Chapter 13: A Night Together
Napapangiti si Ivana ng muling maalala ang kabataan nilang dalawa. Brielle often kept silent when she came near him. Sadyang mahiyain ito noon ngunit matalino. She doesn't know why Brielle was aloof to anybody. Naglalaro itong mag-isa at halos di sila pinapansin si Denise.
Laging bukambibig ni Denise noon kay Brielle, “You are so stingy. Why don’t you allow me to touch your toys?”
“These are not for baby girls. Ask, Mom and Dad, to buy new dolls for you!” Brielle frantically answered.
“Sister Ivana and I are also kids like you!” Denise said and tears flowed in her eyes.
“I know but girls are different from boys. You two better play along with each other,” Brielle said.
“Sister, Ivana! Don’t worry I will tell Mom and Dad not to buy him another toy!” Denise consoles her.
“Bakit ka napapangiti bigla?” biglang tanong ni Brielle sa kanya ng makitang nakangiti siya.
“Naalala ko lang ang mga panahong maliliit pa tayo at si Denise. Parati kayong nagtatalo magkapatid sa harapan ko noon. Ayaw mong ipahiram ang mga laruan mo sa aming dalawa.
“Isip bata kasi kayong dalawa at hindi ko kayang sabayan ang kapilyahan ninyo noon. Pakiramdam ko para akong nasasakal sa sobrang dominant ng kapatid ko. Parating sinasabi ng Mommy at Daddy ko huwag siyang patulan kasi bunso siya,” tugon ni Brielle.
“Until now, Denise have this domineering attitude that everyone felt annoyed sometimes. Pero para sa akin mabait kayong magkapatid at napalaki ng maayos,” turan niya.
“Halika na, magbibihis na tayo, it’s getting late,” sabi nito at binuhat na siya palabas ng banyo.
Ibinaba siya nito sa kama at mabilis na kumuha ng damit sa walk-in-closet. Tahimik niyang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Brielle. She found out that her husband had a soft side that he had hidden. Magaan ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon habang pinagmamasdan si Brielle.
“Baby, wear this winter jacket this is good for you. Paglabas natin masyadong malamig kasi sa harapan ng bahay natin ay malawak na dagat,”sabi nito habang isinusuot sa kanya ang makapal na jacket.
“Pwede naman kasing bukas na ng umaga tayo lumabas Brielle, dapat magpahinga na muna tayo kasi alam kong pagod ka sa biyahe natin,” nag-aalalang turan niya rito.
“It’s okay. I’m fine, sanay ako sa mahabang oras ng biyahe. Madalas pag may mga business trip ako abroad it took eight to ten-hour of travel,” he smiled at her.
“I’m worried about your health. Hindi maganda ang sobrang pagod sa katawan,” sagot niya.
“Hush! I said I’m okay. Let’s enjoy the whole night strolling outside. As I said, the whole surrounding at night looks wonderful and I know you will love it. Halika na! Muah! C’mon!” hinila na siya nito palabas ng kwarto.
“Mr. Santillian, ngayon ko lang alam marami kang sekretong gawain sa buhay,” nakangiting sabi sabi niya.
“Ngayon ko lang nagawa ito dahil nagbakasyon tayo. Busy ako parati sa office because of my daily activities. My assistant suggested me to take a honeymoon vacation as a gift for you,” he smiled again.
Nasa sala na sila ng mga sandaling iyon.
“Ah kaya pala bigla kang nagbago. Hmm! Kung alam ko lang na si Harold ang nag-suggest sayo ng ganitong activities di nalang sana ako sumama,” nagtatampong sagot niya kay Brielle.
“Oh! C’mon, why are you acting childish? Look at me, did I sounds bad when I told you about Harold’s suggestion?” huminto sila sa gitna ng sala at hinawakan nito ang mukha niya.
“Nagtatampo ako!” ismid niya rito.
“Isip bata ka talaga. Bakit ka nagtatampo? Binigyan naman kita ng maayos na honeymoon ah!” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Kahit na, di pa rin ikaw nagplano lahat nito,” nakasimangot siya at umiwas ng tingin rito.
