Chapter 51

Napatigil ako nang makitang naka-park ang sasakyan nya sa harap ng bahay namin, pati ang kay Eros ay nandito.

"Oh, you're here" bati ni Tita Yana, she kissed my cheeks and smiled at me. Okay na kami, nagkausap na at naintindihan nya naman ako. She gave me a look bago nya tinignan patagilid si Coltrane na hawak ang cellphone nya, may ka-text yata.

"Wala pa, tita" bulong ko, ngumuso lang sya. Nagpaalam na akong magpapalit pagkatapos kong humalik kay Tita Kaye at Mommy.

"How was it?" Hinila ko ang upuan sa tabi ni Eros at kinamusta ang pag-uusap nila ni Angeline. Kakababa ko lang galing sa kwarto, alangan namang tumabi ako kay Coltrane baka lumayas pa ng wala sa oras. "I told her I still love her, she just smiled. Tingin ko naman may pag asa pa kami" napangiti nalang ako para sa kanya, deep down inside me I felt hollow.

Sana kami rin may pag-asa pa.

"You should talk to him too" umiling lang ako. "Gusto kong subukan pero mukhang wala pa rin eh. I guess he still need time and space"

"Time and space? Bigyan mo ng orasan at keyboard" he said chuckling.

Sabay kaming bumuntong hinga ng malakas, tiningala nya ang langit at tinuro sa akin ang shooting star.

"Make a wish"

Naghintay ako ng isa pang shooting star bago tuluyang pumikit at humingang malalim "Coltrane". Oo, sya yung hiniling ko. Kung meron man akong gusto ngayon... siya lang.

Naputol ang pagtatawanan namin nang sumeryoso sya. Natahimik sya at tila pinagisipan ang sasabihin nya sa akin.

"Azrielle, yung totoo, kumusta ka naman? Ang payat mo na eh, you barely touched your food kanina" napalunok ako at pumeke ng tawa. After one month, after one agonizing month may nangumusta sa akin.

"O-okay naman. Hindi lang ako makaconcentrate kanina, medyo tensyonado ako" pag-amin ko.

"Come on, if you wanna cry then I'll let you cry" isinandal nya ako sa balikat nya, hindi ko na napigilan pang umiyak. My heart hurts so bad. Gusto kong sabihin na miss ko sya, gusto kong sabihin na mahal ko siya, na sana maging okay na kami. Hindi na ako magagalit pa kahit pa nasasaktan at nagseselos ako na lagi syang may kasamang iba, I just want him back. I want him back.

May tumunog na alarm, pinatay iyon ni Eros at hinarap ako.

"Time is up, now stop crying." Hinampas ko sya at pinunasan ang basa kong pisngi. Inorasan nya pala ang pag iyak ko, kainis!

"Ingat po" paalam ko kay Tita Kaye, iniwasan ko lang ng tingin si Coltrane. He can't see me like this, mukha akong sabog dahil sa pagpapaiyak sa akin ni Eros.

"Don't cry okay?" Bulong sa akin ni Eros "Opo, kuya" I joked. Nakipag high five sya sa akin bago ako humalik kay Tita Yana.

Pero heto ako, kakapasok palang ng kwarto naiiyak na naman. I want to run to him and hug him so tight. I miss him so bad, it hurts so bad.

Inayos ko ang damit ko at umikot sa harap ng salamin bago ngumiti, naitago naman ng concealer ang eyebags ko. Nakakapangit talaga ang problema, pero with make up mukha pa rin naman akong fresh kahit papaano.

Ngayon ang auction, ngayon ko planong kausapin si Coltrane, kahit magkano pa basta makausap ko lang sya.

I grabbed my car keys bago ako nagpaalam kay mommy at umalis ng bahay. Kabado pa ako nang makarating sa school, rinig ko na rin ang malakas na musika galing sa gym kung saan gaganapin ang auction.

"Ganda ah, hindi naman masyadong pinaghandaan" hinampas ko si Eros at sumabay sa kanya papasok ng gym. "He's number ten by the way, galingan mo. If you need my help nasa tabi ko lang ang phone ko" tumango ako sa kanya at umupo na sa tabi ni Amerie.

Finally nag start na ang auction, isa isa nang pinakita ang mga items hanggang sa sila Coltrane na.

"The ever dashing Coltrane Tris Montreal, aside from being a charmer he's also the Roaring Lion's Most Valuable Player, a coach and a dean's lister."

Pagpapakilala ni Angeline. Marami pang sinabi pero hindi ko naintindihan pa, nakatingin lang kasi ako sa kanya. Nakapamulsa sya at halatang bored, tama nga si Angeline, he's dashing. I wish things would go according to my plan, kung makakapag usap kami sana maayos kami... kung hindi then I think its time to rest for awhile.

"Let's start the bidding off at ten thousand pesos"

Nagtaas ng number ang isa sa kaliwa ko "twelve thousand"

"Fifteen thousand" rinig kong sabi ng isa.

"Fifteen thousand, anyone for sixteen thousand?"

