Chapter 32

KINABUKASAN. Pag kagising niya kanina'ng umaga ay nagulat na lang siya nang makita niya ang kaniya'ng maleta at dalawa'ng kahon sa kwarto.

Akala niya bukas pa kukunin ng kuya niya ang mga gamit niya pero hindi niya akalain na agaran iyon.

Hindi niya rin maiwasan na mag alala. Sigurado nag kita ang kapatid niya at si Dior. Sigurado rin siya nag usap ang mga ito. Gusto niya malaman kung ano ang pinag usapan nang mga ito pero natatakot siya tanungin ang kuya niya.

Lumapit siya sa kaniya'ng locker at kinuha rito ang ilang libro. Katulad nga nang inaasahan niya, hindi siya pinansin ni Chloe. Lumipat din ito nang upuan na malayo sa kaniya. Tinanong din siya nang kaklase niya kung bakit hindi sila mag katabi nito, kinibit balikat na niya ito.

"Nabalitaan niyo ba yung nangyari kahapon sa soccer field?" Bigla siya napalingon sa itaas na row nang marinig niya ang pinag uusapan nang mga ito at binalik ulit ang tingin sa unahan nang tumingin ito sa kaniya.

"I didn't know na may girlfriend si Dior Moore."

"Si Scarlett girlfriend niya diba?"

"Hindi, Sis. Freshman daw ang sabi, puro taga soccer team lang kasi ang nakakita dahil may training sila kahapon."

"Ang balita pa sinugod daw ni Scarlett yung babae dahil nakita nito nakikipag halikan ito kay Anderson."

"Anderson? Si Xavier—" Hindi na niya narinig ang mga sumunod na sinabi nito dahil dumating na ang kanila'ng professor.

AFTER ni Ensley ibalik sa locker niya ang kaniya'ng mga libro ay dumiretso na siya sa cafeteria. Hindi niya kasabay si Chloe dahil hindi pa siya nito kinakausap.

"Bunso." Napalingon siya sa kanan nang may tumawag sa kaniya.

Nang magising siya kagabi ay agad siya nag tungo sa ibaba para kumain ng gabihan. Sinabihan siya kanina ni Levi na mag luluto nang dinner nila.

Amoy na agad niya ang mabangong ulam na niluluto nito nang makarating siya sa hagdan nila. Nang marating ang dining table ay nakita niya na may pag kain na roon.

Ang paborito niya na beef steak ang nakahahin sa lamesa. Amoy na amoy niya ang asim nito na gustong-gusto niya.

"Gising ka na pala." Napalingon siya sa kuya Levi niya na kakalabas lang sa kusina at may dalang pitsel ng blue lemonade juice.

"Mukhang masarap itong niluto mo, kuya ha!" Saad niya rito at kinuha na ang pitsel sa kamay nito at inilapag sa lamesa.

Lumapit na rin ito sa lamesa at humila ng upuan sa opposite side na lamesa. Ganoon na rin ang ginawa ni Ensley.

"Si kuya Logan?" Alanganin na tanong niya sa kapatid.

"Hanap mo ako?" Sulpot nito galing sa kusina. Hindi naman makapaniwala na lumingon siya rito. Akala niya kasi ay hindi na siya nito papansanin.

"Kuya Logan! Kanina pa kayo rito ni ate Summer? Medyo nag overtime kasi yung professor namin." Saad niya sa mga ito nang makalapit sa lamesa ng mga ito.

"Ayos lang, Ens. Medyo kakarating lang din namin." Sagot naman ni Summer sa kaniya. "Anong kakarating lan—" nakangiti na tinakpan ni Summer ang bibig ni Logan.

Natawa naman si Ensley at umupo na rin sa harapan na upuan ng mga ito.

"Binilhan ka na nang kuya mo ng lunch." Sabay abot sa kaniya ni Summer ng lunchbox.

"The best ka talaga! Thanks, kuya."

