignacio kaso hindi ko alam ang gusto niya."

"Sinabi ko sa kaniya na bigyan na lang niya si papa ng kotse at sigurado na hindi tatanggi iyon." Singit pa ni Logan.

"Anong kotse? Kalokohan mo talaga, kuya!" Nag hanap siya nang pwedeng ibato rito kaso wala siya mahanap, kaya sumuko na lang siya at isa pa hawak-hawak ni Dior ang kamay niya.

"Tara na." Saad ni Levi nang makababa na ito galing itaas.

"ENS!" Sigaw agad ni Chloe nang makita siya nito. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya.

"Excited na ako—" Hindi na nito agad nasabi ang dapat sabihin dahil nakita agad ng kaibigan niya ang dalawa niyang kapatid naka sunod sa kaniya. "Makita abs nila." Dugtong ni Chloe sa sinabi.

Nakurot naman niya ito sa tagiliran. "Off limits, kapatid ko." Suway niya rito pero hindi ito nakinig sa kaniya. "Hindi nila kasama girlfriend nila?" Tanong pa nito na kina-iling na lang niya.

"Hello everyone! Hello world!" Napalingon agad si Ensley sa binata na nag salita. Naka-ngisi na ito agad sa kaniya na alam niyang napikon na naman siya sa pinag gagawa nito at pinag sasabi.

"Kuya Parker!" Sita ni Chloe sa kapatid. Nang malaman ni Parker na uuwi sila sa Costa at sasama sina Chloe ay sinabihan siya nito na sasama kahit hindi niya ito gusto sumama. Wala na siya nagawa dahil sigurado siya na hahanapin din ito ng ina niya.

Sa kapal ba naman ng mukha ni Parker ay sigurado napalapit na ito agad sa mga magulang niya.

Ilang minuto lang din ay dumating na sina Xavier at Zoey sa airport. Naramdaman niya agad ang kamay ni Dior sa baywang niya na mas lalong niyapos siya. Lumingon siya rito pero binigyan lang siya nito ng matamis na ngiti at hinalikan ang noo niya.

Nang makapasok sa loob ng airplane ay may tatlong upuan sa kada row. Walo silang lahat kaya sinabihan niya ang kuya niya na mag kakatabi sila na babae habang ang mga lalaki naman ay ang mag kakatabi at ang dalawa niyang kapatid ay pwede humiwalay sa kanila.

Kinuha ni Dior ang sling bag niya at inilagay sa compartment sa itaas, ganoon din ang ginawa nito sa sarili nitong bag.

"Ate Zoey, sa bintana yung pwesto mo po." Pag papaalala niya rito. "Ens, kay Xavier na lang ako tatabi. Si Dior na lang sa pwesto ko." Sagot nito sa kaniya na kinalingon niya sa binata.

"Ikaw nag papalit, no?" Baling na tanong niya kay Dior. Nag kibit balikat naman ito habang may ngiti sa labi.

"Dior!" Maktol niya rito pero hindi malakas para hindi maka-abala sa ibang tao nasa loob ng airplane na. Hindi na siya nakaawat nang pumuwesto na ang binata malapit sa bintana. Tiningnan siya nito at tinapik ang katabing upuan nito para paupuin na rin siya.

"Hayaan mo na, Ens." Bulong ni Chloe sa tenga niya. Umupo na siya sa tabi nito at tumabi na rin sa kaniya si Chloe. Hindi niya pinansin si Dior at sa harapan lang nakatingin kahit likod lang ng upuan ang pinag mamasdan niya roon.

"Wag ka na mag tampo, I just want to sit next to you." Kiniliti pa siya nito sa tagiliran at hindi niya mapigilan na tumawa na. "Dior naman eh!" Kunwari na iinis na saad niya rito.

"I know, you're not mad. Haha." At nag nakaw pa ito ng halik sa pisngi niya na sinamaan niya ng tingin. "Nakakarami ka na, tingnan lang natin kung makaka-ganyan ka sa Costa. Sigurado na suntok agad abot mo kay Lucas."

