Chapter 52 – Unexpected Visitor in his office

Kinaumagahan naghanda si Ada upang pumasok sa trabaho. Nakita siya ni Kent, na nagbihis at nagaayos ng mga gamit niya.

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Kent, habang inaayos ang suit niya.

"Sa hotel, pupunta ako sa trabaho ngayon." Sabi ni Ada.

"Ha? Huwag ka ng pumasok, alagaan mo na lang si Charmaine." Sabi ni Kent.

"Pero..." tanggi ni Ada.

"Ako na ang bahala. Alagaan mo na lang si Charmaine dito.” Lumapit si Kent sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. “Simula ngayon, hindi ka na papasok sa trabaho. Kung may gusto kang bilhin, sabihin mo lang sa akin." Ani Kent.

"Ah, okay." Sabi ni Ada at inaayos ang kanyang kurbata.

"Okay, sige mauna na ako." Sabi ni Kent at hinalikan siya sa pisngi.

"Sige ingat!" Sabi ni Ada.

Pagkatapos ay umalis na si Kent sa silid at nagtungo sa silid ni Charmaine. Natutulog pa rin siya, lumapit siya sa kanya at hinalikan sa noo.

Tapos lumabas ulit siya ng kwarto.

"Tatawagan kita mamaya, kung makakauwi ako sa tanghalian." Sabi ni Kent kay Ada.

"Okay, hihinatayin ko ang tawag mo." sabi ni Ada.

"Sige, bye!" At hinalikan niya ulit si Ada sa labi.

Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Nang makita ang mga guards ay iniutos niya ito.

"Huwag hayaang lumabas ng gate ang inyong Maam Ada! Ikaw ang bahala sa kanila, habang wala ako dito!" Utos ni Kent.

"Opo, Boss!" Sabi ng head guard.

"Okay!" Sabi ni Kent at sumakay sa mamahalin na itim na kotse.

Samantala, pumunta si Ada sa kwarto ni Charmaine at pinanood ang pagtulog nito.

Sa Office ni Kent...

Pagdating ni Kent sa hotel, agad siyang sinalubong ni Willy sa lobby.

"Good morning Sir!" Bati ni Willy na nakatayo sa pasukan ng hotel.

"Good morning! Ano ang balita?" Sambit ni Kent habang papunta na sila sa elevator.

"Ang JYK Group, sumang-ayon na sa ating offer. Gusto rin nilang makipagsosyo sa atin!" Ulat ni Willy.

"Good!" Sabi ni Kent at sumakay na sila sa elevator.

"Para sa pagheld natin para sa Anniversary, kailangan mong anyayahan ang lahat ng mga kasosyo sa negosyo, at lalo na sa negosyo tungkol sa construction, dahil baka ito na ang paraan para malaman natin, kung sino si John Perez!" Sabi ni Kent.

"Opo boss!" Sabi ni Willy.

Nang makarating sila sa opisina, pinigilan muna siya ni Willy upang buksan ang pinto.

"Ah, Boss nakalimutan kong ipaalam sa inyo, na mayroon kang bisita." Sabi ni Willy.

"Sino?" Tanong ni Kent.

"Si Ma'am Lucy, sinabi ko po sa kanya kanina, wait lang kayo dito sa lobby, pero nagpumilit po siyang pumasok." Sabi ni Willy.

"Oh sige, sige. Ako na ang bahala! Paki-dalhan mo na lang ako ng kape." Sabi ni Kent.

"Okay Sir!" Sambit ni Willy at umalis at nagsimulang magtimpla ng kape.

Binuksan ni Kent ang pinto at nakita doon ang sikat na modelong si Lucy. Nakaupo ito sa upuan niya. Habang nakasuot ng itim na dress na may long V-neck line. Siya ay may mahabang buhok na medyo kulot, may makinis na balat, seksi at maganda.

Si Lucy ay isa sa anak na babae ng kanyang kasosyo sa negosyo. Paminsan-minsan ay pumupunta siya sa kanyang tanggapan, dahil ang alam nito na hindi siya kasal. Ngunit hindi siya pinansin ni Kent, dahil wala siyang interes sa kanya kahit na siya ay sikat at maganda.