"Shempre bunso, mas the best pa ako diyan sa kuya Levi mo."

"Susumbong kita kay kuya ha!"

"Ito naman hindi na mabiro." Natawa na lang siya rito at sinimulan na kumain. Nag simula na rin ang dalawa kumain ng kaniya'ng tanghalian.

Habang nakangiti lang siya nakikinig sa mga hirit ng kaniya'ng kuya sa ate Summer niya. Nag papasalamat din siya dahil hindi siya tinanong pa ng girlfriend ng kuya niya.

Tumayo agad siya sa kinauupuan at nilapitan ang kapatid ngunit,

"Oh!" Walang ka-sweet sweetan na saad nito sa kaniya. Inabotan siya ng isang cupcake nito.

"Kuya! Sorry, hindi ko sinab—"

"Kahit kelan talaga, Ensley ang drama-drama mo. Sus, nung bata ka nga uhugin ka pa tapos hanggang ngayon tulo sipon ka pa rin." Walang hiya na saad nito.

Sinamaan naman niya ito nang tingin at sigurado siya nakita at narinig nito ang sinabi niya kanina sa kuya Levi niya.

"Did you bake this kuya? Hala! Sana hindi ka na nag abala pa."

"Tira lang yan, para kay Summer talaga yung ginawa ko." Saad pa nito at umupo na sa tabi niya.

"If you say so." Asar niya rito.

Medyo marami ang estudyante sa loob ng cafeteria, kaya medyo maingay din ang paligid.

"Susunduin ka raw ba ni kuya?" Tumingin naman siya sa kapatid at umiling dito. "May kailangan daw tapusin si kuya Levi. Mag co-commute na lang ako."

Saglit naman nag isip si Logan bago ito sumagot. "Intayin mo na lang kaya ako?"

"Wag na, kaya ko naman bumiyahe no! May paa at bibig kaya ako."

"Are you sure?"

"Shempre naman."

Habang kausap ang kapatid ay ginalaw-galaw niya ang pagkain dahil hindi siya makatingin sa kapatid nang ayos.

"May gagawin ka pa ba after this?"

"Punta sana akong library para mag review." Sagot niya sa kapatid na tinanguhan naman nito.

Pinag patuloy na ulit niya ang pag kain nang marinig ang ingay nang kalalakihan sa likuran niya.

"Hoy, Ignacio! Dala-dalawa chicks natin ah!"

"Gago! Kapatid niya yan."

Narinig niyang saad ng mga ito bago dumaan sa gilid nila at naki pag fist bump sa kaniyang kapatid. Natigil naman siya nang makita si Dior na walang emosyon nakatingin sa kaniya at agaran din umiwas ng tingin. Ngunit ang mas nakakagulat ay meron itong pasa sa mukha at sugat sa labi.

Napansin niya rin na lalapitan siya ni Parker ngunit umiling na lang siya rito. Meron din itong pasa sa mukha na pinag tataka niya.

Pagkatapos ay tumuloy na rin ito sa pag lakad, after nito maki pag asaran kay Logan.

"Kuya, did you punch him?" Mahina niyang tanong dito. "Ha? Sino?"

"Si D-Dior." Bulong pa rin niyang sagot dito. "Hindi! Teka, bakit ka ba nabulong?"

Tinitigan naman niya ito na parang sinasabi na 'Are you for real?' At inikutan ng mata.

Hindi mawala sa kaniyang isipin ang mukha ni Dior na may pasa at sugat sa labi. Iniisip niya rin kung sino ang gumawa non o baka naman naki pag suntukan ito pero alam niya na hindi basagulero ang binata.

Gusto niya ito lapitan pero natatakot din siya sa mga sasabihin nito sa kaniya. Hindi pa siya handa na mag desisyon ito na iwan siya pero wala naman siya magagawa dahil kasalanan naman niya iyon.

