Chapter 45 - Unexpected Visitor
Xena
Inilibot ko ang paningin ko sa bagong unit na tinutuluyan ko, rather... namin pala ng pinsan ko.
Nakatambay lamang ako simula noong makapag-resign ako at sa mga panahong iyon ay ginugol ko ang mga araw sa paglilipat namin ng gamit sa aming matitirhan.
Hindi naman sa assumera ako na baka puntahan pa ako ni Mikey sa dati naming tinutuluyan dahil alam nito iyon, mas mainam na lang 'yong sigurado ako. Saka mas okay na ito, na ganito... kumbaga ay bagong simula.
Gusto ko na talaga kasing putulin ang lahat ng koneksyon ko kay Mikey, puwera syempre kay Hero na hindi ko naman puwedeng basta-basta na lang itapon pagkatapos ng lahat ng mga naitulong at pinagsamahan namin. Iniiwasan ko na rin ang pag-iisip ng kung anu-ano as much as possible. Nakakapagod din kasi, e. 'Yong kahit wala ka namang ginagawa pero 'yong isip ang pilit na gumagana. Ang hirap, nakaka-drain ng energy.
Huminga ako nang malalim noong mapagod sa pagmamasid ang mata ko.
Nakakabagot lang dahil nag-iisa lang ako ngayon, umalis kasi si Zelle. Isinasama naman ako nito pero ako ang makailang tumanggi sa paanyaya nito.
Ngayon tuloy ako nakakaramdam ng panghihinayang, sana pala ay sumama na lang ako kung saan man ito maggagala.
Napatingin ako sa telepono ko na nakalapag sa center table noong tumunog iyon.
Napailing ako nang maisip na malamang ay ang magaling kong kapatid iyon.
Tinatamad tuloy akong bumangat para sagutin, paano nga ay puro kasi kaabnormalan ang sinasabi sa akin. Katanda na ay napakaisip-bata pa rin. Hindi ko alam kung kanino ba ito nagmana.
Pasalamat ko lang at hindi na ito nag-usisa pa nang kung anu-ano noong hiniling ko rito na hanapan kami ng bagong matitirhan. Natuwa pa nga ito noong nalaman na nag-resign na ako, matagal na rin kasi akong pinapatigil nito sa pagtatrabaho at laging sinasabi na kaya naman daw nila akong buhayin nina Tatay. Sira talaga ang ulo.
Pero sa totoo lang ay nakakatukso ang sinasabi nito, kung iba siguro ang nasa sitwasyon ko ay baka sinunggaban na kaagad ang alok nito, pero hindi naman ako gano'ng klase ng tao, siyempre ay may hiya naman ako. Isa pa, iniisip ko rin na alangan namang habang-buhay akong umasa sa mga ito. Diyahe maging palamunin, kaya nga pinaplano ko na pagkatapos kong mamahinga at mag-isip-isip ay maghahanap din ako ng trabaho.
Kalaunan ay nababagot akong tumayo para tingnan ang telepono ko nang hindi pa rin iyon tumitigil sa pagtunog.
Hays. Ang kulit talaga noong pangit na 'yon.
Ngunit napakunot ang noo ko nang masilip ang pangalan na nakarehistro roon.
Hindi pala ang kapatid kong makulit ang tumatawag pero isa ring makulit—si Miranda.
Ano kaya ang mayroon? May emergency kaya? Bakit kaya ito napatawag? Madalas kasi ay through text lamang ang means of communication namin, e.
"Miranda," bungad ko noong masagot ko ang tawag.
"Ang tagal mong sagutin, Ma'am," reklamo naman nito.
Natawa ako at napakamot sa pisngi ko. "Sorry naman. Hindi ko lang napansin, naka-silent pala," pagsisinungaling ko.
"Kaya naman pala. Kita naman tayo, miss na kita," lambing nito kapagkwan.
Lalo akong natawa. "Kung makayaya ka, para kang walang pasok, ah? O baka naman um-absent ka?"
Bumungisngis ito sa kabilang linya. "Naka-leave naman, Ma'am. Para medyo masarap pakinggan. Saka nagpaalam kaya ako kay Sir Mikey."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono pagkarinig sa pangalan na binanggit nito.
Lumunok ako. "G-Gano'n ba?"
"Ano na, kita tayo?" kulit nito.
