Chapter 48 – Bonding with my daughter

Kinabukasan dinala ni Jasmin si Charmaine sa opisina ni Kent.

Huminga siya ng malalim bago siya kumatok sa pinto.

"Come in!" Sabi ni Kent.

"Good morning Sir, pwede ko bang iwanan ulit si Charmaine?" Sabi ni Jasmin.

"Oo, walang problema. Halika nga dito, baby girl." Sabi ni Kent at niyakap si Charmaine.

"Sige aalis na po ako, pakitawagan mo na lang ako pag umiiyak na si Shasha." Sabi ni Jasmin.

"Okay." Sagot ni Kent habang nakangiti sa kanya.

"Shasha, dito ka lang mag-stay, wag ka maging malikot, ok? Pupunta muna si Mommy sa baba para magtrabaho, babalik ako mamaya, okay?" Sabi ni Jasmin.

"Opo, Mommy!" Sabi ni Charmaine at niyakap siya nang mahigpit.

"Sige na, alis na ako," ani Jasmin at marahan na sinara ang pinto.

"Hi baby girl, kumain ka na ba ng breakfast?" Sabi ni Kent.

"Opo." Sabi naman ni Charmaine.

"Okay, gusto mo bang maglaro ngayon?" Tanong naman ni Kent.

Tumango si Charmaine habang ito ay nakangiti ng husto.

Inakay niya si Charmaine sa isang silid at binuksan ito. Nagulat si Charmaine nang makita ang nasa loob ng silid.

Organisado ito tulad ng isang palaruan ng bata at nakita niya ang maraming mga laruan. May mga pagkain din sa maliit na mesa at ang paligid ay kulay pink.

"Okay, pwede ka nang maglaro dito." Sabi ni Kent.

Mabilis na kinuha ni Charmaine ang mga laruan at inilagay sa sahig at nagsimulang maglaro.

Napakasaya nito sa dami ng mga laruang mayroon siya. Tuwang-tuwa naman si Kent habang pinapanood ang bata. Kinuha niya ang hair brush at lumapit kay Charmaine.

"Baby girl, pwede ko bang suklayan ang buhok mo?" Tanong ni Kent.

"Yes, Daddy Kent." Sabi nito at nakangiting sabi ni Charmaine.

Pagkatapos ay dahan-dahang sinusuklay ni Kent ang kanyang buhok.

"Salamat, baby." Sabi ni Kent at hinalikan pa ito sa noo.

"Okay, dito ka lang maglaro, babalik lang si Daddy Kent sa lamesa na yun, okay." Sabi ni Kent sa bata habang tinuro ni Kent ang office table niya.

Tumango naman si Charmaine at pagkatapos ay tumayo na si Kent at bumalik sa desk niya. Tinawagan niya si Willy at agad na pumasok ito sa loob ng opisina.

"Yes, boss." Sabi ni Willy.

"Here, you know what to do." Sabi ni Kent at inabot ang isang hair brush kay Willy.

"Okay Boss, ipapatest ko na ito ngayon." Sabi ni Willy.

"Sige thank you!" Sabi ni Kent.

Pagkakuha ni Willy ng hair brush na may buhok ni Charmaine ay agad na siyang lumabas ng kwarto.

At nagsimulang magtrabaho ulit si Kent.

Tanghalian na nang pumunta si Jasmin sa opisina ni Kent.

Kumatok siya sa pinto ng dalawag beses at pumasok. Tumingin siya sa paligid, ngunit wala si Shasha.

"Hi, nasaan si Shasha?" Tanong ni Jasmin.

"Naglalaro siya!" Sabi ni Kent.

"Saan?" Tanong ni Jasmin.

"Sa kwarto ko!" Sabi ni Kent.

Nang marinig ito ni Jasmin ay agad siyang kinabahan dahil nasa ibang floor ang kwarto ni Kent.

"Ano?! Iniwan mo siyang mag-isa sa iyong kwarto? How could you?!” Galit na sabi ni Jasmin at akmang maglalakad palabas ng sabihin ni Kent...

"Wait! Nandito siya!" Sabi ni Kent.

