Chapter 41 - Her side
Xena
Napabaling ako kay Mikey at napaayos bigla ng upo. Hindi naman ito nakatingin sa akin at nakatuon lamang ang mata nito sa kape.
Nagsalita ba talaga ito? O kung anu-ano lang ang naririnig ko? Guni-guni ko lang?
Hindi ko na sana papansinin pa pero nakita ko ang pagkibot ng labi nito habang nakayuko nang bahagya at nakatutok pa rin ang mata sa kape. "Bakit, Alexena?" ulit nito.
Bakit? Anong bakit? Nag-uusap ba kami? Sa pagkakatanda ko ay nananahimik ako. Huwag nitong sabihin na may sinabi ako nang hindi ko namamalayan ang sarili ko?
Kumunot tuloy ang noo ko. "W-What do you mean? Anong bakit?" naguguluhang tanong ko.
Hindi ko napigilang titigan ito.
Lasing pa ba ito? Hindi pa rin ba ito nahuhulasan?
Tumawa ito nang pagak. "Bakit mo ako nagawang i-iwan noon? Paano mo nagawa sa akin 'yon, Alexena?" garalgal ang boses na tanong nito na sobrang hindi ko inaasahan.
Dahil sa gulat sa malinaw at diretsang tanong nito ay hindi ako nakakibo.
At fck. Teka nga, bakit parang naiiyak ito?
Nakagat ko ang labi ko bago nag-iwas ng tingin.
Parang ayoko nang malaman pa ang sagot sa tanong ko dahil sa pagkagaralgal pa lang ng boses nito ay apektado na ako. Paano pa kapag nakita mismo ng mga mata ko na umiiyak nga ito?
Pasimpleng humugot ako ng hangin, para kasing biglang kinakapos ako ng hininga.
Ito ang unang pagkakataon na direktang nagtanong ito tungkol sa masakit at mapait na bahagi ng aming nakaraan.
Bakit bigla naman itong naging interesado sa usaping iyon? Narinig kaya nito ang naging pag-uusap namin ni Cloud kanina?
"Ano bang maling n-nagawa ko? Bakit gano'n? Bakit parang napakadali naman para sa iyong bitawan ako?" sunod na tanong pa nito.
Hindi ko magawang lingunin itong muli, nabablangko ang isip ko at hindi ko mahagilap ang sagot sa tanong nito.
Sinubukan kong lumunok dahil sobrang nanunuyo ang lalamunan ko.
Is this really happening? Or am I just dreaming?
Kung panaginip talaga ang nangyayaring ito, gusto ko nang magising. Hindi ko ito gusto.
Pasimpleng kinurot ko ang braso ko, pero nadismaya ako noong nakaramdam ako ng sakit. Ang ibig lang kasing sabihin niyon ay totoo ang nangyayaring komprontasyon sa pagitan namin ni Mikey ngayon.
"Kasi ako hindi ko kayang gawin sa iyo 'yon, e. Hindi kita kayang b-bitawan at iwan na lang basta-basta," patuloy nito.
Nanatili akong tahimik bago mariing inihawak ang kamay ko sa laylayan ng aking damit na suot.
Kung alam lang nito ang dahilan ko. Kung alam lang sana nito kung gaano kahirap para sa akin na gawin iyon at pakawalan ito.
Naramdaman ko ang biglaang pagpatak ng mainit na likido mula sa mata ko.
D*mn it.
Mabilis ang kilos na pinahid ko iyon nang palihim upang hindi nito mapansin.
Ikinurap-kurap ko ang mata ko upang umurong ang luha ko na gustong-gusto nang bumuhos.
Nang masiguro ko na wala na itong mababakas na apektado ako sa mga sinasabi nito ay lakas-loob na ibinalik ko ang mata rito. Pinagmasdan ko ito, gano'n pa rin ang ayos at posisyon nito simula kanina.
Umiling-iling ito kapagkwan. "Alam mo ba kung gaano mo ako nasaktan sa ginawa mo? Sobra-sobra, Alexena. Sagad sa buto hanggang sa kaluluwa," turan nito bago nagpahid ng luha.
Napalunok ako dahil parang biglang may nagbikig sa lalamunan ko.
Ramdam ko kasi ang sakit sa boses nito.
But d*mn. Mas nasasaktan ako dahil sa luhang pinahid nito na nakita mismo ng mga mata ko.
Bakit ko pa kailangang makita na umiiyak ito?
Hindi ko pa rin makuhang gumalaw.
Alam ko na may posibilidad na nasaktan ko ito dahil may pinagsamahan naman kami at naging magkaibigan din, pero hindi ganito ang inaasahan ko.
