Chapter 26
HINDI na ni Ensley nakausap ang kaniyang ina, pagod na raw ito at nag papahinga na.
Sigurado siya bukas na hindi ito makakalimot na kailangan nila mag-usap. Dapat na rin niya ihanda ang sarili, sa mga itatanong ng mga ito.
Lalo na nakita ng mga kuya niya kung paano siya hawakan ni Dior.
'Parang sira talaga ang lalaking iyon!' Sigaw niya sa sarili.
Pagkatapos niya umalis sa yakap ni Dior ay naging tahimik na ito. Ang huling sinabi na lang nito ay nung mag tanong ito kung sino si Lucas.
"He's my best friend." Saad ni Ensley dito.
"Guy Best friend ha?" Sarkastik na sabi nito sa dalaga.
"Oo, may problema ba doon?" Naiinis na tanong ni Ensley sa binata. "Wala!" Inis din na sagot ni Dior dito.
Lumabas naman sa loob ng bathroom si Chloe at umakyat na sa kama ni Ensley. Medyo malaki at malawak naman ang kwarto at kama ni Ensley, kaya ayos lang na rito matulog sina Chloe at Nora.
"Kumusta?" Tanong ni Ensley kay Nora na ka-kapasok lang sa loob ng kwarto at sumalampak na rin sa higaan.
"Tinanong ako ni Lucas kung kilala ko raw ba si Dior. Shempre sinagot ko siya nang hindi dahil hindi ko naman talaga kilala yon. Ngayon ko nga lang nakita yon." Kwento ni Nora sa mga ito.
Tumawa naman si Chloe sa reaction ni Nora.
"Ano ba kasing relasyon mo kay Dior, Ens?" Usisa ni Nora sa kaibigan.
Na-ilang naman si Ensley sa tinatanong nito. "Wala, we don't have relationship." Saad ng dalaga sa tanong nito at napaiwas ng tingin.
Tumawa naman ulit si Chloe at sinamaan naman ito ng tingin ni Ensley.
"Hindi ko talaga gets yung tinatawa ni Chloe, Ens. Ano ba kasi yon?"
"Gusto ko man i-spill yung gossip pero hindi ako yung tamang tao para mag sabi." Saad ni Chloe kay Nora.
"Wala naman kasi talaga." Depensa pa ni Ensley dito.
"Pero bakit ganon tumingin sayo si Dior ba yon? Basta yung poging lalaki kanin—"
"Anong pogi? Ayon? Bulag ka ba?" Sabat ni Ensley kay Nora.
Napatawa na lang ulit si Chloe dahil masyadong obvious ang kaniyang kaibigan.
"Seriously, Ens. The way he looks at you is really something. Kanina nga, parang gusto na niya suntukin si Lucas kung hindi lang siya kinausap nung kapatid mo, Chloe."
Tumango-tango naman si Chloe sa mga ito habang si Ensley ay naguguluhan nakatitig sa mga ito.
"WHAT? HE WANTED TO PUNCHED, LUCAS?!" Inis na tanong ni Ensley kay Nora.
"Ang dami ko talaga sinabi, Ens pero ayan lang na-absorb mo. Wow." Saad pa ni Nora.
"Ens, I love this girl!" Sabat naman ni Chloe at niyakap pa si Nora.
"Ano nga, I am waiting." Saad pa ni Nora.
"Wala naman kasi." Mahinang sagot ni Ensley at sa dalawang kamay niya tinuon ang pansin.
"You're lying." Seryosong saad na ni Nora. "Yeah, she's lying." Sabat pa ni Chloe.
"Anong gusto niyo'ng sabihin ko? That I slept with him?" Naluluha nang saad ni Ensley dito.
"WHAT?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nora sa kaibigan. "You're kidding, right?" Saad pa nito.
"Sana nga." Mahinang saad ni Ensley.
"Holy! HOW LONG? IS HE GOOD?" Hindi mawari kung inosente ba'ng tanong yon ni Nora o hindi.
"WHAT?" Sabay na saad nina Ensley at Chloe.
"WHAT? Curious lang ako." Defensive na saad ni Nora sa mga ito.
KINABUKASAN nang umaga. Nauna nagising si Ensley sa mga kaibigan niya.
Habang dahan-dahan na bumababa si Ensley sa hagdan ay naamoy na niya ang mabangong pag kain na niluluto sa kusina. Siguradong nag luluto na ang mga ito nang almusal.
Bigla kumulo ang sikmura ni Ensley sa gutom.
Pagkarating sa kusina ay naabutan niya ang kaniyang ama, nag luluto. Naka-talikod ito sa kaniya.
At first, she hesitated to go inside but eventually tumuloy na rin siya.