Bigla siyang kinabig ni Brielle at hinalikan sa labi. “Muah, would you like me to kneel in front of you to make it look romantic and real?”
“Tumigil ka nga, di pa rin convincing,” nakasimangot niyang sabi.
“Ah, I see. How about we return to our room and do other activities!” he whispered in her ear and a naughty smile can be seen on his handsome face.
“Hay naku, iyan nalang lagi ang nasa isip mo,” maktol niya rito.
“Okay lang sa akin, gawa nalang tayong baby, para mas exciting,”pang-aasar nito.
“Tumigil ka, nakakainis!”
“Biro lang, halika na kasi, wag nang maarte. Gumagabi na lalo, nagtatampo ka pa rin sa akin. Hay naku, pag nakapag-asawa ka nga naman ng isip bata. Kung di ka lang eighteen years old, siguro child abuse ang kaso ko,” biglang sabi nito.
“Hoy, Mr. Santillian wag mo ng banggitin ang bagay na iyan. Oo na, kasalanan ko na lahat. Parang sinasabi mo sa akin napipilitan ka lang pakasalan ako,”
“Hush! Bubuhatin na kita. Ang dami mong daldal! Muah!” bigla siyang binuhat nito palabas ng bahay matapos halikan.
“Brielle, ibaba mo ako, ano ba!” piglas niya.
“Maya na pagdating natin sa labas, ligalig mo eh!” di na nito pinansin ang sinabi niya at binuhat siya palabas ng bahay.
Isang maliwanag na paligid ang nabungaran nilang pareho. Binaba siya ni Brielle sa mismong harapan ng Villa nito. Napalingon siya sa buong paligid, sa ilalim ng liwanag ng buwan kitang-kita ang malawak na pino at puting buhangin. The whole place is paradise and under the moonlight is the amazing God’s creation.
Bawat Villa na nakatayo sa nasabing lugar ay may kanya-kanyang design ayon sa reference ng bawat may-ari nito. Makikita ang modernong pasilidad sa buong paligid. Naroon ang man-made lagoon sa harapang bahagi ng Villa ni Brielle. At alam niyang hindi madaling gawin ang ganoong bagay.
“Honey, this is amazing. I can’t believe that there’s a place like this,” she was amazed at what she saw.
“Yes! And only a few private individuals own these villas. Karamihan sa mga nakabili rito ito kilalang personalidad sa mundo ng business,” he said casually.
“Halata naman dahil sa lawak at ganda pa lang ng facilities no one can deny that it cost million dollars to have it,”
“I love this place, the romantic scenery and beautiful surroundings made it look elegant,” she said again.
“Mas magandang tingnan kapag umaga dahil makikita mo doon sa dulo mismo ang modern structures ng business centers and malls that designed exclusively for the Villa owners,” kwento ni Brielle.
“Talaga? Merong ganong modernong facilities dito?” tanong niya rito.
“Oo at bukas ng umaga pupunta tayo doon para bumili ng gamit. I want to buy something for you. A remembrance from this place,” he hugged her behind and kiss her temple.
“Hindi na kailangan iyon, marami akong gamit sa condo ko. Di ko nga nagagamit lahat, karamihan ng mga mamahalin kong gamit regalo sa akin tuwing birthday ko,” aniya.
“Ayaw mo ba ng regalo galing sa akin?” tanong ni Brielle.
“Meron ka ng binigay sa akin, ito oh. Mamahaling wedding ring. Hindi ko inasahan na bibigyan mo ako ng ganito,” she said.
Pinihit siya nito paharap and he lowered his head. Their forehead met and he said, “You are my wife and you deserve something expensive coming from me. My money belongs to you, no matter how much your expenses are, is it okay? You are entitled to spend my money,”
“No need honey! All I want is your help to get back my family’s business. Kahit iyon nalang ang gagawin mo para sa akin, masaya na ako,” she looks at him straight to his eyes.
