Chapter 21: Her Reaction
Madilim ang anyo ni Brielle habang hawak niya ang kamay ni Ivana at naglakad sila pababa sa ground area ng mall. Di rin umiimik si Ivana dala ng sama ng loob sa mga narinig niya mula kay Nathalie. Nakikinita pa niya ang matapang na pagmumukha nito at ang biglang pag-angkla ng kamay nito sa braso ng asawa niya. Nasira ang magandang araw nilang dalawa sa biglang pagkukrus ng landas nila ni Nathalie. Gusto niyang magsalita ngunit umurong ang dila niya at hindi siya makaimik dahil sa sobrang sama ng loob niya. Gusto niyang tanungin si Brielle kung totoo ba ang sinabi ni Nathalie na ilang beses na itong nakipag-date sa asawa niya. Malinaw sa pagdinig niya ang sinabi ni Nathalie at ramdam niya ang halong selos sa boses at reaksyon nito.
She wanted to throw a tantrum right at that moment to Brielle but she's so afraid to do it because she doesn't want to upset him. Mainit ang ulo ni Brielle dahil sa hindi magandang nangyari sa loob ng shop. Nakalimutan na niyang ayain na kumain si Ivana.
“Are you okay?” Brielle asks.
“Yeah, I am a bit okay now,”
“Bakit di mo naman ipinagtanggol ang sarili mo kanina. Hinayaan mo lang si Nathalie na pagsalitaan ka ng di maganda. Paano kung wala ako doon kanina, magpapa-api ka nalang ba sa kanya?” madilim ang anyo ni Brielle ng tingnan siya.
Mabilis siyang nagyuko ng ulo. “Totoo naman kasi ang sinabi niya na inabandona ako ng kamag-anak ko at walang natira doon sa ari-arian na dating pag-aari namin. Saka ikaw ang dahilan kung bakit ganun ang reaksyon niya ng makita ako. Nagseselos ang babaeng yun, kitang-kita ng mga mata ko ang reaksyon niya ng malaman niyang magkasama tayo," she snapped at him.
“At pumayag ka lang na ganun ang sasabihin ng ibang tao sayo?” he said.
“Kung may kakayahan lang akong ipagtanggol ang sarili ko sana hindi na kita pinikot para lang tulungan ako. Sana di na ako nakiusap sayo,” tears slip down in her eyes.
Brielle was stunned to see Ivana shed tears in front of him. Binigyan niya ng pagkakataon na ibuhos nito ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak. “Ganon na ba ka lalim ang bigat sa puso mo? Kung may kakayahan ka lang na lumaban ng patas hindi ka lalapit sa akin?” aniya.
“Gusto ko lang ng tahimik na buhay Brielle. Yung wala akong ginagamit na tao para sa kapakanan ko, pero sa kasamaang palad wala akong kakayahan na lumaban. Kahit saang anggulo ko tingnan, dehado ako. I am lack of knowledge. What should an eighteen years old girl do to fight an enemy who knows her weakness?”
Umangat ang kamay ni Brielle at hinila siya palapit dito. Naawa siya kay Ivana ng makita niyang umiyak ito kaagad. “Tutulungan kita, magtiwala ka lang. Nandito ako sa tabi mo para mabawi mo ang para sayo,”
Tumingala siya rito habang nasa loob siya ng mga braso ni Brielle. Dahil matangkad ito sa kanya, naaninag niya ang malungkot na mata nito. “Naaawa ka sa akin? Hindi mo ako dapat kaawaan dahil lalong liliit ang tingin ko sa sarili ko. Kailangan ko ang suporta mo. Gusto kong bumalik sa pag-aaral, kahit dito nalang sa Beijing ulit para hindi na ako mamaliitin. Gusto ko sa pagharap ko sa Uncle ko alam ko ang mga dapat kung gawin,”
“Okay, kung yan ang gusto mo gagawin natin. Paglipat natin sa bahay ko, pwede kang mag-aral online ng business management course through an online class. Harvard University, had it and they offer much more convenient way for those online students,” anito.
“Talaga? May ganong online program sila?” may ningning sa mga mata niya ng tanungin ulit si Brielle.
“Yes, because some of my friends did it! siya wag ka nang umiyak, pumapangit ka eh,” alo ni Brielle sa kanya.
“Nakakainis ka eh! Pinapaiyak mo ako!”
“Huh? Bakit ako? Di naman kita inaaway?”
“Hindi mo nga ako inaaway, pero naiinis pa rin ako sayo,”
“Bakit? Anong ginawa ko?”
“Dinig na dinig ko ang sinabi ni Nathalie. Nakikipag-date ka sa kanya!” she sneered at him.
“Hahaha, dati yun. Kasi wala akong ibang choice at siya nagyaya sa akin, mahirap tanggihan ang isang celebrity!” nakangiti ito sa kanya at may halong ningning ang mga mata nito ng sabihin iyon.
“Ah ganon huh? So ibig sabihin may gusto ka sa kanya? siya doon kana sa kanya,” she pushed him.
“Hindi ko sinabing may gusto ako sa kanya. Kailan mo ba narinig na nagkaroon ako ng girlfriend?” he tried to hold her hand.
