Chapter 50
"Coltrane" tumakbo ako sa kanya at yumakap, pero hindi siya yumakap pabalik. I wiped away my tears saka ko siya tiningala. "You're back love, sana sinabi mo sa akin para nasundo kita" I stared at his brooding eyes, it was like I'm staring at a black hole, so cold.
He smirked "I was going to surprise you, pero ako pala ang masusurpresa. Ang dami kong narinig, he's following you, you're talking to him, hindi ko pinakinggan at pinansin. Tapos eto madadatnan ko? Siya pa rin pala hanggang ngayon" he slightly pushed me, humawak ako sa braso nya at umiling.
"Its not what you think, let me explain"
"I don't need your explanation, sapat na yung nakita ko" he said with icy indifference in his tone.
"C-coltrane" humabol ako sa kanya, pero mas mabilis ang naging hakbang nya at agad nya akong pinagsarhan ng pinto nya.
"Coltrane, please talk to me" naiiyak ako habang kinakatok ang salamin ng sasakyan nya, napaupo nalang ako nang humarurot sya papalabas. Fuck this!
Hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko at dinial ang number nya, marahas kong pinunasan ang luha kong tumatakas sa aking mga mata.
"Please answer me" Pero operator lang ang sumagot, hanggang pinatay na nya ang cellphone nya.
To: My love
Love, please usap tayo. Let me explain
Ilang beses ko iyong sinend kahit sa email nya at messenger, nagbabakasakaling mapansin nya iyon pero wala.
Nag tawag ako ng taxi at nagpahatid sa bahay, patakbo kong kinuha ang susi ng sasakyan at mabilis na nagpatakbo papunta sa kanila.
"Tita Kaye, papasukin nyo na po ako please. I need to talk to him" umiling si Tita Kaye. "I've never seen him so devastated Azrielle, please give him space for now." Napaupo ako sa garden nila at doon naiyak. Kinalma ko ang sarili ko at sinubukang tumahan.
"Don't cry iha" sabi ni Tita Kaye. I hugged her and whispered "Please tell him I love him so much" tumango siya at nagpaalam na akong aalis. Gusto ko mang ipagpilitan ang sarili ko at kausapin sya, hindi ko magawa. I need to respect his choice, even if it means giving him time and space.
Hindi ako nakatulog kakaiyak, bumangon ako ng alas kuwatro ng umaga at nagbabad sa banyo. My chest feels so heavy and I don't want to function, but I have to. Aabangan ko sya sa labas ng bahay nila, its his birthday!
"H-happy birthday love" I'm rehearsing my birthday greeting for him. Inihanda ko na rin ang regalo ko para sa kanya, nakita ko iyon sa pinterest, yung five senses gift idea.
Sense of sight, a photo album with our pictures. Sense of hearing, earpods. Sense of smell, his favorite perfume of mine. Sense of touch, a ring. Sense of taste, a bottle of his favorite red wine.
Sana lang tanggapin nya. Sana kausapin nya na rin ako.
"Suzette, andyan kuya mo?" Tanong ko kay Suzette na papalabas ng gate. Umiling sya at sinabing maagang umalis ang kuya nya, I tried calling him but he's still unreachable.
Hinanap ko ang sasakyan nya sa parking lot, andito na nga sya sa school, pero saan kaya banda?
Binitbit ko ang regalo ko sa kanya at hinanap sya, napangiti ako ng bahagya nang makita sya sa garden at nagpapakain ng mga ibon.
"Coltrane" his gaze met mine, pero hindi katulad noon na kapag tinititigan nya ako ay tila may kuryente. Pakiramdam ko unti unti akong dinudurog. It felt so foreign... and painful.
"Happy—"marahas nya akong binunggo at mabilis na umalis, I smiled bitterly and pat my self "buti nalang hindi mo nabitawan yung regalo mo" pampalubag loob ko sa sarili ko. Siguro hindi pa siya handa no? I should give him time and space... more time and space.
Pero hanggang kelan?
Hinanap ko ang sundo ni Suzette dito sa parking ng mga senior high, bumati sya agad sa akin at kinamusta ako.