Masaya niyang binati ang kaniyang ama. "Good morning, Pa! Ang bango naman po niyan." Masayang saad nito sa ama.
Parang katulad lang nang dati, tuwing umaga ay naabutan niya ang kaniyang ama sa kusina nang kanilang resto.
Hindi niya inakala na-miss niya pala talaga ang mga ito.
Lumingon si Lorenzo sa anak na naka-ngiti. "Bunso, are you hungry? Sandali na lang ito." Saad nito at bumalik ulit sa pag luluto.
"Sobra po." Sagot ni Ensley dito at tumawa pa. "Namiss ko po yung luto niyo." Saad pa nito.
"Talaga ba? Baka may nag luluto na sayo ha." Asar naman ng ama sa kaniya.
Tumawa naman si Ensley dito, "Wala po, kayo lang nila kuya nag luluto sa akin." Ngumiti na lang ang ama sa sinabi ng anak.
"Pa?" Simula ni Ensley. "Hmm?" Saad ng ama habang nilalagay na sa plato ang mga pag kain na niluto.
Simple lang ang almusal ngayon, gumawa nang fried rice ang kaniyang itay at nag prito nang itlog at hotdog. Typical breakfast.
"Sorry po." Saad ni Ensley habang pinag lalaruan ang mga maliit na display doon sa kusina.
Lumingon naman sa kaniya si Lorenzo. "Wala ka naman dapat ipag-paumanhin, anak. Sinabi na rin ni Lucas na masyado ka lang talaga nadala sa mga kwento niya at kung gaano mo na-miss ang Costa. Kung inaalala mo naman si Dior. Si Dior nga ba ang ngalan non?" Tumango si Ensley.
"Don't worry, kung sinabi mo na kaibigan lang talaga kayo ay hindi na kami mag tatanong pa." Saad ng ama nito.
Na-guilty naman si Ensley sa sinabi ng ama, at lalo na hindi nag sabi si Lucas dito. Bagkus ay pinag takpan pa siya nito.
Gusto niya naman talaga sabihin sa mga magulang niya kaso natatakot lang talaga siya sa mga magiging reaction ng mga ito.
At wala naman talaga silang relasyon ni Dior. Oo, they slept a few times pero ayon lang yon. Wala naman sinabi si Dior kung may relasyon ba sila. Ayaw niya mag assume lalo na sinabi nito nung nakaraan na they just have to live in the moment.
Hindi rin siya handa pumasok sa isang relasyon, pagkatapos nangyari sa kanila ni Xavier. Lalo na hindi niya pa nasosorted out ang feelings niya para rito. Sigurado rin siya na hindi pumapasok si Dior sa isang seryosong relasyon.
Inaamin niya rin na she cares for Dior. Walang duda yon, kahit naman papaano ay mabait ito sa kaniya at ramdam niya rin na he cares for her as well.
Nabalik si Ensely sa realidad nang marinig niya ang boses ng ina.
"Ensely, nakatulog ka ba nang ayos?" Tanong ng kaniyang ina sa kaniya.
Ngumiti naman si Ensley at niyakap ito. "Opo, Ma. I'm gonna miss you po." Bulong nito sa ina. Marahan naman na tinapik ni Mila ang likod ng kaniyang anak. "Of course! Mamimiss ka rin namin ng papa mo, pati mga kuya mo. Basta sa Christmas at New Year ay sa Costa kayo mag cecelebrate."
"Opo, Mommy! Ako pa hihigit kala kuya." Biro ni Ensley dito.
HINATID nina Ensley at ni Logan ang kanilang magulang pati na rin sina Lucas at Nora. Hindi nila kasama sa pag hatid ang panganay na kapatid dahil maaga ito pumasok ng trabaho. Nakapag paalam na rin naman ito sa magulang.
Sa huling pagkakataon ay yumakap at humalik sa pisngi si Ensley sa magulang, ganoon din ang ginawa ni Logan sa magulang.
Hindi naman mapigilan maging emotional ni Mila. Ang mawalay sa mga anak ay talaga nakakalungkot para sa ina.
Lumapit si Ensely kala Nora at Lucas.
"Ensley!" Naiiyak na saad ni Nora sa dalaga at niyakap ito. "I'll see you soon, huwag mo kalimutan isama si Chloe ha!"
"Kung gusto ko siya isama." Biro ni Ensley dito, napalo naman siya ni Nora sa braso. "Binibiro lang kita, alam ko naman na mas gusto mo na si Chloe kaysa sakin." Kunwari'ng malungkot na saad ni Ensley dito.
Bumaling naman siya kay Lucas na kanina pa pinag mamasdan silang dalawa ni Nora.
Ini-stretched ni Ensley ang dalawang braso. "Yakap ko?" Saad nito kay Lucas.
