Epilogue

"Saang lupalop ba nagpunta yung kapatid mo at di parin bumabalik?"

Pang apat na beses ko na yata narinig ang pagmamaktol ni Andi habang diretso lang yung tingin ko sa kabuuan ng Mall.

Kahit unti unti ko ng naramdaman ang pamamanhid ng balikat ay hindi nalang ako nagsalita.

"Ang bigat pa naman nitong dala dala natin"

Kapwa kami may yakap yakap na kahon na kasalukuyang nag aabang kay Rence dito sa parking lot.

May malaking supot pa ng mga snacks sa ibabaw ng kahon na yakap ko, hindi na ito sinama sa mga pagkaing gagamitin para may makuha kami mamaya sa byahe. Pilit ko pa itong binabalanse na halos natabunan na ang pagmumukha sa dami ng laman nito.

"Hindi yata tayo nakabili ng ibibigay kila Manong Andres" wika ko sa kaniya.

Natigilan rin ang kasama na sa tingin ko ay tumingin pa sakin.

Dahil sa bigat ay walang pagdadalawang isip na ibinaba ang mga dala ng panandalian.

"Oo nga no? Ano ba ibibigay natin? Pang groceries lang yung alam kong bibilhin dito"

Sabay kaming napatabi sa gilid nung mapansin ang parating na van.

Ito yung ginamit ni Papa nung sinundo kami mula sa pagkakaligaw.

"Tsaka na tayo magtanong, andito na si Rence"

Hinintay naming pagbuksan kami ng pinto nitong lalaki.

Napansin yata ang mag kadikit na kilay namin ni Andi.

"Sorry, I bought something in the market"

"Nastressed ng slight ang ganda ko today"

Umiling nalang ako sa sinabi nitong isa at agad binalikan ang mga bitbit kanina na nasa baba na.

Nauna ng pumasok si Andi sa kotse habang nagdadalawang isip pa ako kung anong unang kukunin.

"Sa harap nalang tong mga boxes para madali lang makuha mamaya" rinig kong wika nito sa loob.

"Let me carry that Erin"

Hinayaan kong kunin ang isang box habang ako yung nagdala ng malaking supot.

"Ay waw, may pa ganun?"

Hindi ko nalang masyadong binigyan ng pansin ang pinagsasabi nitong isa na kumportableng nakaupo sa pangalawang gawi.

Pinauna kong pinapwesto ang dala ni Rence tsaka ito lumabas at bumalik na sa pagiging drayber.

Siya lang naman ang pwedeng gagawa nun saming tatlo ni Andi.

Tumabi ako agad at nilagay sa unang upuan ang hawak na supot.

"No one wants to sit here?"

Boses iyon ni Rence na ikinatigil namin.

"Sus wag na, alam naman naming may tatabi sayo mamaya"

Napangiti ako nung makitang nailang ang lalaki at binaling ang tingin sa pagmamaneho.

Halos mag aalas dyes na ng umaga pero nasa biyahe parin kaming tatlo.

Napasyahan naming maghati hati na lamang ng mga dadalhin para sa tatlong araw na bakasyon sa gubat.

"Ready na si Jessy, sabihan nalang daw pag malapit na tayo"

Ramdam ko ang lamig sa loob ng van dahil hindi pa masyadong tuyo ang sariling buhok.

Maaga kasi kaming nagising kanina para makaabot ng pananghalian kina Manong, dumaan pa ng mall na inabot ng halos isang oras kakalibot.

"Saw them already"

Bumagal ang takbo nito at huminto rin kalaunan.

Tumambad ang dalawang lalaki sa pagbukas ng pinto.

"What's up Philippines!! Aga niyo ah!"

Umalingawngaw ang boses ni Warren na ikinatawa naming tatlo.

Nasulyapan ko ang kasunod nito pero di ko alam kung bakit may pumipigil sakin na huwag tumingin sa kanya.

Limang araw ang nakakalipas mula nung huli naming kita ng mga kaibigan. Pinauwi narin si Rence ng Mommy nito kinabukasan dahil isang linggo na itong hindi nakauwi ng bahay.