"Saan ba tayo pupunta? Magkikita?" napipilitang tanong ko.
"Ganito na lang, puntahan na lang kita sa nilipatan ninyo," masiglang suhestyon nito.
Sht. Hindi ko gusto ang suhestiyon nito. Hindi dahil sa wala akong tiwala rito, baka lang kasi mabanggit nito kay Mikey nang hindi sinasadya ang lokasyon ng tinitirhan namin ni Zelle ngayon.
Pero teka lang, sa pagkakaalala ko kapag nagkaka-text kami ay hindi ko naman nasabi pa rito ang tungkol sa bagay na iyon, ah?
"Paano mo nalaman na lumipat na kami?" usisa ko.
"Uh... nabanggit lang sa akin ni Sir Hero kahapon, narinig niya pala kasi na nagpaalam ako kay Sir Mikey. Pero hindi naman sinabi sa akin kung saan. Saan ba, Ma'am?"
Sht.
"A-Ano kasi, sa labas na lang kaya tayo magkita?" suhestyon ko naman.
"Ayoko sa mall, Ma'am. Diyan na lang sa inyo tapos magluto na lang tuloy tayo para komportable at nakaka-relax."
Ayoko talaga ng mga suhestyon nito, pero paano ako tatanggi nang hindi nito iyon nahahalata at 'yong hindi ko ito nao-offend?
Lumunok ako. "H-Hindi pa kasi masyadong maayos dito kaya mas gusto kong sa labas na lang tayo magkita."
"Ayos lang po 'yon. So, saan na po 'yan, Ma'am?"
Paano na ang gagawin ko? Hindi naman puwedeng tumanggi ako nang tumaggi dahil siguradong magtataka na ito kalaunan.
"A-Ayos lang ba talaga? Hindi pa maayos talaga, e. Saka makalat," subok ko pa rin.
"Oo naman, Ma'am. Kung gusto mo, tulungan pa kitang mag-ayos diyan, e."
Napangiwi ako.
Paano ba akong lulusot?
"Ano na, Ma'am?" untag nito sa akin.
"Ano kasi... nakakahiya."
Tumawa ito. "Ma'am, naman! Bakit ka nahihiya?"
"E, basta. Magulo pa nga kasi rito at madumi," katwiran ko.
"Talaga po ba? O baka ayaw ninyo lang po akong papuntahin diyan?" tila nagtatampong tanong nito.
Argh.
Kinagat ko ang labi ko. "H-Hindi sa gano'n..."
"Sabihin ninyo lang po kung ayaw ninyo po akong makita at makasama o kung ako lang talaga ang nakaka-miss sa inyo, Ma'am."
Hala. Nangonsensiya pa nga.
"Grabe ka naman. Hindi kasi gano'n..."
"E, bakit kasi ayaw ninyo po akong papuntahin diyan?" tanong pa rin nito.
"Wala naman akong sinabing ayaw kitang papuntahin dito."
"E, bakit pakiramdam ko rin po parang ayaw ninyo pong sabihin 'yong address ninyo sa akin?" usisa nito.
Napahinga ako nang malalim habang nag-iisip ng mga dapat na idahilan.
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin po nakakalimutan na hindi ninyo man lang po ako nasabihan sa plano ninyong pagre-resign. Akala ko nag-lunch out lang kayo ni Sir Hero kaya kayo lumabas at nag-half day ka po dahil pagbalik ni Sir ay hindi ka na po kasama, pero hindi pala, tapos sa text ninyo lang po talaga sa akin sinabi na nag-resign na kayo, kung hindi pa ako nagtanong ay baka nga hindi ko pa nalaman. Grabe kayo sa akin, Ma'am. Ano ba ako sa inyo? Wala lang? Ako lang po ba talaga ang nag-assume na kaibigan ko po kayo?" madramang sambit nito.
Natawa ako dahil sa tono nito. "Hala ka. Grabe ka rin. Sasabihin ko rin naman sa iyo talaga, kaso humahanap pa ako ng pagkakataon."
"Talaga po ba? Sige po, naniniwala naman po ako sa sinasabi ninyo, Ma'am," Patuloy nito na halata naman sa boses na hindi naniniwala sa sinasabi ko.
