Chapter 30

SABADO ng gabi. Pumasok si Ensley sa loob ng restaurant. Medyo malayo ito sa kanilang University at sa subdivision. Lumingon lingon ang dalaga sa paligid para hanapin ang tao na kikitain niya.

Nag paalam siya sa kaniyang kuya Levi na manunuod ng movie kasama si Chloe pero ang totoo ay sa isang restaurant talaga siya pupunta at makikipag kita kay,

"Ens!" Tawag sa kaniya, malapit sa bintana ng restaurant.

Lumapit naman si Ensley dito.

"Kanina ka pa, Xav?" Tanong niya sa binata at umupo na sa harapan na upuan nito. "Hindi naman. Gusto mo na mag order?" Sagot naman nito at tanong.

Tumango na lang si Ensley at tumawag na si Xavier ng waiter. Nakatitig lang ang dalaga rito habang nag oorder ng pag kain nila, kanina tapos na niya sabihin dito kung ano ang gusto niya'ng kainin.

Pagkaalis ng waiter ay kay Ensley ulit bumalik ang tingin ni Xavier. Ang totoo ay si Ensely talaga ang una nagyaya rito dahil gusto na niya magkaroon na sila ng closure sa isa't isa at gusto na niya ibigay kay Dior ang lahat ng atensyon niya.

Nagkamustahan ang dalawa hanggang napunta ang usapan nung nasa Costa silang dalawa at sinabi rin ni Ensley kung gaano na niya ka-miss ang lugar nila.

"Bago ko makalimutan, next week is my birthday. Sa beach house namin gaganapin. Hindi naman siya formal dahil tayo-tayo lang at walang mga matatanda. Parang bakasyon at tsaka miss mo na Costa, right? Hindi man katulad sa Costa, dagat pa rin naman."

"Did Dior knows this?"

"Yes, silang dalawa ni Parker una kong sinabihan. Hindi ba nabanggit niya?"

"Hindi."

"Okay, pero sumama ka ha! Mag tatampo ako kapag hindi ka pumunta."

"Xavier."

"As a friend, of course. Haha"

Nginitian na lang siya ni Ensley.

Hindi sigurado ang dalaga kung nakuha ba niya ang closure na gusto niya makuha kay Xavier pero mukhang ayos na naman silang dalawa.

"Hatid na kita." Saad ni Xavier. Hi-hindi na sana siya kaso naisip niya na masyado nang late at makakapag tipid siya sa pamasahe.

Pinag buksan siya ni Xavier ng pinto bago siya pumasok sa passenger seat at umupo rito. Umikot na rin si Xavier at pumasok na sa driver seat.

Tinignan naman siya muna ni Xavier kung may seatbelt na ba ang dalaga, sinimulan na niya buksan ang makina nang makita na ayos na ito at pinaandar na ang sasakyan.

"Kala Dior?"

"Hindi, sa bahay namin. I mean, kay kuya Levi." Tumango na lang si Xavier dito.

Kinuha ni Xavier ang kaniyang cellphone sa bulsa gamit ang isa nitong kamay at inabot kay Ensley.

"Paki hanap sa gps yung bahay niyo." Utos sa kaniya nito.

Ngayon niya lang nahawakan ang cellphone ng binata at hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Nang mahanap na ay inilagay na niya ang cellphone nito sa dashboard ng sasakyan para makita ng binata.

"Salamat." Saad ni Xavier sa kaniya. Ngumiti na lang ang dalaga rito.

Pagkatapos ay tumingin na lang siya sa bintana, tahimik din kaya napag desisyunan niya na maki bukas ng radyo rito.

Pero sabay na humawak ang kamay nila sa pindutan ng radyo, inalis naman niya agad ito at iwas na tumingin sa binata.

"A-Ano mag papatugtog sana ako."

"Go ahead." Ubaya sa kaniya ni Xavier.

Nang makarating sila sa subdivision nila Levi ay hindi na nag pababa si Ensley sa mismong harapan nito.

Nakahinto na ang sasakyan ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang seatbelt sa kaniya at nakatitig lang sa harapan ng sasakyan.

"Ens."

"Xavier"

Sabay na sabi nila habang nakatitig sa isa't isa. Nakahawak naman ng mahigpit si Ensley sa seatbelt naka kabit sa kaniya at ang bilis na rin nang tibok ng kaniyang puso habang nakatitig sa mga mata ni Xavier.

Ngayon na lang niya ulit ito natitigan nang ganon.

Lumapit si Xavier sa kaniya at tinanggal ang seatbelt niya pero si Ensley ay hindi pa rin umaalis sa titig nito sa binata at ganon din si Xavier dito.