"San kami uupo?"

"Sa likod" sabay naming sagot ni Andi.

Hindi ko pinahalata na nag iba yung hangin sa gawi ko, nung dumaan ang mga ito ay tila apektado maging ang bawat segundong paghinga.

"Is everything okay?"

"Yes bro, okay na kami, arat na!!"

Sigaw ni Warren na nasa likuran namin, inantay kong tumalikod si Rence pero mukhang may iniisip pa itong sasabihin.

"You mean, let's go?"

"Tara na daw" ulit ni Drake.

"Oh okay, I know that"

Nagpatuloy kami sa biyahe na halos ilang minuto lang kung iisipin dahil sa pinakukwento nitong si Warren.

"Ayan na yung hinihintay mo Rence!" Wika nitong katabi ko nung makita sina Mich at Allen sa malayuan.

"Ofcourse not" bawi naman ng lalaki sa harap.

Huminto ang van sa gawi nito, dito rin namin huling hinatid ang magpinsan nung nakaraang araw.

Pagbukas ng pinto ay naninibago kami sa dami ng dala ng dalawang magpinsan.

"Grabe pang ilang buwan ba yang damit na dala niyo?"

Bungad na wika ng maingay sa likod.

"Camping tent to!"

"Dito yan sa harap Mich, ilagay mo narin yang bagahe mo at tabihan mo si Rence"

Masayang makitang maganda ang gising nito dahil ngumingiti na sakin hindi gaya nung huli naming kita.

"Dito nalang ako katabi niyo"

"Sa likod ako" wika naman ni Allen at tumabi na dun sa dalawang lalaki sa likod.

Agad kong nasulyapan ang mga nakaw tingin ni Rence mula sa repleksyon sa harap.

"Doon ka na kasi, ba't ka ba umiiwas kay Rence? Para namang hindi hmm"

"Uy, hindi ha! Mahiya ka nga kay Erin sa kanila pa naman tong van"

Napangiti ako sa sinabi nito, mula kasi nung malaman niyang magkapatid kami ni Rence ay palagi na itong humingi ng pasensya sa chat dahil sa mga naisip nito dati.

"Mich sige na, naghihintay narin si Jessy baka mainip yun"

Napalingon ako sa nagsasalitang si Allen, talagang naisingit niya pa ang huling kaibigang dadaanan namin.

"Luhhh, halata ka na naman"

"Ano na balita sa inyo bro?"

"Hey! Should we go now?"

Ibinalik ko ang atensyon sa lalaking panay ingles.

"Tabihan mo na Mich, nagmumukhang driver si Rence ang pangit tingnan"

Hindi pa ito umimik at nagdadalawang isip sa pakiusap ko.

"Sige na, kanina ka pa hinihintay niyan"

Pangungulit nitong isang babae na ikinailing ni Rence, tila kinikilig.

Napagdesisyonan rin nitong tumabi sa lalaking nagmamaneho na dahilan ng tuksohan namin sa likod.

Mas naramdaman namin ang excitement dahil isang kaibigan na lamang ang kulang.

"May snacks dito oh"

"Nakss, alagang alaga mo talaga ako no?"

"Mahiya ka, para sa lahat to!"

"To naman binibiro lang, ang seryoso!"

Tinanggap ko ang inumin na binigay ni Andi habang pinagkaguluhan naman ng mga kasama ang junkfoods na pilit iniiwas ng katabi ko.

"Where is she?"

"Hindi pa yata dito"

Rinig kong pag uusap ng dalawa sa harap, hindi ko na nga namalayang malapit na pala kami at tanging si Jessy nalang ang kulang.

"Uy lovebirds, may pagkain dito"

Hindi pinansin ng dalawa ang sinabi ni Andi.

"Wag ka ngang epal, malay mo hindi pa sila"

"Wag ka nga chismoso"

Sanay na ako sa bangayan ng dalawang to na akala mo talaga ay hindi rin nagkagustuhan.

Huminto ang sinasakyan pahiwatig na nadaanan na namin si Jessy.

"Ayan na yung hinihintay mo bro"

Ako pa yung nagbukas ng pinto dahil may dala dala pa yata itong ibang gamit.