"Sino ang nagsabi sa iyo, maaari kang umupo dyan?" Kunot-nuong wika ni Kent nang makita siya na nakaupo sa kanyang upuan.

"Oh, my Kent... Sa wakas ay pumasok ka na!" Malambing na bati nito at agad na lumapit sa kanya at niyakap.

Ngunit agad itong pinigilan ni Kent sa pagtangkang pagyakap sa kanya.

"Stop it!" Sabi ni Kent at hinawakan siya sa braso at tumalikod.

Agad na naupo si Kent sa upuan niya.

"Kent, naman… gusto lang naman kitang yakapin. Miss na miss na kita!" Sambit ni Lucy sabay upo sa tabi ng lamesa ni Kent.

"Well, hindi kita namimiss! Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon, dahil may aasikasuhin pa ako!" Sambit ni Kent nang buksan niya ang mga folder sa tuktok ng kanyang lamesa.

"Aba, kagagaling ko lang sa Paris at galit ka na naman. Gusto ko lang kita makasama ng tanghalian." Sabi ni Lucy habang nakangiti.

"Hindi ako pwede." Prangkang sabi ni Kent.

"Bakit naman? Sige na, sabay na tayong maglunch!" Pangungulit na tanong ni Lucy.

"Hindi talaga ako pwede. Busy ako ngayon." Sabi ni Kent.

"Hmp! Bakit lagi ka na lang walang oras sa akin? Samantala ako, ginagawa ko ang lahat para makasama ka. Alam mo bang kinansela ko ang trabaho ko, para makasama lang kita ngayon, tapos hindi mo man lang ako bibigyan ng time? Hmp!" Galit na sabi ni Lucy.

"Una sa lahat, hindi kita inutusan na kanselahin mo ang trabaho mo para sa akin at pangalawa, wala talaga akong oras para sa iyo! Kaya, makakaalis ka na." Tugon ni Kent.

Tumayo naman si Lucy at galit na hinarap si Kent, "Kent, kung palagi kang ganyan, walang babaeng magkakagusto sa iyo!" Galit na sabi ni Lucy.

"Hindi ko kailangan ng babaeng magkaka-gusto sa akin… Dahil may asawa na ako!" Pag-amin ni Kent kay Lucy.

Subalit hindi naman naniwala si Lucy sa sinabi niya, "Asawa?! Sabi ng Daddy ko, wala kang asawa!"

"Sinabi lang yan ng Daddy mo. Tingnan mo, ito ang wedding ring ko." Sambit ni Kent habang itinutok ang wedding ring sa kanyang kamay.

"Tsk! Kung may asawa ka talaga, nasaan siya ngayon? Hindi ko man lang nakita na kasama mo siya o naireport na may asawa ka!" Sabi ni Lucy habang hindi parin ito naniniwala.

"Don’t worry about it! Makakaalis ka na kung wala ka ng ibang sasabihin, gagawin ko na ang trabaho ko!" Utos ni Kent at binuksan ang folder na nasa ibabaw ng kanyang lamesa.

Maya-maya pa ay kumatok si Willy sa may pintuan na may dalang kape.

"Sir, ito na po ang kape nyo." Wika ni Willy at inalagay ito sa gilid ng kanyang mesa.

"Thank you! Kindly guide Lucy outside." Utos ni Kent habang hindi man lang ito tumingin sa kanila at patuloy sa pagbabasa sa mga documents.

"Yes, Boss! Halika na Maam!" Sabi ni Willy at lumapit kay Lucy.

Napilitan si Lucy na tumayo at galit na sinabi kay Kent.

"Kent, hindi pa tayo tapos! Isusumbong kita kay daddy!" Pagbabanta ni Lucy at lumabas ng office.

Nakatitig lang sa kanya si Kent at huminga ng malalim at nagpatuloy sa pagbabasa ulit ng mga dokumento.

Bago pa ang oras ng tanghalian ay tumawag si Kent kay Ada at sinabi sa kanya na uuwi siya para kumain doon ng tanghalian.

