Chapter 51 – DNA Result
Habang nasa sala, nag-usap sina Kent at ang kanyang mga magulang.
"Paano mo nakilala si Jasmin?" Tanong ng Mommy niya.
"Nakilala ko siya, nung aksidente niya akong nabangga sa hotel, at pagkatapos ay nalaman kong siya ay nagtatrabaho sa hotel." Sabi ni Kent.
"Oh ganun ba." Sabi ng Mommy nya.
"Pinaimbestigahan ko na si Jasmin, kaya wala siyang naalala dahil sa aksidente sa sasakyan. Nasa loob siya ng kotse nang lumubog ito. Pero may tumulong sa kanya para mabuhay siya." Sabi ni Kent.
"Naaawa ako sa anak natin." sabi ng Mommy niya sa asawa.
"Hayaan mo, bukas natin mapapatunayan na siya si Ada." Sambit ng Daddy niya habang hawak ang mga kamay.
"Nung nakita ko siya kanina, naramdaman kong parang siya talaga si Ada." Sabi ni Mommy.
"Ganun din ang nararamdaman ko, Ma.” Sabi ni Kent.
"Buti naman pumayag siyang dito muna tumira?" Tanong ng Daddy.
"Opo, kahapon nasunog yung inuupahan niyang apartment. Kaya heto ako, inalok ko siyang manatili sa akin." Sabi ni Kent.
"Okay anak, tama ang ginawa mo!" Sambit ng Daddy habang tinatapik ang balikat ni Kent.
"Natatakot ako, baka mawala na naman siya sa akin. Kaya't hindi ko siya pinapalabas na wala ang mga bodyguard." Sabi ni Kent.
Matapos silang magkwentuhan, sabay silang kumain ng hapunan.
~
Makalipas ang ilang araw ay nakuha nila ang resulta ng DNA Test.
Nasa sala sila ng dumating si Kent. Iniabot ni Kent ang sobre sa Mommy ni Ada at binasa nila ito.
Ito ay isang positibong resulta na nagpapatunay na si Jasmin ay si Ada. Niyakap siya agad ng Mommy at Daddy niya!
Dala nito ang luha ng tuwa at pagkabigo sa loob ng maraming taon.
"Sabi ko na nga ba! Anak kita! Oh Ada…" sabi ng Mommy niya habang umiiyak at niyakap siya.
"Ada, miss na miss ka namin! Saan ka ba pumunta? Bakit wala kang naalala?" Tanong ng kanyang Daddy.
"Hindi ko maalala kasi naaksidente ako sa sasakyan. Ang naaalala ko lang, nasa sasakyan ako, nakikipagtalo ako kay John. Tapos, ayaw niya akong pakinggan. Sinigawan ko siya at inagaw ang manibela, pagkatapos ay bigla kaming nahulog sa tubig." Sabi ni Ada habang naluluha siya.
"Ilang araw pa din akong nasa ospital. Nang magising ako, wala akong maalala! Sinabi ng Doctor, dahil daw sa aksidente at ilang araw din akong walang-malay. Kaya't wala akong naalala.
Lumipat kami ng bahay ni John, hanggang sa nanganak ako kay Charmaine. Nang si Charmaine ay dalawang taong gulang, biglang nagpaalam sa amin si John. Aayusin lamang daw niya ang problema sa kanilang negosyo, kaso hindi na siya bumalik.
Sa mga unang taon, nagpapadala pa rin siya sa amin ng mga pang-gastos. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko na siya makontak. Takot na takot ako sa oras na iyon, dahil noon nagkasakit si Charmaine. At hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong pera." Umiiyak na si Ada habang pinapaliwanag ang nangyari.
"Oh ... Ada." sabi ng Mommy niya at niyakap siya nito.
Muling nagpatuloy si Ada sa pagkwekwento, "Nanghiram lang ako ng pera, sa kapitbahay namin, para lang makabili ng gamot ni Charmaine. Simula noon, naghanap ako ng trabaho, kahit anong trabaho ang ginawa ko, para lang mabuhay kaming mag-ina." Sabi ni Ada.
"Ada, nandito na kami ngayon na iyong pamilya, hindi ka na muli pang mag-iisa. Hinding-hindi ko hahayaang maranasan mo ulit ang mga masasakit na nakaraan. Aalagaan kita at si Charmaine, hindi kita iiwan!" Sabi ni Kent at niyakap niya ng mahigpit si Ada habang umiiyak.
"Pasensya na, hindi kita kilala ng lubos ngunit gusto kitang makilala nang mas mabuti." Sagot ni Ada, habang nagpupunas ng luha.
"Huwag kang mag-alala pupunta tayo sa Doctor, baka matulungan tayo at bumalik ang iyong alaala." Sabi ni Kent habang hinawakan niya ang kamay ni Ada at hinalikan siya sa noo.
"Ada, hayaan mo akong magtanong, sino ang John na sinabi mo kanina? Saan mo siya nakilala?" tanong ng kanyang Daddy.