Nang matanggal ang seatbelt ay hindi na nag aksaya si Xavier na halikan sa labi ang dalaga. Hindi naman nabigla siya dahil alam niyang sa sarili niya na gusto niya rin iyon mangyari.

Humawak siya sa isang panga nito at ang isang kamay naman ay malikot na pumunta sa buhok ng binata. Mas binuka niya rin ang bibig para makapasok ang dila nito sa kaniya.

Nakahawak na sa bewang ang binata kay Ensley at ang isang kamay ay humawak na sa binti ng dalaga at dahan-dahan na pinasok sa loob ng dress nito.

Umungol naman siya at mas lalong inilapit ang sarili sa binata. Naramdaman na rin niya nasa ibabaw na ng panty niya ang kamay nito. Mas lalo naman lumalim ang halikan ng dalawa.

Ipapasok na sana ni Xavier ang daliri kay Ensley nang tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Shit!" Nang makabalik siya sa sarili at maalala si Dior ay tumingin siya kay Xavier na nakatingin na rin sa kaniya at alam nilang dalawa na they fucked up.

Humigpit naman ang kapit ni Xavier sa kaniya na para bang ayaw siya nito pakawalan. "No, Ens." Saad nito sa kaniya.

Hindi rin tumitigil ang pag ring ng cellphone ni Ensley. "Xavier." Tawag niya rito at hindi alam ang gagawin.

"I love you, Ens." Gulat naman na bumaling ulit si Ensley kay Xavier.

"WHAT?"

"Hindi pwede, Xavier. Paano si Zoey? Si Dior? I just can't leave him. I can't." Saad nito rito.

Lumukot naman ang mukha ni Xavier sa narinig kay Ensley.

"Nakipagkita ako sayo para humingi ng closure sana, hindi ganito. Sorry."

"Hindi dapat ito nangyari." Saad pa ni Ensley. Sumang-ayon na rin si Xavier nang maalala niya ang kasunduan nila sa pamilya ni Zoey. Kailangan ito ng pamilya niya para hindi mawala ang business nila.

"Sorry, Ensley."

"Sorry din, Xavier."

Binuksan na ni Ensley ang pinto ng sasakayan sa passenger, lumingon ulit siya kay Xavier "Please, don't mention this to Dior. Ako na mag sasabi sa kaniya."

"No problem."

Lumabas siya sa sasakyan nito na kinakabahan at parehas nang hihina ang mga binti. Hindi niya alam kung ano na naman ang pinasok niya'ng problema.

Ngayon pa talaga na nag kakamabutihan na sila ni Dior at nakilala na niya ang ina at kapatid nito.

Kasalanan din naman talaga niya, hindi siya nag iisip nang maayos at puro puso ang inuuna.

At hindi rin mawala sa kaniya'ng isipan ang pinag tapat ni Xavier sa kaniya kanina. Ano ba dapat niya'ng gawin? Inaamin niya, matagal na niya gusto marinig iyon mula sa binata pero bakit nung sinabi na nito ay ganoon yung naramdaman niya?

Hindi siya natuwa, more like na guilty siya para kay Dior.

Nalilito siya at naguguluhan sa kaniya'ng nararamdaman. Ano nga ba ang dapat niya maramdaman?

Naguguluhan siya.

Hindi niya namalayan nakapasok na pala siya sa loob ng bahay nila.

Napansin naman niya ang kuya Levi niya na pababa ng hagdan. Nag tataka na pinag masdan siya nito.

"Bakit ngayon ka lang?"

"K-Kuya." Sana hindi na siya nag salita dahil sa isang salita lang niya, bigla na lang bumigay ang kaniya'ng mga tuhod at paupo na umiyak.

Madali naman nakalapit sa kaniya ang nakakatanda'ng kapatid at dahan-dahan na niyakap ito. Doon naman lalo siya napaiyak at parehas na sila ngayon, nakaupo sa sahig.

Hindi ito nag salita o nag tanong sa kaniya, bagkus ay niyakap lang siya nito ng mahigpit at marahan na hinahaplos ang buhok.

"I am sorry, kuya. I am sorry mama.. papa.. sorry." Paulit-ulit na saad ng dalaga rito.

NAGISING ang dalaga sa ingay nang kaniya'ng cellphone. Masakit ang ulo at mata na kinuha ito sa gilid. Hindi na rin niya natingnan kung sino ang tumatawag sa kaniya, hindi niya magawa imulat ang mga mata.

