Chapter 31
HAPON. Bitbit sa kamay ang subway sandwich at coke in can. Pumunta sina Ensley at Chloe sa soccer field nang kanilang University. Napansin niya na may training din ang soccer team sa field at sa gilid naman ay andon ang mga cheerleaders na nag papractice ng kanilang routines.
"Have you heard Sir Green, Ens? Gusto niya tayo'ng bigyan ng project while we are having our Christmas break!"
Tumawa naman si Ensely sa reklamo ng kaibigan.
"Gusto ko lang naman ng matiwasay na holiday!" Reklamo pa nito.
"Masanay ka na, ganoon naman palagi. We'll help each other na lang."
"Mali pa rin!" Pag duduro pa nito sa kaniya.
"Pinapatanong pala ni Nora kung gusto mo sumama sa Costa?" Tanong niya rito.
Umupo na sila sa ibaba'ng bahagi ng bleachers.
"Are you kidding me? Of course, sasama ako! Kahit ayaw mo, sasama pa rin ako."
"Good to know, bakit pala tayo nandito?"
"May training ang soccer team."
"So?"
Tinitigan naman siya ni Chloe na parang hindi makapaniwala sa sinasabi niya.
"Papanuorin ko si Logan." Saad nito at tumingin na ulit sa harapan.
"What?! Wait— ito ba yung kina-kaabalahan mo these past weeks? You're watching MY brother?"
Nginitian lang siya nito.
"Ensley! Makinig ka, ito-" turo pa nito sa mga soccer players. "They are blessings to our eyes."
Nangiwi naman si Ensley sa narinig nito.
"Kadiri ka, Chlo! What are you a prev?" Tanong pa nito at iling-iling sa pinag sasabi ng kaibigan.
"Ikaw kasi, nakikita mo si kuya Dior nang malapitan."
"Ang bastos ng bunganga mo!" Hampas pa ni Ensley dito.
"Well! What we have here?" Saad ni Scarlett pag lapit sa kanila. Hindi nila ito napansin dahil busy sila sa pag kukwentuhan ni Chloe.
Nag karoon pala ng break ang mga ito. Kasama na naman nito ang dalawa niyang alagad.
"Ate Scarlett? Bakit may sasabihin ka?" Si Chloe ang nakapag tanong dahil nabigla si Ensley sa pag dating nito.
Ngumiti pa si Scarlett kay Ensley.
"Wala naman but I think your friend wants to say something." Tinaasan pa siya nito ng kilay.
"Ens?" Nag tatakang tanong naman sa kaniya ni Chloe.
Nakatitig lang si Ensley kay Scarlet at pagtapos ay kay Chloe. "W-Wala." Saad niya sa kaibigan at umiwas ng tingin dito.
"Ano Chloe, mauna na ako baka hinahanap na ako ni kuya Levi." Habol na saad niya pa.
Naguluhan naman si Chloe sa narinig nito. Tumayo na siya at sumunod na rin si Chloe sa pag tayo.
"Teka! Sabay na ako."
Nilagpasan na nila si Scarlett ngunit hindi pa sila nakakalayo ay nag salita ito ulit.
"Really, Ensley? Pati ba naman si Xavier? Ganon ka ba kakati?"
Doon naman napatigil si Ensley at lumingon dito.
"I don't know what you're talking about but if I do? It's not what you think."
"So, you're telling me it's not what I think? But I literally saw you the other night with HIM! Kissing?"
"What?" Sabay na saad nila Ensley at Chloe rito.
"Yes, Chloe. Your little friends here were kissing Xavier and fucking Dior. I don't know if she also fucks Xavier." Nag kibit balikat pa ito.
Dumapo naman ang kamay ni Ensley sa pisngi ni Scarlett.
"Don't say that! You have no idea."
Naguguluhan naman si Chloe sa mga nangyayari. Paano nalaman ni Scarlett ang tungkol kay Xavier? Ibig sabihin ay nakikipag kita ito nang patago rito na hindi niya alam?
Hahawakan na sana ni Chloe si Ensley nang tumingin si Scarlett sa kaibigan niya, pagkatapos ni Ensley sampalin ito ay aamba na rin sana ito manampal nang awatin ito.
Inantay ni Ensley ang kamay ni Scarlett na tumama sa kaniya pero hindi ito nangyari. Nakita niya naka bitin ang kamay nito sa ere at hawak ito.