"Jessyyyy!!!"

Bati ng mga kaibigan pagpasok nito.

"Dito nalang yan sa harap, tabi ka samin" sinunod niya ang suhestiyon ko at tumabi saming dalawa ni Andi.

Sa wakas ay kumpleto narin ang mga kaibigan. Ngayon lang yata kami nagkasama sama na walang masyadong prinoproblema.

"Guys, may checkpoint" agad na wika ni Mich sa harap.

"Ha? Saan?"

Kahit nahihirapan kaming makita yung kabuuan sa labas ay sinubukan parin naming magsitayuan, may mga sasakyang nakahanay rito na dahilan ng traffic.

"Wag niyo sabihing may part 2 yung pagkaligaw natin?"

"Jessy, may mga rebelde ba dito? Malapit lang yung sa inyo diba?"

"Kinakabahan ako gusto ko pang mabuhay ng matagal, ayokong maging tarzan ulit, Andi hawakan mo ko!"

"Parang tanga!"

Hindi naman siguro mauulit yung nangyaring insidente sa San Lorenzo, kung saan okay na ang lahat may mga gantong pangyayari pa.

"Uy, chill lang kayo diyan" kalmadong wika ng babae sa harap.

Kasalukuyan na kaming naghihintay sa gitna ng traffic.

"Okay lang kami dito sa Pinas mich,  mag ingat kayo ni Rence diyan sa Dubai"

"Sira!!"

"Luh ikaw ba kinausap?"

"Hindi, pero naririnig ko!"

"Edi pumikit ka para di mo ko marinig"

Di ko mapigilang matawa sa banat ng dalawa, hindi na nga ito magkatabi pero andun parin yung bangayan.

Ilang sandali pa ay natahimik ang lahat at hinayaang magsalita sina Rence at Mich na kinausap ng kung sinong nakauniporme.

"We're family Sir"

"Malayo na po yung San Lorenzo, hindi po kami lalagpas dun" wika ni Mich.

Mukhang tama nga ang ideya ni Andi na ipagsama ang dalawang yun kahit di aaminin ni Rence na gusto rin niyang makatabi si Mich.

Para tuloy may naging Ama't Ina ng panandalian na nangunguna sa ganitong sitwasyon.

"Yes I have, I'm already 21 let me show you my ID"

Tumagal pa ng ilang minuto bago kami hinayaang makaalis.

"Naks, family raw!"

Pag ingay ni Warren nung nagpatuloy na kami sa biyahe.

"Rence, sino ba tinutukoy mong family?"

"It was just an excuse Andi"

Nakahinga ako nung malagpasan yung ganung sitwasyon, ibang ibang sa nangyaring engkwentro sa San Lorenzo.

"Talaga lang ah? Pati tong kapatid mo excuse din? Grabe Cath dinideny ka!""

"Ofcourse not!"

"Ingay mo, hayaan mo na nagmamaneho pa naman"

Pagpigil ko sa ka babaeng tanong ng tanong.

Nang tinoon ko ng tingin ang labas ay doon ko lang napansin na malapit na pala kami. Naalala ko ulit ang palengke kung saan nadaanan namin papunta kina Manong Andres.

"Wala ba tayong bibilhin dito?"

"Why? You want something?"

Boses iyon ng dalawa sa harap na ikinagalaw ng siko ng isang katabi.

"Aray ano?"

Tukoy niya don sa dalawa, nagkibit balikat na lamang ako sa hitsura nito na tila kinilig sa sarili niyang natunghayan.

Well, kung si Rence ba naman magkagusto sayo at ganyan ka alaga baka hindi mo magawang matulog.

"Oo nga! Di mo alam?"

"Hayaan mo kasi boses mo!"

Natigilan ako nung nangingibabaw ang boses ni Drake sa likod.

"Ano namang nangyari diyan?"

"Sino?"

Sabay naming lingon nina Jessy at Andi sa mga lalaki.

Umiwas si Drake na tumingin sa labas habang may pinipigilang itanong si Warren.

"Hey! Are you alright?"

