Chapter 63 – Ang aksidente

Nakita ni Kent na sumakay na sa elevator si Ada, tinawag niya ito ngunit hindi pinansin ni Ada.

"Ada...!" Sigaw ni Kent at tumakbo siya para sumakay sa elevator.

Hinarang niya ito at sumampa si Kent sa elevator. Nakita niya si Ada na nakatayo sa loob at umiwas ng tingin sa kanya. Pumasok siya sa elevator at lumapit kay Ada.

"Ada, ang yun nakita mo, wala yun!" Paliwanag ni Kent.

Ngunit hindi pa rin siya pinansin ni Ada, nakatingin lang sa dingding ng elevator.

"Ada, pakinggan mo ako..." Pagkatapos ay sinubukan niyang yakapin si Ada, ngunit nagpupumiglas si Ada.

"Pakawalan mo ako! Sinungaling ka!" Tinulak siya ng malakas ni Ada.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako nagsisinungaling!" Sabi ni Kent.

"Huwag kang magsinungaling! Alam ko, pareho kayong may relasyon! Noong isang gabi nang hindi ka umuwi, kasama mo siya diba ?!" Sabi ni Ada habang nagagalit siya.

Hindi sumagot si Kent nagulat siya na alam ni Ada ang tungkol sa gabing iyon.

"Ano?! Hindi mo ako masagot? Kasi totoo, kasama mo siya!" Sambit ni Ada habang tumutulo ang luha niya.

"Pasensya ka na Ada, ngunit -"

Hindi natapos ni Kent sa pagsasalita, ng bigla siyang sampalin sa mukha ni Ada.

"Ada please, mali ang iniisip mo. Ikaw lang ang mahal ko!" Sabi ni Kent at sinubukan niya ulit itong yakapin at halikan.

Ngunit nagpupumiglas at tinulak siya ng husto ni Ada.

At habang bumubukas na ang pinto ng elevator. Agad na tumakbo si Ada palabas.

Agad naman siyang hinabol ni Kent. Ang mga tao ay huminto at napatingin nang makita si Kent at Ada tumatakbo.

Nagmamadaling lumabas ng gusali si Ada, habang umiiyak. Hindi niya alam kung saan pupunta, kaya't tumakbo na lang siya ng tumakbo sa kalsada.

"Ada...!" Sigaw ni Kent habang hinahabol siya sa kalsada.

"Ada, wait!" Tinawag siya ni Kent, ngunit hindi siya tumitigil sa pagtakbo sa kalsada.

"Ada, please stop!" Pagmamakaawa ni Kent sa kanya.

Ngunit patuloy na tumatakbo sa kalsada si Ada, at sa hindi inaasahan. . .

"Baaaambbppp!!!"

Isang malakas na tunog ng aksidente ng sasakyan ang narinig.

Biglang tumigil ang mundo ni Kent ng makitang masagasaan si Ada ng kotse at duguan ng bumagsak ito sa semento.

"Adaaaa!!!"

Malakas na sigaw ni Kent at mabilis siyang tumakbo palapit sa duguang katawan ni Ada na nakahandusay sa kalsada.

Lumapit siya kaagad sa kanya at niyakap siya, takot na takot siya sa mukha ni Ada na puno ng dugo.

"Adaaa... please hold on... hold on." Sambit ni Kent habang tumutulo ang luha niya.

Lumapit ang mga tao sa kanila at tumigil ang lahat ng mga sasakyan.

"Please tulungan nyo kami! Pakiusap, tumawag kayo ng ambulansya… please!!!" Sigaw ni Kent.

Kaagad, ang driver ng kotse ay tumawag para sa isang ambulansya.

Sinulyapan niya si Ada, na may maraming dugo sa ulo. Natakot si Kent, muli niyang naramdaman ang takot ng gabing iyon. . .

Ang takot na mawala sa kanya si Ada.

"Ada... Ada ...! Huwag mo akong iwan, please." Malakas na umiiyak si Kent.

"Ada, I'm so sorry... please hold on, please..." sabi ni Kent habang umiiyak.

Nakita ni Ada si Kent na nakayakap sa kanya ng mahigpit, habang umiiyak siya, ngunit nahihilo si Ada.

Hanggang sa unti-unting bumigat ang pakiramdam ng kanyang mga talukap ng mata at tuluyang napapikit. . .

~

Sa ospital. . .

Agad na isinugod ni Kent si Ada sa ospital nang maganap ang aksidente sa sasakyan.

Hindi alam ni Kent kung ano ang gagawin at nararamdaman habang naghihintay. Ayaw niyang mawala si Ada sa kanya.