Nang tingnan niya kung sino ang nakahawak ay nagulat siya. "K-kuya?" Maluhang-luha na saad ni Ensley nang makita niya ang kapatid.
Nakatingin ito nang masama kay Scarlett. "Don't you ever lay your hand on her!" Seryosong saad nito kay Scarlett.
Napalingon naman si Ensley nang may humawak sa kamay niya. "Wait? Xavier?" Takang tanong nito sa binata.
"Shh!" At inalayan si Ensley.
Inis naman na tumawa si Scarlett sa nasaksihan. "Wow! I can't believe this—" Lumingon pa ito kay Xavier. "And you!" Pag turo pa nito rito "Kunwari ka pa'ng mabait. I can't believe you did this to Zoey!"
"That's enough, Scarlett!" Galit na saad ni Dior dito.
"Mag sama-sama kayo!" Inis na saad ni Scarlett. Hinila naman niya ang wrist na hawak ni Logan at tinaliuran ang mga ito.
Nawalan na lang ng balanse si Ensley dahil sa mga nangyari pero madalian na hawakan siya ni Xavier sa bewang para hindi ito matumba nang tuluyan.
Hindi niya inaasahan na sa ganito'ng paraan malalaman nang lahat ang pinag-gagawa niya.
"We need to talk." Basag ng kaniyang kapatid sa magulo niya'ng isipan.
"Logan, I don't think this is the right time." Singit na saad ni Xavier dito. Hinanap ni Ensley ang dalawang mata ni Dior at nakita niya ito'ng nakatitig sa kaniya. Hindi niya mawari ang gusto nito'ng iparating sa kaniya pero isa lang ang malinaw sa kaniya, nasasaktan siya makita si Dior na ganoon tumingin sa kaniya.
"No, Xavier. I've been patient for a long time and I want to know the real truth now." Maotoridad na saad ni Logan at seryoso'ng tumingin kay Ensley.
Bumaling naman ang dalaga kay Xavier. "It's okay-" tinanggal na rin ng niya ang pag kakahawak sa kaniya nito at bumaling sa kapatid. "We'll talk kuya, with kuya Levi."
"Wait, Ens!" Singit ni Chloe sa mga ito. Doon naman ulit naalala niya na kasama pala nila ito. Tumingin siya rito.
"Not now, but I promise I will tell you."
Hindi sumagot agad si Chloe bagkus ay tinitigan lang ang kaibigan, ilang saglit nang katahimikan ay nag salita na rin si Chloe.
"No, you have to tell us right now." May tamang na saad nito sa kaibigan. Nabigla naman ang dalaga sa sinabi nito.
"I want to understand you, but you don't want us to understand you. I know, you said you love kuya Xavier—"
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Xavier sa mga ito pero hindi siya pinsan ni Chloe at nag patuloy lang ulit sa pag sasalita.
"But I didn't know na aabot sa ganito, Ens. You have kuya Dior na, diba? Pero bakit ayaw mo pa rin bitawan si kuya Xavier?"
"I—" hindi niya mahanap ang gusto'ng sabihin dahil tama lahat nang sinabi ni Chloe sa kaniya.
Naging selfish siya at hindi man niya lang sinabi ang totoo sa kanila. Hindi sana aabot sa ganito kung sinabi niya ang totoo pero at the same time natatakot siya mag sabi. Paano kung sinabi niya iyon nang mas maaga? Mag kakaroon ba sila nang kung ano man relasyon nila ni Dior ngayon?
Maraming what ifs, ang pumapasok sa kaniya'ng isipan ngayon.
"And don't you ever tell me you still love him!" Pagkatapos ay tinuro si Xavier. "Yes, you're confused but I saw you with kuya Dior. Iba yung sinasabi mo sa pinapakita mo sa kaniya."
"Chloe—"
"I am sorry, Ens. I love you but I can't take this anymore. Please, don't be afraid to listen to your heart and to put yourself first."
Hindi na mapigilan ni Ensley umiyak. Ngitian naman siya ni Chloe at pagkatapos ay umalis na roon. Lalapitan sana siya ni Xavier ngunit pinigilan niya ito.
Lumapit naman sa kaniya ang kuya Logan niya at niyakap siya.
"We'll go to, kuya Levi."
HINDI siya nilapitan o kinausap man lang ni Dior kanina. Pagkatapos siya yakapin ng kuya Logan niya ay hindi na niya nakita si Dior sa paligid.
