Chapter 20: Unexpected Encounter
Habang naghihintay kay Ivana, umupo siya sa sofa na nasa loob ng master’s bedroom at biglang naalala ang mga magulang niya. Magkahalong lungkot at pag-alala ang bumalot sa puso at isipan ni Brielle. Naisip niya ang magiging reaksyon ng Mommy Shantal niya kapag nagtapat siya sa harapan ng mga ito.
Batid niya malaking gulo ang pinasok niya dahil malinaw pa sa isipan niya ang ilang beses na paalala ng Mom niya noong panahon na iniwan siya ni Ivana: Babe, Mommy, and Daddy was so worried about you! Ivana had left and she will not come back anymore. You should accept it! One day, you will forget her. She doesn't deserve your tears!”
Hindi namalayan ni Brielle ang ilang patak ng luha na dumaloy sa mga mata niya. Nagulat si Ivana ng mabungaran siya na umiiyak.
“Honey, what’s wrong?” tarantang sabi nito at mabilis siyang nilapitan sa upuan.
Biglang bumalik sa reyalidad ang isip ni Brielle. Saka lang niya napansin ang presensya ni Ivana na nasa tabi niya. Pinapahid nito ang patak ng luha na umagos mula sa mga mata niya.
“Are you okay? Is there something bothering you?” she asked again.
“Uh! Sorry! It’s nothing. You are done?” he said.
“Kung masama ang pakiramdam mo huwag nalang tayong umalis. Mag-stay nalang tayo sa dito total bukas babalik na rin naman tayo sa city proper. Ipagluluto nalang kita ng pagkain!” suhestiyon niya kay Brielle dahil sa labis na pag-aalala.
“No. Okay lang ako, may naalala lang ako at di ko namalayan ang nagiging reaksyon ko. Saka mo na ako ipagluto at asikasuhin pagbalik natin sa sentro. Nandito tayo para i-enjoy ang honeymoon natin sayang naman kung di natin susulitin, diba?” tugon ni Brielle at tumayo na.
“Nag-aalala ako baka hindi ka okay. Pwede nating pag-usapan ang gumugulo sa isipan mo!” she raised her head and look at him.
“I said I’m okay. It has nothing to do with you!” he lied. "If I said I’m okay, then I mean it!” tumaas bigla ang boses ni Brielle at may halong yamot ang boses niya.
Nabigla si Ivana sa inasal ni Brielle. Ilang ulit na niyang napapansin ang pabago-bago nitong ugali at pakikitungo sa kanya. One moment he is sweet, then the next moment he is cold and often changes his voice when he talks. She told herself that she needs to understand his sudden behavior.
“Are you angry at me? I’m sorry I didn’t mean to offend you!” aniya at nagyuko ng ulo.
“Mag-uusap nalang ba tayo ng ganito? Sabi ko sayo aalis tayo. Tumayo kana dyan!” masungit na tugon ni Brielle.
“Okay!” tumayo na siya at hinawakan ang kamay ni Brielle. “Huwag ka ng magalit, di ko naman kasi alam kung ano ang dahilan at biglang nagbago---”
“I said I’m okay. Ang hirap mong paliwanagan!” tinanggal ni Brielle ang kamay niya at iniwan siya nito.
Nagulat siyang muli sa inasal ni Brielle. Mabilis siyang sumunod dito at isinara ang pinto ng kwarto. Sa sobrang bilis nito maglakad, sa main gate na niya naabutan si Brielle na nakatayo at halatang iniintay siya ngunit nakasimangot pa rin ang mukha nito.
She composed herself and tug her sweetest smile. They walked over him and said: “I can imagine how unpredictable my husband's mood is. Isang iglap lang inaaway ako! Akala ko, ako ang isip bata may mas isip bata pa pala sa akin, and take note he was the President of his own family business! I wonder, how would be my life looks like five years from now being his wife!” parinig niya rito habang papalapit na siya.
“Bilisan mo dyan!” masungit na tugon nito at di siya tinitingnan.
“Akala ko ba walang drama at tampuhan? Bakit ang bilis mong magbago ng mood? Daig mo pa batang paslit!” nakangiting tugon niya.
“Ang daldal mo!” masungit nitong tugon.