Umiiyak siya sa upuan habang naghihintay ng balita mula sa mga Doktor. ‘Di nagtagal ay bumukas ang pinto ng operating room.

Agad na tumayo si Kent at kinausap ang Doctor.

"Dok..." Bulong ni Kent.

"Sumasailalim pa rin siya sa operasyon, maraming dugo ang nawala sa kanya, kaya kailangan niyang malunasan, habang inooperahan natin siya. Sa ngayon, wala kaming mga stock para sa kanyang type ng dugo." Sabi ng Doctor.

"Dok, ano ang type ng dugo niya?" Tanong ni Kent.

"Type AB positive." sabi ng Doctor.

"Ha? Hindi kami magkapareho." Sagot ni Kent.

"I am! I am type AB!" Sabi ng lalaki sa likuran ni Kent.

Napatingin si Kent sa lalaking nagsalita. Nakasuot siya ng suit, medyo mas matanda lang siya sa edad niya, matangkad at guwapo din.

Pamilyar ang mukha niya, kilala siya ni Kent dahil kalaban ito sa negosyo... si Mr. Salmonte!

Nagtataka si Kent kung bakit siya magbibigay ng dugo.

Lumapit siya sa kanila at humarap sa Doctor.

"Ah Doc, handa akong magbigay." Ulit niya habang nakangiti.

"Well..." prangkang sabi ng Doctor.

"Teka, bakit ka nagbibigay ka ng dugo?!" Nagtataka si Kent.

"Mangyaring payagan mo ako Mr. Wilson, sapagkat ang driver ko ay ang naka-bunggo sa kanya. Gusto ko lang tumulong." Sinabi ni Mr. Salmonte.

"Hindi! Hindi ko kailangan ang tulong mo!" Pagtanggi ni Kent.

"Ngunit Mr. Wilson, kung hindi ka makahanap ng dugo ngayon, ang kalagayan ng iyong asawa ay malalagay sa peligro." sabi ng Doctor.

"Yes, tama ang Doctor, kalimutan muna natin ang negosyo. Ang mahalaga ay mailigtas ang buhay ng asawa mo ngayon." Sinabi ni Mr. Salmonte.

Huminga ng malalim si Kent, dahil wala siyang magawa sa sitwasyon. Ayaw niyang mawala si Ada. Inisip niya na ito ang kailangang gawin ngayon at tumango nalang siya bilang pagsang-ayon.

"Pakiusap Doc, please gawin niyo po ang lahat upang mabuhay ang aking asawa." Sinabi ni Kent sa Doctor.

"Ok, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya! Pumasok na tayo sa loob." Sinabi ng Doctor.

Sinundan ni Mr. Salmonte ang Doktor at siya ay kukuhanan ng dugo.

Naghintay ulit si Kent sa may hallway, habang hinihintay ito, dumating si Willy, dali-dali siyang lumapit sa kanya.

"Boss, kamusta? Ano ang kondisyon niya?" Nag-aalalang tanong niya.

"Nasa operating room pa siya. Ano ang balita?" Tanong ni Kent.

"Ah, ang boss na nakabangga kay Maam ay ang kotse ni Mr. Salmonte." Sabi ni Willy.

"Alam ko na, nandito na siya. Pumasok na siya, at magbibigay siya ng dugo." Sabi ni Kent.

"Ano?! Magbibigay ng dugo si Mr. Salmonte? Magaling na ba siya Sir?" Tanong ni Willy.

"Sana, dahil magbibigay siya ng dugo kay Ada." Umirap lang si Kent at bumuntong hininga.

"Inaasahan ko ang mas mabuting resulta ng operasyon." Mahinahon na sabi ni Willy.

Matapos ang isang limang oras na operasyon, inilipat si Ada sa VIP room at agad na pumunta si Kent.

Ang mga magulang ni Ada ay dumating din sa ospital, habang si Ada ay natutulog pa rin nang makita niya sa silid.

"Kent, anong nangyari?" Tanong ng Mama ni Ada.

"Nabunggo ng kotse si Ada, hindi niya napansin na paparating na ang kotse." Maikling paliwanag ni Kent.

"Ano ang sabi ng Doctor?" Tanong ng Daddy niya.

"Hayaan na lang natin siyang magpahinga muna, dahil kalalabas lang niya sa operating room. Kapag nawala na ang anesthesia, gigising din po siya." Sambit ni Kent habang nakatingin sa katawan ni Ada.

"Tutal, naging matagumpay naman ang operasyon niya. Umuwi ka muna, kami muna ang bahala kay Ada." sabi ng Mama niya.

"Okay lang Mom. Gusto kong bantayan si Ada." Sabi ni Kent.

"Ah kung ganun, bibili na lang muna ako ng makakain." sabi ng Mama niya.