Chapter 44 - Last day

Xena

Ibinalik din nito ang tingin sa akin, parang naghahanap ng senyales kung nagbibiro lamang ako.

"Magre-resign na ako, Hero," turan ko nang hindi ito makakibo at nanatiling nakatitig lamang sa akin.

Huminga ito nang malalim bago inalis ang tingin sa akin at binuksan ang sobre.

Nagbaba ako ng tingin noong buklatin nito ang papel na laman niyon at tahimik na pinasadahan nito ng tingin ang nakasulat na mga salita roon.

Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong muli ang paghinga nito nang malalim. "Sa durasyon ng naging pagkakaibigan natin at simula noong magtrabaho ka rito sa kompanya, never kong naisip na iiwan mo ako rito. Ang alam ko kasi, sasamahan mo ako rito hanggang sa sabay tayong magretiro," malungkot ang tinig na saad nito.

Nilaro ko ang daliri ko.

Iyon din ang akala ko, wala naman talaga kasi sa isip ko ang umalis at iwanan ang kompanya dahil sa totoo lang ay parang hindi naman pagtatrabaho ang ginagawa ko dahil nag-e-enjoy akong masyado at naging masaya ako sa pananatili ko rito, hindi katulad ng madalas na reklamo ng ibang empleyado na nai-stress.

Sobra tuloy akong nalulungkot at nanghihinayang.

"Pero napansin ko at naramdaman ko na nagbago ang lahat sa pagsulpot ni Mikey sa eksena. Sa totoo lang, gusto kitang pigilan ngayon, hindi dahil sa nanghihinayang ako dahil magkaibigan tayo kundi dahil nanghihinayang ako na mababawasan ng isang hardworking, dedicated, trustworthy at efficient na empleyado ang kompanyang ito," pagpuri nito sa akin.

Nakagat ko ang labi ko at lalong nalungkot.

"Nanghihinayang man ako pero mukhang desidido ka na sa desisyon mo at wala ako sa posisyon para pigilan ka."

Nanatili akong tahimik.

Nagbuga ito ng hangin. "Well, kahit na nanghihinayang ako pero kung ito naman ang makakabuti para sa iyo sa ngayon, sino ako para tutulan ang pag-alis mo?"

Napangiti ako. "Salamat. Salamat dahil naiintindihan mo ang dahilan at sitwasyon ko."

Bahagya itong ngumiti. "Anytime."

Ako naman ang napabuga ng hangin. "Ang komplikado na kasing masyado. Ayoko nang mahirapan pa ang kapatid mo. Hindi makakatulong sa sitwasyon namin na nakikita namin ang isa't isa, lalo pa at ramdam ko na ayaw ng kapatid mo sa presensiya ko. Kaysa magkailangan pa kami at lalong magkasakitan, ito na lang- lalayuan ko siyang muli."

"Nasabi mo na ba ang lahat ng dapat mong sabihin sa kanya?"

Napangiti ako nang mapait. "Oo. Kung may idadagdag pa ako, baka mas lalo lang siyang masaktan. Tama na 'yong nakita kong sakit na idinulot ko sa kanya. Kaya ko pa namang dalhin ang ibang bigat ng nakaraan namin, kaya sa akin na lang at aakuin ko na lang ang lahat ng natitira pang sakit. Kaya kong tanggapin 'yong galit niya at 'yong katotohanan na baka hindi niya ako mapatawad, inaasahan ko naman na kasi ang mga ganoong reaksiyon mula sa kanya, e. Saka deserve ko 'yon. Pero 'yong bigyan ko na naman siya ng panibagong sakit o 'yong lalo ko siyang masaktan?" Umiling-iling ako. "Sobra na 'yon. Hindi ako gano'n kabrutal na tao. Kaya hangga't maaari ay ibabaon ko na lang ang iba pang bahagi ng istorya namin sa nakaraan kung saan hindi na niya makikita, mahahanap at malalaman. Sasarilinin ko na lang ang sakit. Tutal kasalanan ko naman at ako ang puno't dulo ng lahat ng 'to," sagot ko habang pinipigil ang luha ko sa pagbagsak, sobrang bigat na kasi ng nararamdaman ko.

"Anong plano mo?" usisa nito.

"Honestly, wala pa akong plano. Gulong-gulo pa ang utak ko sa ngayon. Pero hindi ko na uulitin 'yong nagawa ko dati na aalis nang walang paalam. Ayoko nang makapanakit ulit. Wala namang ibinungang mabuti. Siguro kung aalis man ako, this time ay magpapaalam na ako sa lahat."

