Chapter 34
NAKA-busangot na kumakain ng almusal si Ensley. Kaniyang alas quatro ng madaling araw sila nakarating sa Calista.
Pagkatapos siya sabihan ni Dior na matulog ay nakatulog talaga siya at nang makarating na sila rito kanina ay pinatulog na naman siya nito, kaya wala siyang nagawa kundi matulog ulit.
Wala sila roon sa pinaka-hotel ng beach resort nila Xavier. Kundi, andito sila ngayon sa mismong beach house ng mga Anderson.
Nung dumating sila rito ay sila-sila lang pero nang magising siya ay nakita niya sa bintana ng kaniyang kwarto na may isang sasakyan na hindi niya alam kung kanino.
Malaki ang beach house ng mga Anderson. Pu-pwede talaga mag dala ng mga kaibigan kapag naisipan ng mga ito na rumito muna.
Naalala na naman niya ang nangyari kanina pagka baba niya ng kwarto sa sala.
Nang bumaba siya ng kwarto ay doon siya na-dismaya nang makita kung sino ang mga bagong dating. Napansin niya agad si Scarlett nasa sala kasama sina Dior. Nakita niya rin na kasama nito ang isang binata na si Gavin.
Ang pag kakaalala niya ay nasa ibang bansa ito nung nakaraan dahil inaasikaso nito ang business ng sarili nilang pamilya.
Wala pa nakaka-pansin sa kaniya na pababa na siya ng hagdan. Hindi niya rin naman gusto sa kaniya nakatuon ang mga atensyon ng mga ito. Nagulat na lang siya nang lumingon sa gawi niya ang isa pang babae na kasama ni Gavin.
Nanlaki ang mga mata niya na makita niya si Serenity. Yung babae na pumilit sa kaniya na pumunta sa clinic para gamutin ang mga sugat niya nung panahon na sinugod siya ni Scarlett sa restroom ng mga babae.
"Ensley?—" nag tataka na tanong nito sa kaniya at tumayo na ito para lapitan siya. Nakuha na rin niya ang atensyon ng mga tao nasa sala.
"You're Ensley, right?" Paninigurado pa ni Serenity sa kaniya. Alanganin naman na tumango siya rito.
"I didn't know you're friends with kuya Xavie."
"Hindi ko rin alam na kilala mo sila."
Napansin naman niya na tumayo na rin si Scarlett sa pag kakaupo at lumapit sa kanila. Ganoon din ang ginawa nila Gavin at Dior.
Masama na tinitigan siya ni Scarlett "I didn't know na ang kapal pala ng mukha mo para sumama pa rin dito." Mataray na saad nito sa kaniya. Nag tataka naman si Serenity sa inaakto ng kapatid.
"Ate, what are yo—"
"A-Ate mo siya?" Hindi makapaniwala na tanong niya sa mga ito.
"Oo, Ensley pero wai—" Tinitigan siya nito at pagkatapos ay sa kapatid naman niya binaling ang paningin.
Nang mapagtanto nito kung bakit naging ganoon ang reaksyon ng kaniyang kapatid ay bumaling siya agad kay Ensley.
"You're that girl?" Gulat nitong tanong sa kaniya.
"Yes, she is." Si Dior ang sumagot sa tanong nito nang makalapit na ito sa kanila. Masama na tumingin si Scarlett sa binata.
"Ensley, why don't you go outside? Zoey and Chloe are there and you should eat your breakfast." Baling nito sa kaniya pero si Scarlett ang nilapitan nito at hinawakan sa braso.
Nginitian naman siya nang aasar ni Scarlett. Wala na siya nagawa at sumunod na lang dito. Deserve niya rin naman ang inakto ni Dior sa kaniya. Bago siya lumabas ay tumingin muna siya kay Serenity na kanina pa nakatingin sa kaniya.
Nginitian niya ito ng pilit at nag paalam na rin kay Gavin bago siya tuluyan na lumabas na ng bahay.
May lounge sa labas ng beach house at sa gilid non ay may mahabang lamesa na may upuan. Doon siya naka pwesto ngayon at kumakain ng kaniyang almusal.
Nasa kabilang bahagi ng side nakaupo si Chloe habang si Zoey naman ay nasa tabi niya. Kanina pa rin siya nito tinatanong kung bakit naka busangot siya nung lumabas siya pero hindi niya ito sinagot bagkus ay kumuha na lang nang kakainin.
At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap si Chloe. Kailangan niya muna ayusin ang sarili niya bago siya makipag usap dito dahil baka mauwi lang sa wala ang lahat.
