Chapter 25
LUMAPIT ang dalawang bisita na kasama ni Logan sa mga magulang ni Ensley.
"Ma!" Tawag ni Logan sa ina. Tumingin si Mila sa kasama nito. "You must be—" saad ng ina.
"Parker Wu, Mrs. Ignacio. Thanks for inviting me and if you don't mind po, sinama ko yung kaibigan ko."
Magalang na saad ni Parker sa ina ni Ensley at naki-pag shake hands pa ito rito. "He needs company tonight." Habol pa ni Parker at pinalo ang balikat ng kaibigan at tumawa pa.
"I'm sorry for crashing your dinner party, Mrs. Ignacio. My name is Dior Moore." Magalang na saad din nito at naki-pag shake hands din.
"No worries, I think Ensley knows you too. So, it's okay." Saad ni Mila sa mga ito. Tinawag naman niya si Ensley at lumapit naman ito sa kanila.
Habang nag lalakad si Ensley palapit sa mga ito ay ramdam niya ang titig ni Dior sa kaniya.
"Ma!" Ngumiti naman si Ensley sa dalawa.
"Ensley, Happy birthday! Kung nalaman ko lang nang mas maaga ay sana nabilhan kita ng regalo." Saad ni Parker kay Ensley at nakipag beso pa ito.
Tumawa naman si Ensley, "Salamat, Parker. How about you treat me lunch?" Pang-aasar pa ng dalaga rito.
"Of course!" Sagot naman nito. Siniko naman ni Parker si Dior.
"Happy birthday, Ensley." Bati ni Dior na kanina pa nakatingin sa dalaga.
Kinabahan naman si Ensley nang lumapit si Dior sa kaniya para halikan siya sa pisngi.
"You're so beautiful." Bulong nito sa kaniya. Namula at nahiya naman si Ensley. "Thanks." Saad nito na hindi makatingin nang ayos.
LAHAT sila ay nakaupo na sa mga bangko ng mahabang lamesa.
Nasa dulong bahagi si Ensley katabi si Lucas na katabi ni Nora at ang kaniyang ina naman ay nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa.
Ang kaharap naman niya ay si Chloe na katabi ang kapatid nito habang katabi naman nito ay si Dior.
Sa kabilang dulo ng lamesa ay doon nakaupo ang kaniyang ama, sa kaliwa't kanan nito ay sina Levi at Logan natabi sina Aria at Summer.
Nag kamustahan muna ang mga bisita hanggang napadpad kala Dior at Parker ang usapan.
Ramdam din ni Ensley na kanina pa gusto tanungin ng mga tao roon ang mga ito.
Nung si Parker ang tinanong ay naging matiwasay ang usapan at hindi siya kinakabahan. Sadyang makwela lang talaga ang lalaking ito.
Lumipat ang mata ng kaniyang ama kay Dior.
Hindi niya alam kung bakit ganoon yung atmosphere nang si Dior na ang tinanong, parang nasa imbestigasyon sila.
"Hijo, ano nga ulit ang pangalan mo?" Seryosong tanong ni Lorenzo rito.
Magalang naman na sumagot si Dior, "Dior Moore po." Saad nito habang nakatuon sa kaniya lahat ang atensyon.
"Paano kayo nag kakilala ni Ensley?" Tanong pa ng ama. Nahiya naman si Ensley sa mga tanong ng kaniyang ama.
"Pa," mahinang tawag ni Ensley dito kahit nasa kabilang dulong bahagi ito ng lamesa.
"I'm friend with Wu's family po and I always visited Parker's house, doon ko po nakilala si Ensley." Saad ni Dior dito at ngumiti pa sa ama.
"And—" habol pa ng binata
"May and pa?" Reklamong saad naman ni Ensley, hindi niya inakala nasabi niya ang dapat sa isipan niya lang sasabihin.
Tumawa na lang siya ng pilit sa mga ito nang tumingin ito sa kaniya.
"And Logan is our captain but I didn't know they're siblings. I just found out later." Saad pa nito.
"I see. So, Dior what do you think about the dish?" Tanong ni Lorenzo sa binata.
Hindi naman mapakali si Ensley sa upuan dahil kanina pa kinakausap ng kaniyang ama si Dior. Si Chloe naman ay hindi na rin alam kung ngi-ngiti ba ito o hindi habang si Parker naman ay tuwang tuwa na kumakain habang nakikinig at minsan sumasabat sa mga ito.
"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Lucas sa kaniya. Tumingin siya rito, tumango siya at ngumiti.
"Gusto mo na kumain ng dessert?" Tanong pa sa kaniya ng kaibigan. Oo na sana siya rito nang tawagin siya ng kaniyang ama.
"B-Bakit po?" Balik na tanong niya rito at nakita niya si Dior na seryoso nang nakatingin sa kaniya.
