CHAPTER THIRTY-TWO | SAFE HAVEN

Colby

MATAMA kong pinagmasdan si Kriselle na mag-isa at parang bata na naglalaro sa pool. Nakaupo siya sa pool side at kinakawkaw ang mga binti sa tubig. Kanina pa siya umaaktong weird habang ang iba naming kasama sa bahay ay naghahanda na para sa house warming mamaya. Si Lola ang nakita ko sa kusina at nasisiguro ako na hindi siya pinakilos kaya parang bata dito kung umasta.

Naiiling ko siyang nilapitan sa kanya tinabihan at nilublob din ang paa sa pool.

"What's your problem? Medyo madilim sa side na ito ng bahay." Sinimangutan niya saka inirapan. Ngumiti ako at marahan siya kinabig palapit sa akin. "Sinong umaway sayo?"

"Wala. Tapos ko na tulungan si Lola sa loob. Lumabas lang ako para libangin sarili ko,"

"Do you think you can fool me?"

Ngumuso siya at umayos agad ng upo. Alam niyang hindi niya ako maloloko kahit magsinungaling pa siya ng ilang beses ngayon.

"After cooking I heard Lola Irene talking to my father's wife. Nagulat ako na miyembro pala siya ng board of directors sa ospital. May botohan daw at nililigawan niya si Lola gamit ang ga-tingang koneksyon naming dalawa."

I tried to concealed my laughed. Bakit naman kasi tinga ang ginamit niya panlarawan sa koneksyong meron siya sa asawa ng tatay niya? Naubo na ako kakapigil sa pagtawa kaya imbis na gumaan ang loob ni Kriselle ay lalo lang itong sumimangot.

"It's not up to Lola, babe," natatawa pa rin ako. "Siya lang tinga na kilala ko na hindi maalis-alis sa buhay mo, Kris."

"Ewan ko ba at bakit feeling close siya sa akin. Naiirita na ako at akala ba niya'y natutuwa pa ako?"

I chuckled.

"Again, it's not up to Lola. It's on me now. I am the chairman of the board, the president/director of St. Jude Thaddeus Medical Center, and the sole owner of Levezque Group of Companies. Lahat ng gusto ng nomination para maging member ng board ay dadaan sa akin."

"Seryoso ba iyan? Magkano na income mo?"

"Enough to cover your monthly online purchase."

Tumili siya at agad na yumakap sa akin. Masaya talaga siya kapag online purchase ang pag-uusapan pero mas tight na siya ngayon dahil sabi ko hindi siya pwede bumili hangga't 'di binebenta o pinamimigay iyong ibang gamit niya. I also taught her to pay her credit cards asap and do not wait for due date or it get decline. From five credit cards, she only has two now. Isang pang emergency at isa sa luho niya.

"But our deal about buying new things stands still."

"Yes, Dad!" Gano'n lang kadali magbago ang mood niya. "Kaya ba little madam ang tawag nila sa akin?"

"Yeah. Your assets as my wife have the same level as Lola's assets."

Natawa ako nang makita ang pamimilog ng mga mata niya. Ngayon lang naman ito at nasisiguro ko na po-problemahin niya rin lahat kapag tumagal. But I prepared for it incase. Handa ko naman ipaliwanag sa kanya at hindi gaya ng iba, mas responsable naman gumastos si Kriselle. Nakita ko sa laptop niya ang sarili monthly expenses file.

Naroon din ang hulog niya sa insurance, government contributions at ibang bills pa noong mag-isa naninirahan. Sadyang adik lang siya sa online shopping. She's already fixing it because we agreed to have a shared responsibilities in this household. May pera siya at may pera ako tapos hati kaming dalawa sa mga bayarin. I have the electricity and water bill while she has the monthly association bills and the groceries. Hati naman kami pagdating sa sahod ng driver at kasambahay namin.

"Hindi sa ginagamit ko ang impluwensya ko bilang magiging asawa mo pero ang odd kasi ng application ni Zara. Lalong hindi kita papakasalan dahil sa pera mo."

"How odd?" Kumunot ang noo ko at matamang inalis na sa tubig aking mga binti. "Why will you marry me?"

"She will never understand your goals and projects. I'm not judging her but I'm sure that she'll going to make the hospital a business." Huminga siya nang malalim. "Kasi mahal kita kaya ako magpapakasal sayo."

Kahit naman sino bukod kay Director Limon ay hindi maiintindihan ang plano ko at mga proyektong meron ako. These board members were all in business field. Walang doktor sa kanila maliban sa aming tatlo ni Erian at Director Limon.