PAGKATAPOS nila kumain at mag paalam kay Logan at Summer. Tumungo na ulit siya papunta sa kaniya'ng locker.

Sa totoo lang, wala naman talaga siya balak pumunta sa library para mag aral. Sadyang ayaw niya pa muna umuwi agad.

Nang makuha na ang libro ay sunod naman niya tinungo ay ang library ng University nila. May tatlo silang nag lalakihan na library sa buong Unibersidad at ang pinaka gusto niya puntahan ay ang pinaka malaki sa tatlo nasa dulo ito ng paaralan.

Maganda kasi ang atmosphere roon, at maraming mga libro rin ang makikita at pwede mabasa roon.

"Good afternoon." Bati sa kaniya ng isang estudyante naka assigned sa desk receptionist ng library.

"Good afternoon. Wala si Ms. Clark?" Tanong niya rito. Madalas kasi talaga siya pumunta rito at nakilala na siya ng librarian.

"Naka lunch break po." Tumango na lang siya rito at nag log in sa isang computer doon para malaman kung anong oras ka pumunta roon at lumabas.

Nag paalam siya rito at dumiretso na sa aisle ng mga libro. Isa-isa niya ito tinignan at kinapa nang marahan.

"Ens." Bulong nito sa tenga niya.

Agaran naman siya lumingon dito at gulat napasigaw. May sumita naman agad sa kanila at agad din siya humingi ng paumanhin.

"Bakit ka ba nang gugulat, Xavier?" Bulong niya rito at kinurot pa ang braso nito. Nang dumako ang kaniya'ng mata sa mukha nito ay nanlaki ulit ang mga mata niya. May pasa rin ito sa mukha at sugat sa labi katulad ni Dior.

"Sorry." Paumanhin nito. Lumapit naman ito sa kaniya na kina-atras niya. "B-Bakit may pasa at sugat ka sa m-mukha?" Kinakabahan na tanong niya rito.

Umiwas naman ito sa kaniya ng tingin. "We need to talk."

NAPAG-DESISYUNAN nila na mag usap sa mataong lugar dahil hindi na niya gusto maulit ang nangyari nung nakaraan nag usap sila.

"Pwede mo ba sabihin sakin kung bakit may pasa at sugat ka? At bakit sila Dior and Parker meron din?"

"Misunderstood lang." dalawang salita na sagot lang nito sa kaniya at mukha'ng ayaw talaga nito sabihin ang nangyari.

"Ensley—" Paninimula ni Xavier sa usapan.

"I want to apologize sa mga nangyayari. Kung sana hindi kita iniwan that time na hindi ko man lang nagawa na mag paalam sayo. Sorry kung hindi ko sinabi sayo ang katotohanan. Akala ko talaga hindi na pag tatagpuin ang landas natin pero mapaglaro ang tadhana." Saad ni Xavier sa kaniya.

Ngumiti na lang nang mapait si Ensley nang alalahanin niya kung paano nag simula ang lahat. Kung naging totoo lang din sana siya sa kaniya'ng sarili, hindi mauuwi sa ganito ang lahat.

"Xavier, I really liked you— no, I loved you but iba na ngayon. Sorry kung hindi ko man lang sinabi na nasaktan talaga ako sa ginawa mo, baka kasi isa rin 'yon sa paraan ko para sabihin sa sarili ko na ayos lang ako na hindi ako nasasaktan."

"Sa tuwing nasasaktan ako, palagi ko binabaling sa iba para hindi ko maisip o maramdaman yung sakit. Ayoko rin kasi mag alala sila mama at mga kuya ko. Palagi ko kasi iniisip na ako lang ang magiging rays of sunshine nila sa tuwing nalulungkot sila, which is hindi ko naman nagampanan."

"Hindi ko pag sisihan nakilala kita, it just a little span of time nahulog na ako sayo. I know, mabilis ang pang yayari pero kahit ganoon ay hindi ko pag sisihan iyon. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit nakilala ko si Dior."

