Chapter 35

NANG sabihin ni Dior ang mga katagang iyon ay agad siya umatras dito at tumakbo papasok sa loob ng beach house nila Xavier.

Hindi niya mawari kung bakit niya tinakbuhan ito. Narinig pa nito ang pag tawag sa kaniya. Pumasok siya agad sa loob ng kwarto nila dahil alam niyang susundan talaga siya ni Dior sa loob.

Narinig niya ang malakas na pag katok sa likod ng pintuan kung nasaan siya. "Ensley, open this goddamn door."

"Fuck!" Frustrated na nitong saad habang pilit pa rin binubuksan ang saradong pinto. Ilang saglit ay tumahimik ang paligid at pagkatapos ay narinig na lang niya na parang may binubuksan ito sa likod ng pinto.

Napatalon sa gulat siya nang mabuksan ni Dior ang pinto, nakita niya na may hawak itong susi sa kamay. Dumako ang kaniyang mga mata sa likuran nito, andon si Xavier naka tingin sa kaniya. Bumalik ulit ang kaba niya nang sinara ni Dior ang pinto at silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng kwarto.

"D-Dior." Paatras na tawag niya rito. Makikita sa mga mata ng binata na galit na ito.

"Bakit ka tumakbo?" Seryoso nitong tanong sa kaniya at lumapit pa sa kaniya. Umaatras siya ulit kaso napaupo siya sa kama.

"I-I don't know."

Hinagod ni Dior ang buong katawan ng dalaga na kinapula ng pisngi niya. Pumuwesto ito sa pagitan ng mga binti niya at agaran na hinawakan ang baywang niya paangat.

"W-Wait!" Awat niya pa rito at agad napalitan ang pwesto nilang dalawa. Si Dior na ngayon ang nakaupo sa kama habang si Ensely naman ang nakatayo sa gitna ng binti nito.

Nakagat ng dalaga ang ibang labi habang nakatitig pa rin sa binata. "D-Dior, what are you doing?" Tanong niya pa rito pero hindi siya nito sinagot bagkus ay yumakap ito sa baywang niya at hinalikan ang puson niya kahit na may tela pa ito ay nakili siya rito.

Humawak siya sa balikat ng binata at pilit na inaalis ito roon. "Ensley." Paos na tawag nito sa kaniya. Tumigil na rin ito sa pag halik at nakayakap na lang sa baywang niya.

Kahit nanginginig ang dalawa niyang mga binti ay lakas loob pa rin niya ito sinagot. "B-Bakit, Dior?"

"Why you didn't tell me?"

Pinigilan niya ang mga luha na lumabas sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya para rito. Matagal na niya ito pinag handaan pero iba pa rin pala talaga kapag nasa akto na. Alam niya kung bakit hindi niya sinabi pero bakit ngayon ay hirap siyang sabihin ito sa binata? Natatakot siya dahil hindi niya gusto na iwan siya nito.

"I am sorry." Ang nasabi na lang niya rito. Humigpit naman ang yakap ng binata sa kaniya.

"Why him?"

"I don't know, Dior. It just happened to be him. Hindi ko alam na mag kaibigan kayo. I am sorry."

"You had a lot of times to tell me but you chose not to."

"No, Dior. I-I wanted to tell you badly." Naluluha na niyang saad at pilit na rin niya pinatingin sa kaniya ang binata. Mapula na rin ang mga mata nito nang tumingin ito sa kaniya.

Hinawakan niya ang dalawang pisngi nito. "I don't like to see you like this. I am not worth it."

"Do you still love him?"

"No, I don't but—" Nakatitig lang si Dior sa kaniya habang inaantay niya ang sasabihin.

"Mag sisinungaling ako sayo kung sasabihin ko na hindi ko na siya gusto—" Doon naman niya nakita ang iba't ibang emosyon na lumandas sa mga mata ng binata. Nasasaktan ito at dahil iyon sa kaniya.

"I still like him, hindi naman siguro mawawala 'yon. He always has a little part in my heart—" Doon naman bumitaw sa kaniya si Dior sa pag kakayakap.

"No. No. No. It's not what you think." Pag papanic na saad niya rito at kumapit sa pisngi ng binata.

"Tell me what it is, Ensley." Seryoso na nitong wika sa kaniya at mas lalo nag wala ang kaniyang puso.

