Chapter 5
"Mark pakipaliwanag nga ano ang ginagawa natin dito sa entrance ng ganito kaaga"reklamo ni Paul"Mamaya pa yung klase natin ah”. dagdag nito
"You are my friend right.. ngayon lang ako nanghingi ng pabor sayo"
Nakatayo sa main entrance ng university si Mark at Paul. Napinagtitinginan ng lahat na pumapasok sa unibersidad dahil bukod sa kilala ang dalawa naggwawapuhan pa.
"Tama okay.. okay.. pero ang hindi ko maintindihan is bakit tuwing umaga ginigising mo ako para samahan kita dito.. ni hindi ko alam o kilala kung may inaantay ka ba sa isa sa mga babaeng dumadaan dito. and pare these days you are acting weird.. every morning andito tayo.. lunch break sa cafeteria and nasa building hall 2 tayo na di naman natin dating ginagawa... well i don’t mind maraming nagagandahang babes sa hospitality department"sabi nito “Mark Mark nakikinig ka ba sa akin.. angil ni Paul ng nakitang wala ang atensyon ng kaibigan sa kanya kundi nasa babaeng dumadaan.
Napapangiti si Mark habang sinusundan ng tingin ang babaeng lakad takbo ang ginagawa. Hindi tulad ng ibang babae na nililingon sila samantalang ito hindi man lang sila tinipunan ng tingin.
"Paul let's go"
"Ha.. okay na .. ang dumaan lang naman dito ay si apat na mata.. Mark.. don’t tell me"
"There is nothing to tell.. let’s go "sagot ni Mark
Samantala, isa sa mga klase ng Hospitality Department
"Andito na naman sila"tili ni Macy
"Hindi ko maintindihan pero lagi na silang tumatambay sa campus natin"sagot ng isa nilang kaklase
"Baka meron silang binabakuran dito"kinikilig na sambit nito
"Sino kaya?"
"Mae yung grupo nila mark lagi na lang sila nakikita na nasa entrance nang university tuwing umaga.. tapos lagi silang nakatambay sa campus natin at sa cafeteria kaya lahat ng tao ay nagtataka. No wonder yan ang pinaka hot topic ngayon dito" kwento ni Donna. at tiningan sa Mae na abalang abala sa pagbabasa na para bang walang pakialam sa nangyayari.
"Ayy naku bakit ko pala sinasabi sayo wala ka naman interes sa ganitong mga bagay"buntong hiningang sabi ni Donna sa sarili.
‘Mae pwede ba maging updated ka naman. Alam mo naman basta pangalang Markus Aristakis AKA Mark ay for sure number topic.”sabi ni Donna
“Donna, Alam mo naman na wala akong oras sa mga ganyang usapan. By the way wala rin naman akong makukuha diyan. Pabayaan mo na lang sila ang mag aksaya ng panahon diyan.” sabay nguso sa grupo nila Macy na hindi pa rin tumitigil sa pagtitili at kilig na kilig na akal mo ay katabi ang lalaking pinaguusapan nila.
“Okay, Okay! I give up!”Wala nang nagawa si Donna at lumabas na lamang.
Umiling na lang si Mae at dumungaw sa bintana. Doon nakita niya ang lalaking pinaguusapan nila na nakaupo sa bench. Tinitigan niya ito mula sa alon alon nitong itim na buhok hanggang sa mukha nito na concentrate na nagbabasa na tila napakaimportante ang binabasa nito. Sa poloshirt nitong dilaw na nababakas ang magandang pangangatawan nito at maong na pantalon na alam niya nahindi biro ang presyo ng mga sinusuot nito. Sa kabila ng mataas na katayuan nito sa buhay mas pinili nito na magsuot ng simple. Alam niya sa status nito hindi nito papansiin ang mga tulad niya.
Hindi maintindihan ni Mark pero pakiramdam niya ay mayroon nakatitig sa kanya. Sanay naman siya na tinitigan ng mga babae pero iba sa pagkakataong ito. Huminto siya sa pagbabasa at tumingala at doon naglandas ang kanilang mga paningin at nginitian niya ito. Namumula ang pisngi ni Mae na biglang tumalikod.
"My god nakita ba niya ako"bulong ni Mae sa sarili
"Soon"napapangiti sabi ni Mark.