“Ang sungit mo, pumapangit ka tuloy!” tukso niya kay Brielle.
Marahas siyang tiningnan nito. “Say it again!?”
“Wala. Sabi ko ang gwapo mo! Asaan ang justice nito!?” bulong niya sa sarili.
“Anong sinasabi mo? Pangit ako?” ulit nito.
“Brielle Santillian, kelan ka ba pumangit? Kung pangit ka pipikutin ba naman kita?” aniya na may halong pilyang ngiti at kumindat rito.
“Naririnig ko ng malinaw ang sinabi mo ngayun-ngayon lang!” he lowered his head and look at her eyes directly.
“Justice Lord! Makakasuntok ako ng mukha ng asawa ko!” aniyang bigla.
“Ano?! Susun- susuntukin mo ako!? May balak kang suntukin ako?” Brielle pulled her into his arms.
“Joke!! Joke lang! Ito na nga uh nakangiti na ako!” pilit siyang ngumiti kahit naaasar na siya kay Brielle dahil sa biglaang pagbabago ng mood nito. "Pwede ko ba namang suntukin ang gwapong mukha mo? Hindi ako bayolente noh!”
“May balak ka pa lang saktan ako, huh? Sumobra ata ang pagiging spoiled brat mo. Saan mo natutunan iyan?” bulong nito sa punong tenga niya.
She slowly dodges when she feels the warmth of his breath near her ear. Bubulong na siya rito pabalik ng maramdaman niya at mahinang pagkagat nito sa tenga niya. “Ummm! Honey!!!” she feels the sudden sensation run down her spine.
“What now? Are you still going to punch my face?” he whispered while biting her earlobe.
“Nasa harapan tayo ng main gate, Honey, pinagtitinginan na tayo ng mga dumaraan!” she whispered back.
“I don’t care with anybody else, I’m teasing my wife right now and whoever tries to stop me I will surely give a lesson!” tugon nito at tila nawala na ang sumpong nito.
She wrapped her arms around his neck and gently pulled him to kiss his lips. His wet lips hadn’t had enough of her sudden kiss after she parted away. Brielle groans and pressed her small body into his chest and quickly captures her lips to deepen their kiss.
"You're really a seductress huh?" he murmurs beneath her lips.
Lalong namula ang pisngi niya ng marinig niya na may sumipol sa isa sa mga dumadaan sa harapan ng main gate ng Villa ni Brielle.
“Honey! Enough, pinagtitinginan na tayo!” marahang itinulak niya si Brielle.
Unti-unting kumalas si Brielle sa pagkakayakap sa kanya. “Bakit, nahihiya ka sa mga nakakakita sa atin?” bulong nito ulit at titig na titig sa mga mata niya.
“Medyo!... Sumpungin ka talaga! Sa susunod magsabi ka naman sa akin kung ano ang ikinakainis mo hindi yung manghuhula ako. Bigla-bigla ka nalang sinusumpong ah!” aniya.
“Ang kulit mo rin kasi. Kapag sinabi ko na sa ‘yong okay ako dapat manahimik kana lang. Huwag mo na akong kulitin kasi nayayamot ako kapag pinipilit ako!”
“Uh! I will be more careful next time. At least sinabi mo na ngayon, pwede naman kasi tayong mag-usap ng maayos hindi yung bigla kang tinutuyo! Ang dami ng nagbago sayo sa nakalipas na taon kaya dapat maging open ka para walang tampuhan. Honestly, I don’t want to make an argument to you as much as possible. I might act childish often, but you can tell me what to do and what I should not do!” madamdaming sabi niya kay Brielle.
“Okay! I will try. Halika na, tanghali na!” hinihila na siya nito at naglakad na sila papuntang mall na nasa loob ng Golden Phoenix na tanaw lamang mula sa mga Villas.
30 minutes later…
Halos nalula siya sa laki ng mall na pinuntahan nila ni Brielle. Pagbungad pa lang niya sa main entrance An exquisite design of the mall showed how advanced technology in today's time to build an infrastructure that took everyone’s breath. She can’t believe that the modern era popular design that is only seen in social media websites in different photo shoots was right in front of her eyes.