"M-My heart, it hurts." Nag tataka naman ang binata sa sinabi sa kaniya ng dalaga and at the same time ay nag aalala siya.

Hahawakan na sana ng binata ang dibdib niya kung saan sinabi nito na masakit nang walang pasabi na hinalikan siya ng dalaga na kinagulat niya.

Naka dikit lang ng madiin ang labi ng dalaga rito at hindi ito gumagalaw. Hindi na rin mag paawat sa pag tulo ang luha nito habang naka dikit pa rin ang mga labi nilang dalawa.

Humiwalay si Ensley sa halik at tinitigan ang mga mata ni Dior. "You're my sunrise and sunset." Sincere na saad niya sa binata pero hindi ito agad nakasagot at parang iniisip pa nito ang sinabi niya.

"I said, I like you. No, I love you, Dior Moore."

"You love me?"

"Yes!" Tumango-tango pa ito at paulit-ulit sinabi ang katagang oo.

"Damn it!" At hinala na ang dalaga paupo sa kandungan nito at ito na rin ang nauna humalik sa dalaga. "You can't take it back what you said, Ensley." Banta pa nito sa kaniya at hinalikan siya ulit.

MASAYANG kinantahan nila ng happy birthday si Xavier habang nakangiti si Zoey na may bitbit ng cake nito.

Nakiliti naman si Ensley nang maramdaman niya ang hininga ni Dior sa tenga niya nang lumapit ang bibig nito sa kaniyang tenga. Maloko na inihipan nito ang tenga niya. Binaling niya ang tingin dito at nakatingin lang ito sa kaniya ng nakakaloko.

"Isa." Suway niya rito. "I love you." Balik na sagot nito sa kaniya. Namula naman ang kaniyang pisngi at umiwas ng tingin dito. Pagkatapos niya umamin kahapon ay hindi na maawat si Dior kakasabi nito sa kaniya ng I love you at mas lalo ito naging clingy sa kaniya.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay, nahihiya pa rin siya sa binata.

Kinuha ni Dior ang kamay niya at pinag dakop ang mga ito. Naka ngiti itong nakatingin sa kamay nila na mag kahawak at pagkatapos ay ginawaran ito ng marahan na halik.

"Sumasakit ang mata ko sa inyong dalawa." Walang hiya na saad ni Parker nang makita nito ang akto ni Dior sa dalaga.

Bumaling ang tingin ng binata rito "Fuck you! Get a life." Inis na sagot ni Dior sa kaibigan.

"Aray! Nasasaktan na talaga ako, kahapon pa." Maarte na saad ni Parker kay Dior. Hindi ito sinagot ng binata at hinila na si Ensley patalikod kay Parker.

NAG hiyawan ang mga estudyante sa kanilang University ng mapasok na naman ng soccer team nila ang bola sa net. Napahiga pa ang goal keeper ng kabilang team dahil sa pag habol nito sa bola ngunit hindi niya ito naharangan dahil sa bilis ng pag sipa nito.

Kasama niya nakaupo sa unang row sina Chloe at Zoey. Kanina bago mag simula ang laro ay pinipilit pa siya ni Dior na umupo sa bench kasama ang mga player pero tinanggihan niya ito dahil ayaw niya nakakakuha ng atensyon sa ibang tao at gusto niya makasama manuod sina Chloe.

Pinalo siya ni Chloe sa braso nang mapadaan ang kapatid niya na si Logan sa harapan nila. "Ang hot niya pa rin kahit pawisan na siya." Saad pa nito sa kaniya.

"Kadiri ka naman, sa akin mo talaga sinabi 'yan ha?"

"Oo." Wala sa wisyo nitong sagot sa kaniya at binalik na ulit ang tingin sa unahan.

Ito na ang huling araw nila sa University bago sumapit ang Christmas break at excited na siya dahil makakauwi na siya sa Costa. Sa sobra niyang hindi maka pag hintay ay naka pag impake na siya ng gamit niya sa maleta.

Panibagong hiyawan ang namayani sa buong paligid at nakita niya sa screen ang pag pasok ulit ng bagong bola sa net.

"Shit! Si Logan my loves ang naka goal!"

Ngumiti si Ensley at humiyaw na rin para sa kapatid at sa soccer team nila. Natapos ang laban sa score na 4-3. Apat sa kanila at tatlo naman sa kabila'ng team.