"Twenty thousand" nilingon ko ang nagsalita at nakita si Imogen, sinipulan ako ni Eros saka nya ako pinandilatan ng mata.

"Going once... going twice.."

"Thirty thousand" Prente kong sabi. Eros winked at me, siniko naman ako ni Amerie "Thirty five thousand" I bit my lips and played with my bid card. Hindi sya papatalo.

"Fifty thousand" I heard gasps from the crowd. "A sweet date night with Ms. Rostana" anunsyo ni Eros, I sighed in relief. I got him, now I should get ready for our date.

"Kaya yan, fighting!" Bulong ko sa sarili ko. Binuksan ko ang pinto ng rooftop at tinignan ang likod nya. Siya ang namili kung saan kami "magdi-date".

I cleared my throat to catch his attention, nilingon nya ako at may papel na nilapag sa mesa.

"I think this would cover your fifty thousand pesos" naningkit ang mata ko nang makita ang nakasulat sa papel, cheke iyon at nakasulat ang one hundred thousand pesos at pirma nya.

"I don't need this, I just want to talk to you"

"Hindi ka na sana sumali pa sa auction kung yan lang ang purpose mo"

Napangiti ako ng mapakla "Sorry ah, ito nalang kasi yung naisip kong paraan para makausap ka, you've been dodging me for a month and half now Coltrane. Sinubukan ko na lahat ng alam kong paraan para makausap ka, and this is probably my last option" his forehead creased.

"I just want you to listen to me, yun lang naman. Kung ayaw mo na..." I inhaled deeply ".. eh di I'll give you what you want, gusto mong maghiwalay na tayo, okay. Just listen to me first"

"I don't want to talk, take the money and leave" Kinuha ko ang tseke at pinunit iyon, I clasped my fingers and smiled at him.

"You hate me that much? That you can't even look at me and you won't even give me the chance to defend my self?"

Sumandal sya sa may railings at humalukipkip.

"You used to look at me in my eyes with so much love" I smiled bitterly. "Used to..." pahabol ko.

Naalala ko pa dati sabi nya sakin papautangin nya ako sa auction, tapos ngayon.. sya palang yung gusto ko sa auction.

I inhaled and exhaled roughly, I looked at the moon trying to pull myself together. Parang sasabog ang dibdib ko sa halo-halong emosyon. Humawak ako sa braso nya nang magtangkang aalis sya, humarang ako at nagsimulang magpaliwanag kahit ayaw nya.

"The day after you left Eros approached me, inofferan nya ako na titigilan nya tayo kapag nakipag usap ako sa kanya." Panimula ko. "So I listened to him, pinakiusapan nya ako na sumama ako sa kanya sa birthday ni Tita Yana, he asked me to pretend as his girlfriend, to make his mom happy but I declined."

"Umattend pa rin naman ako ng birthday ni Tita, not knowing na itutuloy ni Eros ang plano nya without my consent. Alam mo ba kung anong tumatakbo sa isip ko ng mga oras na yon? Ikaw, kasi takot na takot ako dahil mag isa ko sa laban. " I smiled at him, he avoided my gaze. "Your mom and sister was there, my mom too. Iniisip ko na baka iniisip nila niloloko kita, so I have to do something, naglakas loob ako at sinabi lahat kay Tita Yana ang totoo, I fought for us, kahit alam kong masasaktan ko si Eros, si Tita. Wala eh, ayokong isipin ng iba na niloloko kita, and I love you so much pinanindigan ko lang rin yung pangako kong ipaglalaban kita"

My heart is pounding, nabibingi ako sa lakas ng tibok nito. My palms are sweaty too.

"I thought its settled, akala ko nakalaya na tayo sa panggugulo ni Eros pero kinausap nya ulit ako. They broke up, Tita Yana was furious, but to be honest I don't care at all. But Eros said things that made me realize how much I love you" napatingin sya sa akin at mukhang interesado sa sasabihin ko, nabuhayan ako ng loob and at the same time ng kaba.

"Noong bata ako sabi ko gusto ko ng lalaking may talent sa music, yung matalino at mukhang mabait. Si Eros lahat yun, kaya naniwala ako na gusto ko sya. Oo nagustuhan ko siya pero hindi siya yung una kong nagustuhan, Ikaw"

"You were his total opposite, I hated you, lagi nga tayong naga-away kasi kupal ka ng buhay ko. Pero kahit ganun masaya akong kasama ka, yung everytime na nasa bahay ka ikaw agad pupuntahan ko lalayuan lang kita kapag naiinis na ako sa'yo, pero pagkatapos ng ilang minuto tatabi ulit ako sa'yo at makikipaglaro. I was young that time, ano bang alam ko sa feelings na yan, sa pagmamahal na yan?"