"Nakapunta na pala si Dior sa Costa at nakakain na rin siya sa Paraiso kasama mga kaibigan niya."
"I didn't know po. I never get a chance to tell them na may restaurant po tayo." Mahinang saad ng dalaga pero rinig pa rin ito ng mga tao naroon.
Hindi naman nakasagot ang ama nito sa narinig. Pakiramdam nito ay hindi proud ang kaniyang anak sa mga ginagawa nila rito.
"Pa, kilala mo naman po si Ensley. Nag sasalita yan pero ang totoo ay hindi yan talaga pala kwento and I know for sure Chloe knows." Saad ni Logan sa ama.
"Sorry, Pa." nahihiyang sabi ni Ensley dito.
"Ensley and I are not really close, Sir. Yes, we see each other but that's it and I'm sure, she doesn't want to disappoint her family." Sabat ni Dior at tinuloy na ang pag kain.
Tumango na lang ang ama at pinalitan na ang topic ng pinag kukwentuhan.
Bumalik ulit sa masayang ambiance ang buong paligid. Pagkatapos kumain ng mga ito ay pinatayo na si Ensley sa unahan.
"Come here, bunso." Tawag sa kaniya ni Mila. Naka-ngiting lumapit naman ito sa mga magulang.
Niyakap siya ng kaniyang ina at hinawakan ang kaniyang bewang habang inaantay nila dumating ang cake.
Bitbit ni Lucas at Nora ang ginawang cake para sa kaibigan. Two layers cake ang ginawa nito. Simple but elegant ang desinyo nito.
Inilagay nila ito sa lamesa nakaabang para sa mismong cake.
At nag simula na kumanta ang mga ito sa kaniya ng maligayang kaarawan.
"Make a wish! Make a wish, Ens." Masayang saad ni Chloe sa kaibigan habang pumapalakpak pa.
Pumikit si Ensley at nag dasal. Nag pasalamat lang siya sa mga biyaya at sa mga mahalagang tao na kasama niya ngayon.
Minulat ni Ensley ang mata at inihipan ang kandila nasa cake nito.
Pumalakpak naman ang mga magulang, kapatid at kaibigan niya naroon ngayon.
Kinuha naman ni Lorenzo ang kamay ng anak at dinala ito sa gitna para maisayaw ito. Hindi naman mapigilan ni Ensley tumawa rito.
Matanda na ang kanilang ama at ina. Makikita na rito ang kulubot na balat nito at puting buhok.
"Sorry, Pa. You know, I'm proud of you po; sa inyo ni mama pati rin po kala kuya. I love our family. I love you po." At niyakap ang ama. Yumakap din naman sa kaniya ang ama habang sinasayaw siya nito.
Makalipas ang ilang minuto ay lumapit na ang kaniyang kuya Levi para isayaw din si Ensley.
"I know, you know all the things they did for you is for your own good, diba?" Simula ni Levi. Tumango naman si Ensley dito at yumakap din sa kapatid habang sumasayaw.
Sumunod naman na lumapit ay si Logan sa kanilang dalawa.
"Okay! Kuya Levi, your time is up now." Sinamaan naman siya ng tingin ni Levi na kinatawa ni Logan at kumamot sa ulo.
"Ikaw talaga kuya Logan, lagi mo na lang iniinis si kuya Levi." Saad ni Ensley dito at kinurot pa ito sa tagiliran.
"Ikaw din, Ensley. Lagi mo na lang kinukurot ang mga kapatid mo." Gaya naman ni Logan dito.
Sinayaw ni Logan si Ensley at pinaikot pa ito. Tumatawa naman ang dalaga sa pinag gagawa ng kapatid.
Si Logan yung kapatid na kapag seryoso ay seryoso pero kapag alam na niyang masyado nang seryoso ay gumawa ito ng paraan para pagaanin ang paligid.
Katulad ngayon, alam niyang pinapagaan ni Logan ang kaniyang pakiramdam.
Napagod na ito sa kakaikot sa kaniya kaya niyakap na lang siya nito at nag nag sayaw ng marahan.
"Kuya?" Tawag ni Ensley dito. "Shh!" Pag sita nito sa kaniya at nag hamming na lang ito ng kanta. Napangiti na lang si Ensley at nag pasalamat sa kapatid.
Naramdaman naman ni Logan na may tumapik sa kaniya at pag lingon nito ay napansin niya si Lucas sa likuran.
Hinalikan naman ni Logan sa noo si Ensley at marahan na binigay ang dalaga kay Lucas.
Nakatitig naman si Ensley sa kaibigan habang hinawakan ni Lucas ang dalawang kamay nito at ipinatong ito sa batok ng binata.
Inilagay naman ni Lucas ang dalawang kamay sa bewang ni Ensley.