"Basta kung kailangan mo ng karamay nandito lang ako, kami. Kausapin mo kami. Huwag mong sarilinin ang lahat."

Tumango-tango ako. "I'll keep that in mind. Pero sa ngayon, mas mabuti na mapag-isa na muna ako para makapag-isip-isip. Hindi pa ako sigurado pero kung kakailanganin ay baka maglagi na muna ako sa probinsya para palamigin itong sitwasyon at nararamdaman ko."

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin.

"Mahal pa ninyo pareho ang isa't isa pero ang komplikadong masyado dahil pareho rin kayong nasasaktan," problemadong turan nito.

Tumawa ako nang pagak. "Madalang na lang talaga kasi ang simple sa mundo. Kung mayroon man, minsan may mga bagay na simple na nga pero ginagawa pa rin ng mga tao na komplikado. Katulad ng ginawa ko, hindi ba?"

Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin. "Kung puwede ko lang sanang akuin ang sakit na nararamdaman mo ngayon. I'd do it and I'd take it. Hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin para mawala o kahit maibsan man lang ang sakit na nadarama mo," nahihirapan na sambit nito.

Napakabuti nito. Sa nakalipas na mga taon ay nakita ko at naging saksi ako kung gaano kabuti ang kalooban nito.

Ngumiti ako rito na may halong pagpapasalamat. "Hindi na kailangan. Katulad na nang sinabi ko sa iyo dati, your presence is more than enough for me. No need to worry about me. I'm fine, I'll survive this and I'll live."

Ngumiti ito nang malungkot. "Pero 'langya, ngayon pa lang ay nami-miss na kita. Dmn. Sa ilang taon ba naman kasi na magkasama tayo ay nasanay na talaga akong araw-araw kitang nakikita at nakakasama. Parte ka na ng bawat araw ko."

"Sus, nami-miss mo ako? Bakit? Dahil wala ka nang aasarin? O baka naman dahil sa pagtitimpla ko ng kape mo araw-araw?" biro ko.

Natawa ito nang bahagya. "Of course, kasama ang mga iyon. Pero maninibago talaga ako 'pag wala ka na rito. Hindi ko alam kung paano ba akong mag-a-adjust."

"Grabe siya. Para namang hindi mo na ako makikita, puwede naman tayong lumabas kapag hindi ka busy."

Pailalim ako nitong tiningnan. "Totoo ba iyan? Baka naman magtago ka, ha? Baka pati sa akin ay hindi ka na magpakita?"

Natawa ako. "Grabe talaga siya. Mapagduda."

"Naninigurado lang. Baka pati kasi ang pagkakaibigan natin ay idamay mo at putulin mong bigla."

Lalo akong natawa. "Wala bang puso?"

"Mayroon, kaso wasak at sugatan nga lang."

Ay, grabe.

Para rin itong si Zelle madalas, e. Napakahilig mamersonal.

"Natameme kang bigla riyan? Kailan ba ang balak mong pag-alis?" untag nito sa akin.

"Ba't ang dating sa pandinig ko ay parang atat ka nang mawala ako sa kompanya ninyo?" kunwari ay nagtatampo kong tanong.

Napakamot ito sa ulo. "Masyado ka naman. Nagtatanong lang 'yong tao, e. Ang sa akin lang, para naman hindi na ako magulat. Immediately kasi ang nakalagay sa letter. Mamaya niyan e ngayon na pala 'yong tinutukoy mo. Para atleast prepared naman ako kahit na papaano."

I grinned. "Ngayon nga talaga ang ibig sabihin ko ro'n at magpapaalam na rin akong mag-half day."

Kakapalan ko na ang mukha ko. Para matapos na lang ang lahat ng 'to.

Saglit itong natigilan ngunit mukhang nakabawi naman din kaagad. "Sige. Pero kung sa ibang pagkakataon talaga, hindi ko tatanggapin 'to. Pasalamat ka at naiintindihan ko ang sitwasyon. Pero ipapaalam ba natin sa kanya?"

Mabilis akong umiling. "He doesn't have to know. Hindi ko naman ginagawa ito para magpahabol sa kapatid mo. Gusto ko lang na matahimik na ang buhay namin pareho."

Huminga ito nang malalim. "Kung 'yon ang gusto mo."

"Thank you, Hero."

Pumalatak ito at sumimangot. "'Wag mo nga akong pasalamatan. Ayokong marinig 'yan pagkatapos mo akong bigyan ng resignation letter, hindi katanggap-tanggap."