"Hanggang sa may naramdaman ako sa'yo, hinahanap hanap ka ng sistema ko, kapag wala ka I'll call you tapos magaaway na naman tayo sa phone, kapag nasa malapit ka o kaya kapag padating ka excited ako. At one point I asked my self, normal pa ba yung nararamdaman ko sa'yo? Kasi ang paniniwala ko kung sino yung lalaking pasok sa standards mo siya yung mahal mo, yung gusto mo kaya nag focus ako kay Eros. I shouldn't like you anyway, kasi kupal ka eh. That's when I convinced my self that I like him, denying the fact that its you that I love. The day that you saw me talking to Eros was the day he made me realize all of that, na oo siguro nagustuhan ko siya, pero ikaw yung una kong minahal na simula palang ikaw na yung mahal ko"

"Ikaw yung lagi kong pinipili Coltrane, maybe I made you feel like I opted for Eros pero ikaw yung lagi at una kong pinili. Kasi simula bata pa tayo, ikaw ang lagi kong nilalapitan, sinasamahan, kinakalaro, kinakaaway, kapag may problema ako sa'yo ako pupunta. Kahit nasa malapit si Eros, ikaw pa rin yung pinupuntahan ko, na okay lang na hindi kami mag monthsary ni Eros kasi ikaw naman yung kasama ko. You made me forget about the other choices, Coltrane. Presensya mo lang non, iikot na yung mundo ko, masaya na agad ako"

"Let me go, Azrielle" hinila nya mula sa pagkakahawak ko ang braso nya.

"He forcefully kissed me, Coltrane. He harrassed me, and I know you saw how I pushed him away and slapped him. Pero bakit? Bakit pinagdudahan mo pa rin ako? Bakit umabot sa ganito? Do you really think I'd cheat on you?" Napangiti ako ng mapait nang tumango sya. "So you don't trust me that much ah? Everything you said about trust is fake?" I chuckled while tears falling down my cheeks.

Natahimik ako at niyakap ang sarili ko nang humangin ng malakas.

"Akala ko ba kapag may problema tayo aayusin natin? Na pag uusapan? I thought we'll make things work even if things seems to fail?" Nag iwas sya ng tingin. "Nasan na yung Coltrane na yun? Wala na ba talaga?"

"I have to go"

"No, stay. Hindi pa ako tapos, wag kang bastos." humarang akong muli. "Alam kong wala akong kasalanan para ganyan ka magalit sa akin, I know Eros tried to explain too pero hindi ka rin nakinig. I'm done explaining, gusto ko lang magtanong, gusto ko lang ng sagot"

"Anong nangyari? You've became someone I don't know. Hindi ikaw yan eh, I can see it through you're eyes, hindi ikaw yung lalaking minahal at mahal na mahal ko. You've changed so much. Coltrane, tinanggap ko yung galit mo, sinasabi ko sa sarili ko na galit ka lang, na kapag binabalya mo ako hindi mo sinasadya. Hindi ko nga binigyan ng malisya yung pagsasama nyo ni Imogen kahit pa alam kong gustong gusto ka nya! May karapatan din ako magalit pero hindi ko ginawa kasi iniisip ko na may nagawa ako sa'yo, you made me feel like I did you bad, na totoong niloko kita, na ginusto ko kung anong nangyayari sa atin. You made me feel guilty, kahit sa ating dalawa ikaw ang gumagawa ng mali, hindi mo man lang naiisip na nasasaktan ako kapag lumalakad kayong dalawa sa harap ko and I can see that she makes you happy, that you're happy without me, happy even when you know I'm fucking miserable! I tried so hard... so hard to communicate and fix us but you keep on pushing me away. Akala ko kasama kita sa laban, not knowing na ikaw pala yung magiging kalaban at kahinaan ko." I bit my quivering lips and sobbed.

"Sabi mo hinding hindi ka mawawala sa akin, kaya sumugal ako. Pero bakit nandito na tayo sa sitwasyon na 'to? Bakit mo ako pinatalo? Bakit mo ako iniwang mag isa sa laban? You know too well who you are breaking, Coltrane. Alam mo kung anong nakataya dito" Umiling sya at tumalikod. "I'm sorry. I'm sorry kung nasaktan kita. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko, sorry if I wasn't enough, if my efforts were not enough to make you stay." Inabot ko ang kamay nya at pinisil iyon. One last time. Sa huling pagkakataon. He clenched his jaw and avoided my gaze.

"Sorry din kasi napagod na akong maghabol, napagod na akong sumubok, napagod na akong masaktan. Ito naman yung gusto mo diba? Yung bumitaw na ako, you want me gone right?" He faced me, confusion was in his eyes.

"I love you pero nasasaktan rin ako" I held his face and smiled at him, tears started to fall to my cheeks.

"Now make things easier for me, say you don't love me anymore and I'll stop bugging you. I'll let you go and live peacefully. Umasa ako na kapag nag usap tayo ngayon magiging maayos tayo, but you keep your walls too damn high and unbreakable, you don't want me in! Gusto ko nalang isalba yung sarili ko ngayon, I can't afford to lose you and lose myself in the process. This time I'll choose my self over you. Say it, say you don't love me and you want me gone."

Iniwasan nya ako at tumalikod. I guess that's it. That's the answer.

"I'm sorry we didn't make it." Sunod sunod nang pumatak ang mga luha ko. Tumalikod na ako at lumabas ng pinto, that's it, I lost him, I lost my best kupal ever.