Tumigil si Jasmin.

"Saan?" Maang na tanong ni Jasmin dahil hindi naman niya makita si Charmaine sa paligid ng opisina.

Bumuntong hininga si Kent at tumayo saka naglakad sa kanang bahagi ng opisina, na mayroong bukas na pinto.

"Here, tingnan mo! Naglalaro siya," ani Kent at sumandal sa gilid ng pinto.

Agad na lumapit sa kanya si Jasmin at nakita niyang naglalaro nga si Charmaine.

"ShaSha!" tinawag niya kaagad ito at lumapit siya sa kanya.

"Mommy!" Sigaw ni Charmaine at masayang yumakap kay Jasmin.

"Teka, hindi ba ito ang meeting room? Bakit mo ito ginawa sa iyong silid, I mean paano mo ginawang palaruan ito?” Tanong ni Jasmin.

"Nakakaboring ang meeting room. Kaya, gusto kong palitan ito, at para kay Charmaine!" Sabi ni Kent.

"Daddy Kent maglaro tayo ng barbie!" Sabi ni Charmaine at hinila ang kamay ni Kent.

Naupo si Kent at ngumiti kay Charmaine.

Nagulat naman si Jasmin sa pagtawag ni Charmaine ng “Daddy” kay Kent, kaya naman ay agad niya itong sinaway.

"Shasha, tigilan mo ang pagtawag sa kanya ng Daddy. Hindi mo siya Daddy!" Tutol na sabi ni Jasmin.

"Pero -" malungkot na sabi ni Charmaine at tila maiiyak na.

"Okay lang baby girl. Tawagin mo lang ako kung ano ang gusto mo." Sabi ni Kent habang nakangiti sa kanya.

"Talaga?!” Tumango naman si Kent.

“Thank you, Daddy Kent!" At masayang yumakap sa kanya si Charmaine.

"Puwede ba, huwag mo siyang paniwalain. Hindi mo siya anak!" Sabi ni Jasmin.

"Talaga ba? Sigurado ka bang hindi siya ang anak ko?" Tanong ni Kent at tumingin siya ng matalim kay Jasmin.

"Of course! Hindi ka niya Daddy!” Sabi ni Jasmin.

"Sige nga, sabihin mo sa akin kung sino ang Daddy niya?" Paghahamon ni Kent kay Jasmin.

"Si John… at hindi ikaw!" Sabi ni Jasmin.

"Ah, si John Perez pala! Tsk!" Sabi ni Kent.

"Kilala mo ba siya? O iniimbestigahan mo kami?" Pagalit na tanong ni Jasmin.

Tumayo si Kent at lumapit sa kanya.

"Oo, dahil ikaw si Ada… my one and only wife!" Sabi ni Kent habang nakatitig sa mga mata ni Jasmin.

Malapit ng mainis si Jasmin dito dahil pinilit na naman ni Kent na siya ang asawa nito, pero hindi pwedeng magalit siya dito dahil boss niya ito at may utang na loob pa siya, dahil sa pagbabantay kay Charmaine.

"Let's go Shasha, kain na muna tayo." Sabi ni Jasmin sa anak.

"Sabay na tayong maglunch!" Sambit ni Kent at binuhat si Charmaine sa may pintuan.

Walang nagawa si Jasmin, ngunit ang sundin nalang ito at sumunod kay Kent na karga-karga si Charmaine.

Pumunta sila sa isang mamahaling restaurant na malapit din sa opisina.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakakain sina Jasmin at Shasha sa magarbong restaurant na ito.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong sa kanya ni Kent habang nakaupo si Charmaine sa baby chair.

"Bahala ka nang pumili. Pakainin ko lang si Shasha." Sabi agad ni Jasmin.

"Okay." Saad ni Kent.

Pagkatapos ay pinili niya ang mga pagkain kung ano ang kakainin at inorder ito sa waiter.

Hindi nagtagal, ang pagkain na inorder ni Kent ay dumating na at nasiyahan silang kainin ito.

Binigyan ni Jasmin ng pagkain si Charmaine, at nagustuhan din nito ang pagkain.