"Ni hindi ko na maalala kung saan at paano ko siya nakilala. Basta palagi siyang nasa tabi ko at kasa-kasama." Sagot naman ni Ada.
"Hindi mo ba naaalala kung saan siya nakatira?" Tanong ng Mommy niya.
"Ang naalala ko lang ay sa Singapore kami naunang tumira. Tapos lumipat ulit kami sa ibang bansa. Wala akong masyadong naaalala. Ang alam ko lang may negosyo sila - isang construction company." Sabi ni Ada.
"Don’t worry Mommy, hahanapin ko po siya." Sabi naman ni Kent.
"Mabuti kung ganun! Masaya kami, nakita na namin si Ada." Maluha-luhang sabi ng Mommy niya.
Si Kent at ang kanyang Daddy ay personal na nag-usap sa labas habang umiinom ng alak.
Iniwan nila si Ada at ng kanyang ina sa sofa.
Lumapit sa kanya ang Mommy niya at niyakap ulit siya nito.
"Nalulungkot ako sa nangyari sa iyo anak, kailangan mo pang maghirap. Paumanhin, dahil hindi ka namin nakita kaagad." sabi ng Mommy niya.
"Okay lang Mom, naiintindihan ko po." Sabi ni Ada.
"Akala ko, hindi na kita makikitang muli! Alam mo ba si Kent, halos mabaliw na kakahanap sayo dati. Hindi na namin man siya makausap nang maayos noon. Halos hindi siya makatulog at kumakain. Palagi ka niyang iniisip." Kwento ng Mommy niya habang hawak-hawak ang kanang kamay niya.
"Ganun po ba..." Sabi ni Ada habang sumulyap siya kay Kent na nakatayo sa labas.
"Ada, ang asawa mo ay mahal na mahal ka. Dapat mahalin mo ulit siya, katulad ng dati." Sabi ng Mommy niya.
"Sige, gagawin ko po." Sagot ni Ada.
Habang nag-uusap sina Kent at Daddy niya sa labas, pinaplano nila ang gagawin sa Annibersaryo ng Company.
Matapos ang kanilang pag-uusap, plinano agad ni Kent na magsagawa ng isang enggrandeng pagdiriwang.
‘Di nagtagal ay lumapit sa kanila si Charmaine sa sala at kinarga siya ni Ada.
"Hello Charmaine, nag-aaral ba siya?" Tanong ng Mommy niya.
Umiling naman si Ada,"Hindi pa po."
"Napakaganda ng aking apo, namana niya ang kagandahan mo, anak.” Nakangiting sabi ng Mommy niya habang pinagMommysdan si Charmaine.
"Say hi to your Grandma!" Sabi ni Ada kay Charmaine.
“Hi, Grandma.” Nakangiting bati ni Charmaine.
At si Charmaine ay nagtungo sa kanyang Mommy at kinarga din siya nito.
"Wow! Ang ganda ng apo ko! Pwede ba kitang halikan?" Tanong ng Mommy niya.
At hinalikan niya ito sa pisngi. Hinalikan din siya ni Charmaine at niyakap sandali.
"Kumusta ang sunog na iyon sa iyong apartment? Mabuti't hindi ka nasaktan." sabi ng Mommy niya.
"Naku, talagang natakot po ako nang makita ko ang apoy. Magaling ang mga bodyguard ni Kent, tinulungan nila kaming makalabas ng apartment." Sabi ni Ada.
"Mabuti naman. Makikinig ka sa sasabihin ni Kent sa iyo, dahil asawa mo siya." sabi ng Mommy niya.
"Yes, Mom." Sabi ni Ada.
"Kung may problema ka, tawagan mo lang ako, bibigyan kita mamaya ng number namin. Huwag kang sumama sa iba, kung hindi mo kilala. May masamang balak sa iyo ang kaibigan mo dati." sabi ng Mommy niya.
"Sino si Joice? Mukha siyang pamilyar dahil sa pangalan niya." Tanong ni Ada.
"Sabi ni Kent, magkaklase kayo. Palagi mong kasama." sabi ng Mommy niya.
"Ganun ba. Asan na siya?" Sabi ni Ada.
Huminga muna ng malalim bago magsalita ang kanyang Mommy.
"Nang makarating kami doon, patay na siya. Sinabi ni Kent, binaril niya ito, dahil sa akala niya ay patay ka na. Si Joice ang bumaril sayo at kumidnap ng araw ng graduation niyo ni Kent." Sabi ni Mommy.
"Ha...?" Nagulat si Ada sa nalaman.
"Hayaan mo na, aalagaan ka namin at hindi na namin hahayaan na mangyari pa ulit iyon. Umaasa akong, babalik ang memorya mo." sabi ng Mommy niya.
"Sana, maging maayos na ako. Gusto ko ring alalahanin lahat ng ito." Sabi ni Ada.
Inaasahan ni Ada na ang kanyang memorya ay babalik sa lalong madaling panahon. Gusto niyang maalala ang lahat. Lalo na, ang pagmamahalan nila ni Kent sa nakaraan...