Pagkatapos ay sumayaw sila ng marahan, habang nakatingin sa isa't isa.
Hindi maiwasan ng dalaga ang maging malungkot at maluha, kaya dali-dali siyang yumakap dito para hindi mahalata ng iba na lumuluha na siya.
Niyakap naman siya ni Lucas ng mahigpit. "Lucas, I think I fucked up." Mahinang saad nito sa kaibigan.
"Don't say that, hindi tayo perpekto. Kaya please, don't think like that."
"B-But I really fucked up this time." Saad pa ng dalaga habang tuloy-tuloy ang pag agos ng kaniyang mga luha.
"What do you mean?" Naguguluhan na tanong ng binata sa kaniya.
Natahimik naman si Ensley, hindi niya mahanap ang tamang mga salitang gusto niya iparating kay Lucas. Lalo na hindi ito yung tamang panahon para sabihin iyon.
"I kissed him."
Pinaharap ni Lucas si Ensley sa kaniya, at may luha na ito sa mga mata.
"WHAT? Akala ko ba nag-usap lang kayo? Bakit? P-Paano?"
"I—"
"I think, you're done now." Seryosong saad ni Dior kay Lucas nang hindi namamalayan ni Ensley ang pag lapit nito sa kanila.
Pinunasan naman agad ni Ensley ang mga luhang lumandas sa mga pisngi niya at tumingin kay Dior.
Kinuha naman ng binata ang kamay ni Ensley kay Lucas.
Nabigla naman si Lucas sa nakita at nang makabawi ito ay nag salita ulit ito "Hindi pa kami tapos." Seryosong saad din ni Lucas kay Dior habang nag susukatan ng tingin sa isa't isa.
"D-Dior!" Suway ni Ensley sa lalaki.
"Of course, you are." Madiin na sabi nito.
Nang mapansin ng mga magulang, kapatid at kaibigan ni Ensley ang nangyayari ay tumigil sila sa pag sasayaw at nilapitan ang tatlo.
"What is happening here?" Maotoridad na tanong ni Lorenzo sa mga ito. Dumako naman ang mata nito sa anak na mapula ang ilong galing sa iyak.
"You two! What happened?" Saad ng ama ni Ensley.
Lumapit naman si Parker kay Dior at si Logan kay Lucas.
"N-Nothing, Papa. Dior just wanted to dance w-with me. I just got emotional lang po sa pinag kukwentuhan namin ni Lucas." Paliwanag ni Ensley sa ama.
Tinitigan naman sila ni Lorenzo at sinusuri kung nag sasabi ng totoo ang anak.
"Lorenzo, hayaan mo na ang mga bata." Saad ni Mila sa asawa at hinawakan ito sa braso para paupuin. Ngunit tumanggi naman si Lorenzo umupo.
Humarap naman ulit si Mila kay Ensley, "We'll talk later." At dineretso na nito ang asawa sa loob ng bahay.
Binalik naman ng mga tao roon ang tingin sa tatlo. Lumapit na rin si Nora kay Lucas para hilahin paalis doon at maisayaw na rin.
Hindi sana ito papayag pero ayaw na rin niya palakihin pa ang gulo.
Hinawakan naman ulit ni Dior ang kamay ni Ensley habang nakatingin dito at bumaling sa mga tao roon.
Kinabahan naman si Ensley sa balak na gagawin ni Dior at hindi mapigilan nito na higpitan ang hawak sa binata.
Tiningnan ni Dior ang kamay na nakahawak sa dalaga nang maramdaman nito ang pag hawak ni Ensley sa kaniya ng pahigpit.
"We're good, Logan and Levi." Saad ni Dior sa mga kapatid ni Ensley.
Ang ilan ay bumalik sa pag sasayaw at ang iba naman ay umupo na lang ulit.
Habang si Logan ay naka masid pa rin ito sa bunso nilang kapatid at sa lalaking kasama nito.
Kinagat naman ni Ensley ang ibabang labi niya, sa tuwing kinakabahan siya at nag aalala ay hindi niya maiwasan kagatin ang labi. Hindi rin ito makatingin kay Dior ng humarap na ito sa kaniya
Nagulat siya ng hawakan ni Dior ang kaniyang labi, "Don't, masasaktan ka lang at ako lang dapat pwede kumagat niyan." Saad nito habang nakangiti sa kaniya nang nakakaloko.
Pinalo naman ni Ensley ito sa braso at sinamaan ito ng tingin.
Pagkatapos ay niyakap naman siya ni Dior, "Ang hot mo talaga kapag naiinis." Bulong nito sa tenga ng dalaga.
"Umayos ka nga, baka ano isipin nila kuya." Saad ni Ensley at umalis sa pagkakayakap sa binata.