"I'll take care of her, babe. Don't worry because I have a clean board members now. Ako ang bahala sa medical aspects at sila sa business aspects ng ospital." Sinapo ko ang isang pisngi niya. "Mahal na mahal din kita."

Ngumiti siya at inulit-ulit ang tanong tungkol sa assets niya. I received more than one kiss from her today because she's simply happy and love me.

***

THE HOUSE WARMING went well. Nagawang imbitahan ni Kriselle ang pari na kakilala niya na siya ring magkakasal sa amin. Nag-umpisa sa maikling misa tapos house blessing na at salo-salo ang sumunod. Maraming niluto si Lola at Kriselle para lahat ay makapag-uwi. Binigyan din namin ang mga gwardya sa labas pati na ang nasa opisina nitong subdivision.

Ngayon, nagkakasiyahan na si Kriselle at mga kaibigan niya sa pool. Habang ako narito kasama ni Erian at parehong nakamansid sa kanila. Maaga nag-retire si Lola kasama ni Mercy at inimbitahan na lang kami bukas sa bahay na doon mag-almusal. Sana magising si Kriselle pero mukhang malabo dahil heto at active na active pa kasama ng mga kaibigan niya. Hindi naman sila naliligo at panay lang pag-aasaran na si Kriselle ang laging biktima.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na naisipan mo nang lumagay sa tahimik, Col. Akala ko pa naman tatanda tayong magkasama sa ospital."

Binato ko siya ng almond nuts na kinakain ko. "Huwag ka nga madrama. Hindi naman ako aalis sa ospital, mag-aasawa lang ako."

"Marrying means you'll have a shorter time in the hospital. Syempre mas gusto mo umuwi at samahan ang asawa mo dito lalo't nagmamadali si Madam na magka-apo."

"Hindi ko naman siya puwedeng madaliin, Erian."

"Hindi niyo pa napapag-usapan ang pag-a-anak?"

"Nagpag-usapan na sa seminar. Tinanong kami ng pari at pareho naman kami ng sagot."

"And the answer is?"

"Hangga't kaya at kung ilan ibigay ng Diyos. Mahirap kasi limitahan at financially stabled naman kami ni Kriselle."

"Kaya kayo nag-click, minsan isa ang takbo ng isip niyong dalawa." Napatingin ako kay Kriselle at nagflying kiss siya sa akin na kinangiti ko. "Tungkol sa pamilya niya, settled na ba iyong tungkol sa kasal."

I groaned.

The sudden changes because of Zara's request made my head aches as well as Kriselle. Nadamay pa iyong coordinating team namin dahil sa mga request niya na imbis kontrahin ay pinagbigyan na. Ang hindi lang naman nangyari ay ang pagpapalit ng escort ni Kriselle saka sa maid of honor. Nag-stick kami sa plan na si Sean ang maghahatid sa kanya habang sina Hera, Autumn, at Beauty ang maid of honors niya. Nanatiling abay si Eden na labag sa kalooban naming dalawa dahil pati sa kasal namin ay napupulitika.

"We able to fixed the mishaps and we're on track now. Akala ko nga hindi masisingit ang house warming kanina dahil sa mga nangyari noong mga lumipas na linggo."

Natawa na lamang si Erian matapos marinig ang kwento ko. Kriselle has a strange connection with the weirdest people I ever met. Umpisa palang ito at tama ang narinig ni Kriselle tungkol sa nomination na inaawitan ni Zara kay Lola pero ako na ang dapat niya awitan. Lola Irene is no longer a part of the board. Ako na lahat bilang tigapagmana niya sa ospital at sa iba pang negosyo na meron ang pamilya namin.

"That woman is real pain in the ass, Colby. Kung ako lang masusunod, I won't nominate her as the member of the board. May agenda lang iyon at dapat mag-cut ties na si Kriselle sa kanila."

Kriselle din cut ties with them. Itong si Zara lang ang lapit ng lapit at panay panunuyo kay Lola Irene. Gaya na lang ngayon na binisita na naman nilang mag-ina ang Lola Irene ko. Natuloy kami ni Kriselle sa pagsabay kay Lola sa umagahan na napag-usapan namin kagabi pero hindi kasama itong special apperance ng pamilya ng kanyang estrange father. Imbis tuloy na ganahan sa pagkain si Kriselle ay nainis lang siya.

"Is there a problem with the food, hija?" Narinig ko na tanong ni Lola kay Kriselle. "May sakit ka ba ulit?" Dagdag na tanong pa sa kanya.

Pilit siyang ngumiti. "Wala naman po akong sakit. Wala lang po akong gana kumain ngayon."