Fck. Ginawa ko lang naman ang sa akala ko ay makakabuti para rito—sa aming dalawa.
Hindi dapat ganito. Hindi dapat ganito ang nararamdaman nito. Hindi dapat ganito ang nakikita at naririnig ko. At hindi dapat ito nasasaktan!
Parang may pumipiga sa puso ko sa bawat segundong lumilipas.
Ang nakakatawa lang ay parang doble pa nga yata sa sakit na nadarama ko noon.
Lumunok ako.
D*mn. What have I done?
Hindi ko pa rin magawang magsalita at ang nagawa ko lang ay patuloy na manahimik at makinig.
Halo-halo ang nararamdaman ko... I am stunned, surprised and shocked.
Tumawa ito nang pagak. "Sa lumipas na mga taon at hanggang ngayon, alam mo bang itinatanong ko lagi sa sarili ko kung minahal mo ba ako? O baka hindi talaga? Kasi kung minahal mo ako, e 'di sana ay hindi mo ako iniwan, 'di ba?" mapait na tanong nito.
Nakagat ko ang labi ko at naikuyom ko ang kamao ko.
Honestly, I really don't know what to say and I don't know how I should react. Because it seems like everything that I did was worthless, nonsense, and full of sh*t.
Gusto kong murahin at sisihin ang sarili ko nang paulit-ulit.
Pero hindi ko iyon puwedeng gawin habang magkaharap pa kami.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-akto na balewala lamang sa akin ang lahat ng sinabi nito. Baka kasi kapag nagsalita pa ako at may masabi ay lalo lamang maging magulo ang sitwasyon. Baka lalo ko lang itong masaktan, na kailanman ay hindi ko naisip at inakala noon na kaya ko palang ipadama rito.
"Finish your coffee and go home. Pakisarado na lang ang pinto 'pag lumabas ka na," sa halip ay sagot ko bago tumalikod at akma na sanang iiwanan ito.
"Ganyan ka ba talaga? Kapag hindi mo gustong sagutin, iiwasan mo na lang at tatakbuhan ang lahat?"
Napahinto ako at napalunok.
Aminado naman ako sa paratang nito. Tama ito roon. Gano'n nga akong klaseng tao. Napatunayan ko na iyon dito at sa iba pang mahal ko sa buhay noon. Alam kong mali na ikatwiran, pero may dahilan naman ako—ito mismo, siya mismo ang dahilan. Dahil lang sa kagustuhan kong maka-move on na ito sa kaibigan nitong namayapa.
"Nakainom ka lang kaya gusto mong malaman ang nakaraan. Kapag humupa na 'yang tama ng alak sa iyo, malilimutan mo lang ulit na gusto mo pala talagang malaman ang mga bagay. Masaya ka naman na. So I think we must leave our past behind," sadyang pinalamig ang tinig na sabi ko.
"Bullsh*t! Stop acting that way! Na wala lang ang lahat ng ito! Stop acting like everything's fine and our past will be okay when we leave everything behind. T*ngina. Kung okay ka na, puwes hindi ako! Dahil kahit kailan ay hindi ako magiging okay hangga't hindi ko nalalaman ang put*nginang dahilan mo," puno ng hinanakit na biglang bulyaw nito na sobrang hindi ko inaasahan.
Kasalanan ko. Alam ko. I'm really sorry, Mikey.
Gusto kong ibato na nito sa akin ang lahat ng sisi ngayon para mawala na at maibsan man lang sana ang bigat na nararamdaman nito na nahihimigan ko sa boses nito kanina pa.
Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang humarap dito. Hindi ko ito kayang harapin. Natatakot ako na baka kasi kapag nakita ko ang hitsura nito ay magbago na naman ang takbo ng isip ko at mangibabaw na naman ang nararamdaman ko para rito. Baka sa halip na layuan ay lapitan ko ito at yakapin na lang.
"Magsalita ka naman! Sabihin mo naman sa akin... kung bakit g-gano'n... kung bakit iniwan mo na lang akong bigla? Kung bakit nagtapos tayo nang hindi ko namamalayan? P*tangina! I think, deserve ko naman kahit kaunting paliwanag lang," halata ang desperasyon sa tinig nito.
Huminga ako nang malalim bago pumikit nang mariin.
Nagbaon ako ng lakas ng loob para harapin ito pero nagsisi lang din ako dahil tigmak ng luha ang pisngi nito.
D*mn it.
