Chapter 14: Starry Night

Pagdating nila sa dulo ng tuktok ng rock formation lalong namangha si Ivana sa ganda ng tanawin sa buong paligid. Naglipana ang maningning na liwanag ng samot-saring kulay ng ilaw sa ibaba na nagbibigay tingkad sa magandang tanawin. Maging ang itaas ng rock formation na pinuntahan nila ay may iba’t ibang kulay din ng ilaw. Makikita rito ang maliliit na modern wooden type of house. Sa buong paligid ang masarap na simoy ng hangin ay nalalanghap. Sa bawat harapan ng wooden house ay natataniman ng iba’t-ibang klase ng wild orchids. Sa pampang naman naririnig ang lagaslas ng tubig mula sa isang maliit na waterfalls.

“Honey, this is amazing! I can’t imagine there is such a place in this world like this,” sabay lingon niya kay Brielle.

“Are you happy? As I said this place is extraordinary,” he smiled at her.

“I am more than happy seeing this kind of man-made rock formation valley that has beautiful scenery. I can’t imagine that this kind of adventure will happen in my life,” she wrapped her arms around his waist.

“We can use this wooden house for a while. Lahat ng Villa owners dito have the privilege to use it. Come let’s check the house!” aya nito sa kanya.

“Teka lang lahat ba ng ito pwedeng gamitin? Ang lawak kasi ng rock formation valley na ito. Nakakapaglagay pa ng five wooden houses ang developer nito para lang may pahingahan ang pupunta rito?” tanong niya.

“Yes, kahit na sinong pupunta rito as long as one of the villa owners ng “The Golden Phoenix Villas” all the facilities are free to use. Maliban nalang sa mga binebentang items and souvenirs sa mga malls na nandito sa loob ng vicinity. May annual membership fee na binabayaran ang mga villa owners dito to maintain the whole area,” Brielle said.

“Talaga? Kaya pala ganito kaganda at exclusive ng buong lugar,”

“Yeah. And only high ranked officials and business tycoons can avail and buy the expensive villas. For those who are qualified, the management of these private villas allows the owners to select the design of their villas. Mostly the design was made and inspired by a European designer and it adopts modern culture,” he explained.

“All I can say is just simply wow! Hindi ko lubos maisip na ganito kalawak ang narating mo at nagkaroon ka ng sariling private villa,” she looked at him with full admiration.

“I dream to live in a quiet place with my wife but unfortunately I can’t make it because my life is destined to be an heir of my father’s business empire. Nagkaroon man ako ng achievement na ganito pero di ko nagagamit ng madalas dahil sa sobrang busy ng buhay ko,” he said in a low voice.

“Alam mo proud ako sayo kasi ang dami mong nagawa at your young age. Hindi ko inakala na meron kang ganitong mga bagay but you stayed humble and silent,” she smiled at him.

“Halika pasok tayo sa loob ng isa sa mga bahay para makita mo ang kabuuan,” aya nito sa kanya.

“Okay!”

Hinila na siya ni Brielle papasok sa isang maliit na wooden house na nasa harapan nila. Bukas ang pinto nito at pagpasok nila sa loob lalo siyang namangha sa laman nito. Mayroong isang kwarto sa loob nito na may malaking soft bed. Kumpleto sa mamahaling gamit ang buong bahay, at ang banyo nito ay mayroon ding bathtub. The whole house was fully furnished and equipped with modern kitchenwares.

Sa maliit na terrace nito naroon ang dalawang kama na nilagyan ng malambot na kutson, unan at kumot. Pakiramdam niya sadyang ginawa ito bilang resting area.

“Honey, ang ganda. Iyon lang ang masasabi ko,” she said habang umikot sa loob ng bahay.

“You wanna stay here tonight? Pwede tayong magpalipas ng magdamag dito,” tanong nito sa kanya.

“Pwede ba tayong mag-stay dito?” excited na tanong niya rito.

“Yes, kung gusto mo bukas na tayo ng umaga bumaba tapos dito na tayo magpalipas ng magdamag. Pwede tayong magkwentuhan muna sa terrace dahil merong resting bed na nakalagay doon,” suhestiyon ni Brielle.

“Sige, mas feel ko rin magpalipas ng magdamag dito kasi ang tahimik ng paligid at tanaw ang magandang night scenery sa baba,” aniya habang nakaupo sa sofa.

“Dyan ka lang huh, tingnan ko muna sa loob ng kwarto nito kung meron bang available na pantulog kasi kung wala ito lang suot natin ang pwede nating ipantulog,” sabi nito sabay talikod sa kanya.

Ilang minuto lang bumalik na si Brielle sa sala. Nang mga oras na iyon abala siyang tingnan ang mga nakalagay na magazine sa ilalim ng TV rock.

“Baby, we are lucky tonight because there is available sleepwear inside the room,” sabi nito at tumabi sa sofa na inupuan niya.