"Kuya, pabigay naman po nito kay Coltrane. Wag nyo na po sabihin na galing sa akin" he gave me a puzzled look. "Para po surprise" pumeke ako ng tawa para kunwari benta yung palusot ko. Tumango naman sya kaya nagpasalamat na ako at nagpaalam.
Papasok ako sa canteen nang makita ko siyang nakaupo at nakikinig ng music, sinamaan nya lang ako ng tingin nang umupo ako sa harap nya.
Tumayo sya at nagmartsa paalis. Sumunod ako kaagad pero nasa likod nya lang ako, kahit ganito lang kalapit sapat na sa akin.
"Stop following me" hindi ko ba alam pero kinilig akong marinig ang boses nya. "I- I just want to talk"
"There's nothing to talk about, Ms. Rostana. Leave me alone" napasinghap ako sa pagtawag nya sa apelyido ko.
"Okay, I'll give you time and space. But please... talk to me when you're ready"
"I don't need you to give me time and space." Nanlamig ako at nagbadyang tumulo ang mga luha ko.
"What do you want me to do then? Beg? I will! I'll do everything just to have you back"
"I want you gone." My heart constricted painfully.
"G-ganun lang yun? Ang dali naman pala para sa'yo na bitawan ako. I thought we'll make things work?" His eyes narrowed at me.
"I'm tired of making things work, kasi sa huli siya pa rin naman diba? I saw you two kissing, isn't that enough reason for me to stop this? Hindi ba sa ganitong paraan mo rin iniwan si Eros noon? Nahuli mo, iniwan mo."
I bit my lips and smiled bitterly.
"Hindi ko siya hinalikan, Coltrane. I never wanted or asked for that kiss, nakita mo naman sigurong pumalag ako diba? He harrassed me! Pero yung tingin mo sa akin ngayon parang ang dumi dumi, parang niloko kita. Hindi ko pagkakamali na hinalikan ako, hindi ko ginusto iyon!"
"I don't want to hear anyth—
"Eh di peke ka naman pala! Asan yung sinabi mong pag may problema pag uusapan? Ngayon lang tayo nagkaproblema, Coltrane. Handa akong ipaliwanag at ayusin pero hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon, pinapatalo mo na agad, pinatalo mo na agad yung tayo!" I wiped away my tears. Kinain na ako ng galit at sakit.
"Wala ka rin naman palang pinagkaiba sa kanya eh! You want me gone? Fine!" Tinalikuran ko sya at pasimpleng umiyak. Nang makaliko ako saka ko narealize na mali yung nasabi ko, na nagpadala lang ako sa emosyon ko.
"C-coltrane?" Iginala ko ang paningin ko at hinanap sya, but he's not here anymore. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak hanggang sa kumalma.
Hindi na ako pumasok pa sa mga subjects ko, umuwi nalang ako at nagmukmok sa kwarto. Sinindihan ko ang isang scented candle ko at pumikit pagkatapos kong i-on yung recorder ng phone ko
"Happy birthday love, sana magkasama tayong nagcecelebrate ngayon pero... wala eh" pinunasan ko ang luha ko at kinagat ang pang ibabang labi ko. Ang iyakin ko naman kainis!
"Sorry sa sinabi ko kanina, hindi ko sinasadya yun. I never wanted us to end, alam ko namang hindi mo rin sinasadya yung sinabi mo kanina. I know you want us together, galit ka lang siguro."
"Coltrane, sana hayaan mo akong mag explain. Kahit yun na lang, kung ayaw mo na— edi kukupalin kita hanggang mahal mo na ako ulit." I chuckled.
"I love you" my lips were quivering, napahagulgol nalang ako habang yakap yakap ang unan na palagi nyang ginagamit kapag dito sya nakikitulog. Inihipan ko ang kandila at pinanalangin na sana... sana maayos kami.
Inilingan ako ni Amerie na para bang sinasabing "wala pa ding improvement?", umiling rin ako. Two weeks na, wala pa rin. Ano pa bang pagpapapansin ang hindi ko ginawa? Lagi ko syang hinihintay sa car park, sa harap ng bahay nila kasi hindi ako makapasok, sa tambayan namin pero hindi siya dumadating.