Pigil na pigil ko ang sarili ko na lapitan ito. Gustong-gusto kong pahirin ang mga basa sa mata at pisngi nito. Gusto ko itong yakapin. Gusto ko itong aluin. At gusto kong sabihin dito 'yong mga bagay at salita na maaaring makapagpagaan sana sa nararamdaman nito at sa sitwasyon.
But it's too impossible. Hindi kayang palubagin ng anumang salita ang nakikita kong estado ng emosyon nito. Another thing is there's this huge wall between us now na parang ang hirap nang tibagin.
"Please naman, sabihin mo na. Kasi hanggang ngayon, gulong-gulo pa rin ako. Hindi ako matahimik. Please," pakiusap nito.
Naaawa na ako sa hitsura nito. Hindi nito kailangang magmakaawa para lang malaman ang lahat.
Sa totoo lang ay gusto kong magsinungaling na lang at magtahi ng kuwento para matapos na ang usapan pero nagbago ang isip ko nang naalala kong bigla si Cloud.
Tama ito sa sinabing deserve ng kaibigan nito na malaman ang mga bagay.
Patuloy na tinitigan ko si Mikey.
I guess this is it. Kahit na anong takbo at pagtatago pa ang gawin ko ay makakarating talaga kami sa puntong ito.
Kumurap-kurap ako at lumunok ng ilang beses para makahinga nang maayos."S-Sigurado ka bang gusto mo talagang malaman? Pagkatapos ba nito ay magiging maayos ka na? Maipapangako mo ba sa akin 'yon?"
He didn't say a word; instead he just brushed away his tears.
Hindi ko mapigilan na magsikip ang dibdib ko.
Ang sakit na makitang lumuluha ito.
I hold back my own tears. Pero habang tumatagal ay parang hindi ko na kaya pang pigilan kaya iniiwas ko na ang tingin ko.
D*mn it, Alexena. Tibayan at tatagan mo.
Lumunok ako para mawala ang namumuo na namang bara sa lalamunan ko. "Tingin mo ba ginusto ko talaga ang ginawa ko? Ang saktan ka? Ang iwan ka?"
Inihilamos nito ang kamay sa mukha. "Then, bakit nga?! Hindi ko kasi maintindihan! T*ngina. Ayos naman tayo, e. Maayos tayo bago ka umalis. Pero bakit biglaang natapos na lang tayo nang gano'n kabilis? Walang preno. Walang paalam."
I think it's high time to settle this, everything between us—our past.
Malakas ang kabog ng dibdib na humugot ako ng hangin. "W-Wala sa plano ko ang saktan ka. Walang-wala, Mikey. Ang totoo ay m-minahal kita at iyon ang rason kaya kita iniwan," garalgal ang boses kong amin.
Naikuyom ko ang kamao ko makalipas ang ilang sandali.
Akala ko ay hindi ko na iyon makakayang sabihin pa rito. Pero sa halip na gumaan ang pakiramdam ko dahil sa naisambulat ko na ang nararamdaman ko para rito na hindi ko man lang naamin dito nang harapan noon ay tila ba lalo lamang bumigat ang dalahin ko dahil sa kaalamang sobrang huli na. Huli na para sa aming dalawa. Marami na ang nagbago, dahil sobrang daming bagay na ang nasira ko.
Pinigilan ko ang mapahikbi. Ngunit tuloy-tuloy na rin na umagos ang mga luha ko. Hindi ko na talaga nakayanang pigilan pa dahil nagsisikip na rin nang sobra ang dibdib ko.
Kahit anong pigil ko ay ayaw maampat. Kahit pilit kong tinutuyo ng mga kamay ko ay may panibagong luha ang pumapatak mula sa mata ko. Salitan at parang hindi nauubos. Parang 'yong sakit din sa dibdib ko na naipon sa mahabang panahon.
Napatayo itong bigla at tumaob ang silyang kanina ay inuupuan nito, lumikha tuloy iyon ng ingay sa kabahayan.
Galit nitong hinampas ang mesa. "Bullsh*t! Anong klaseng pagmamahal 'yon?! Kung mahal mo ako paano mo ako nagawang iwan?!"
Napapitlag ako sa pagsigaw nito.
Parang ganito rin ito noong nagkaharap kami sa opisina nito. Ito ang pangalawang beses na nakita ko itong ganito kagalit.
"Answer me!" ulit na gigil na demand nito.
Batid ko na naghihintay ito sa mga iba ko pang sasabihin.
Napahikbi ako. "D-Dahil iyon lang ang naisip at nakikita kong paraan para maka-move on ka na!" bulalas ko.
Halata ang gulat nito sa sinabi ko.