"Wala na bang kailangan?"

"Wala Mich, wala"

Napaayos nalang kami sa pwesto nung walang makuhang sagot sa tatlong lalaki.

Bumalik na rin sa dating takbo ang van, pahiwatig na ilang minuto na lamang ay makarating na kami ng bahay nina Manong.

"Omg ayan na!!!!"

"Andi ang ingay!!"

Nung huminto na ang van ay pinagbuksan rin kami ng gwapo kong kapatid.

Paminsan minsan hindi ako sanay na tinatawag itong kapatid, dahil sobrang layo naman talaga ang ganda nito sa genes ko.

"Labas labas na mga ka pamilya!"

"Warren ang ingay!!"

Buti nalang talaga at nakalabas na ako dahil baka maghampasan pa tong dalawang to sa loob.

"Andito na pala kayo mga anak!"

Nagsilapit kami kay Ginang na kakalabas lang ng gate.

"Guys yung mga kailangan niyo lang yung dadalhin sa loob para diretso na tayo mamaya"  wika ni Mich.

Wala pa ni isang sumunod kay Ginang, tila nakaramdam ng hiya na akala mo'y hindi kailanman nakapunta dito.

Nagulat ako sa bitbit ni Mich at Rence na hindi namin napansin kung saan nilagay kanina.

Umunang pumasok sina Jessy na sinundan rin naming lahat.

- - - - -

3: 32 PM

"Hindi naman kasi sinabi nitong si Rence na marami palang biniling pagkain, sana nagdiet nalang ako kahapon hirap tuloy maglakad ngayon"

"Ikaw lang yata nabusog na ang daming reklamo"

Wala paring tigil ang ingay ng dalawang to kahit pabalik na kami ng gubat.

Nangunguna si Mich at Allen, habang sinundan naman namin ni Jessy. Kasunod ko yung mga maingay at dalawa pang lalaki.

"Kailangan nating makabalik ng ilog bago dumilim, baka mahirapan tayong maglakad" paalala ng lider namin.

"No worries, it's not that complicated as before. I'll be your guide"

Napangiti ako ng marinig ang sinabi nito.

Hindi dahil may kakaibang kahulugan iyon, kundi dahil sa naging reaksyon ni Mich na dahilan ng tuksuhan ng mga kasama.

Agad napadaan si Rence sa gawi namin at inunahan ang magpinsan.

"Oh Allen, wala munang pinsan pinsan ngayon, by pair muna!"

"Sinasabi mo dyan?"

Walang choice kundi sumabay na lamang si Allen sa gawi naman ni Jessy dahil kami rin naman ang kasunod dito.

Totoo ngang mas malapit ang ilog sa dinaanan namin ngayon.

"May isa talagang hindi marunong sumunod"

"Hayaan mo na kasi, nagkahiyaan pa!"

"Erin, dito ka sa likod oh baka mapano ka dyan sa gilid, walang magsasabing "I'll guide you"

"Loko, I'll be your guide yun!"

Huminto ako at nilingon ang dalawang nakasunod na magkaabot ang kilay.

"Kakatakot! Tara na Andi!

"Oo nga kakatakot!"

Kung hindi lang kami nagmamadali ngayon, nahampas ko na ang dalawang to.

Inunahan ba naman ako at sumunod kina Jessy at Allen.

Nagtama ang tingin namin ni Drake pero dinaanan lamang ako, tsaka nagpatuloy sa pagsunod dun sa dalawa.

Nakakainis!

Kita ko nang palayo ang mga kasama na hindi man lang nag aksayang tumawag sakin.

Ba't pa kasi pinipilit kung hindi naman na kailangan.

Kung ganito rin naman sana hindi na ako sumama!

Tiningnan ko ulit ang mga kaibigan na mukhang ngayon lang yata napansin ang presensya ko.

Tanaw kong nasa gawi ko ang tinginan nila, hinihintay kung kailan ko balak sumunod.

Hindi ko inasahan ang balak ni Rence na bumalik sa kinatatayuan ko.

Pero ang nakakabigla ay ang pagpigil ni Drake sa naglalakad na kapatid.