"It's nice knowing such a person like you and I am really grateful to know you. Gusto ko rin mag pasalamat sayo. Thank you, Xavier."

"And please, take good care of Zoey. She's an amazing girl. Hindi niya deserves lahat nang yayari."

Tumango na rin ang binata sa sinabi niya. "Friends?" Saad pa ni Xavier sa dalaga at inabot ang kamay nito rito para makipag-kamay.

Tinitigan ito ni Ensley, kung sa iba ay hindi na nila gugustuhin na maging kaibigan ang tao'ng nanakit sa kanila ngunit para sa kaniya mas gugustuhin niya maging kaibigan ang mga ito. Gusto niya mag simula nang bago.

"Friends." Abot niya sa kamay nito at ngumiti rito. Ngumiti din si Xavier sa kaniya at nakipag shake hands na.

"Anyway, Ens. Tuloy pa rin yung celebration ng birthday ko this coming Friday."

Alanganin naman na sumagot si Ensley dito. "Hanggang Sunday yon, no?" Tanong pa ng dalaga rito. Tumango naman ang binata. "Sa totoo lang, Xav. Hindi ko alam kung pupunta pa rin ba ako. Gusto ko makausap si Dior pero hindi ko alam kung papaano siya lalapitan at kakausapin."

"Ens, alam mo naman na hindi ka non matitiis at sa tingin ko, binibigyan ka lang niya nang panahon para makapag isip ka muna, kaya siguro naiwas muna siya sayo."

"P-Pero, hindi ko deserve yon. Dapat m-magalit siya s-sakin." Naka-yuko na nito'ng saad sa binata.

"Maybe." Doon naman tumaas ang ulo ng dalaga at tumingin kay Xavier. "Maybe, you deserve it pero hindi naman tayo perpekto. Paulit-ulit tayo mag kakamali pero ang mahalaga ay natuto ka at tinanggap mo ang mga mali'ng nagawa mo at para sa susunod ay alam mo na ang dapat na gagawin mo kapag dumating ulit ang panahon na katulad nang ganito."

"Ensley, everyone deserves a second chance even you. All you have to do is to accept it and forgive yourself pero shempre hindi kita pangungunahan, ikaw pa rin naman ang mag dedesisyon."

Ngumiti nang pilit si Ensley dito, "Thanks, Xavier."

"No problem, kasalanan ko rin naman at naka pag usap na rin kami ni Dior. Kaya huwag ka na mag alala sa kaniya." Saad pa nito.

"Usap? Nag usap na kayo?" Tumango ang binata bilang sagot nito. "A-Ano sabi niya?" Pabulong na tanong niya rito.

"Just talk to him."

"Wait! Kaya ba kayo may pasa at sugat?" Nag aalala nito'ng tanong. Tumawa naman si Xavier at tumango rito.

Nakita niya na tumingin ito sa sarili nito'ng relo. "Text mo lang ako kung sasama ka and I have to go, may training pa kami. Malalagot na naman ako kay Ignacio."

Parehas na sila tumayo sa kanila'ng inuupuan.

"Text ko na lang si Kuya na kinausap mo ako, kaya nalate ka." Natatawa'ng saad pa niya rito. Umiling naman ito "No need, Ens."

"Ayos lang ba sayo na hindi na kita mahahatid?" Ngumiti siya rito at winagayway ang kamay. "Okay lang. Mag iingat ka."

"Mag ingat ka rin, at baka mas lalo ako malagot kay Ignacio kapag may nangyari sayo."

"Oo, shoo— alis na." Pabiro na pagtataboy niya rito.

Tahimik na pinag masdan ni Ensley ang pag alis ni Xavier sa loob ng coffee shop at parang baliw natawa na lang siya kung bakit nung una nila'ng pag uusap ay hindi nauwi sa ganito. Kailangan pa talaga nang bonggang drama para magkaroon sila ng closure.