Nakailang paliwanag na ako rito pero hindi pa rin ito naniniwala. Totoo naman kasi ang sinabi ko na naghahanap pa ako ng pagkakataon, kaso ay lagi nitong kalapit si Mikey noong mismong last day ko kaya paano ko ipapaalam dito na aalis na ako kung kalapit nito 'yong taong tila ba may pandidiri sa akin?
Kinagat ko ang labi ko at inilayo ang telepono sa akin bago nagbuga muli ng hininga.
No choice.
Naiipit ako pero nadadamay kasi ito sa kung ano man ang mayroon sa amin ni Mikey kahit na wala itong kaalam-alam.
"Huwag mo na akong dramahan. Ikaw talagang bata ka. Ganito na lang, ite-text ko na lang sa iyo ang bagong address namin, okay na?"
"Yie! Okay na okay siyempre, Ma'am! Hihintayin ko po 'yong text mo! Bye!" masayang sabi nito bago namatay ang linya.
Napailing ako sa pagiging hyper nito.
Pagkatapos ko ritong mai-text ang address ay nagligpit-ligpit ako ng ibang kalat habang hinihintay ang pagdating nito para hindi naman nakakahiya.
Hindi naman din gano'n katagal ay dumating na ito.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha nito.
Dmn.
Ayan na naman 'yang ngiting 'yan, nakakainggit. Hindi ko mapigilang maramdaman kahit na ayoko naman talaga.
Sinuklian ko ang ngiti nito kahit na alam kong hindi no'n mapapantayan ang nararamdaman nito habang nakangiti ito ng gano'n. Inaya ko na lang ito sa loob na pumasok.
Pagkasarado ko ng pinto ay naabutan ko itong nagmamasid sa paligid. "Hindi naman magulo dito, Ma'am. Maayos naman, ah," puna nito bago naupo.
"Maayos na sa iyo ang ganyan?" natatawa kong tanong.
Tumango-tango ito. "Hindi naman kasi makalat at malinis naman po."
"Itinabi ko lang kasi 'yong mga kalat namin bago ka dumating. Nahihiya kasi ako sa iyo. Nakalimutan ko na tuloy maligo muna."
Tumawa ito. "Hindi naman po halata. Okay na po 'yan. Saka hindi ka naman po mabaho, Ma'am."
Inamoy-amoy ko ang bandang kili-kili ko. "Hindi pa ba? Sure ka? Magsabi ka lang kung hindi mo na kayang tiisin ang amoy ko."
"Kailangan talagang amuy-amuyin, Ma'am? Pero hindi naman po talaga. Wala naman akong naamoy na hindi kanais-nais noong dumating ako."
Nagkibit-balikat ako. "Okay. Sabi mo, e. Bahala ka. Ginusto mo 'to, e. Ginusto mong pumunta rito kaya magtiis ka sa amoy ko."
Tumawa lamang ito.
"Diyan ka na muna, kukuha lang ako ng maiinom mo. Baka uhaw ka na sa layo ng naging biyahe mo," biro ko bago pumasok sa kusina pero sa halip na manatili sa sala ay narinig ko ang mga yabag nito na sumunod sa akin.
Lumingon ako at inilapag sa mesa ang hawak ko.
"Ma'am..." tawag nito sa akin bago umupo.
"Yeah?" Baling ko rito at naupo na rin.
"Alam mo ba kung bakit ako nandito?"
Nakakunot ang noo ko itong tiningnan. "Hmm? Hindi ba dahil sa nami-miss mo ako?"
Ngumuso ito. "Opo. Bukod kasi sa nami-miss kita. Kasi..."
Kinabahan akong bigla dahil sa pabitin nitong sagot.
Lumunok ako.
Huwag mong sabihing may alam na ito sa mga nangyayari?
"Hindi lang kita miss. Miss na miss na kasi kita, Ma'am," nakangiting patuloy nito.
Nakahinga ako nang maluwag.
Mabuti naman pala, akala ko kung ano na.
Ang cute talaga nito at ang sweet lang. Hindi ko akalain na magkakapalagayan kami ng loob sa maiksing panahon.
Napangiti na tuloy ako.
Hmm, pero si Mikey kaya? Kumusta na? Maayos na kaya ito ngayong wala na ako? Saka nami-miss din kaya ako nito katulad nitong si Miranda?
Ah, sht!
Naipilig ko ang ulo ko.
Tsk. Erase! Ano ba naman 'yong mga naiisip ko? Sumesegway sa hindi dapat.