Sanay siyang makakakita ng mga malalaking malls sa Europe ngunit ito ay kakaiba kaysa sa mga naroon. Tiyak niyang mamahalin ang lahat ng bagay na mabibili sa iba’t ibang shops sa loob ng mall. Hinila siya ni Brielle papasok sa shop na may naka display na high end digital cameras.
“Baby, you choose which one you like!” anito matapos silang batiin ng staff.
“A- Ako?! Pipili ng digital camera?” tila hindi pa nag-sink in sa utak niya ang sinabi ni Brielle dahil puno pa siya ng labis na galak sa mga nakita niyang magagandang bagay pag bungad pa lang nila.
“Yes! Ibibili kita ng sarili mong digital camera. I know mahilig ka sa photography!” anito.
Bigla siyang napanganga ng marinig ang sinabi ni Brielle. Tumingin dito at nagulat. “How did you know my hobby?”
“My younger sister often took some candid photos of you. Minsan dinala niya ang camera niya ng dumalaw sa akin, tinanong ko!” kaswal na sabi ni Brielle.
“Uh! Nag-uusap pala kayo ni Denise?” bigla siyang kinabahan.
“Hahaha, anong klaseng tanong iyan? Siyempre, nag-uusap kami madalas. Kahit malayo ang agwat ng edad namin, pinakikibagayan ko ang kapatid ko!”
“So she often tells you about me?” she asked.
“Forget it! Sige na pumili kana ng digital camera. Pupunuin mo dapat ng pictures nating dalawa iyan huh?” he smiled at her.
Tumango lamang siya at masinsinang pumili ng digital camera na may good quality. Nang makapili na siya mabilis na inabot ni Brielle ang card niya para magbayad. Papalabas na sila ng shop ng biglang pumasok si Simon Yun kasama ang pinsan nitong si Nathalie Yun.
“Brielle?!” tinawag nito ang pansin ni Brielle ng mamukhaan siya nito na nakatayo malapit sa billing counter.
Lumingon si Brielle ng marinig niyang may tumawag sa kanya, mabilis na dumilim ang anyo niya hindi dahil kay Nathalie kundi mismong kay Simon na kasunod nito. Mabilis na naglakad papalapit kay Brielle si Nathalie. Nakatalikod si Ivana dahil abala pa itong tinitingnan ang item na sinisilid ng staff sa paper bag.
“Honey! I got---” biglang naputol ang sasabihin ni Ivana ng makita niyang lumapit kay Brielle si Nathalie Yun. She knew this woman very well because she’s currently got a title of raising television actress in China. Ivana's mood change when she saw Nathalie quickly held Brielle's hand.
“Oh, what a coincidence! Ivana Huo! You are with Brielle?” patuyang tanong nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“Ivana!?” tawag ni Simon sa kanya ng mapansin siya nito.
“Hi! Simon!” tugon niya at hindi pinansin ang patutsada ni Nathalie.
Nakita niyang humawak ito sa kamay ng asawa niya. Nagngingitngit ang kalooban niya ngunit hindi siya nag-react at inantay niya ang sasabihin ni Brielle.
“Nathalie! Please remove your hand!” supladong sabi ni Brielle at tiningnan ng masama si Nathalie.
“Why? Are you shy to show it in public? We’ve dated twice!” sabi nito.
Hindi na nakatiis si Ivana at lumapit sa tabi ng asawa niya. “Miss Yun, he is with me!”
“Hahaha, oh really? This must be interesting huh? Oh, I think you’re his new favorite companion this time since I am so busy with my commitments!” matalas ang salitang binitawan nito.
“I don’t think so!” Ivana quickly intertwined her hand with Brielle’s other free hand. “Miss Yun, I don’t want to start any misunderstanding to anybody, but I will warn you to know your place before you act!”
“Enough of it! Nathalie, this is a public place, this is not good!” sita ni Simon.
“Cousin, are you blind? She’s obviously seducing Brielle!” marahas nitong tugon bago bumaling kay Ivana lalo na ng tinanggal ni Brielle ang kamay niya. “Hindi ikapagtataka na aakitin niya si Brielle, talunan ang babaeng ito dahil balita ko naghihirap na siya at walang iniwan ang parents niya na kahit sentimo! Her relatives dumped her,” Nathalie brutally burst out her words.