Tambol at sigawan ang maririnig sa paligid. Tumingin siya sa mga cheerleaders sa gilid at masaya rin na nag chi-cheer ang mga ito sa mga players.

Nung nasa Calista sila, gusto sana niya humingi ng tawad o makausap si Scarlett pero hindi na niya ito nagawa dahil nang lumabas na sila ni Dior sa kwarto ay umalis na raw si Scarlett pabalik sa Centro kasama sina Serenity at Gavin. Kaya hindi na niya nagawa makausap ito pero hahanap pa rin siya ng araw na makausap ito.

"Tara na, Ens." Tawag sa kaniya nina Chloe at Zoey.

At dumiretso na sila sa loob ng soccer field. May bitbit na bulaklak si Ensley. Manalo o matalo ay ibibigay niya pa rin ito at yayain niya rin kasi si Dior sumama sa Costa.

Naramdaman niya ulit ang pag bilis ng puso niya at ang mga paru-paro na sumasayaw na naman sa loob ng kaniya'ng tiyan.

Hindi niya mawari kung bakit nilalamig din ang dalawa niyang mga kamay. Humawak si Chloe sa braso niya nang maramdaman nito na huminto siya sa pag lalakad.

Pinag masdan niya kung paano nag tatalon sa saya ang buong soccer team nila dahil nanalo na naman ang mga ito sa laro. Lahat sila ay may ngiti sa mga labi nila.

Si Xavier ang una naka pansin sa kanila nang makalapit na sila sa mga ito. Tinapik nito si Dior at tinuro siya nito pagkatapos ay lumapit na si Xavier kay Zoey.

Yung ngiti ni Dior ay mas lalong lumawak ng makita siya nito. Nag jogged ito papunta sa kanila. Bumitaw na rin si Chloe sa pag kakahawak sa kaniya at tinulak na siya kay Dior.

"Hi." Bati nito sa kaniya.

Tinitigan niya ito at napansin na sobra ang pawis na tumatagaktak dito. Nag alala siya na baka magka sakit ito. Binigay niya muna ang bulaklak sa binata bago kinuha ang bimpo sa loob ng kaniyang bag at humarap sa binata na naka ngiti sa kaniya.

"Pawis mo, baka magka sakit ka." Wika niya rito at hinawakan ang laylayan ng damit nito at papahiran na sana ito nang sumagot ito sa kaniya.

"Wala bang congrats kiss diyan?" Nag tatampo na saad nito sa kaniya. "Yung pawis mo nga muna." At pinatalikod na ang binata para mapahiran ito ng bimpo sa likod.

"Gusto mo ba mag kasakit?" Inis pa na saad ng dalaga rito at tawa lang ang naging sagot nito sa kaniya.

"Sana all may jowa." Asar ni Parker nang makalapit ito sa kanila. Kahit kailan talaga ay palaging may sinasabi ito sa kanila.

Napahinto naman saglit si Ensley sa pag punas sa likod ni Dior, dahil naalala niya na hindi pa nila napag usapan nito ang tungkol sa estado ng relasyon nila. Umamin lang naman siya rito pero hindi niya alam kung mag girlfriend/boyfriend na ba sila.

"Tigilan mo nga kami, Parker." Sita ni Dior dito.

Iniwan lang ni Ensley ang bimpo sa likod ni Dior at pagkatapos ay humarap na ang binata sa kaniya. Nakikita na naman niya ang makahulugan nitong ngiti.

"Ano na naman meaning nang ngiti na 'yan?" Ngumuso ito bilang sagot na kinaikot ng mata niya.

"Ang taray naman ng baby ko." At ito na mismo ang humalik sa dalaga. Naka ngiti pa ito habang hinahalikan si Ensley. Kumapit siya sa batok nito at hinalikan din ang binata.

Humiwalay siya sa halik at tinitigan si Dior sa mata. "My heart, it hurts." Saad niya rito. Ngumiti naman ito nang mas malaki. "I love you, too." At hinalikan ulit ang dalaga.

KASALUKUYAN silang nasa bahay ng mga Wu. Dito naisipan ng mga players, mag celebrate nang pagka-panalo sa laban kanina.

Binati na rin niya kanina ang kaniyang kapatid dahil ito ang huli nag pa-goal para manalo ang team nila.