Pumunta agad sila sa bahay nila nang sabihin ni Logan na kailangan nila mag usap. Alam niya rin na may pasok ang kuya Levi niya pero nang tawagan ito ng kuya Logan niya ay walang alinlangan ito na tigilin ang trabaho nito at on the way na nga ito ngayon dito.
Habang si Logan naman ay nasa kusina, may kukunin lang daw ito.
Nasa living room siya ngayon, at tahimik lang na pinag lalaruan ang kaniya'ng mga kamay.
"Here, I made you waffles with your favorite ice cream." Saad nito at inabot sa kaniya ang plato.
Tinitigan naman niya ito. Nakangiti ito sa kaniya ngayon.
"Thanks, pero wala ako'ng gana, kuya. Sorry."
"Hm? Ganon? Okay! Ako na lang kakain." Naguilty naman siya sa ginawa niya. Ginawan siya nang kapatid ng pagkain dahil alam nito kapag binibigyan siya ng pag kain ay nag babago talaga ang mood niya pero iba ngayon.
"Kuya? Pwede ko pa rin ba kainin yan?"
"Oo naman, bunso. Here!"
Tahimik lang sila kumakain ng gawa ni Logan na waffles hanggang makarating si Levi sa bahay.
Naka formal ito pero hindi na nito suot ang coat at naka rolyo na ang manggas ng polo nito.
"While on my way, napadaan ako sa isang donut store." Saad nito at inabot sa kaniya ang isang box ng donuts. Alam niya rin na hindi lang napadaan ang kuya Levi niya at talaga'ng pumunta talaga ito roon para bumili.
Umupo na agad si Levi sa couch at hindi na inisip mag palit pa.
"Salamat, kuya."
"No worries."
Katahimikan ulit ang namayani sa buo'ng paligid. Maririnig lang ang tubig na rumaragasa sa mini fountain nila nasa loob ng bahay at ilang tunog ng ibon na alaga nila.
"Before I tell the truth, Gusto ko lang sabihin na I will accept kung ano magiging desisyon niyo at sana mapatawad niyo ako." Simula ni Ensley sa mga kapatid. Tumango naman ang mga ito.
"Hindi ako kala Chloe nakatira." Pikit mata'ng pag sabi niya nang katotohanan sa mga kapatid niya.
"Wait! What? You lied to us?" Hindi makapaniwalang saad ni Logan sa bunso nila.
"Saan ka nakatira?" Saad naman ni Levi sa kaniya. "Kay Dior." Mahina'ng saad niya sa mga ito.
"You’re telling me, all this time na kay Moore ka nakatita?! Ensley Ignacio?!"
Sa tuwing buo'ng pangalan na niya ang tawag sa kaniya ng kapatid na si Logan ay sigurado na mag tago ka na dahil galit na ito. Habang si Logan ay nagagawa nang masigawan siya, iba si Levi. Tahimik lang ito kapag galit, pero mas nakakatakot ang tahimik dahil hindi mo alam ang tumatakbo sa utak ng mga ito.
"Kuya Levi, say something. Alam ko'ng galit ka pero mas natatakot ako kapag ganyan ka."
"What do you want me to say, Ensley? Nangyari na. Wala na ako'ng magagawa pero I'll tell you, mas makakabuti na dito ka na tumira."
Nahinto naman saglit ang dalaga, hinanda na niya ang ganito'ng sitwasyon. Alam niya rin na hindi na ang mga ito papayag na tumira siya kay Dior at sinabi niya rin na tatanggapin niya kung ano man ang desisyon ng mga kapatid niya.
Sigurado siya na mas mahihirapan siya makausap si Dior, lalo na hindi na sila madalas mag kikita. Pwede naman sila mag kita kung gugustuhin ni Dior.
"May gusto ka pa ba sabihin, Ensley?" Seryoso'ng tanong pa rin ni Levi sa kaniya. Nag sasalita na nga ito pero ang mga titig nito ay nakakatakot.
"Anu—"
"What the fuck, Ensley?! Don't tell me—" napatingin naman ang dalaga sa kahoy na sahig nila.
"Asshole!" Nanggagalaiti sa galit na saad ni Logan sa sarili at bigla na lang ito tumayo. "W-Wait! Kuya! S-Saan ka pupunta?"
Tumayo na rin ang dalaga at dali-dali hinawakan sa braso si Logan para kumalma ngunit galit pa rin ito.