"Hello." Paos na sagot niya rito. Narinig naman niya ang ilang kaluskos sa kabilang linya bago iyo sumagot.

"Baby, are you okay?" Doon naman siya natauhan sa nag salita sa kabilang linya.

"I.. I am fine."

"Kanina pa ako natawag sayo at nag tetext, hindi ka sumasagot. Akala ko kung ano na nangyari sayo."

"Kagising ko lang."

"Shit! Did I wake you up? I'm sorry, baby."

"It's okay, Dior. I am okay." Sagot niya rito o para na rin sa sarili niya.

"Hm? Are you sure? You sound not, okay? Do you want me to go there? Do you want to eat something?"

"Really, I am okay. Don't worry about me at mag kikita naman tayo mamaya, diba?"

"Right! Kaya pala ako tumawag sayo. I thought you forgot but seriously, we could cancel later if you're really not okay, though."

"Dior. Stop. I am okay, you're gonna pick me up later, hm?"

"Of course, baby. I'll see you later."

"I'll see you."

TANGHALI sila mag kikita ni Dior. Pagkatapos mag ayos ay bumaba na siya sa hagdan. Nakasuot lang siya ng pantalon at blouse. Naka converse lang din siya at may sling bag na dala.

Napansin naman siya nang kaniya'ng kapatid nasa living room nanunuod.

"You're going somewhere?" Tanong nito sa kaniya pagtapos ay uminom sa kape nasa coffee table nila.

Nahihiya naman na lumapit siya rito. "Yes, kuya if that's okay. Uuwi rin ako agad." Marahan naman tumango ito habang nasa tv ang atensyon.

"Kuya Levi, pwede ba sa atin na lang yung nangyari kagabi? Ayoko mag alala sila mama at kuya Logan."

Seryoso naman na tumingin si Levi sa kaniya habang siya ay kinakabahan nakatayo sa gilid nito.

"Come here." Saad nito at pinapaupo siya sa tabi nito. Mabilis ang puso na umupo siya sa tabi nito.

"For now, I won't ask you what happened but whenever you are ready? Remember, we are always here for you, okay?"

"Thank you, kuya."

"And please, paki sabi kay Dior na pumunta rito. Hindi yung patago kayo nalabas."

"Kuya! Hindi naman kami nag tatago—"

"Ano tawag mo sa ginagawa niyo?"

"Sorry. Susunduin niya ako ngayon, papasukin ko na lang siya muna rito."

"Good."

TAHIMIK nakaupo si Dior sa tabi ng dalaga habang si Levi naman ay seryoso nakatingin sa mga ito.

"Saan kayo pupunta ngayon?" Pag basag na tanong ni Levi sa katahimikan.

Napakamot naman si Dior sa likod ng ulo at tumingin kay Levi.

"It's a secret—" Tinaasan naman siya ng kilay ni Levi sa narinig. Napalo naman ng dalaga ang binti ng binata.

"Ano'ng secret pinag sasabi mo?" Bulong niya rito pero narinig pa rin iyon ni Levi.

"You just want to know—" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sumabat na ulit si Levi.

"Just.. basta wag lang kayo gabihin ng uwi."

"Yes, Sir! What I mean is Levi."

"ARE you hungry?" Napalingon naman ang dalaga sa binata at umiling siya rito bilang sagot.

Hindi niya rin kaya kausapin nang maayos ito, dahil sobra talaga siya na gi-guilty sa ginawa niya pero kahit ganoon ay ayaw niya ipahalata rito dahil ayaw niya ito mag alala pa.

Tinatanaw niya ang mga puno nadadaanan nila. Hindi niya alam kung saan sila pupunta at hindi rin siya familiar sa lugar. Sa tingin niya wala na sila sa Centro, dahil puro puno at palayan nakikita niya. May ilan din mga kalabaw ang nakikita sa tanawin.

"Ikaw? Gutom ka na?" Tanong niya rito nang maalala na hindi niya pa ito natatanong. Ngumiti naman ito sa kaniya.

"May malapit na resto sa pupuntahan natin, unahin na lang muna natin kumain bago tayo tumuloy sa pupuntahan natin."

"Sounds good— pwede ko ba buksan yung bintana?"

"Of course, baby."

"Thanks." Pasasalamat niya rito. Tinurn off naman ng binata ang aircon ng sasakyan para ang hangin na lang sa labas ang malanghap.

Naka-ngiti naman na pasulyap-sulyap ang binata sa dalaga nakatanaw na ngayon sa malawak na palayan. Hindi rin ganoon, ka-traffic. Dalawang oras lang ang kailangan nila para makarating sa pupuntahan.