"Hello, Ma'am? Earth to Ma'am? Hello? Hello?" makulit na sabi ni Miranda na ikinukumpas pa ang kamay sa tapat ng mukha ko.
Napakurap akong bigla at napatitig dito.
Ngumuso na naman ito. "Hindi ka naman po nakikinig, e. Dinalaw kita tapos dedma lang ang beauty ko? Kung saan-saang lupalop napupunta ang isip ninyo, kayo, ah? Iniisip ninyo po siguro si Sir Hero 'no?" panunukso nito.
Natawa ako rito at napailing. "Sorry na. Ano na nga ba ang sinasabi mo? Pakiulit, please?"
Lalo itong napasimangot kaya pinigilan ko ang matawa dahil baka lalo lang itong mainis.
"Sabi ko nga po, hindi ka talaga nakikinig. Tsk!"
"Sorry na, uy! 'To naman ang bilis magtampo. Ano na?" kulit ko naman.
Nangalumbaba ito. "Tinatanong ko po kung bakit ka biglaang nag-resign? Ano po ang reason."
Napakamot ako sa kilay. "Uh, personal matter."
"Gaano ka-personal, Ma'am? Hindi puwedeng sabihin? Secret lang? Sobrang personal ba talaga?"
Natawa ako sa kakulitan nitong taglay.
"Huy, Ma'am! Ang daya ninyo naman po, e. Ayaw sabihin," anii nito bago bumuntung hininga. "Anyway, nahihirapan na po pala ako sa opisina," biglang sabi nito.
Natawa ako. "Bakit? Pinapahirapan ka noong boss mo? Pine-pressure ka ba?"
"Hindi naman, Ma'am. Iba, e. Mabait naman po si Sir Mikey... kaso lang nakakailang na po kasi."
Kinabahan ako sa tono nito.
Saka nakakailang?
Don't tell me, pati ito ay hindi pinalagpas ni Mikey?
"N-Nililigawan ka rin ng boss mo?" walang kurap kong tanong.
Bigla itong tumawa nang malakas sa gulat ko.
Dmn. Anong mali ang nasabi ko at ganito ito kung makatawa?
"Si Ma'am naman, grabe ka pong magpatawa. Nakuha ninyo po ako sa joke na 'yon. Pero hindi po, ah," tanggi nito.
Nakagat ko ang labi ko at naramdaman ko ang biglaang pag-iinit ng pisngi ko. "S-Sorry..."
Napatitig ito sa akin na namimilog ang mata. "Hala. Ba't ka po nagso-sorry? Hindi po ba 'yon joke?" nagtataka nitong tanong.
Ngumiwi ako bago umiling. "Sorry. I just thought... gano'n."
"Grabe, Ma'am. Mukha nga pong hindi na nakakapanligaw pa si Sir Mikey. Palagi po kasing trabaho ang inaatupag at pinapauwi akong nauuna, tapos nagpapaiwan pa palagi," pagkukuwento pa nito.
Napalunok ako sa nalaman. "T-Talaga?"
"Oo, Ma'am. Ewan ko ba ro'n kung bakit gano'n kaseryoso at ka-dedicated sa trabaho. Minsan nakokonsensiya nga po ako na maagang umuuwi, gayong empleyado lang ako. Samantalang siya na boss e nagpapaiwan para magtrabaho pa. Pero kapag sasamahan ko naman po ay pilit naman akong pinapauwi."
"B-Bakit kaya?"
Nagkibit-balikat ito. "Baka po naghahanda na? Hindi kaya mag-aasawa na si Sir kaya super serious?"
Hindi ako kumibo dahil kahit na nagtanong ako ay hindi naman ako clueless.
Kumamot ito sa ulo. "Tapos ang gulo na po mula noong mawala ka, Ma'am. Hindi ko lang alam kung nagkataon lang."
Gulo?
"Hindi ko lang po kasi gets kung ano ang nangyayari. Parang may nangyayari na hindi ko mawari," halata ang pagkalito na turan nito.
Nanatili akong tahimik.
"Muntikan na nga pong magkasuntukan sina Sir Mikey at Sir Hero noong minsan. Bigla na lang nagkainitan. Hindi ko po alam kung bakit, iyon na po kasi ang nadatnan ko tapos lumabas din pala si Sir Mathos noong time na 'yon kaya silang dalawa lang ang naiwan. Ang kaba ko nga po, e. Noon ko lang kasi nakitang nagalit sila nang sabay."