Nangunot ang noo nito. "M-Move on? Move on from what?" naguguluhan na tanong nito.
"I want you to move on from your past. Gusto ko kasing maging m-masaya ka na, kahit na kapalit pa no'n ay mawala ka sa b-buhay ko," nahihirapang tugon ko.
Nasabunutan nito ang sariling buhok. "P*ntangina! T*ngina! Anong past?! At paano ako magiging masaya kung wala ka?! Paano mo naisip 'yon, Alexena?!"
Hindi ko man gusto ay nagsisikip ang dibdib ko sa naririnig at nakikita kong naghahalong sakit at galit nito.
Akala ko ay kaya ko. Na matatanggap ko ang lahat ng ito. Pero bakit ngayong nandito na ako sa sitwasyon at kaharap ko ito ay tila ba hindi?
Kinagat ko ang labi ko nang mariin at tinitigan itong mabuti. "D-Dahil hindi sapat ang pagmamahal ko para makalimutan mo siya."
Naikurap-kurap nito ang mata sa pagkalito. "S-Siya? Sinong siya? Anong kagaguhan 'yon?"
"Si Sophie," mahinang sambit ko, ngunit sapat naman para marinig nito nang malinaw.
Natigilan ito.
Gusto kong matawa.
Gano'n ba talaga ang epekto nito kay Mikey? Hanggang ngayon ba naman?
Napangiti ako nang mapait bago pinalis ang luhang umalpas na naman sa mata ko. "Alam ko ang tungkol sa kanya. Alam kong siya ang mahal mo at hindi ako. Tanggap ko naman, e. Tanggap ko naman. Kaya nga umalis na lang ako dahil alam kong kapag patuloy akong mananatili sa tabi mo ay hindi ka makakausad dahil maaalala at maaalala mo siya habang nakikita mo ako dahil kamukha ko siya. Pero hindi ako magiging siya kahit na ano pa ang gawin mo, Mikey. Akala mo ba hindi ako nasaktan noong iniwan kita? Hindi niyo alam pero doble-doble ang sakit."
Nanatili itong tahimik.
"Alam kong mali na iwanan kita nang walang paalam. Pero ginawa ko 'yon hindi para sa sarili ko lang, kundi para sa iyo rin. Mahal kasi kita. Mahal na mahal kita, Mikey. Pero nakakapunyeta, dahil sobrang sakit na."
Nanatiling nakatulala ito kaya sinamantala ko na. Hindi ko kasi alam kung masasabi ko pa rito ang mga ito sa ibang pagkakataon.
"Alam mo ba kung saan nagsimula ang lahat at kung paano ko nalaman ang tungkol kay Sophie?" tanong ko bago umalpas ang mapait na ngiti sa labi ko.
Wala akong nakuhang response at hindi ito sumagot.
"Nalaman ko ang tungkol sa kanya noong aksidenteng narinig ko ang pag-uusap ninyo ng Mom mo sa phone noong ilang araw na nanatili ako sa unit mo dahil nagkasakit ka. Ipinagsawalang-bahala ko, pero nasundan pa ng ilang beses na naroon din ako at narinig ang usapan ninyo ni Cloud, hindi ko sadya pero parang laging inaadya ng pagkakataon na marinig ko. Siguro dahil kailangan ko talagang malaman? Pero hindi ako kumibo at kinimkim ko ang lahat ng tanong ko."
Nakita ko kung paano nagtagis ang bagang nito. "D*mn. Dapat ay sinabi mo sa akin, tinanong mo dapat ako."
"Tinanong? Paano? Gayong noong sinabi sa iyo ni Cloud na ipaalam mo sa akin ay iba ang isinagot mo... she doesn't have to know. 'Yon ang eksaktong sinabi mo. Tandang-tanda ko ang usapan ninyo sa locker room noon."
Gigil na naihilamos nito ang kamay sa mukha.
"Nasaktan ako noong narinig ko 'yon mula sa iyo. Pero alam mo kung ano 'yong mas masakit? 'Yong marinig ko sa bibig mo mismo na tinatawag mo ang pangalan niya at hindi ang sa akin. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Ako 'yong nando'n sa tabi mo pero ibang pangalan ang tinatawag mo habang natutulog ka? Pinalagpas ko ang lahat ng 'yon at hindi ko sinabi sa iyo kasi malaki ang tiwala ko sa iyo na sasabihin mo rin sa akin ang tungkol sa kanya kapag handa ka na. Kaya kitang hintayin, Mikey. Kaya ko, kahit na gaano pa katagal. Mahal kita, e. Alam mo 'yon? Mahal kita kahit na may mahal ka pang iba."