Chapter 4
"Padating na si Mike yeheyyy!"sigaw ni jason
At saktong tumunog na ang doorbell. Binuksan ni Mae ang pintuan at doon nakatayo si Mike na may dalang bulaklak at take-away bag galling sa kilalang caterer na may kasamang ngiti na nakakatunaw.
"For new friendship"sabay abot nito ng bulaklak sa kanya "and contribution ko"abot uli ng take away bag
"Hindi ka na dapat nagabala pa simple lang naman ang pagkain barbeque, sandwich iba kasi ang version na night camping ni Jason.. mag games .."sabi niya habang naglalakad sila patungo sa garden ng mga Ramires.
"Uncle , uncle Mike look tinulungan ko si Aunt Mae maghanda ng mga yan.. let's eat tagal mo eh gutom na ako"sabay hila sa binata at pinaupo sa tabi nito.
Lumipas ang gabi nila na kumakain, naglaro ng games tulad ng tumbang preso, taguan at card games walang sawang kwentuhan at tawanan hanggang dalawin na ng antok si jason.
Nakaupo si Mae at Mike sa isang blanket na nakapatong sa damuhan habang si jason naman ay natutulog na nakaunan sa kandungan ni mae. Nakatingala sila pareho sa langit at ninamnam ang katahimikan ng paligid.
"He really likes you"sabi ni Michael sabay haplos sa ulo ni Jason
"Yeah.. i like him too.. wala kasi akong kapatid namatay ang mga magulang ko sa aksidente.. kinupkop ako ng tiyahin ko sa probinsiya at nagpapasalamat ako doon.. sa kabila ng lahat ng nangyari mapalad pa din ako ngayon malapit na akong makatapos at magtatayo ako ng sarili kong restaurant eh ikaw”
"I write songs"
"Talaga"
"Someday i will write one for you"
"Gusto ka yan"
"Muntik ko ng malimutan"ani ni Michael
"Ang alin"
"To appreciate things.. katahimikan. real laughter and real conversation with a woman.."
"Talaga "
"Yup.. if i ever go out in a date it will be a failure in my part kung hindi ko sila nadala sa kama ko.. this is the first time"
"At least ngayon new experience sayo"nakatawang sabi ni Mae.
Katahimikan uli
"Mae"
"Hmmm"
"Will you promise me"
"Ano"
"Bigyan mo ako ng 2 weeks then magkita tayo uli"
"Bakit 2 weeks pa?"
"Meron lang akong tatapusin then babalikan kita"
Hindi maintindihan ni Mae ang ibig mitong sabihin pero tumango siya
"ano ang favorite song mo"
"Falling slowly or volcano"
"Talaga .. paborito ko rin ang nga awiting iyan.. pero alam mo matagal na ako hindi nakakagawa ng kanta"
‘Bakit?”
“Hindi ko rin alam.. pero sa tingin ko rmagkakaroon na ngayon”
“Talaga, wannabe song writer ka pala.” natatawang sabi ni Mae.
“If you only knew”pabulong na bigkas ni Mike sa sarili.
"Siya ung kantang falling slowly ang kakantahin ko para sayo. Once in a lifetime performance ito kaya you are one lucky woman"
" siya siya"
At nagumpisang kumanta si michael sa ilalim ng gabing iyon.