Kumunot ang noo ko.
Sht. Bakit hindi nababanggit sa akin ni Hero 'yon?
"A-Ano ang ginawa mo para mapaghiwalay sila? Hindi naman nagkasakitan?"
Ngumiwi ito. "E, napahiyaw po ako. Ayon nagulat yata, naghiwalay tuloy pero masama pa rin ang tingin sa isa't isa."
"Hindi naman na naulit?"
Umiling ito. "Hindi naman na po."
Napahinga ako nang maluwag.
Dmn those two. Bakit kailangang magkapisikalan na sakitan dahil sa kung ano mang hindi pagkakaintindihan ng mga ito?
"Lagi ninyo pa ring babantayan ni Mathos at baka magkasakitan," bilin ko.
"Gano'n nga ginagawa namin, Ma'am. Sinabi ko na rin kasi kay Sir Mathos, natakot kasi ako. Hindi ko kasi kayang awatin ang mga 'yon kung sakali, ang lalaking tao. Pero iyon nga po, ang bigat na tuloy ng atmosphere sa opisina, Nakakailang na, ang hirap gumalaw at ang hirap huminga."
Ano kaya ang hindi pinagkasunduan ng dalawang iyon?
"Ang gulo, Ma'am. Tapos alam mo bang lagi ka pang hinahanap sa akin noong mga nakaraang araw ni Sir Mikey. Ang sagot ko lagi, wala. E, wala ka naman na talaga sa opisina kasi. Nag-resign ka na nga, 'di ba? Akala ko alam niya pero hindi pala. Nag-iba na lang bigla 'yong hitsura niya noong hindi na ako nakatiis at tinanong ko kung hindi ba niya alam na nag-resign ka na."
Lumunok ako ng ilang beses at nagbaba ng tingin sa baso ko.
Ayokong makita ni Miranda kung ano ang nararamdaman ko. Ayokong mabasa nito ang mga katanungan ko na umiikot sa isipan ko ngayon.
Pero bakit pa ako nito hinahanap?
"Iba 'yong ikinikilos pareho nina Sir Hero at Sir Mikey. Alam ninyo 'yon, Ma'am? Parang may silent war sila," dugtong pa nito.
Naramdaman ko ang biglaang pagkirot ng dibdib ko.
"Tara na lang sa loob? Nuod tayo ng movie or kung anong trip mo?" pagyaya ko para mawala na sa pinag-uusapan namin ang atensiyon nito.
Pumayag naman ito at binitbit ang meryendang hindi pa rin nauubos.
Namili ito sa mga movie na downloaded na sa laptop ko bago kami pareho umayos.
Hindi ko alam kung napanuod ko na ba ang napili nito pero wala naman doon ang atensiyon ko dahil lumilipad ang isip ko sa kung anu-anong bagay.
Makalipas ang mahabang sandali ay napansin ko na lang na umiiyak na si Miranda, napailing na lang ako dahil drama pala 'yong movie, ni hindi ko namalayan.
Sumisinghot-singhot pa ito nang matapos na ng tuluyan ang palabas, kumuha ako ng tissue na nasa lamesa at iniabot rito.
"Sige, iyak pa. Gusto mo 'yan, e."
"Ma'am, ba't hindi ka man lang naiyak?" naluluha pa ring tanong nito.
Pasimple akong napangiwi. "Napanuod ko na kasi 'yan kaya wala ng epek sa akin," mabilis na palusot ko kahit hindi pa naman talaga.
"Ano ba 'yang palabas na 'yan? Nakakainis! Ayaw na yatang tumigil ng luha ko," reklamo nito habang patuloy sa pagtuyo sa pisngi at mata nito.
Napailing ako. "Wala akong kinalaman diyan. Ikaw ang pumili niyan," natatawang paalala ko.
Apura ang singhot nito at punas sa gawing mata at ilong.
Nakangiti kong itinuon ang mata ko sa laptop na pinatay na nito.
"Ang hirap maiwan, bakit kasi kailangan pang may mang-iwan?" tanong nitong bigla na hindi ko inaasahan, dahilan upang manigas ako sa kinauupuan ko at mapalis ang ngiti ko.