"Anong klaseng mukha yan." Asar ni Parker sa kaniya nang makalapit ito sa kanila at hindi pa ito nag paawat at nagawa pa nito kurutin ang pisngi ng dalaga.
"Ano ba, masakit." Inis na saad niya rito at inalis ang dalawang kamay nito naka-kurot sa pisngi niya.
Tumawa ito at umupo na rin sa kabilang side ng lamesa. "I smell jealousy." Sabi pa nito na sinamaan ng tingin niya at mas lalong kinatawa ng binata.
"Kuya." Suway ni Chloe sa kapatid. "Chill, girls." Natatawa pa rin nitong saad.
SIMULA nang magising siya kanina hanggang ngayong hapon ay hindi na siya pinansin ni Dior. Hindi rin naman niya ito pinapansin dahil naiinis din siya dahil dikit ng dikit si Scarlett dito.
Niyaya siya ni Zoey na maligo sa dagat. Kanina pa kasi ang mga ito nag simula na maligo at ilang beses na rin siya nito tinanong pero tinatanggihan niya lang. Silang dalawa lang ni Chloe ang hindi pa naliligo, kahit si Dior ay nasa dalampasigan na kasama ang mga kaibigan nito at shempre si Scarlett.
Kanina nang umakyat siya sa kwarto niya ay nasalubong niya si Serenity. Humingi ito ng tawad sa ginawa ng kapatid niya at sinabi nito na pwede pa rin sila maging mag kaibigan dahil labas naman ito sa mga nagiging kaaway ng kapatid.
Sa totoo lang gusto niya rin humingi ng tawad kay Scarlett, dahil kasalanan naman talaga niya. Hindi naman sana ito magagalit kung inalam niya muna kung meron bang relasyon ang dalawa nung una pa lang.
"Ens." Natauhan siya nang tawagin na siya ni Zoey sa kwarto nito. Mag kasama silang tatlo sa kwarto pero kanina na tinulugan niya na kwarto ay hindi niya alam kung kanino 'yon.
Hinila siya ni Zoey sa loob ng kwarto nang hindi pa rin ito pumapasok. "May dala kang two-piece?" Bungad na tanong nito sa kaniya agad.
"Meron pero hindi ako sanay mag suot ng two-piece, mas sanay ako sa bathing suit lang."
"Let me see." Kinuha niya sa kaniyang bag ang bathing suit at two-piece niya.
"Ito suotin mo, maganda 'to." Turo nito sa checkered two-piece swimsuit, high waisted ang bikini nito.
"Ayoko."
"Patungan mo na lang ng tee shirt." Pilit pa rin ni Zoey sa kaniya.
"Dali, I'll wait you here." Tinulak pa siya nito sa loob ng bathroom.
Wala na siya nagawa at sinuot ang kulay itim na checkered two-piece swimsuit na high waisted. Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Ayos lang naman kaso hindi lang talaga siya sanay na maraming ipakita na balat sa tuwing naliligo siya sa dagat.
Nang sa tingin niya ay satisfied na siya ay lumabas na siya ng bathroom. Napa-atras pa siya nang makita si Chloe nasa loob na rin nang kwarto.
"Ens, wow! Huwag ka na mag susuot ng tee shirt, ayos na yan. Diba, Chloe?" Baling pa nitong tanong kay Chloe sa tabi.
"Oo, Ens." Sang-ayon ni Chloe.
"Chloe!" Lumapit naman siya agad sa kaibigan at niyakap ito. "I'm sorry. Hindi na ako mag lilihim sayo. Please, kausapin mo na ako." Umiiyak na sabi niya sa kaibigan.
Tumawa naman si Chloe at niyakap na rin si Ensley. "Sorry din kung hindi kita kinausap when you needed me the most."
"Ayos lang, deserve ko naman 'yon." Bulong pa nito habang mahigpit pa rin nakayakap sa kaibigan.
"Huwag mo sabihin 'yan."
"Sali naman ako sa hug niyo." Singit ni Zoey sa dalawa. Parehas naman na tumawa sina Ensley at Chloe, at sabay na niyakap na rin ito.
"Tama na nga—" Umalis na sila sa pag kakayakap "At ikaw, huwag mo hayaan si ate Scarlett dumikit kay kuya Dior." Suway pa ni Chloe sa kaniya.
"At umamin ka na rin sa kaniya." Komento pa ni Zoey na sinang-ayunan din ni Chloe.
"Okay— pero pwede ba ako mag suot ng tee shirt? Hindi talaga ako sanay."
"No." Sabay na saad nila Zoey at Chloe.