Hindi ko pwedeng hayaan na ganun nalang yun, na matapos lang ng ganun yun.
Nilingon ko ang nginuso sa akin ni Amerie. I saw Imogen and Coltrane walking and laughing together. Ohh.
I miss those sweet smiles, his laughters. He look so happy... even without me, with someone else.
Napangiti na lang rin ako habang pinipigilan ang luha ko, I took deep breaths and fanned myself.
"I'm glad he's happy" sabi ko nalang kay Amerie at umiwas na ng tingin, dahil habang nakatitig ako sa kanilang dalawa parang unti unti akong nadudurog.
Gusto ko magalit at magtampo kapag nakikita ko silang magkasama, pero makalapit nga hindi ko magawa, sumbatan ko pa kaya sya?
Hindi ko alam kung nananadya ba sila or nagkakataon lang, katulad ngayon andito ako sa garden tapos papasok sila dito.
"Let's go somewhere else" rinig kong sabi nya. Napapikit nalang ako at kinagat ang labi ko. Damn it!
Napadilat ako nang maramdamang may tumabi sa akin, si Eros. Nakapag usap na kami at naayos ang lahat. He told me he'll help me with Coltrane, kaya tinanggap ko ang tulong nya. Kasi desperada na kung desperada pero gusto kong magkaayos kaming dalawa.
"I talked to him already, I explained everything" panimula nya, napatango nalang ako at napangiti ng peke. "Hindi sya nakinig?" Tumango sya, sabi ko na nga ba. Ano pa bang pwede kong gawin? Nasubukan ko na yata lahat.
"Disappointed but not surprised" I said chuckling trying to hold back my tears. "I'm sorry, Azrielle."
I pat his shoulder "It's okay, Eros. Kasi kung makakaramdam pa ako ng galit sa'yo magpapatong patong na lahat ng emosyon ko, I might explode"
He ruffled my hair and smiled shyly. "Sige na nga, tanggap ko na hindi ako ang para sa'yo, maybe I'm meant to be your kuya and my duty starts now" natawa nalang ako habang pinupunasan nya ang basa kong pisngi.
"Eh ikaw, bakit hindi mo pa balikan si Angeline?" Napatingin sya sa malayo at ngumiti. "Magulo pa kasi ngayon, and I wanna help you settle things with Coltrane first."
"Thank you Eros, and I'm sorry."
"Don't say sorry, kasalanan ko naman lahat ng 'to. Wag ka na umiyak, araw araw nalang yan eh" I gulped and stopped my self from crying. I wish it was him comforting me, telling me everything's gonna be alright. Too bad he's with someone else now.
"Azrielle"napalingon ako at kumaway kay Eros na tumatakbo papalapit sa akin. "Problema? Bakit ka tumatakbo?" I'm still sleepy, it took all of my will power para makapasok lamang, I don't want to function again.
"Sinali ko si Coltrane sa auction" natawa ako sa sinabi nya, yearly kasi ay may auction at yung mga pinakagwapo per department ay sinasali. Kung sino ang highest bidder sya ang magiging date nito.
I sighed heavily "Okay, thank you for informing me. Sya pala nakita ko si Angeline sa garden, go na puntahan mo na sya"
"T-teka magpaplano—
"Hindi na next week pa naman yun, sige na pag di ka lumapit sa kanya you'll miss your chance. Ano? Dali na" he rolled his eyes before smirking. "Thank you" tumango ako at kumaway sa kanya.
"Oops" minasahe ko ang noo ko at tiningala kung sinong nabangga ko, my heart started to race when I realized its Coltrane. Nagbadya na namang tumulo ang mga luha ko, I cleared my throat and fanned my self.
"S-sorry. Hindi kita napansi—
Napaatras ako nang bungguin nya ako ng tuluyan. A tear fell on my cheek, I closed my eyes and took deep breaths.
Sana pala talaga hindi ko nalang pinilit ang sarili kong bumangon at pumasok. It felt much better when I'm sleeping, I get to forget everything for awhile, and I don't feel the chest crushing pain that I feel every single day without him.
"Hindi nya yun sinasadya, hindi" my lips quivered when I tried to smile, napabuntong hinga nalang ako at naglakad na rin para umuwi