Bigla naman tumigil ito at nanahimik, tiningnan niya ito at ang sama na nang tingin nito sa upuan sa harapan. "Sus! Selos ka naman, shempre hindi ko hahayaan na suntukin mukha ng baby ko." Hinawakan niya pa ang pisngi nito.

Unti-onti naman lumaki ang ngiti nito sa kaniya. "Baby mo, ha?" Mapanuri nitong saad sa kaniya.

GABI na nang makarating sila sa Costa. Pagkalabas nila sa airport ay may naka-abang na agad na sasakyan para sa kanila.

Lumabas doon ang isang driver, balak sana ng magulang nila Ensley ang mag susundo sa kanila kaso hindi maiwan ng mga ito ang paraiso.

Lumapit dito si Levi at kinausap ito. Bago ang driver na sumundo sa kanila, hindi niya ito kilala. Pagkatapos ng mga ito mag usap ay lumapit na ang driver na si Benjamin sa likurang ng sasakyan para buksan ito at doon na ilagay ang mga maleta.

Pinag kasya nila ito roon habang ang mga bitbit na mga shoulder bags and backpack ay isinama na nila sa kanila sa loob ng sasakyan.

Sa passenger seat umupo si Levi habang si Logan naman ay pumuwesto sa pinaka likuran ng sasakyan. Umupo siya sa unang row malapit sa bintana na sinundan ni Dior at Parker. Sa likuran naman nila ay sina Xavier, Zoey at Chloe.

Nang makapasok na ang lahat ay umandar na ang sasakyan. Tahimik lang si Ensley, pinag mamasdan ang tanawin sa labas. Sobra niya talaga na-miss ang mga ito. Walang pinag bago nung huli niyang punta rito.

Naramdaman niya na humawak sa kaniyang kamay si Dior at pinag laruan ito. Hinayaan niya lang ito at nag patuloy lang sa panunuod ng mga tanawin sa ilabas. Maya-maya ay inihiga na ng binata ang ulo sa balikat niya. Inayos niya ang pag kaka-sandal nito para maging komportable ito.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na sila sa Costa. Nang huminto ang sasakyan ay nauna na bumaba ang kuya Levi niya. Tinapik niya ang pisngi ni Dior para gisingin dahil nakatulog ito.

"Dior." Mahinang tawag niya rito at marahan na tinapik ang pisngi nito. Unti-onti minulat ng binata ang mata at saktong tumingin ito sa mata niya. "Andito na tayo."

Umalis na ito sa pag kakapatong ng ulo nito sa balikat niya. Binuksan na rin ni Parker ang ang pinto ng sasakyan at lumabas na roon na sinundan na rin ni Chloe. Narinig na rin niya sa labas ang boses ng kaniyang ina at ama.

Sumunod na sila rito sa pag baba at nang makita ang ina at ama naka-abang sa kaniya ay agaran niya ito nilapitan at niyakap. "Finally, I'm home ma." Bulong niya sa ina.

Nang maka-alis siya sa yakap ay agad napansin ng mga ito si Xavier na kakababa lang ng sasakyan. Kumunot ang mukha ng kaniyang ina, inaalala kung saan niya ito nakita.

"Ma, remember Xavier?" Simulang saad niya sa mga ito. Doon naman napatango si Mila. "Good eve, Mrs. and Mr. Ignacio." Bati ni Xavier sa kanila. "How are you, hijo? Kumusta kayo ni Ensley?"

Nailang naman ang binata sa tanong nito, "Ma, this is Zoey his fiancé." Pakilala niya sa dalaga na katabi nito. Alanganin naman na bumati ito sa magulang niya.

"I'm sorry, may fiancé ka na pala." Paumanhin ni Mila sa mga ito nang maalala na engaged na si Xavier.

"Okay lang po."

Nasa loob ng garahe sila ngayon, tanaw na rin nila ang restaurant sa gilid dahil wala naman itong harang at puro halaman lang ang naroon. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin dahil sa ilaw nakasabit sa paligid.