“Talaga? Wow, that’s great! Pero okay lang naman din na ito lang suotin natin kasi bago tayo umalis sa bahay mo nakapagbihis at naligo na tayo,” she replied.

“Mas gusto ko pa rin magbihis ng pantulog before we went sleep later!”

“Halika labas tayo, mas masarap mag-stay sa terrace, makikita natin ang magandang tanawin sa labas!” hinila siya nito palabas ng bahay.

“Honey, dito talaga tayo titigil tonight?” tanong niya rito.

“Bakit ayaw mo ba rito? Pwede naman tayong bumaba pabalik sa villa natin,”sabi nito habang iginiya siya paupo sa naroong resting bed.

“Gustung-gusto ko nga mag-stay rito kasi ang ganda ng lugar at very perfect ang scenery. Inisip ko lang baka manibago ka kasi tiningnan ko yung kama kasiya lang tayong dalawa, katamtaman lang compare with the bed at your villa,” she said.

Dumukwang ito sa kanya at hinalikan ang labi niya matapos siyang paupuin. “It’s okay to stay here overnight. And it’s okay to sleep with a small bed as long as my wife will be naked on top of me!” pilyong sabi nito sa kanya.

“Hoy, Santillian puro talaga kalokohan ang laman ng utak mo. Umayos ka nga dyan!” sita niya kay Brielle.

“Hahaha! Bakit ba ang sensitive mo sa ganyang usapin. Normal sa mag-asawa iyon. Nakita ko na lahat ng bahagi ng katawan mo. I’ve kissed and touched your whole body, why you are still acting like a teenager?” biro nito.

“Pervert! Stop discussing such things, it’s kinda shameful,” she sneered at him.

“Ah, I wanna make love with you right now, here in this wonderful starry night at the secluded place,” he seduced her.

“Brielle Santillian, tumigil ka dahil wala ako sa mood,”

“Eh di try natin para masubukan natin kung wala ka nga ba sa mood,” he suggested.

“Hmm! Ayoko! Magkwento ka nalang about sa mga ginagawa mo o di kaya sa mga hobbies mo,” sabi ni Ivana.

“Ang boring naman ng topic na gusto mong pag-usapan. Dapat ikaw ang magkwento eh kasi ikaw itong energetic at madaldal kahit noong mga bata pa tayo,” sabi nito.

“Magtanong ka nalang pwede kong sagutin, wala pa akong maisip na ikwento sayo,” she said.

“Okay! How did you come up into a vicious plan of dragging me into a forced marriage?” he asked in a serious tone.

Tinitigan muna niya ito ng matagal at tinantiya ang magiging reaksyon ni Brielle.

“Honestly, I don’t want to drag you into this kind of mess but it gives me no option to survive. After my Dad’s burial, the company lawyer came to my parent's house and read the last testament my father had left. Ayon sa abogado namin lubog sa utang ang company na iniwan ni Dad at nakapangalan na ito kay Uncle Hendric. Pakiramdam ko noon inisahan nila ako, wala akong kalaban-laban, isang mahina at undergraduate college students who know nothing in life. I regret the time I wasted spending on nonsense matters in London. I live a carefree life and I never pay attention to my father’s situation. Ang akala ko okay lang lahat dahil walang sinabi si Dad sa kasalukuyang sitwasyon ng kumpanya. Sa tuwing nag-uusap kami via facetime, Dad never mention anything and often he only asked me how my life goes in London. I never heard he suffered certain illness because the day before my Uncle Hendric told me to come home, I’ve talked to my Dad and he was okay at that time. Alam ko na dumanas siya ng sobrang depresyon noong panahon na nawala ang Mom ko pero bata pa ako noon at alam kong naka-recover na siya sa pagkawala ng Mommy ko. I was shocked when Uncle Hendric told me my Dad was in critical condition and I need to come home. I can still remember, Dad told me to leave the country and never come back. He was on his deathbed that moment, I knew right there that something was wrong with my Dad’s sudden death. At the burial, I saw you but I haven’t got a chance to talk to you because you stand far from me. Pagkatapos ng announcement ng lawyer sa last testament ng Daddy ko, nag-imbestiga ako ng lihim at nalaman kong isa ka sa mga shareholder ng kumpanya. I realized I need your power and wealth to fight my relatives to get my father’s business. I’m sorry Brielle, I know I’ve done a terrible mistake of making your life miserable and dragging you into this situation,” mahabang paliwanag ni Ivana.

Matagal bago nagsalita si Brielle. Tila tinitimbang nito ang bawat salitang sinasabi niya. Tanging ingay ng lagaslas ng tubig mula sa malapit na waterfall ang naririnig niya. Nakatingin si Brielle sa lawak ng kalangitan na napupuno ng iba’t ibang hugis ng bituin.

Pakiramdam niya nag-iba ulit ang katauhan nito. Naging seryoso at tahimik tulad noong mga bata pa sila. Hindi niya mabatid kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Brielle ng mga sandaling ito. Tanging katahimikan at mahinang hininga nito ang narinig niya makalipas ang ilang minuto.