Hindi naman mapigilan ni Dior ang excitement ng makita na malapit na sila sa pupuntahan nila. Sinilip din nito si Ensley na ngayon ay nag tataka na sa nakikita. Pinark niya ang sasakyan sa parking lot na malapit dito.

"Nasan talaga tayo, Dior?"

"You'll find out later, sa ngayon ay kumain muna tayo at alam ko'ng gutom ka na."

Bumaba na sila ng sasakyan, pinag buksan din siya ni Dior ng pinto. Medyo mainit sa labas kaya kinuha niya ang dala'ng payong sa bag at binuksan ito. Papayungan niya sana ang binata kaso masydo ito matangkad sa kaniya. Napansin naman iyon ni Dior at kinuha ang payong sa kamay ni Ensley.

Ginulo pa nang kaunti ng binata ang buhok ng babae at nakasimangot naman ito bumaling sa binata.

"Bakit ba ang hilig niyo guluhin buhok ko?"

Sumagot naman ito ng tawa at inilagay ang kamay sa balikat ng dalaga para mapayungan ito nang maayos.

Pumasok sila sa isang lumang restaurant, para ito'ng bahay style. Ang warm at you feel home pagkapasok sa loob. Binalik na ulit ni Ensley ang payong sa loob ng bag at humanap na sila nang mauupuan.

Medyo malaki ang kainan at marami rin ang kumakain dito. Naka-kita sila ng mauupuan malapit sa gilid ng binata. Pagkaupo nila ay may lumapit agad na ale sa kanila.

"Galing kayo Centro?" Tanong nito habang kinukuha ang maliit na notebook sa bulsa ng apron nito at masaya na tumingin sa kanila.

"Opo." Siya na lang ang sumagot dahil hindi naman pala sagot si Dior. "Ano nga po pala yung madalas na inoorder ng mga napunta po rito? Ngayon pa lang po kasi kami nakapunta rito." Tanong niya pa.

Lumapit naman ang isang binata sa kanila at inabot ang dalawang menu pagkatapos ay umalis na ulit ito.

"May malapit na dagat dito kaya ang madalas na orderin ng mga hindi taga rito ay Adobong pugita, sinigang na hipon, kinilaw at sisig na may halong isda."

Bumaling naman si Ensley kay Dior pagkatapos nito marinig ang sinabi ng ale.

"What do you want? Huwag tayo umorder ng marami, baka hindi natin maubos at yung kaya lang, Dior." Tumango naman ito nang marahan sa kaniya.

"How about you, baby?" Nanlaki naman ang mata ng dalaga sa sinabi ng lalaki. Kahit palagi siya nito tinatawag nang ganoon ay hindi pa rin talaga siya masanay at lalo na may ibang tao sa paligid nila.

"Gusto ko nang adobong pugita at sisig na may isda." Sagot niya rito.

"Okay, let's order that."

"Teka— yung sayo?"

"I'll have what yours." Namula naman ang dalaga at nahihiya na bumalik ang tingin sa ale.

"Wag ka mag alala, miss. Marami naman yung ulam para sa isang tao."

"Okay po, salamat. Tsaka dalawang order po nang kanin— Dior? Drinks?" Bumaling naman ulit siya sa binata na kanina pa nakatitig sa kaniya.

"Anything, sweetheart."

"Ano po mga inumin niyo? May lemon juice po ba kayo?" Balik na tanong niya ulit sa ale.

"Meron kami'ng lemon juice. Dalawa non?"

"Yes, po at water na rin po." Sagot niya rito bago ito umalis para ibigay ang order nila sa loob.

"ANG takaw mo pala talaga kumain, hm?"

"Matakaw ha!" Inis naman bumaling si Ensley dito at kinurot ang braso nito.

"Ang sadista mo talaga. Minsan nga gawin mo yan sa kama."

Nanlaki naman ang mata nito bumaling ulit kay Dior at tumingin-tingin pa sa paligid kung may nakarinig ba sa kanila.

"Iya'ng bibig mo talaga, kung anu-ano lumalabas." Malandi naman na tumawa ang binata rito at pinag intertwined ang kanilang mga kamay.

Kasalukuyan sila nag lalakad sa pupuntahan daw nila. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung saan talaga, basta ang alam niya ay papunta sila sa isang hardin.

"You helped your family business sa Costa, right?" Out of the blue nito'ng tanong sa dalaga.

"Oo, I helped them sa pag we-waiter and minsan yung maliit na bagay na pwede naman na gawin— Pumunta ka na pala samin, hindi ko man lang alam."