Anong ginagawa nun?

Nung makitang papunta na ito sakin ay inunahan ko itong maglakad hanggang sa kaya ng ikakatagpo namin.

Baka ano pang iisipin ng lalaking to, ayoko namang maging perwesyo sa kanya.

Hindi ko kontrolado ang sariling pananaw nito sa ugali ko ngayon, maaring masabing sobra ako sa kaartehan.

Minsan kasi nakakainis na ipagpilit kaming dalawa nina Andi at Warren kahit biruan lamang ito sa kanila.

Alam ko namang may kaonting namamagitan samin ni Drake, napapansin ko ang mga iyon dati pa kaya lang hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya masusuklian.

Nagpatuloy sa paglalakad ang mga kasama habang nilagpasan ko lang si Drake nung magtagpo kami.

"Ano bang problema mo Erin?"

Kahit di ko inasahan ang boses nito ay hindi ako masyadong nagpahalata.

"Wala, pasensya ka na at nautusan ka pa ng mga yun!"

Pagpapatuloy ko rito habang diretso parin ang lakad.

Bumungad ang malawak na ilog mula sa madilim na gubat. Mas malaki ito sa natanaw namin mula sa malayo kanina.

Dito yung gawi na makikita lamang ng mga taong dumadaan sa tulay.

"Ba't ba ang hirap mong kausapin? Tumigil ka nga muna"

Unti ko ng nakalimutang may kasama pa pala ako sa likod.

Sumunod nalang ako sa sinabi nito at itinuon ang tingin sa kabuuan ng ilog.

Sobrang layo kung ihahambing rito ang nakasanayan namin pwesto nung nakaraang buwan na halos napalibutan ng matatayog na puno.

Mas maayos ito at may sapat na distansya ng buhangin bago pa ang mga damo at mga puno.

"Tanaw ko lang dito ang mga kasama, hindi tayo mawawala" wika ng lalaki sa gilid na halos kapantay ko na ngayon.

"Alam ko, ba't mo ba ako pinahinto?"

Mukhang hindi kami babalik sa nakasanayang pwesto noon. Tiyak na nagpapahinga palang ang mga kasama dahil wala pang gumalaw ni isa para magtayo ng camping tent.

"Gusto kita at alam mo yun"

Nakakabigla naman ang mga sinasabi nitong si Drake. Sa gantong sitwasyon pa talaga.

"Pwede naman na tayong maglakad diba?"

Aya ko rito na akala mo'y hindi natinag sa sinabi ng lalaki.

"Ang daming nangyari mula nung umalis kayo ni Rence at Warren kasagsagan ng Holy Week, sinubukan kong umiwas sa akalang kakausapin mo ko. Pero di mo ginawa"

Sa pagkakataong to ay napalingon na ako sa kanya.

Unang beses kong nakausap ang lalaking to matapos ang ilang linggo.

"Kapatid ko lang si Rence, hindi ko nga alam kung bakit bigla kang di nagparamdam"

"Malay ko bang iba yung totoo sa naiisip ko sa inyong dalawa ni Rence. Lalo pa't alam kong nagustuhan mo rin siya noon. Kanina ko lang naman nalaman."

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil wala na akong masyadong maisagot sa kanya.

Totoo namang nagustuhan ko si Rence, nung mga panahong hindi ko pa alam ang pakay ng gurong yun sakin.

Hindi narin ako nakarinig ng ilang tanong mula kay Drake, baka nakuntento na sa naging pag uusap namin.

Kumakaway si Andi sa gawi namin na parang hindi kami magkasamang naglakbay kanina.

Malayo parin kung titingnan ang pwesto ng mga kasama. Parang binibiro kami ng distansya ng ilog.

Natigilan ako nung makaramdam ng kakaiba, di ko inasahan ang paglapit ng balat ni Drake sa kamay ko.

Hindi ako nakapagsalita, mas lumala ito nung pinagdikit na niya ng tuluyan ang mga kamay namin.

Para akong kapusin sa hininga nung maalalang hindi ito guni guni lamang.

"Tara na Erin, bago pa kita iligaw"

THE END