"Baliw na nga." Saad ng tao'ng tumabi sa kaniya. Bumaling naman si Ensley dito. Nakita niya nakatingin din ito sa labas ng coffee shop na parang hinahanap nito kung ano ang nakakatawa at hindi nya maiwasan na umikot ang kaniya'ng mata nang makita kung sino ang katabi niya ngayon.

"What the hell, Parker." Bumaling ito sa kaniya nang nakangiti. "Oh! Ikaw pala yan, Ens." Pang-aasar pa nito sa kaniya.

Inis naman iniwan niya ito mag isa nakatayo sa loob ng coffee shop.

"Wait!" Natawa pa rin nitong saad nang makahabol ito sa kaniya. "May training pa kayo diba? Bakit ka nandito?" Mataray na tanong niya rito. Hindi niya mawari kung bakit may saltik ito'ng kapatid ni Chloe.

Naalala na naman niya si Chloe. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kinakausap.

"Papunta na nga ako roon." Doon naman naalala niya na kasama niya pala mag lakad si Parker. Hindi niya ito pinansin at patuloy lang sa pag lalakad.

"May sasabihin sana ako sayo, Ensley." Bigla naman siya huminto sa pag lalakad at humarap dito. Tinawag siya nito sa buo niyang pangalan ibig sabihin seryoso ito.

"Ano yon?" Kinakabahan na tanong niya rito. Seryoso itong nakatitig sa kaniyang mga mata na mas lalo pinakaba si Ensley.

"Alam ko." Saad nito na kinataka nang dalaga. "Anong alam mo?"

"You and Xavier." Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. "Ikaw nag sabi kay Scarlett?" Hindi makapaniwalang tanong nito rito.

"Hoy! Hindi ako, malay ko ba sa inyo kung nag kikita pala kayo nang patago."

Sinamaan niya ito nang tingin. "What I meant was I knew. Alam ko na may namamagitan sa inyo ni Anderson."

Naguguluhan naman siya sa pinag sasabi nito. "Wala kaming relasyon, Parker."

"Wala ba?! Bakit nakita ko kayo nag hahalikan don sa bahay namin?"

"WHAT?!"

"Tingnan mo nagulat ka, ibig sabihin totoo."

"Parker Wu!"

"Ay, buong pangalan ko. Yes, bunso?" Nag papadyak naman si Ensley sa inaasal ni Parker sa kaniya.

"Sa totoo lang, ayon lang naman nakita ko. Wala akong narinig na pag uusap niyo and after that, tinitingnan ko na yung kilos niyo kapag mag kakasama tayo. Madalas ka tumingin sa kaniya, hindi mo namamalayan nakatingin ka na pala sa kaniya tapos si Anderson naman kapag hindi ka nakatingin ay siya naman yung tumitingin sayo."

"Pero unti-onti nawala yon kapag kasama mo si Dior."

"You knew but you never told me?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa binata. Hindi niya nahalata na may alam ito.

"Hindi naman ako chismoso." Doon naman napatawa si Ensley. "Kahit kelan talaga, Parker haha!"

"Masydo na kasi tayong seryoso. Hindi ako sanay." Saad pa nito at ginulo ang buhok ng dalaga.

"Galit ba si Dior sakin?" Natahimik naman saglit si Parker bago sumagot.

"Of course not, bigyan mo na lang muna siya nang space para makapag isip muna." Tumango na lang si Ensley dito dahil parehas nilang kailangan iyon. Baka kapag nag pumilit siya ay lumala pa lalo.

"Sorry about that." Turo pa niya sa pasa ni Parker sa mukha. "Nadamay ka pa tuloy."

"Sus, ayos lang! Kailangan ko rin ito, tagal ko na hindi nakikipag suntukan. Sayang naman itong talent ko."

Umiling na lang siya dahil wala na siya magagawa, ganyan talaga si Parker pero kahit ganoon ay thankful siya rito.