Chapter 47

Tuwang tuwa ako habang tinitignan ang result ng exam ko sa calculations, naperfect ko! Coltrane will be very proud of me!

Excited akong lumabas ng classroom nang makita si Eros na nakasandal sa pader ng classroom namin. Umiwas ako agad pero sinabayan nya ako.

"Can we talk?"

"Nope. I don't have time to talk, gotta meet my baby" I winked. Tinakbo ko ang room nila Coltrane at sakto namang palabas na sya. He smiled at me saka umakbay. Whoo, nice save!

Ano naman kaya problema non?

"Hey, you seem bothered" pinisil nya ang kamay ko. Oh, hindi ko pa pala napakita sa kanya yung exam ko.

"Eros approached me and asked me to talk" he furrowed "Don't worry, tumakbo ako papunta sa room mo kanina" tumango naman sya at uminom sa baso nya.

"Wait, I have good news pala" Nag liwanag ang mukha nya at kumislap ang mata, yes I know you'll be proud of me!

"Wow, good job" he ruffled my hair and kissed my temples. "Thank you for helping me, and for having faith in me"

Sumandal ako sa kanya at sumimsim sa milktea ko. It was a peaceful silence, nagkwento rin siya tungkol sa boring nyang subject na sana siya nalang daw ang nagturo. Pati prof kinukupal, but he's cute.

"Coltrane" pinisil nya ang kamay ko at hinintay ang sasabihin ko, nahihiya ako pero sige na ng. Minsan lang ako maglambing, and siguro dahil nagp-PMS ako kaya gusto ko magpaka-clingy.

"Mahal na mahal kita, sorry for not being too showy and expressive. Hindi kasi ako sanay, you know I grew up na kupal ka sa buhay ko." He chuckled. "But I just want to let you know that I love you" hinarap ko sya at sinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"Ano nakain mo? Ipapakain ko yan sa'yo everyday" hinampas ko siya, bwisit panira ng mood 'to! "But jokes aside, alam ko naman na naninibago ka palang. Ako, sanay na akong mahal kita ng ilang taon pero minsan kailangan may preno pa rin kasi baka magulat ka sa paglalambing ko. And no worries about being not so expressive, I can see love in your eyes and that's more than enough for me"

"You look like a baby" he uttered while squeezing my cheeks. Pinalo ko ang kamay nya at ngumuso. "Azrielle, tell me are you PMS-ing?" Kunot noo akong ngumuso, paano nya alam?

"Malambing ka kasi masyado kapag either nagugutom ka, trip mo lang or kapag nagp-PMS ka"

"Sakit ng puson ko" daing ko habang hawak hawak ang puson ko. Not now, mother nature, wala akong dala!

"Are you okay? Pwede naman na i-uwi na kita, do you want me to carry you?" Umiling ako, itinayo nya ako, pero napakapit ako sa kanya ng mahigpit ng mas tumindi ang sakit.

Kung alam ko lang na ngayon ang dalaw ni Mother Nature hindi ako iinom ng malamig na malamig na milktea. Damn it hurts so bad!

He's so worried, it was written all over his face. Nakahawak ako sa kamay nya ng sobrang higpit, hindi na ako nakapalag pa nang buhatin nya ako. Kumapit nalang ako sa leeg nya at pumikit. Damn, period cramps!

"Do you need anything?" Tanong nya pagkatapos nya akong ihiga sa kama, andito na kami sa bahay. "Hot compress, kay mommy"

"Okay na?" Tanong nya habang hawak hawak ko ang hot compress at dinidiin sa puson ko.

Dinudugo na nga kaming babae, may kasama pang abdominal cramps. Mother nature naman, hindi ba pwedeng wala nalang sakit?

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalik-halikan. I smiled faintly. Medyo okay na, I just feel uneasy dahil sa you know it girls... blood.