"Ewan ko sayo." At niyakap na rin ito nang mahigpit. "Hindi ko alam kung anong meron kayo nung Dior. Ang gusto ko lang ay maging masaya ka at hindi na masaktan. Sabihin mo sakin kapag sinaktan ka non ha! Uupakan ko talaha yon!" Bilin na saad ni Lucas sa dalaga.
Tumawa naman si Ensley, "Whatever you say pero you don't need to be brutal. Wala dapat masaktan. Thank you!" Sagot ni Ensley sa best friend.
"Sige na! I'll see you soon." Saad pa nito at tinapik sa balikat si Lucas kahit matangkad ito.
"Bye! Mag-ingat po kayo. We'll see you soon." Paalam ni Ensley sa mga ito at kumaway pa ito sa mga ito habang pumasok na sa loob ng airport ang mga ito.
"I feel exhausted! Bili mo ko burgers, kuya." Ginulo na lang ni Logan ang buhok nito at inakbayan papunta sa kanilang sasakyan.
"Kay kuya Levi ka mag si-stay this weekend, diba?" Tanong sa kaniya ng kapatid at umoo na lang si Ensley dito.
AFTER nang dalawang araw na pamamalagi ni Ensley sa kuya niya ay ngayon ay pauwi na rin siya. Kasama niya ngayon ang kuya Levi niya patungo sa bahay nila Chloe.
Maaga sila na pupunta muna kala Chloe bago pumasok sa trabaho at sa University.
Nag bigay talaga nang oras ang kaniya'ng kuya sa pag hatid sa kaniya. Gusto kasi nito makita ang tinitirahan niya kuno.
Sumalubong sa kaniya si Chloe pagkababa niya sa sasakyan.
"Ens, I miss you." Saad ni Chloe at niyakap ang kaibigan. Sumunod naman si Levi sa kanila sa loob.
Siniko-siko naman ni Chloe si Ensley. "Bakit?" Tanong ng dalaga rito. "Ako lang ba o sadyang nakakatakot ang atmosphere ng kapatid niyo."
"Marinig ka ni kuya." Suway ni Ensley dito.
Nang tumingin si Chloe sa likuran nila ay nakita niya si Levi na seryosong nakatingin sa kanila. Tahimik na lang siya na bumalik sa harapan ang tingin.
"Kuya mo?" Tanong ni Ensley dito.
"Pumasok na, may training pa raw sila."
Pagkarating sa living room ng bahay ay pinaupo agad nila si Levi sa couch.
"Upo ka, kuya Levi." Magalang na saad ni Chloe sa kapatid ni Ensley.
Bago ito umupo ay sinuri muna nito ang paligid habang sina Ensley at Chloe naman ay nasa gilid ng couch nakatayo habang pinag mamasdan si Levi.
"Ay, kuya do you want drinks?" Baling pansin nito kay Levi. Nakalimutan niya ito itanong sa bisita.
"I'm good. Thanks, Chloe." Seryosong saad pa rin nito pero napangiti naman si Chloe sa sinabi nito.
"Bakit nakatayo pa rin kayo diyan?" Tanong ni Levi sa kanila. Hindi rin alam nila Ensley at Chloe kung bakit hindi agad sila umupo kanina.
Bago sila hinatid ni Levi sa University nila ay nag stay muna ito saglit para mag tanong sa pamamalagi ni Ensley kala Chloe at kamustahan din.
SA LOOB nang apat na sulok ng classroom, makikita ang isang professor nag tuturo sa unahan habang ang mga kaniyang estudyante ay nakaupo sa kani-kanilang mga upuan.
Kulay puti ang buong kwarto pati na rin ang mga lamesa, ang kulay itim na mga upuan lang ang nag bibigay ng kulay sa buong kwarto.
May hagdan din naka-konekta sa pinto.
Ang bawat lamesa kasi ay parang hagdan, ang unang halera ay sa bandang baba at ang huling halera ay sa pinakataas, na kahalera ng pinto.
Malaki ang kanilang silid aralan pero walang black board or white board ang nakalagay sa unahan, maliban sa puting pader. May projector din sa itaas ng ceiling at sa dingding nakaharap ito, para doon makita ang mga itinuturo na leksyon.
May pitong halera na lamesa na mahahaba at may labing apat na upuan sa kada halera ng lamesa.
Nasa unahan naman ang isang lamesa para sa kanilang professor. Meron itong computer ngunit walang upuan dahil palagi naman nakatayo ito o kaya sa lamesa nakaupo kapag nag tuturo.
May dalawang pinto sa mag kabilang gilid ng kwarto, ang isa ay para sa main door kung saan doon pumapasok at lumalabas ang mga estudyanye at professor.
Habang ang isa naman ay isang maliit na kwarto para sa mga kada professor nag tuturo sa kwarto na iyon. Nasa baba lang iyon at walang hagdan katulad papunta sa main door.