Habang kumakain ay tinanong siya ni Kent.

"Jasmin, pwede ka na lang bang lumipat sa ibang bahay? Medyo maliit kasi yun inuupahan mong bahay. Ibig kong sabihin, maganda kung may lugar na mapaglalaruan si Charmaine. At ang lugar mo ay maliit at napakadelikado din." Sabi ni Kent.

"Naku, mapanganib ba doon? Kaya ba, ang dami mong bodyguard na nagbabantay sa amin?" Sabi ni Jasmin.

"I just want you to be safe... ayokong mangyaring masama sa'yo o sa isa sa inyo." sabi ni Kent habang nakatitig sa kanya.

"Sinabi ko na sa iyo, hindi ako ang asawa mo! Kaya, hindi ko kailangan ang mga bodyguard mo!" Sabi ni Jasmin.

"Hindi pa rin naman natin sigurado kung ikaw nga o hindi! Mas mahalaga ngayon, na mabantayan ka namin! Mabuti pa, maghanap ka na lang ng bagong bahay? Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin." Sabi ni Kent.

"Ayoko!" Naiinis si Jasmin.

"Tsk! Okay sige, ako na lang ang maghahanap." Sabi ni Kent.

“No! Wag mong gagawin yun!” Galit na sabi ni Jasmin.

Naintindihan naman ni Kent ito, “Okay…” at nagpatuloy siya sa pagkain.

Pagkatapos nilang kumain, bumalik sila sa opisina at dinala si Charmaine pabalik sa kanyang opisina at naglaro ulit ito.

Ilang oras pagkatapos ay nagsawa na si Charmaine na maglaro ng mag-isa.

Lumapit siya kay Kent.

"Daddy Kent, laro tayo please…" Ani Charmaine habang hinahawakan ang kanyang polo shirt.

"Okay, my baby girl! Anong mga laruan ang gusto mong laruin natin?" Sabi ni Kent.

Pagkatapos ay tumakbo si Charmaine sa silid at kinuha ang laruan. Umupo si Kent sa may sofa at hinihintay ang kanyang pagbabalik.

"Ito Daddy! Gusto ko ito!" Sabi ni Charmaine.

Pagkatapos ay kumuha siya ng mga laruan na pang make-up na para sa mga bata, at ibinigay sa kanya. Nagulat si Kent na hindi niya alam kung paano ito gawin.

"Ngunit hindi ko alam kung paano ito gawin, baby?" Tanong ni Kent.

"Please Dad, put me some make up!" Sabi ni Charmaine.

"Sige-sige!" Sabi ni Kent.

Tapos nilagyan niya ng make-up si Charmaine.

"Okay, mas maganda ka na ngayon, kaysa sa Mommy mo!" Sabi ni Kent habang nakangiti.

Habang nakatingin si Charmaine sa salamin.

"This is nice! Salamat Daddy! Gusto kong meron ka din Daddy." Sabi ni Charmaine.

"No baby, ang makeup ay para lang sa mga girls." Sabi ni Kent.

"Hindi, gusto kong meron ka din make up, Daddy. Ayusin ko muna ang buhok mo." Sabi ni Charmaine.

Walang nagawa si Kent kundi ang maupo sa sahig para maabot ang ulo niya ni Charmaine.

Medyo inaantok si Kent habang si Charmaine ay nag-aayos ng buhok niya kaya humiga siya sa sofa.

"Baby, pakiramdam ko gusto kung maidlip. Huwag kang lalabas okay?" Sabi ni Kent.

"Okay Daddy." Sabi ni Charmaine at tumango.

Pagkatapos ay nilagyan niya ng makeup si Kent habang natutulog ito.

Si Charmaine naman ay natuwa sa ginawagawang pagmamake-up kay Kent.

"Hehehe... Ang ganda din ni Daddy Kent!" Sinabi ni Charmaine habang siya ay napalundag sa tuwa.

Pagkatapos ay umakyat siya sa sofa at natulog sa tabi ni Kent at siniksik ang katawan dito.

Naramdaman naman ito ni Kent at niyakap niya ito. Hanggang sa makatulog na silang dalawa sa sofa.