Mabilis na pumiksi si Ivana at nagtampo siya kay Brielle. “Ganon na rin yun, nakipag-date ka, so meaning type mo rin siya. May pa-promise-promise ka pa noon sa akin na ako lang pipiliin mo! Iyon pala habang nasa London ako nakikipag-date kana?” she scream like a child.
“Selosa! Mga bata pa tayo noon kaya ako nag-promise kasi ang kulit mo kaya, saka tinupad ko naman ang promise ko sayo. Naging Mrs. Brielle Santillian kana ah” Brielle poke her beautiful face. “Ikaw ang unang nang-iwan tapos aawayin mo ako ngayon dahil nagseselos ka? Umayos ka nga, ang daming tao nakakarinig, para kang bata dyan,” he smiled at her.
“Bakit di ba ako pwede mag selos? Makauwi na nga sa Villa. Nakakatamad na mag-ikot sa araw na ito,” akma na siyang tatalikod ng hinila siya ni Brielle pabalik.
“Biro lang! Ito parang bata lagi, nag-asawa ka na ganyan ka pa rin umasta? Paano mo iha-handle ang pressure kapag may nakita kang news or gossip about me? Be mature enough to ignore such kind of situation. People behind us may gossip but I can guarantee you, I will not touch any other woman,” he winked at her.
“Dinadaan mo ako sa pag papa-cute mo. Nainis lang ako, sa dami ng lugar pwede nating puntahan, bigla pa talaga nating maka salubong ang ang isa sa mga babaeng nagkakagusto sayo. Tuwa ka naman, I’m sure!” she sneered at him.
“Nakita mo bang nayayamot nga ako, alam mo kung bakit andon si Simon Yun ang ultimate suitor mo. Kayong dalawa nga ang may maraming gossip. Nabasa ko sa inter---”
She grabbed his neck and kiss his lips to trap his words. Napalingon ang mga taong dumadaan sa harapan nila. Mabilis na niyakap siya ni Brielle at mas lalong pinalalim nito ang halikan nilang dalawa.
“Ummm! My wife knows how to seal my mouth, huh?” tukso nito sa kanya.
“Enough na pinagtitinginan na tayo ng ibang tao,” aniya.
“Halika na, alisin natin ang sama ng loob natin pareho. Wag tayong papaapekto sa nangyaring encounter with Nathalie kanina. Masisira ang araw natin. Bukas eh babalik na tayo ng sentro sulitin na natin ang last day natin dito,” tugon ni Brielle.
“Saan pa ba tayo pupunta? Nagugutom na ako eh, pakainin mo kaya muna ako,” suhestiyon niya kay Brielle dahil ramdam niya na ang gutom ng mga oras na ito.
“Okay, halika na. Nagugutom na rin ako kanina pa. Tanghali na kasi tayong umalis. May restaurant sa ground floor nito. Doon tayo kakain bago natin puntahan ang sinabi kong ultimate main attraction ng Golden Phoenix,” hinila na siya ni Brielle.
Papasok na sila sa isang fine dining restaurant. Pagbungad nila rito may inabot si Brielle na card sa staff. Giniya sila nito papasok sa isang VIP room. Tulad ng una niyang reaksyon sa pagpasok nila kanina sa loob ng mall, nakikita niya kung gaano kalaki at buong restoran. Mga mamahaling gamit sa loob mismo ng VIP room ang bumulaga sa mga mata niya.
“This is amazing. A modern type of restaurant that reflects the lifestyle of rich people,” she said.
“Privilege ng mga members at villas owners' ng Golden Phoenix. Sa loob ng restoran na ito, lahat ng display is a state of the art ng digital images na parang nasa loob ka ng Amazon forest nagda-dine-in. Lahat ng nasa wall ng bawat VIP room is purely an illusion of forest. Ginawa ang concept na ito para magkaroon ng mataas na property sales at magbigay ng magandang trust rate sa mga bumibili ng Villas,” tugon ni Brielle matapos siyang ipaghila ng upuan at paupuin.
“Sir Santillian, here is the list of our menu for today!” inabot ng waiter ang list ng menu kay Brielle. At tahimik itong tumayo sa harapan nila.
“Okay, thank you!” tumango ito at kinuha ang listahan. “Baby, ikaw na pumili ng food. Just encircle the choices of food you want them to serve for us!”
“Do you have any specific food in mind that you want me to choose?” tanong niya while looking at the list.
“Okay na ako sa magiging choices mo. I don’t have any particular food cravings right now. Kung ano ang pipiliin mo kakain ako,” he answered her in a gentle tone.
She shrugged her shoulders and started to choose a few foods among the list. Makalipas ang limang minuto ibinalik na niya sa waiter ang menu list. Ngumiti ito ng bahagya at yumuko bago nagsalitang muli.
“Your food will be served within twenty minutes sir!” anito na humarap kay Brielle.
“Okay, thank you! Please serve us also a good taste of wine,” pahabol ni Brielle.
The waiter nodded then left for a while.
“Honey, pwedeng magtanong sayo?” tila tinatantiya niya ang magiging reaksyon ni Brielle.