"Baka may nililihim na kayo ni Dr. Levezque sa amin. I understand that you both are one month away from the wedding, and you're living in the place now, so it's possible."

"Can you stop sticking your nose on my business? Hindi kita nanay at lalong ayoko na maging nanay ka. I'm sorry but this is too much. Accepting the fact that my father betrayed us because of you was way too much for me to handle." Tumayo si Kriselle saka binalingan si Lola. "I'm sorry po." Sunod niya binalingan ang kapatid niya. "I'm not mad at you but I cut ties with Papa already. Huwag na nating ipilit ang hindi talaga pwede. Ito, sila na ang pamilya ko ngayon."

Iyon lang at tumalikod na siya at nilisan ang hapag kainan. Akto ko siyang susundan ngunit nauna tumayo si Lola sa tulong ni Mercy.

"Ako na ang bahala," ani Lola sa akin.

Binalingan ko agad ng tingin si Zara pati na si Eden. Bumalik sa upuan niya si Mercy at nagpatuloy sa pagkain.

"Why are you tormenting my fiancé? Hindi pa ba sapat ang sakit na binigay ni Mr. Mercado sa kanya. All she want is to be happy and I'm going fulfill her dream." Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Pwede ba akong makiusap na huwag na sana ganito sa araw ng kasal namin. I want that day to be special and memorable for us and our guests. Please lang, nakikiusap ako sa inyo. Tama na ang pagpapahirap kay Kriselle."

***

PAGKATAPOS naming kumain, umuwi na kami ni Kriselle. Naglakad lang kami papunta sa bahay ni Lola kanina pero ngayon hiniram ko na ang e-bike niya para service namin. Marami siya iniyak kanina tapos hindi pa siya kumain kaya paniguradong drain at gutom na ang isang 'to.

"Magluluto na po ba ako para sa tanghalian?" tanong ng kasambahay namin pagpasok namin sa gate. Tahimik lang na bumaba si Kriselle at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. "May sakit po ba si Ate?"

"Wala. Ako na lang magluluto para makakain siya." Tumango lang ang kasambahay namin at sinamahan na ako sa kusina. Bago ang lahat, nagtext ako kay Edwyn na dalhan ako ng bulaklak galing sa garden ni Lola dito. Iyong ang gagamitin ko panlagay sa center piece ng table set sa gilid ng pool. "Favorite ito ng Ate mo kaya ito ang niluto ko." I told Susan, our maid, to cook rice already. Sinabihan ko na damihan niya dahil tiyak na mapaparami ng kain si Kriselle dahil paborito niya ang ulam.

"Ang swerte naman ni Ate sa inyo, Kuya."

"Mas swerte ako sa kanya. Tahimik lang ako walang pakialam sa mundo pero napansin ako ng Ate mo."

Tumawa ang mga kasama kong kasambahay sa kusina na siyang katulong ko rin paghahanda ng pagkain naming dalawa. Nang matapos, inayos ko na ang set up sa labas saka pinuntahan si Kriselle sa aming kwarto.

"Babe..." Dahan-dahan ako naupo sa gilid ng kama kung saan siya nakapaling. "Tara sa labas, may regalo ako sayo."

"Nagluto ka ng pares mami?"

"Naamoy mo?"

"Syempre may ilong ako kaya ako." Inalalayan ko siyang tumayo at inaya na bumaba. Muntik ko pa nga siya buhatin para lang sumama sa akin pababa papunta sa pool. "May pa-flowers ka pa ngayon. Never mo naman ako binigyan dati."

"This is the start, babe. Bibigyan kita ng kasing laki ng garden ni Lola."

Siniko niya at naupo na. "Masarap ba 'to?"

"Taste it, babe para malaman mo." Sinamaan niya ako nang tingin pero sandali lang dahil pinili niya ng kumain. "How's it?"

"Can I marry you now?"

"Sure. Saang simbahan mo gusto na malapit lang?" She laughed then eat again.

Tumayo ako at pumunta sa gilid niya para yakapin siya. Sinandig ni Kriselle ang kanyang ulo sa aking tiyan saka pumikit. Masyado na siyang maraming pinagdaanan kaya hindi ko hahayaan na muli siyang masaktan. Obligasyon ko na protektahan kahit na anong mangyari. Damn the connection and hierarchy.

Kailangan ako ng babaeng pinakamamahal ko at wala na akong pakialam pa sa iba.

"Salamat, Colby." Mahina niyang sabi sa akin.

"Hindi ka na lagi mag-isa. Narito na ako, ang bago mong pamilya. Lola and Mercy is also with me, babe. Rest your mind and this home will be your safe haven."