Napangiti ako at napailing-iling dahil sa sentimyento nito. "Huwag ka nang malungkot at mainis, hmm? Dahil last day ko na, ipagtitimpla na lang kita ng kape, sigurado kasing mami-miss mo ito," alok ko.

Napangiti na rin ito. "Mabuti pa nga."

Tumayo na ako kapagkwan at lumabas na, as usual ay walang nagkalat na mga empleyado dahil hindi pa naman break.

Nagtuloy ako sa pantry pero nagulat ako sa nadatnan ko at kung sino ang naroon. I mean, kung sino ang mga naroon at kung ano ba ang ginagawa ng mga ito.

Si Mikey at ang kung sinong babaeng nakayakap dito.

Mas nagulat ako dahil hindi pa ito nakuntento sa yakap lang dahil kitang-kita ko nang sapuhin noong babae ang magkabilang pisngi ni Mikey at patingkiyad na sinalubong nito ng halik ang tila ba nagulat na reaksyon ng lalaki.

Hindi ko magawang umalis at hindi ko magawang gumalaw kahit na masakit para sa akin ang nakikita ko.

Tila ba nakadugtong sa mata ko ang nararamdaman ng dibdib ko dahil sa sakit.

Hindi ko alam kung tumutugon ba si Mikey sa ginagawa noong babae na hindi ko kilala pero tumutugon man o hindi ay masakit pa rin sa akin na makitang may ibang babaeng nakayakap at humahalik dito.

Mahal ako pero ganito 'yong nasa harapan ko at nasasaksihan ko?

Ay, tanga. Mali. Mali pala ako.

Galit nga pala ito sa akin. Bakit ko ba nakakalimutan? Isa pa, hindi nga rin pala ito sa akin. Malaya ito kung sino ang gusto nitong mahalin, yakapin at halikan.

Punyemas kasi itong puso ko, bakit ba hindi pa rin masanay-sanay? E, wala naman akong karapatan? Dati mayroon, pero ngayon ay wala na! Wala na! At dapat 'yon ang isaksak ko sa kukote ko!

Lumunok ako bago tahimik na humakbang paatras.

Aalis na sana ako para hindi na maistorbo pa ang mga ito pero huli na dahil huminto na ang mga ito sa ginagawa dahil napansin na ang presensiya ko, ganunpaman ay tumalikod na rin ako ng tuluyan.

"Ms. Dela Rama!"

Huminga ako nang malalim nang tawagin ni Mikey ang apelyido ko.

"Ms. Dela Rama!" ulit nito nang mas malakas at may diin.

Huminto ako at lakas loob na humarap.

Sinenyasan ako nitong lumapit, nagtataka man ay sinunod ko ito pero malaki ang distansiya na inilaan ko sa pagitan namin pati na sa kasama nitong babae.

Napatingin ako sa kahalikan nito kanina, inaayos na nito ngayon ang buhok at damit nito. Pinagmasdan ko ito, maganda ito kahit na nakasimangot.

Tumikhim si Mikey kaya napatingin naman ako rito. "Sa susunod alamin mo muna kung may tao at kung makakaistorbo ka bago ka pumasok nang tuluyan."

Gusto kong mapamulagat sa sinabi nito.

The hell? Kumatok ba dapat muna ako? O kaya ay nagtanong ng 'tao po, may tao po ba riyan?'.

Nasisiraan na ba ito ng bait? Ako dapat ang mag-adjust dahil sa naistorbo ko ang ginagawa ng mga itong kabalbalan?

Tsk. Dapat kasi ay nag-motel na lang ang mga ito. Ayan, naging kasalanan ko pa tuloy.

Pero sabagay, wala naman ng susunod dahil aalis na rin naman ako. Hahayaan ko na. Pagbibigyan ko na lang.

"Sorry po, Sir. Hindi ko po alam na may tao pala, magtitimpla lang po sana ako ng kape."

Tumitig ito sa akin kaya inilihis ko ang mata ko nang bahagya.

"I'll call you later, Honey," singit noong babae.

Honey?

Gusto kong matawa.

Puro iyon ba ang tawagan ng mga ito? Wala bang iba? Ano 'yon, para hindi magkamali sa endearment at baka kasi mahuli na maraming babae?

Nakaayos na ang babae at walang abog na hinalikan na naman sa labi si Mikey.

Tiniis ko ang tila pagsundot ng kung ano sa tapat ng dibdib ko.

"Okay."

Ngumiti ang babae rito at nilagpasan lang ako, ni hindi man lang ako pinag-aksayahan na tapunan man lang ng sulyap.