“Sure! Say it!” he said.
“How did you get entangled with Nathalie?” she asks.
“Her father is one of the well-known businessmen in Shanghai. And it happened I’ve met him at the certain auction event held in Shanghai two years ago. Nathalie’s father tried to get my attention. Sabi niya noon gusto niyang mag-venture into a digital business. Hindi ko matanggihan dahil alam kong may koneksyon siya kay Simon. Simon is his nephew. Kailangan kung makibagay para magkaroon ako ng idea kung ano ang mga susunod nilang plan. Daddy Brent told me, to know your business rivals' next move, you must learn to be their casual friend. Doon nag-umpisa ang pagkakaroon namin ng occasional na encounter at so-called date ni Nathalie. Pakiramdam ko, her father use her too, para magkaroon ng alliance with me. But I never take it because somehow I know how they work. Mostly, Simon Yun. His underground activities that being concealed in public, I got the information on it. If they played well, I should have to bribe them too,” mahabang paliwanag ni Brielle.
“You don't take Nathalie seriously?” she asked again.
“Yes, she’s just a pawn of her father. Why should I get myself involved? Kung matatawag na date ang ilang beses naming paglabas for a dinner so be it. But I will never love any woman at all. A woman is only a pain in the ass!” he quickly said.
“Then, that includes me, isn’t it?” she snapped at him.
“Your case is different. Pinikot mo ako, maganda ka lang kaya---” he smiled naughtily.
“Kaya ano? Santillian, alam mo nanggigigil na talaga ako sayo,” mabilis niyang tugon sabay irap kay Brielle.
“Hahaha! Masyado kang sensitive. Saka kana mang-away kapag nahuli mo akong may ibang babae. Yung kita mismo ng dalawang mata mo. Sa ngayon ikaw lang ang babae ko ah,” biro nito na may pilyong ngiti sa labi.
“So ibig sabihin di ka seryoso sa akin? At napilitan ka lang talaga?”
“Hush, ang dami nang tumatakbo sa utak mo agad. Kayong mga babae masyadong advance mag-isip. Wala pa nga, nagkaroon na agad kayo ng pre-judgement. Kaya no wonder masyado kayong emosyonal at di nakakatagal sa larangan ng negosyo kasi parati ninyong ginagamit ang emosyon nyo,” tugon nito ng walang tigil ang bibig.
“Ang sabihin mo heartless and cold ka talaga. Pinagbibintangan mo pa ang pagiging emosyonal namin. I know you don’t love me. And I know one day, you will ask me to give your freedom. Wag kang mag-alala kapag dumating na ang time na iyon, bukal sa loob kong ibibigay sayo ang kalayaan mo. Ayokong pilitin ka na itali sa isang relasyon na hindi ka na masaya,” madamdaming tugon ni Ivana.
“Saka na natin pag-usapan iyan. Ang importante ay ang ngayon na magkasama tayong dalawa. Anuman ang hihilingin ko sayo balang araw dapat ibigay mo sa akin iyon kapalit ng pagtulong ko sayo,” he said seriously.
Tumango lamang si Ivana at tahimik na yumuko. Hindi niya naunawaan ang nais tukuyin ni Brielle. Nagbibigay ito ng lungkot sa puso at isipan niya.
"Bakit tumahimik kang bigla? Hindi mo dapat binibigyan ng di magandang impresyon ang mga sinabi ko. Kilala mo akong honest sa mga sinasabi ko. I don't like pretentions too," he holds her hand.
"Wala naman kasi akong masabi pa sayo. Sabi mo nga honest ka lang sa mga sinasabi mo. Tatandaan ko bawat sasabihin mo sa akin para hindi ako magkamali. Ayokong sumama ang loob mo sa akin. Marami na akong utang na loob sayo kahit noong mga bata pa tayo. Hindi pa ako nakakabawi sayo at sa pamilya mo, tapos ngayon hinila na naman kita ulit sa magulo kong mundo," madamdaming tugon ni Ivana.
"Sabi ko naman sayo wag mo ng isipin ang mga ganyang alalahanin lalo na kapag di pa nangyayari kasi magkakaroon ito ng malaking impact sa isipan mo. You should act matured to avoid any problem in the future," he said.
"Di ko maiwasan na di mag-isip Brielle. Lumaki akong mag-isa lang, di ako nagrereklamo noon sa Daddy ko kasi siya mismo alam kong mabigat ang pasanin sa araw-araw,"
"I know, kasi noong nasa Singapore pa kayo, madalas ka niyang iwanan sa bahay namin. Nakikita ko noon nagsisikap din ang Daddy mo. Siguro kung may pagkukulang siya sayo iyon ay ang panahon lang na samahan ka, pero the rest, he give you everything you needed," Brielle said.
"Ayokong balikan ang ganoong panahon, kasi naiintindihan ko ang Daddy ko. He suffered so much pain when my Mom died,"
Bago pa muling nagsalita si Brielle pumasok na ang dalawang waiter na tulak ang food cart na may lamang pagkain na inorder niya. She chose western foods. And Brielle didn't say any objection to her food choices. Brielle only gives a pleasant smile at her while waiting for the food to serve in front of them.