Chapter 6

"Ang lakas ng ulan . Ano ba ito! hindi pa natutuyo yung mga nilabhan ko"nadedepress na aniya ni Mae sa sarili Habang tinititigan ang loob ng cabinet niya sa boarding house. "Kailangan ko ng jacket". Napapabuntong hininga niyang sabi sa sarili nang may napansin siyang jacket na nakahanger sa dulo. Kulay itim yun na sa tansiya malaki sa kanya at may nnapansin siyang logo na nakatahi sa kanang dibdib nito. Isa itong agila na may huling maliit na ibon sa mga kuko nito. Tinititigan niya yung logo na ito na parang pamilyar sa kanya pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

"Hayyy naku pwede na ito" buntong hininga niyang sambit at sinuot ang jacket.

"Anong nangyayari? Nagtatakang sabi ni Mae sa sarili. Lahat yata ng tao ay nakatingin sa kanya mula sa pagpasok niya sa gate hangang sa paglakad niya ng building papunta sa klase niya.

Napansin siya ni Paul at napatutula habnag mayroong kinakausap"Oh my god"bulaslas ni Paul ng makita si Mae. “Paul bakit?” tanong ng kausap niya

"Kailangan masabihan si Mark"sambit nito. “Maiwan muna kita”at nagmamadali itong umalis para hanapin si Mark.

"Donna, Donna, Hindi ko maintindihan bakit lahat sila nakatingin sa akin"sabi ni Mae kay Donna na abalang abala sa pagbabasa sa loob ng klase.

Patuloy pa rin si Donna sa pagbabasa na sinagot siya"bakit naman?"

"Simula pagpasok ko sa gate hanggang dito"inikot uli ni Mae ang paningin sa buong klase na nakatitig sa kanya

"Anong ibig mong sabihin"na huminto sa pagbabasa at tinitigan siya "oh my god"gulat na sabo nito

"Bakit"

"yang jacket na suot mo bakit meron ka niyan" tanong ni Donna

"Ay ito. Nakuha ko ito nung isang araw nakatulog kasi ako tapos paggising ko andun na ito. Si manong ata ang nagbigay nito eh. Nalimutan ko na ibalik sa kanya nagkataon naman dahil sa sunod sunod na pagulan hindi pa natuyo yung mga nilabhan ko. Kaya sinuot ko muna ito at ibabalik sa susunod. Bakit may problem ba?.” Kinakabahan na tanong ni Mae

"Mae sa tingin mo ba sa ganda ng tela niyan. Kaya ni manong bumili. ng ganyang klase. Hindi mo ba talaga alam kung sino ang may ari niyan" sabi ni Donna habang sinisipat ang logo na makatahi sa kanang dibdib nito

"Hindi" sagot nito

"My god Mae ang logo na ito ay family emblem ng mga Aristakis. At dito sa campus iisa lang ang mayroon niyan" sagot ni Donna

"Mark! Mark!"humihingal na tawag ni Paul dito

"Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" nakaupo si Mark sa pinakadulong upuan sa library kaya hindi siya madaling mahanap. Nakasilent din ang cellphone niya kapag nasa library ito. Kaya nahirapan si Paul na hanapin siya.

"Bakit ano nangyari?"sagot ni Mark

"Pare bakit suot ni apat na mata ang jacket mo"

"What?" gulat na sabi ni Mark

"Yup hindi ako pwede magkamali ung family logo mo andun at saka ikaw lang naman ang meron nun kaya alam nglahat ng tao yun. Nagtataka talaga ako kung paano napunta sa kanya"

"Really.. it’s about time"sagot ni Mark at tinapik sa balikat si Paul. “See you later” sabay alis ni Mark

"Teka, teka Pare saan ka pupunta"tanong I Paul

"Well saan pa?" at tinahak ang daan papunta sa Hospitality management Building.

"Mark Aristakis" gulat na ani ni Mae. “Pero paano nangyari yun” nagtatakang tanong nito sa sarili.

'Donna hindi ko talaga alam kung paano nangyari iyon.. ang naalala ko lang paggising ko nasa akin na ito" paliwanag ni Mae kay Donna

"Saan ka ba natulog?"

"Well doon sa may abondanadong simbahan na may lawa.. eh ilang beses na akong pumunta doon wala namang tao"

"Mae... isang lugar lang iyon dito.. private property iyon ng mga Aristakis kaya walng pumapasok doon na iba. Halos lahat ng estudyante alam iyon but knowing you alam ko na hindi ka aware sa mga ganitong bagay. Alam mo naman na ang lupa nitong eskwelahan ay sa kanila di ba? pinatayo itong eskwelahan na ito ng mga ancestors ng Aristakis so mostly kanila lahat ito."paliwang ni Donna

"and speaking of the devil’ Nakita ni Donna sa may pinto na nakatayo ang taong pinaguusapan nila at lumapit ito.

"Agape Mou Hello" sabi ni mark.."Donna right, hiraman ko muna to" sabi nito sa natutulalang si Donna.

"HA"natutulalang sabi ni Mae. At hinatak siya ni Mark palabas ng klase.