“Of course I will do it. Pag-uusapan natin ang bagay na iyan pagbalik natin sa sentro. Basta promise me, you will be faithful to me and we will have so many children!” a naughty smile slipped in Brielle’s handsome face.
“Ah, pag-iisipan ko pa ang kondisyon mo. Kasi mas prefer ko at least dalawa o tatlo lang na anak, para hindi naman ako magmukhang losyang balang araw,” biro niya rito.
“Mas gusto ko ng marami para masaya. Saka pwede namang magpaganda, ang dami na ngayong naglipanang beauty enhancement procedures. Karamihan sa mga sikat na artista, dumadaan sa ganong process to maintain their youthful glow,” Brielle suggested.
“Ayoko ng ganon. Mr. Santillian, teka nga muna parang sinasabi mo panget ako?” sumimangot siyang bigla.
“Muah! Wala akong sinabing ganyan. Sobrang ganda mo nga, papayag ba naman akong magpapikot sayo kong panget ka,” biro nito.
“Pikot talaga? Hindi kita pinikot, tinakot lang kita kasi kailangan ko ng tulong mo,” nakasimangot niyang sabi kay Brielle.
“Pareho lang iyon. In-love ka lang sa akin kaya ako talaga pinili mo,” asar nito sa kanya.
“Ang yabang nito, hoy gwapo ka lang at---”
“Gwapo, matalino at mayaman ako. Baka nakalimutan mong tagapagmana ako ng malaking business empire ni Brent and Shantal Santillian,” biglang sabi nito sa kanya na may halong biro.
“Ewan ko sayo, halika na nga, maglakad-lakad na tayo. Kanina pa tayo nakatayo at nagkwekwentuhan dito sa harapan ng bahay mo,” aya niya rito.
“Bahay natin. From now on, what I owned belongs to you,” sabi ni Brielle sabay yakap sa kanya ulit.
“Mr. Santillian siguraduhin mo lang di ka mambabae, humanda talaga sa akin ang babae mo kapag nagkataon,” biglang sabi niya.
“Wala kang naalala kasama kong babae sa lahat ng social event na dinaluhan ko. Di ako mahilig sa babae. Ang bilis ng takbo ng utak mo huh, kakaumpisa pa lang nating dalawa bilang mag-asawa may ganong isyu kana agad,” hinawakan nito ang kamay niya.
“Sinasabi ko lang para malinaw sayo. Alam mo kahit alam kong hindi mo ako mahal maging loyal ka lang tahimik ang mundo nating dalawa,” sabi niya rito.
“Oo na, wala na akong masabi,” sabi ni Brielle and he squatted down in front of her.
“What are you doing? Why did you squat down?” she asked.
“Sumampa ka sa likod ko. I wanted to carry you on my back, like the old days we used to do?”
“Brielle! Hindi na tayo mga bata. Tumayo ka na dyan, saka maraming tao na naglalakad sa dalampasigan, nakakahiya naman na makita tayong karga mo ako sa likuran mo,” tugon niya.
“Don’t you miss it? I wanted to feel the warmth of your body against mine,” he said seriously. “Baby, c’mon! It’s romantic to walk along the seashore having you at my back,”
“Honey, I--- I feel like crying. Why are you doing so many things for me?” tears fell from her eyes.
“Sige na, dali na. Maglakad tayo habang buhat kita sa likuran ko. We will create good memories here because we only have limited time to stay together in this place,” udyok nito.
Mabilis siyang sumampa sa likod ni Brielle.
“Mabigat ba ako?” tanong niya.
“Hindi, ang ganda mo nga eh. Katulad pa rin noong mga bata tayo sa tuwing karga kita ang gaan mo,” sabi ni Brielle ng magsimula na itong humakbang.
“Feeling ko nga noon napipilitan ka lang sundin ang request ko kasi di ka naimik. Tahimik ka lang naglalakad kahit ang daldal ko na,” her head buried on his neck.