"Nora!" Sigaw ni Chloe nang makalabas na si Nora galing sa restaurant. Sa likod ito dumaan at tumungo sa kanila. Nag yakapan ang mga ito at pinakilala si Zoey. Pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya, "Ens!" At niyakap na rin siya nito. "Balita ko, kayo na ni Dior." Bulong pa nito sa kaniya.

Alanganin naman na lumingon siya rito. Mag sasalita pa sana ito nang dumating na rin si Lucas. Lalapit na rin sana ito sa kaniya nang makita nito si Xavier.

"What the hell is he doing here?" Nang gagalaiti nitong tanong at agad itong nakalapit kay Xavier at hinawakan sa kwelyo. Masama itong nakatingin sa binata.

"Lucas!" Banta ni Logan at Levi rito. Hinawakan din ni Nora ang braso nang binata.

"I'm sorry." Ang nasabi na lang ni Xavier at seryoso rin nakatingin kay Lucas. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay ng binata nasa kwelyo ni Xavier.

"That's enough, Lucas. He said sorry na." Saad niya rito pero masama lang ang tingin nito sa kaniya at binitawan na rin si Xavier at nag walk-out sa kanila. "Ens." Tawag pa sa kaniya ni Xavier na tinanguhan na lang niya.

Nag salita na rin ang magulang niya at pinapa-pasok na sila sa loob ng bahay para maibaba muna ang mga maleta at makakain na sa loob ng restaurant. Doon niya rin naalala si Dior, kasama niya pala ito. Pag lingon niya rito ay seryoso lang ito nakatingin sa kaniya.

Alanganin na lumapit siya rito at kinuha ang kamay nito, "Pasok na tayo, mamaya na lang kita papakilala kala mama." Sabi niya rito na tinanguhan lang nito. Tahimik na sumunod sila sa loob ng bahay nila.

Nabawasan ang mga halaman nila sa harapan ng bahay nila. Naisip niya na masyado naging busy ang kaniyang ina kaya hindi nito naasikaso ang mini garden nila. Buti na nga lang ay andito na ulit siya para may mag asikaso nito.

Nang lahat sila ay nasa loob na ng sala, "Tita Mila, ang ganda naman po ng bahay niyo rito. Ang environmental po." Puna ni Chloe rito at nag palinga-linga pa. "Thank you. I'm glad, nagustuhan mo Chloe hija." Nginitian naman ito ni Chloe.

"Anyway, dalawa lang ang guest room namin dito. Siguro mag sama-sama na lang yung babae sa isang room, ganoon din sa lalaki." Sabi pa ni Mila sa mga ito. Sumang-ayon naman ang mga ito at nag pasalamat.

Sinamahan ni Levi sina Chloe at Zoey para ituro rito kung saan banda ang guest room at si Logan naman sa mga lalaki. Susunod na rin sana si Dior sa mga binata ng hilahin niya ang kamay nito na kinalingon ng binata sa kaniya.

"Ma! Pa!" Tawag niya sa mga magulang at pagkatapos ay humarap kay Dior.

Nakangiti na tinitigan sila ng ina habang ang ama naman nito ay seryoso lang. Strikto ito pero may pag katahimik ito.

"Do you remember, Dior po?" Simula niya sa mga ito at hinila pa ang binata papalapit sa magulang niya. Tumingin naman ito sa mag kahawak na kamay nila.

"Of course, sweetheart." Ang ina niya ang sumagot dito at bumaling sa binata. "Good evening po, Mr. and Mrs. Ignacio." Magalang na bati nito sa magulang niya.

"Hijo, I told you to call me tita. How are you, anyway?"

"I'm good po. I'm sorry po if I didn't introduce myself properly the last time we saw each other. I am Dior Moore po and I've been wanting to tell you po na I love your daughter." Saad ng binata sa magulang niya na kinabigla niya at nang magulang niya.

"D-Dior?" Gulat pa rin siya sa sinabi nito, even though alam na rin naman niya pero iba kapag sa magulang niya ito sinabi. Ang bilis ng tibok ng puso niya ngayon.