“Hindi mo ba naisip na maaaring may ginawa ang pamilya mo kaya biglang nagkaroon ng karamdaman ang Daddy mo?” tanong nito sa kanya.

“Naisip ko na iyan ngunit wala akong sapat na katibayan upang alamin ang katotohanan, kaya nga ikaw ang pinili kong lapitan kasi kahit papaano kilala kita,” mahinang tugon niya.

“Iyon lang ba ang pakay mo sa akin? Ang gamitin ako para sa mga plano mo?” biglang tanong nito.

Nagulat siya sa tanong ni Brielle. Hindi niya inasahan na ganon ang pananaw nito sa kanya.

“I’m sorry! I shouldn’t have done this kind of vicious plan,” she said.

“Ivana, after you accomplish your plan, would you still be my wife?” he asked again.

“Of course, we are legally bound as husband and wife. As long as we understand each other, I will stay by your side,” she replied.

“What if I don’t love you after how many years staying with me? What if I will ask you to sign a divorce agreement would you accept it?” tanong ni Brielle at sa mga sandaling ito pumihit ito sa direksyon niya at tiningnan ng direkta sa mga mata.

“Brielle, whatever makes you happy I will do it! But signing a divorce agreement might not be possible. You told me, we will have our children, I don’t want a broken family even if you ask me to leave. I still stay as your wife. Even if you hate me as a person, I still stay by your side!” she said sincerely.

“Even if I will find another woman? You still stay as my wife?” he said.

“Rich businessmen often have mistresses, I am not a naive woman you think I am. I was born in the modern era and I am aware of those tragic events happen in a married couple. Pag dumating ang time na magmahal ka na ng iba at mahanap mo na ang true love mo, you can stay with her but you can’t force me to sign a divorce paper. You can have lots of mistresses if you want but never turn your back on me, Brielle!” sabi niya rito at pilit na pinipigil ang luha na nagbabantang pumatak sa mga mata niya. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa harapan ni Brielle dahil bago pa niya isinagawa ang mga plano niya alam na alam niya ang tunay na saloobin ni Brielle sa kanya. Alam niyang napipilitan lamang itong pagbigyan siya dahil tinakot niya itong sirain ang reputasyon nito sa mata ng publiko.

“Pakiramdam ko pinaghandaan mo na lahat bago ka pumasok sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na ang dating mahina at iyakin na si Ivana Huo ay biglang magbabago,” sabi ni Brielle bago bumaling ulit ang tingin nito sa kalangitan.

“Gusto kung malaman, pwede ba akong magtanong sayo?” she said.

“Okay, ask it!”

“May minahal ka na bang babae?” she asked.

“Meron na!”

Nagulat siya sa sinabi nito. Parang kinurot ang puso niya ng marinig ang sagot nito.

“Is she from a rich family? Do I know her?” Ivana asked.

“Yes, she’s from a rich family. I have loved her since I was young. And maybe you knew her too!” he muttered. “Ikaw may minahal ka na bang lalaki?”

Matagal bago siya sumagot. Gusto niyang sabihin at aminin kay Brielle na totoong minahal niya ito at ilang beses na niyang sinabi rito ang tunay na nararamdaman ngunit nawalan siya ng lakas ng loob matapos nitong aminin na may mahal ng iba.

“It doesn’t matter if I love someone or any man. What matters now is the current status that I have as Mrs. Ivana Santillian,” she said painfully.

“I see. The man must be unlucky because you’ve married me, out of his will. He might be frustrated because you give yourself to me as a payment of the favor that I am going to do for you!” he said arrogantly.

“Love is sometimes a painful and tragic event in human lives. Those who believe that kind of emotion will end up losing themselves. Brielle, I might sound so arrogant for you but maybe I have a different perspective in life. I wanted to give my best in every step I will be going to do in the next few days because I promised in my father’s grave that I will get back what belongs to me, even if it causes my own life!” she said in full determination.

“I saw you with Simon and some gossip about the two of you spreading all over the internet. And it said that he is courting you. Why is it you didn’t choose him?” Brielle asked.

“Kailanman di ko ginusto si Simon. Merong mga pagkakataon na niligawan niya ako pero hindi siya ang taong ginusto ko!” she said in a lonely tone.

“Bakit ayaw mo sa kanya, mayaman naman si Simon!” pilit na tanong ni Brielle kay Ivana dahil gusto niyang malaman ang damdamin ni Ivana para kay Simon.

“Wala akong balak na piliin ang taong tingin sa mga babae ay laruan lang. Nakita mo naman siguro kung sinu-sino ang mga nililigawan niya at naging partner niya sa bawat social gatherings na pinupuntahan niya,” sagot niya.

“Ah talaga? Akala ko kasi may gusto ka sa kanya kasi ilang beses kayong magkasama sa London sa mga ilang social gatherings na dinaluhan niya,” he said.

“Pinakisamahan ko lang dahil di ako tinitigilan noon kapag di ako pumayag?” she explained.