"Come on, tatanggalin ko rin naman kapag maliligo na." Nakangiti pa nitong pilit sa dalawa. Tumango na lang ang mga ito bilang sagot at sabay-sabay na sila lumabas ng kwarto.
MAGKAHAWAK sa mag kabilang bisig sina Ensley at Chloe papunta sa dalampasigan, habang naka-sunod sa kanila si Zoey.
Naabutan din nila na may mga blankets naka latag sa mga buhangin sa dalampasigan. Kahit hindi pa araw ng bakasyon ay marami pa rin ang makikita na tao ngayon.
Hinanap ng mga mata niya si Dior at laking gulat na lang niya na kasama na naman nito si Scarlett. Naka-kapit pa sa braso ng binata ang mga kamay ng dalaga na kina ikot ng kaniyang mga mata.
Nakita iyon ni Chloe, at tinawanan ang kaibigan. Lumingon sa kanila si Zoey na nag tatanong kung ano ang nakakatawa at tinuro ni Chloe gamit ang nguso si Scarlett kasama si Dior.
"I have an idea." Pasaring ni Chloe sa mga ito. "I don't think magugustuhan ko 'yan." Saad niya pa rito.
"Take off your clothes."
"WHAT?"
"I mean, your tee shirt and let them see your body." Turo pa nito sa mga taong nasa paligid.
"No. No. No." pag tanggi niya rito pero si Chloe ay hindi nag paawat at hinawakan na ang laylayin ng kamiseta ni Ensley na tinulungan na rin ni Zoey habang siya ay pilit pa rin na binababa ang damit.
Nakakuha na rin sila ng ilang atensyon.
"What do we have here?" Maloko na tanong ni Parker sa kanila nang makalapit ito habang nakatitig ito sa ginagawa kay Ensley.
At tuluyan na nga naalis nila Chloe at Zoey ang kaniyang kamiseta. "Wow." Manghang saad ni Parker nang pasadahan nito ng tingin ang katawan ng dalaga.
Tinakpan naman niya ang katawan "Gago ka ah!" Asik niya rito na kinatawa lang ng binata. "Easy, hindi kita tipo." Saad pa nito. Hahampasin na sana niya ito nang may marinig sila nag salita sa gilid nila.
"Ensley." Tawag nito sa kaniya. Nanlamig ang kaniyang mga kamay at buo niyang katauhan ng makita si Dior sa gilid na masama ang tingin sa kaniya at kay Parker.
Sumipol naman si Chloe sa gilid habang si Zoey ay naka tingin lang sa kanila at naka ngiti.
Bumaling ulit ang tingin ni Dior kay Parker. "Fuck off." Inis na saad nito sa kaibigan. "Chill, bro." Pabiro pa nitong saad.
"Wag mo 'ko, bino-bro bro." Galit na nitong wika na kina gulat nilang tatlong mga babae.
Binalik ni Dior ang tingin sa kaniya. "W-What?" Kinakabahan na tanong niya rito. Lumapit naman ito sa kaniya at kumapit sa kaniyang pulso para hilahin siya sa tabi nito.
"What do you think you're wearing, young lady?" Napa lunok naman siya sa kaba bago ito sagutin "Swimsuit?" Patanong din nitong saad sa binata. Umiling naman ito sa naging sagot ng dalaga.
"Kuya Dior, let Ensley wear what she wants to wear at ano naman sa iyo kung ano suotin niya?" Matapang na katwiran ni Chloe rito.
Nag tiim bagang naman ang binata sa narinig nito at pinipigilan na sagutin si Chloe dahil babae ito. Ngumiwi ang mukha ni Ensley ng maramdaman na humihigpit na ang kapit nito sa wrist niya.
"Babe, hayaan mo na kung ano suotin ni Ensley." Singit ni Scarlett nang makarating na ito sa kanila. Hindi ito pinansin ni Dior at tinuon lang ang pansin kay Ensley.
"Fuck." Inis nitong saad at walang pasabi na hinalikan si Ensley sa labi na kina-gulat ng lahat naroon at miski siya.
Sa gulat ay na istatwa siya sa ginawa ng binata habang si Dior naman ay mas hinapit ang baywang ng dalaga sa katawan nito. Pinisil pa nito ang isang pisngi ng pang upo niya na kina-ungol niya at lalong napasok ng binata ang dila sa loob ng bibig niya.
Nang matauhan siya ay tinulak niya ang binata pero hindi ito tuluyan natulak, natigil lang ang pag hahalik nito sa kaniya.
"W-What was that?"
Tumaas ang gilid ng labi ni Dior bago sagutin ang dalaga, "I'm just letting them know what's mine." Habang titig na titig sa dalaga ang mga mata nito.