Nang makabalik ang ina sa gulat ay ngumiti ito sa binata. "Binibigla mo naman kami, hijo." Saad ng ina nito sa binata.

"Do you love him, anak?" Biglang tanong ng ama niya sa kaniya. "Yes, po." Nahihiya na sagot niya rito.

"Nagugulat naman ako sa inyong bata. Pwes, kung mahal niyo naman ang isa't isa ano pa magagawa namin? Alangan naman na umangal pa kami." Humawak pa ang ina niya sa sintido nito.

"Dior, hijo. I know you're a fine man, please don't hurt my daughter." Saad pa ng ina niya sa binata.

"Yes, tita. I will not po."

Hindi na mapaliwanag ni Ensley ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang nahugutan ng tinik sa puso nang malaman na nang magulang niya ang tungkol sa kanila ni Dior.

"Don't promise, do it and please take good care of her." Ang ama naman niya ang nag salita. "Yes, sir."

"And bata pa kayo, huwag muna kayo mag madali." Nag aalala pang saad ng ina niya. Parehas naman silang namula sa sinabi nito at hindi maka tingin sa mga mata ng mga ito.

"Ensley?" Tawag pa nang ina niya sa kaniya nang hindi siya agad nakapag salita. "M-Ma! Ano ba yang pinag sasabi mo, nakakahiya."

"Anong nakakahiya kang bata ka? Ang gusto ko lang ay mag ingat kayo. Mga kabataan pa naman ngayon!" Suway ng ina niya sa kanilang dalawa na mas lalo kinapula nilang dalawa.

"Yes, po Mr. and Mrs. Ignacio! Mag iingat po kami, I mean wala po akong gagawin—"

Tumawa naman si Lorenzo, "Hijo, masyado kang kinakabahan." Saad ng ama niya habang tumatawa pa rin dito.

"Pa naman."

"Honey, okay lang kung mag eenjoy sila— Basta huwag lang bubuntisin ni Dior." Saad nito sa asawa at seryosong tumingin kay Dior pagkatapos.

"Ma! Pa! Naman!"

"Sorry po!"

"What? Bakit ka humingi ng sorry?" Baling na tingin niya sa binata.

"Buntis ka na anak?!" Nag papanic na tanong ng ina niya sa kaniya. "What? Hindi, ma! Walang mag bubuntis ngayon." Hindi na niya alam ang gagawin sa mga ito. Nakakahiya pag usapan ang mga ganitong bagay sa mga magulang nila.

"Sinong buntis?! Tangina, Dior binuntis mo kapatid ko?!" Inis na saad ni Logan sa binata nang makababa na ito galing sa itaas at kinuwelyuhan pa nito nang makalapit na sa kanila.

"Kuya Logan naman, bitawan mo nga si Dior! Ano ba naman kayo, hindi ako buntis!" Pag aawat niya sa kapatid.

"Ignacio! I didn't impregnate your sister. Ang tagal na nung huli nami—"

"WHAT THE HELL, DIOR?!"

"ANO ANAK?!"

"Mom! I didn't, we didn't." Nag papanic na saad niya rito nang biglang himatayin ang ina niya.

"Mila!"

"Mom!"

"Tita!"

Shit.

MASAMA ang tingin niya sa kapatid na si Logan. Kasalukuyan sila ngayon nasa sala, nakahiga ang kaniyang ina at pinapaypayan ng ama niya ito.

Bumalik ang kaniyang tingin sa ina nang magkamalay na ito. "Ma, are you okay?" Nilapitan niya agad ito.

"Hindi ka buntis, anak diba?" Agad nito saad sa kaniya. Nagulat naman ang mga kaibigan nila nasa paligid. "Hindi po."

"Paunahin mo muna ang kuya Levi mo ha? Papayagan ko kayo basta mauuna si Levi."

Tumawa naman si Logan sa sinabi ng ina at nakatanggap ito ng suntok sa tiyan galing kay Levi. Habang parehas namumula sina Ensley at Dior sa sinabi nito.