Naiwan kaming dalawa ni Mikey at ramdam ko ang lamig ng paligid.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Iiling-iling na tumingin sa akin si Mikey, pagkairita ang nakikita ko sa mukha nito. "You really know when and how to ruin my day, Ms. Dela Rama."

Grabe. Wala naman akong balak na gano'n.

Ngunit hindi na lang ako kumibo pa.

Bad mood na ito at ayoko nang dagdagan pa iyon.

Hays. Ang malas naman kasi. Hindi ko naman kasi talaga alam na may ginagawa pala ang mga itong importante, e 'di kung alam ko lang nunca na pumunta ako rito.

"You know what? Dapat pala ay magpasalamat ako sa iyo dahil sa ginawa mo noon na pang-iiwan sa akin, dahil do'n ay puwede kong makasama ang kahit na sino at hindi ko kailangang magtiis sa isa lang. Thank you for opening my eyes," mapang-uyam na sabi nito.

Tanggapin mo na lang, Alexena. Deserve mo naman na mapagsalitaan ng ganyan.

Pinipilit ko pa ring kumbinsihin ang sarili ko kahit na ayaw ng tanggapin ng sistema ko ang naririnig ko at ang mismong nangyayari.

"Ito naman talaga kasi ang gusto mo, 'di ba? Then, ibibigay ko sa iyo ang gusto mo. Batiin mo ang sarili mo dahil tutuparin ko ang matagal mo nang inaasam—I'll move on. I'll move on from you," nakakalokong sabi nito bago ako iniwang tulala.

Nang makaalis na ito ng tuluyan ay dahan-dahan akong naglakad upang makaupo sa malapit na silya, pakiramdam ko kasi ay bibigay na ang mga tuhod ko.

Dmn.

Tama nga. Mukhang tama nga ang naging desisyon kong umalis at mag-resign na lang. Ayokong sirain lalo si Mikey, kung mananatili ako rito ay lalo lang magiging magulo ang lahat dahil alam kong gagawin nito ang lahat para makaganti sa sakit na naidulot ko rito, kahit pa ang kapalit ay masira mismo nito ang sarili.

Sobra na.

Sa totoo lang, ang gusto ko ay manatili pa. How I wanted to be with him, to ask for his forgiveness or to ease his pain, but it's too impossible right now, ni hindi ko ito kayang lapitan, alam kong ayaw din naman nito at hindi ako nito papayagan. Hindi ako nito kailangan, hindi ko ito kayang tulungan dahil ako mismo ang nagdudulot ng sakit dito kaya paano ko iyong maiibsan?

Sa nakikita ko rito, he is slowly turning into someone that I didn't expect he'd become. Worse. At kasalanan ko iyon. Kagagawan ko.

Napangiti ako nang mapait.

Noon pa man ay gusto ko lang namang maging masaya, sa piling nito. Pero bakit tila laging may hadlang? At bakit tila ang pagiging masaya ko ay may kapalit? Bakit kailangang masaktan ko ito? Bakit kailangan kong masaktan gayong ang nais ko lamang ay sumaya? At kahit alin man ang piliin kong daan ay tila ba namamali akong ng landas?

Kapag pinili ko ang makakapagpasaya sa akin at nanatili ako, alam kong patuloy ko lamang itong masasaktan. Pero kapag pinili ko naman ang makakapagpasaya rito, ako naman ang masasaktan lalo na kapag nakikita ko na iba ang may kakayahang makapagbigay niyon dito at hindi ako.

Either way, may masasaktan. Ako o ito.

Pero mas matimbang pa rin ito kaysa sa sarili ko. Kaya kung ano ang makakapagpasaya rito. Iyon na lang ang pipiliin ko.

Nagbuga ako ng hangin.

Aalis nga siguro ulit ako, pero sa pagkakataong ito ay para itama na ang lahat ng maling nagawa ko noong una. Ito lang kasi ang paraan, it seems na ako kasi mismo ang gumugulo sa mga bagay-bagay.

Kailangan ko nang tapusin ang nasimulan kong gulo at kailangan ko na ring linisin at buuin kung ano man ang mga nasira ko.

Maybe, matututunan ko rin ang mabuhay ng ganito, ang malayo na naman dito. Nakaya ko nga noon, 'di ba? Kaya alam na alam kong makakaya ko rin ngayon.

I'll just have to deal with the pain... again.

Ang kailangan ko ay maging matatag. Hindi lang puso kundi pati ang isipan.

I'll live. I know. I just know. I've been through alot. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba ako magpapatalo sa sakit at pagod?

Hindi man ako sigurado pero kakayanin ko. Kailangang kayanin ko.