Kausap niya ngayon si Chloe sa isang tabi, "Ens, isama kaya natin si ate Zoey sa Costa? Ano sa tingin mo?" Saad nito bago uminom sa hawak na inumin.

As usual, hindi siya umiinom dahil pinag-bawalan siya ni Dior. Alam kasi nito na mababa ang alcohol tolerance niya. Hindi rin naman siya papayagan ng kapatid kapag nangyari din.

"Pwede, nasaan ba si ate Zoey?" Tanong niya pa rito. Tinuro naman ni Chloe ito kasama si Xavier.

"Kung isasama natin si ate Zoey, posible na sasama rin si Xavier." Saad niya pa rito. Tumango naman ito bilang sagot.

"Ate Zoey!" Tawag ni Chloe nang makakita ito nang pagkakataon. Lumingon naman ito sa kanila at panandalian nag paalam kay Xavier bago dumiretso palapit sa kanila.

Yumakap ito kay Chloe at sumunod sa kaniya. Inalok pa siya nito sa hawak na alak pero tumanggi siya. "Anyway, ate Zoe. Uuwi si Ensley sa province nila ngayong Christmas break. Wanna join?"

"Christmas break? Hm? I can pero hanggang Christmas lang, kailangan ko rin bumalik dito for the new year."

"Ayos lang 'yon, baka ganoon din gawin ko. So, sama ka na ate ha?"

"Kausapin ko muna si Xavier. Balikan ko kayo."

"Huwag na, tawagin ko na lang." Tinawag naman agad ni Chloe si Xavier nang lumingon ito sa kanila at pagkatapos ay lumapit na rin ito sa kanila. Hindi pa nakakabati ang binata ay agad na nag salita si Chloe.

"We're going to Costa this Christmas break, kuya." Saad ni Chloe rito. Binaling naman ng binata nang tingin si Ensley.

"Oo, balak sana namin isama si ate Zoey." Pag dugtong niya sa sinabi ni Chloe. Humarap si Xavier kay Zoey, "Babalik din ako rito sa New Year." Sabi pa ni Zoey sa fiance.

"Pwede ako sumama sa inyo." Nagulat naman si Ensley sa sinabi nito. Kapag sumama ito ay ibig sabihin, makikita ulit nito ang buo niyang pamilya. Si Lucas, naalala niya ang kaibigan sigurado na pag nalaman nito na sasama si Xavier ay siguradong trouble talaga.

Mag sasalita sana siya nang maramdaman ang braso na pumulupot sa baywang niya. Naamoy niya agad ang paborito niyang pabango nito. Nang tingnan niya ito ay naka ngiti ito sa kaniya at pagkatapos ay bumaling na kala Xavier.

"Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong naman ng binata sa mga ito. "Shit!" Mura niya nang maalala na hindi niya pa nasasabihan ang binata. Lumingon si Dior nang marinig na mag mura siya. Agad nito pinitik ang labi niya.

"I don't like your language, young lady." Sita nito sa kaniya. "Sorry." Paumanhin na lang niya rito.

Binalik ulit ni Dior ang tingin sa mga kaibigan at inantay ang sasabihin sa tanong niya kanina.

"They're planni—" Hindi na natuloy ni Xavier ang sasabihin ng sumabay siya agad. "Dior!" Tawag niya rito. Lumingon naman ito sa kaniya na nag tataka.

"Uuwi kami nila kuya sa Costa this Christmas break. Gusto mo sumama?" Mabilisan niyang tanong dito. Kinakabahan dahil baka magalit ito dahil hindi niya agad sinabi rito.

Hinawakan niya ang kamay nito nasa baywang niya habang inaantay ang sagot ng binata. Sinundan din niya ito nang bumaling ito sa mga kaibigan nila.

"You guys are going, too?" Nahigit naman niya ang hininga ng tanungin iyon ni Dior. Alanganin naman nag salita si Chloe. "Yes, kuya. Niyaya rin namin si ate Zoey and baka sumama rin si kuya Xav."

Tumango naman si Dior sa mga ito at binalik nito ang tingin sa kaniya. "Okay, I'll go." Sagot nito sa kaniya at ngumiti. "Kailangan ko rin makausap pamilya mo." Bulong pa nito sa kaniya na kinamula ng dalawa niyang pisngi.