Nasa hardin sila ni Charmaine at ng Mommy niya. Nasisiyahan si Charmaine na maglaro sa damuhan. Nang marinig niya ang pag-ring ng cellphone niya. Sinagot naman niya ito kaagad.

"Hello." Sagot ni Ada.

"Hello love, anong ginagawa mo?" Tanong ni Kent.

"Nandito kami sa garden, nakikipaglaro kay Shasha. Bakit ka tumawag?" Tanong ni Ada.

"Ah okay. Uuwi ako dyan ngayon lunch." Sabi ni Kent.

"Ah okay sige." Sabi ni Ada.

"Okay, see you later." Sabi ni Kent saka binaba ang telepono.

"Oh, tawag ba ni Kent yun?" Tanong ng Mommy niya.

"Oo Ma, dito daw siya kakain ng tanghalian!" Sabi ni Ada.

"Ah, okay! Shasha narinig mo yun? Makikita mo ang Daddy mo. Palagi niyang hinahanap ang kanyang Daddy.” Ang sabi ng Mommy ni Ada.

"Aba, sanay na siya kay Kent. Iniwan ko siya sa office ni Kent dati, kapag nagtatrabaho ako." Sabi ni Ada.

"So, kaya pala hinahanap niya ang kanyang Daddy Kent." Ang sabi ng Mommy niya.

Pinagmasdan nila si Charmaine habang naglalaro siya sa damuhan kasama ang mga laruan.

Inihanda ng katulong ang masasarap na pagkain, alam na nila na doon si Kent kakain para sa tanghalian, kaya naman ay naghanda sila ng masasarap na ulam, dahil bihira lang si Kent na umuwi ng bahay nito kapag lunch.

Hindi nagtagal ay dumating sina Kent kasama si Willy at ang mga bodyguard niya.

Nakita nilang paparating si Kent, ngunit hindi siya napansin ni Charmaine.

Sinabihan niya sina Ada at Mommy na huwag maingay.

Lumapit siya kay Charmaine ng tumalikod ito at ginulat niya ito. Nilapitan niya si Charmaine habang abala siya sa paglalaro sa damuhan.

"Shasha!!!" Niyugyog niya ang balikat ni Shasha, napasigaw naman si Shasha.

"Ahhh!... Dad!!!" Sigaw ni Charmaine.

Nagulat ang bata at nakita ang kanyang Daddy. Agad niya itong niyakap habang nasisiyahan ito.

"Kamusta ang aking baby girl?" Tanong ni Kent.

"Ay naku, palagi kang hinahanap!" Ang sabi ng Mommy niya.

"Talaga? Namiss mo ba ako baby?" Tanong ni Kent kay Shasha habang kinarga ito.

"Opo Daddy!" Sambit ni Shasha habang tumatango.

"Halika na, pasok na tayo sa loob, para makapag lunch na tayo." Sabi ni Ada at sabay-sabay silang pumasok.

Ang kanilang chef ay naghanda ng masasarap na pagkain. Para silang kumakain sa restawran.

Sabay-sabay silang kumakain ng mga magulang ni Ada.

"Mamaya sa hapon, aalis na kami. Babalik na lang kami para sa Annibersaryo ng inyong kumpanya." Sabi ng Daddy ni Ada.

"Okay Dad!" Sabi ni Kent.

Pagkatapos nilang kumain, bumalik si Kent sa kanyang opisina.

~

Kinahapunan ay nagpaalam ang mga magulang ni Ada at umalis na.

Tumayo sa kanila si Charmaine sa labas ng pintuan.

"Sige Ada, alis na kami." Paalam ng kanyang Daddy.

"Okay po, ingat po kayo sa byahe!" Sabi ni Ada.

"Mamimiss kita! Lalo na si Shasha!" Sabi ng Mommy niya at yumuko para halikan si Shasha.

Yumakap naman pabalik si Shasha.

"Sige na, Ada!" sabi ng Mommy niya.

"Ingat po kayo!" Paalam ni Ada at kumaway siya sa mga ito.

At niyakap niya ang Mommy at Dad niya. Pagkatapos sumakay na sila sa kanilang sasakyan. Si Charmaine naman ay kumaway para sa kanila habang karga ni Ada.