“Nakikinig ako sa mga daldal mo noon. Hinayaan lang kita kasi bata ka pa. Ang isip mo kasi noon puro laro, hindi ko naman kayang sabayan pero nag-aadjust ako dahil alam kong kailangan mo ng kausap at kalaro,” sabi nito.
Biglang siyang umiyak ng marinig ang sinabi ni Brielle, “I’m sorry if I am so inconsiderate at that time. Wala kasi akong ibang kasama noon. Laging busy ang Daddy ko at nagkasakit din ang Mommy ko noon. Di ako halos maasikaso ni Dad kasi ang dami niyang iniisip ng mga panahong iyon,”
“You don’t need to cry and ask an apology. I know, how tough your life during that time. Naalala ko nga noong una kitang makita sa corridor ng hospital. Iyak ka ng iyak noon at nakaupo sa isang tabi,” Brielle said.
“Malubha na kasi ang sakit ng Mommy ko noon kaya tuliro ang Daddy ko. Nang araw na iyon agaw-buhay sa emergency room ang Mom ko at di pa dumating ang Yaya ko noon. Sa sobrang panic ng Dad ko iniwan niya ako sa corridor,” she said while crying.
“I know. Let’s not talk about the past right now. We will discuss it when we return home. Iyak ka ng iyak eh, paano tayo nito mag-eenjoy sa bakasyon natin?”
“I love you! I mean it, even if you don't love me back it’s okay,” she said.
Tahimik lang si Brielle at di na sinagot ang sinabi niya. Patuloy ito sa paglalakad sa dalampasigan. Nang mga sandaling iyon, ang nasa isipan ni Brielle ay ang maibigay sa kanya ang kasiyahan na di nila nagawa noong mga bata pa sila.
Ayaw niyang sagutin ang pagpapahayag nito ng damdamin dahil hanggang sa mga panahong ito natatakot siyang aminin kay Ivana ang tunay na nararamdaman. Ayaw niyang matulad sa Mommy niya noon na biglang iniwan ng Daddy niya. Tanda pa niya noon na kung ilang beses niyang nakikitang umiiyak ang Mommy Shantal niya ng wala sa piling nila ang Daddy niya.
"Bakit ang tahimik mo bigla?" tanong ni Ivana.
"Wala lang, may naalala lang ako,"
"Ano iyon? Pwede mong sabihin sa akin? Gusto kong marinig" turan niya.
"Huwag na. It's a business matter. It just crosses in my mind suddenly," he quickly said.
"Saan tayo pupunta? Medyo malayo na tayo sa bahay?"
"Sa dulo nito may magandang rock formation doon at mamangha ka tiyak kapag nasilayan mo na, medyo malayo konti dito kaya kita kinarga," sabi nito.
"Pwede naman akong maglakad na lang eh para di ka mapagod," she said.
"No!! Ayokong maglakad ka, medyo malayo iyon. Pero sulit kapag nakita mo na. Saka sabi ko nga magaan ka lang naman," sagot nito.
"Honey, I am so happy at this moment, being with you is the most precious time of my life," she said emotionally.
"I'm happy too seeing you like this. Kaya kahit isip bata ka iintindihin nalang muna kita. Kapag meron tayong hindi mapagkasunduan I hope you will extend your patience and understand me too," he said.
"Ang ganda ng paligid saka malamig ang simoy ng hangin, pakiramdam ko nasa paradise tayo," sabi niya.
"This private place is really like a paradise. Nature's beauty around this place is magnificent, tomorrow morning we will do another stroll around, so you could see the entire place," he said.
"Malayo pa ba tayo? Kanina kapa naglalakad,"
"Malapit na konti nalang, tingnan mo ang tuktok ng burol na iyon oh," sabi nito sabay turo sa itaas ng burol.
Tumango lamang siya ng makita ang tinuro nito. Patuloy ang paglalakad nito paakyat sa burol. Bawat nadadaanan nilang paligid nakikita niya ang iba't ibang uri ng halaman. Paakyat sila sa matarik na lugar ngunit may man-made spiral stairs ito patungo sa tuktok ng burol kung saan makikita ang rock formation.