“Nathalie! Stop!” Brielle's tone is a bit louder! “She’s not what you think. And I have never been yours either! Halika na, Ivana!” hinila na siya nito palabas ng shop.
Nag bulungan naman ang mga staff sa loob ng shop. Tiningnan ito ng masama ni Nathalie habang nakita niyang papalabas na si Brielle at Ivana. Ngunit bago pa man mabuksan ni Brielle ang pintuan muling nagsalita si Nathalie.
“She’s not suitable for you Brielle. Her reputation isn't good, she’ll drag you down and gossip will occur once the business world knows about it. Use your brain, Brielle Santillian!”
“And who is suitable for me, Miss Yun? Your reputation is not good enough to be my woman too!” maanghang na tugon ni Brielle.
"Brielle Santillian!" Nathalie Yun screams in anger.
Napasinghap si Ivana ng marinig niya ang tugon ni Brielle. Si Simon naman ay patuwang nakatingin lamang sa kanilang dalawa at di umiimik. Alam ni Brielle ang takbo ng isip ni Simon dahil matagal na itong nanliligaw kay Ivana. Hindi niya pwedeng bitawan ang pagkakataon na siya ang pinili ni Ivana bilang asawa at hindi ang mahigpit niyang karibal sa negosyo. Brielle smiled triumphantly before they left because he knew that again he had won another silent battle over Simon.
"Nathalie, that's enough! Nakaalis na sila, nakakahiya ang ginagawa mo, gusto mo bang pag-usapan ng mga tao. This incident will going to make a big gossip behind your back!" sita ni Simon sa pinsan niya.
"I hate that woman, she surely seduced Brielle that's why he brought her here!" she's still in an angry tone.
"Eh di sana ginalingan mo ang pag-akit kay Brielle para ikaw ang kasama niya hindi si Ivana! Kahit ano pang gawin mong pagwawala dito nakaalis na sila, useless ang effort mo!"
"Hindi pwedeng mapunta sa kanya si Brielle. I've tried all the ways to be his woman but he opted to be with Ivana!"
"Tumigil kana, pinagtitinginan kana ng mga tao!" bulong ni Simon matapos siyang lapitan.
Saka lamang napansin ni Nathalie na pinagtinginan siya ng mga staff sa loob ng shop.
"Anong tinitingin-tingin nyo huh? Hindi ito isa sa mga telenovela ko. Baka dukutin ko pa ang mga mata nyo, tsismosa!" she gives bad remarks at them.
Mabilis na nagpulasan ang mga staff at nagbalikan sa kanilang mga pwesto. Sila lamang dalawa ni Simon ang naroong client ng shop matapos umalis sina Brielle at Ivana.
"Halika na Simon, nawalan na ako ng ganang bumili ng digital camera. Nasira na ang araw ko, ang dami pang tsismosa rito," patutsada ni Nathalie at mabilis na hinila ang kamay ng pinsan niya palabas ng shop.
Nagsalita si Simon ng nasa labas na sila. "Sa susunod na magwawala ka, dapat huwag sa harapan ng maraming tao. Hindi ka nag-iingat sa imahe mo, masisira ang entertainment business natin sa inasal mo. People that will going to witness your arrogant attitude will get discourage and will talk about you! Itanim mo sa isipan mo iyan. Artista ka at hindi ordinaryong tao!"
"Kunyare ka pa dyan. Ang sabihin mo naapakan ni Brielle ang ego mo dahil ang babaeng hinahabol-habol mo naging instant companion niya. That's why you scolded me," masungit na tugon ni Nathalie habang naglalakad palabas ng mall.
"May pagkakataon para sa lahat ng bagay. I only let them be free this time because we are in a public place. Do you think I accept defeat? Hell no! Not with my number one business rival!" he smiled evilly.
"Whatever! Naiinis pa rin ako hanggang ngayon dahil nakita kong hawak-hawak ni Brielle ang kamay ni Ivana. I should be the one to be Brielle's woman!" she sneered.
"Hahaha! Maraming nangangarap na maging babae ni Brielle Santillian, at isa na doon ang anak ni Hendric Huo, Ivana's cousin! so, Good Luck dear cousin!" Simon said and patted her shoulder.