Tahimik na nag do-doodle si Ensley sa kaniyang libro habang nag di-discuss ang kanilang professor sa unahan.
Ang ilang mga estudyante ay tahimik na nakikinig at ang ilan naman ay hindi magkamayaw sa kakasagot at kakatanong sa kanilang professor sa unahan.
May mga araw na nakikinig ang dalaga at may mga pagkakataon talaga na hindi nakikinig ito, katulad ngayon.
Madalas kasi ito mag advanced reading, kaya sa tuwing napapansin siya ng kaniyang professor na hindi nakikinig. Ganon pa man ay madalas pa rin siya'ng nakakasagot dito.
Matataas din ang mga grado niya sa kaniyang mga units.
Pagkatapos ng klase ay dali-dali ni Ensley kinuha ang kaniyang gamit sa lamesa at inilagay sa kaniyang bag.
"May pupuntahan ka?" Tanong sa kaniya ni Chloe nang makita siya nito nag mamadali. Lumingon naman siya rito. "Ah! Oo." Sagot niya rito.
"I'll see you tomorrow." Paalam ni Ensely sa kaibigan at dali-dali na lumabas ng silid.
NAG huhugas si Ensley ng kamay nang may pumasok sa loob ng restroom. Hindi niya sana ito papansinin ngunit narinig niya ang pag clicked ng doorknob.
Bumungad sa kaniya si Scarlett na may kasama'ng dalawang babae.
Naka-suot ang mga ito ng pang-cheer leader. Itim, pula at konting puti ang kulay ng mga uniforms nito katulad sa soccer team. Nakalagay din ang pangalan ng University nila na Gaspard sa bandang dibdib at maiksi ang mga palda nito.
Hindi niya mawari kung bakit kailangan pa mag suot ng mga ito nang ganyan kung wala naman laban ngayon at nag papractice lang naman sila.
"Hi, Ensley!" Bungad sa kaniya ni Scarlett habang naka-ngiti ito ng sarkastik sa kaniya. "Oh? Hello, Scarlett. How are you?" Saad naman ni Ensley dito.
Tumaas naman ang kilay ni Scarlett sa narinig nito. "I'm good, you?" Banat pa ni Scarlett kay Ensley. Mas lalo pa ngumiti si Ensley dito. "I'm pretty fine, thanks for asking." Saad niya.
Nainis naman si Scarlett sa inakto ni Ensley. "Girls!" Pag tawag nito sa dalawang kasama. Lumapit naman ang mga ito kay Ensley at hinawakan ang mag kabilaan na braso ng dalaga.
Pumiglas naman si Ensley, "What the hell, Scarlett?!" Si Scarlett naman ang ngumiti ng malaki rito at pinagcrossed ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nito.
"You have the guts to asked me that? Wow!" At isang sarkastik na ngiti ang pinakawalan ni Scarlett.
Mas lalo rin humigpit ang kapit ng dalawang babae sa braso ni Ensley. Nararamdaman na niya ang mahahabang kuko ng mga ito naka-diin sa kaniya.
"Akala mo hindi ko malalaman na you're fucking, Dior? Mang-aagaw ka! You're a fucking slut!" Galit na saad ni Scarlett at sinampal si Ensley.
Tumabingi naman ang ulo ni Ensley sa lakas ng sampal sa kaniya ni Scarlett. Namumula na rin ang pisngi nito.
Hindi na kuntento si Scarlett at hinawakan pa ang buhok ni Ensley at pinaharap sa kaniya ang dalaga.
Masama naman na tumingin si Ensley dito at may namumuong luha na rin sa mata.
"Hindi ko inagaw si Dior sayo!" Madiin na saad ni Ensley dito. Tumawa naman ng malakas si Scarlett dito.
"Hindi mo inagaw? Anong tawag mo sa ginagawa mo? Alam mo'ng may relasyon kami ni Dior but you still fucked him!"
"You what?! M-May relasyon?" Hindi makapaniwalang saad ni Ensley.
"Kunwari ka pa'ng hindi mo alam?! Wow!"
"But— I don't understand." Naguguluhan na saad ni Ensley at ang mata nito ay saan-saan na nakatingin, parang may hinahanap na kasagutan.
Mas lalo naman hinigpitan ni Scarlett ang pag hawak sa buhok ni Ensley at tinitigan ito sa mata.
"Stay away from him. Humanap ka na rin ng bagong apartment. I don't like seeing you walking around in his house."
At pagkatapos ay nilubayan na ng mga ito si Ensley pero hindi pa naman nag paawat ang isa sa mga kasama niya at tinulak pa ito sa sahig at lumabas ng rest room na akala mo walang nangyari sa loob.