"That's enough, Logan and Ensley back to your seat!" Galit na suway ni Levi sa kanila. Medyo alanganin pa ang dalaga kung bibitawan niya ang kapatid pero sa huli ay sumunod na rin siya sa kuya Levi niya.
"No! I will not! One of my fucking team crossed the fucking line!"
"You already know your anger won't get any good, Logan. Do you want to get expel? Remember, you're graduating."
Inis naman na bumalik si Logan sa pag kakaupo nito sa couch.
"At isa pa, alam mo na may relasyon ang dalawa pero bakit wala ka'ng ginawa?"
Masama'ng tinitigan ni Logan ang kapatid na si Levi.
"Kuya, wala kami'ng relasyon."
"I did, punched him."
"You did what?!"
"I punched him real hard on his face."
"When?"
"The next day of your birthday."
"WHAT?"
"Yes, Ensley. I punched your fucking boyfriend."
"He's not my boyfriend, kuya."
"Then, that's even worst. I should have punch him that I could see his fucking face bleeding in blood." Galit na saad ni Logan kay Ensley bago ito tumayo at umakyat sa kwarto nito.
"Such a pain in the ass."
"Kuya Levi, I am sorry. Kukunin ko na agad gamit ko kala Dior para rito na ako at hindi na kayo mag alala."
"No, ako na kukuha."
"P-Pero kuya—"
"Not this time, Ensley."
"So, what happened in the soccer field?" Tanong pa nito.
"They found out that Xavier and I— we kissed, kuya."
"Hm?"
"The night you saw me crying? That was the night we kissed. I didn't know why I kissed him back pero who am I kidding? Of course, gusto ko rin yung nangyari. Ang tagal ko inantay mangyari iyon, kuya—"
Tahimik naman nakikinig lang si Levi sa lahat nang sinasabi ng kapatid. Binibigyan niya ito nang pag kakataon mag salita, dahil alam niya'ng minsan lang ito mag open up sa kanila.
"I do like him a lot. Oo, nasaktan niya ako pero handa ako kalimutan iyon basta bumalik lang ulit siya. That was my thought before Dior happened, and I think I really fucked this time—"
Tuloy-tuloy na rin ang mga luha ni Ensley habang nag kukwento sa kapatid.
"Everything was going okay. We're okay. I am okay but of course, ako si Ensley palagi ko sinisira lahat ng maganda'ng nangyayari."
"I am sorry kuya kung hindi ko sinabi sa inyo nang mas maaga o dapat nga sinabi ko na talaga sa inyo nung una pa lang para hindi na umabot sa ganito—"
Pinunasan ng dalaga ang luha na lumandas sa kaniya'ng mga mata pero kahit ang pag punas niya ay wala nang epekto sa naragasang luha sa mga mata niya.
"Pero at the same time kung bibigyan ako nang pag kakataon baguhin ang mga kamalian ko na ginawa? I will still choose to lie—because of that nakilala ko si Dior, kuya. Alam niyo naman kuya na I hate seeing you guys na malungkot o maski magalit at shempre ma-disappoint kayo but here I am still doing it."
"I am sorry if I disappointed you guys. Gusto ko lang naman na maging masaya kayo pero bakit ganoon? Hindi ko magawa? Palagi ko na lang kayo binibigo. Si Chloe, galit na rin sakin dahil hindi ko man lang sinabi sa kaniya. Ano'ng klase'ng kaibigan ako? Siya yung palagi nasa tabi ko pero yung pinaka importante na bagay, hindi ko man lang nasabi sa kaniya."
"Si D-Dior, nasasaktan ako makita siya nasasaktan dahil sakin which is dapat hindi siya masaktan, he's a sweet guy. Palagi niya ako inaalala pero ako hindi ko man lang magawa sa kaniya iyon at ngayon, hindi ko alam kung kakausapin niya pa a-ako."
Hanggang matapos ito mag salita ay umiiyak pa rin siya. Pinatong na rin niya ang dalawa'ng binti sa couch at niyakap ito.
Lumapit na rin si Levi sa kaniya at tumabi sa pagkakaupo. Pagkatapos ay niyakap ang kapatid na babae. Naramdaman ni Ensley nasa bisig na siya ng kaniya'ng kapatid at doon lalo siya napaiyak.
"I'll make you dinner later, hm? But for now, I'll let you go to your room and sleep."