"Bakit ba ang tagal mo dyan sa banyo? Kanina ka pa dyan ah? I'm damn worried, Azrielle! Sisirain ko na 'tong pinto mo!" Nataranta ako, kanina pa siya katok ng katok! Hindi ako makalabas dahil naubusan pala ako ng stocks! My gosh!

"Azri—

"Ops, dyan ka muna. Nasan si mommy?" Umiling siya. "Umalis nag grocery raw saglit. Ano bang ginagawa mo diyan? Alalang alala na ako." Medyo iritado nyang sabi. Napanguso ako.

"Wala akong napkin" I said softly, namula siya. Oh my gosh, he's so red and he's so freaking adorable! Nawala ang hiya ko at parang gusto kong kurutin ang namumula nyang pisngi.

"O-okay. Stay there, bibili ako"

Buti nalang dala dala ko ang cellphone ko dito sa banyo kaya hindi naman ako nabored. Naglalaro ako nang biglang tumunog ang phone ko gawa ng tawag ni Coltrane.

"Baby" why is he whispering?

"Bakit ka bumubulong?" He cursed. Nag beep ang phone ko dahil nagre-request sya ng video call. "I forgot to ask, ang dami pala. Alin dito?" Nagpigil ako ng ngiti dahil sa pamumula nya.

"That one, with wings ah. Thank you" I ended the call and laughed unrestrainedly, natigil lang ang tawa ko nang sumakit ang puson ko. Kainis!

I heared soft knocks, namumula pa rin siya, saka bakit ang dami niyang binili?

"This is too much, pang isang taon ko na 'to!" He smiled shyly. "Thank you"

He mouthed I love you. Kilig!

Nag shower na rin ako dahil ang lagkit lagkit ng pakiramdam ko, I look like a hot mess!

After my steamy shower nagbihis na ako at hinanap si Coltrane, baka nasa kusina.

Tama nga ang hula ko, nasa kusina sya at nagluluto ng soup. Ipinaghila nya ako ng upuan at inabutan ng warm water, napangiti nalang ako nang i-abot nya sa akin ang isang gamot. Hyoscine-n-butylbromide.

"You drink that after you eat" tumango naman ako at uminom lang ng warm water.

I felt awkward while eating because he's watching me, binitawan ko ang kubyertos ko at pinunasan ng table napkin ang bibig ko. He cocked his head to the right and clasped his hands.

"You done?" I nodded my head. Bakit nya ba ako ini-obserbahan? "May problema ba?" Umiling lamang sya.

"I just realized how strong girls are, because you can handle monthly period cramps and you know... blood." I smiled at him.

"Surprisingly, hindi yan ang reaksyon na hinihintay ko mula sa'yo. Akala ko naman it would freaked you out"

"No I'm not. Give me some of your napkins" napakunot ang noo ko. "Ilalagay ko sa locker o sa bag, just in case you forgot to bring one with you" I bit my lip and smiled widely, oh gosh this man!

"Why are you smiling?"

"Wala, I expect you to freak out" I said matter of factly. "And grossed out"

"No, its normal baby. Ako ang nag-alala sa'yo, do you get period cramps monthly?"

"Hindi naman, siguro dahil lang masyadong malamig yung milktea." He opened his phone and showed me an app, may details ko like height, weight, hours of sleep and....

"You're tracking my menstrual cycle?"

He nodded his head. "Yep. To avoid bad period cramps. Para alam natin kung anong pwede mong kainin before and during your call from mother nature"

Napakagat nalang ako sa labi ko habang nakangiti. He's so thoughtful and sweet. Feeling ko aawayin nya mga lamok na magtatangkang kumagat sa akin!

"You should sleep now" inayos nya ang kumot ko at hinalikan ako sa pisngi. Humawak ako sa kamay nya at pumikit.

"Drive safely okay and call me. Kung hindi ako makasagot call again"

"Alright, baby" he gave me a sweet peck on my lips. "I love you" he whispered against my lips. I pulled his head down and kissed him. I love this man, damn much!