"You never asked and I don't know your family managed that restaurant."

"True, and it is because we never had a chance to talk like this before."

Natahimik naman sila nang saglit at pagkatapos ay napalitan ng pag mamangha ang mukha ng dalaga.

"Garden of butterflies." Basa ni Ensley sa signage sa itaas ng hardin. Hindi naman siya makapaniwala na bumaling kay Dior.

"I.. I don't know what to say.. Thank you? I love it."

Hindi rin mawala kay Ensley ang kinang nito sa mata habang nakatitig sa hardin.

"Let's go?" Tumango naman ang dalaga na parang bata rito at nauna pumasok sa loob.

Malawak nag hardin at iba't ibang uri rin ng halaman ang naroon at maraming bulaklak na hindi na niya alam kung ano ang pangalan sa dami. May ilang mga tao rin ang naroon.

Habang si Dior ay nakatitig lang kay Ensley habang pinag mamasdan ang buong paligid at ang mga butterfly nalipad.

"Dior, come here." Tawag niya sa binata.

"Look, they're beautiful." Turo ni Ensley sa dalawang butterflies nasa bulaklak.

"Yeah." Saad nito, tumingin naman ang dalaga rito pero nabigla na lang siya nang sa kaniya nakatingin ito at hindi sa mga paru-paro.

Namula naman siya sa lapit nila'ng dalawa at sa pag titig nito sa kaniya.

Habang parehas sila'ng nakatitig sa isa't isa. Unti-onti na rin lumalapit ang mukha ni Dior sa mukha ni Ensley. Hinawakan na rin nito ang kamay at mukha ng dalaga at kaunti na lang ay mahahalikan na niya ito.

"Mommy! Look what they're doing!" Umiiyak na saad ng batang nakakita sa kanila na mutik na mag halikan. Parehas naman namula sina Ensley at Dior habang nakatingin sa batang babae na umiiyak na sa harapan nila.

Hindi nila alam kung paano ito patahanin dahil nung lalapitan na sana ni Ensley ito ay mas lalo ito umiyak. Nakita niya ang ina nito na palapit na sa kanila.

"Mommy! They're kissing!" Sumbong ng bata sa ina nito. Mas lalo naman nag panic si Ensley habang si Dior ay nabigla pa rin sa nangyayari.

"Sorry po, napuwing po yung mata ko kaya akala niya—" hindi niya rin matuloy ang gustong sabihin sa mga ito.

"No! Mommy! They're kissing!" Binuhat naman ito nang ina nung batang babae. "No, Crescent Euporie. They're not."

"I saw them, Mommy!" Maktol pa nito. May lumapit naman na isang batang lalaki sa kanila. "What is happening, tita Lucy? Why? Rierie is crying?" Tanong nito at bigla na lang din umiyak.

"Oh my god! I am sorry po." Paumanhin niya ulit sa mga ito na hindi na mawari ang gagawin. Nang biglang lumapit si Dior sa batang lalaki. "Hey, buddy. It's okay. Rierie is okay. Look—" tinuro pa nito ang batang babae na tinawag nitong Rierie pero umiiyak pa rin ito. "So, don't cry na. Can you do that for me?" Saad pa ni Dior dito.

Tumigil naman na umiyak ang batang lalaki at ganoon na rin ang batang babae.

"High five?" Enganyo pa ni Dior sa batang lalaki. Pinunasan naman nito ang luha sa pisngi at pagkatapos ay naki pag high five na rin kay Dior.

"And also, to Rierie. High five? Don't cry na, okay?" Nahihiya naman naki-high five rin si Rierie kay Dior.

"Sorry po sa abala." Saad pa ni Dior sa ginang. "Wala iyon, pasensya na rin. Kapag kasi umiyak ang isa sa kanila ay umiiyak na rin ang isa." Kwento pa ng ginang.

"Are they twins po ba?" Tanong naman ni Ensley dito.

"Oh no, mahabang istorya pero they have same birthday."

Kumapit naman ang dalaga sa braso ni Dior at tinitigan ang dalawang bata. Binaba naman na ng ginang si Rierie at pagkatapos ay hinawakan nang batang lalaki ang maliit na kamay nito at sabay na silang nag paalam kala Ensley at Dior.

"Mauna na kami, salamat sa inyo'ng dalawa."

"Wala po yon, pasensiya na rin po." Saad naman ni Ensley dito at kumaway pa rito habang nag paalam sa mga ito.

"Do you want to have twins?" Bulong naman ni Dior sa kaniya at katulad nang palagi niya ginagawa, nakurot na naman niya ito sa braso.