Chapter 3
"Auntie Mae! Faster!"kulit ni Jason kapatid na bunso ni Macy.
Kada weekend ay nagbabysit siya sa bunsong kapatid ni Macy na si Jayson na tatlong taon gulang sa pangitngit ni Macy dahil hindi daw dapat siya nag magalaga sa kapatid nito. Ginawa nito ang lahat at kinausap nito ang ma magulang na paalisin si Mae. Na hindi naman sinangayunan ng magulang dito sa kadahilangng nirekomenda si Mae ng kakilala nito at magkasundo sila ng anak nito. Wala nang nagawa si Macy at binalaan si Mae na wala dapat sa kaklase nila ang makaalam nito. Espesyal ang linggong ito magouout of town ang pamilya ngunit hindi nila pwede isama ang batang si jayson kaya doon muna siya sa mansion ng Ramirez sa buong dalawang araw.
"Sandali lang Jayson tapusin ko lang itong niluluto then, aalis na tayo papuntang park okay!" sagot niya sa bata.
"Yeheeyyy"sigaw na tuwa ng bata habang nagtatakbo palabas ng kusina.
Bumalik si Mae sa pagluluto na hindi niya napansin na pumasok si Macy sa kusina.
"Well well well look who's here... apat na mata.."nakapameywang na sambit nito.
"Hi Macy good morning!"
"Well dito ka para magbabysit na naman.. ano ba nakapagtataka doon. Hindi ko maintindihan kung bakit ka pinagkakatiwalaan ni mama at papa anyway make sure lang na wala mawawala dito.. naku mahirap na"
"Macy kung wala ka nang sasabihin pa pwede ko ba akong iwan sa ginanagawa ko at tumatawag na ang mga magulang mo paalis na ata kayo." Na saktong pumasok si Mrs. Ramires na hawak ang anak nitong si Jason.
"Mae, aalis na kami ikaw na bahala kay jason ha at sa bahay andiyan din sila nanang kung may kailangan ka in case of emergency alam mo naman kung paaano kami makokontak.
"Yes mam ingat po kayo"
"Hayyy kung hindi lang sana kami kailangan doon for two days alam mo naman ang papa nila it’s business"
"Opo mam wala pong problema"
"Jason pakabait ka ha." Sambit nito sa anak
"Yes mama"
"O siya aalis na kami. Macy tara na"
"hmmp"nakasimangot nitong sabi at sinundan ang mama niya.
"Auntie Mae let’s go they already left. Your Promise."
"Okay, Okay, itong batang ito talaga. Tapos na ako let’s go to the park"
Ang mansion ng mga Ramirez ay nasa isang sikat na subdibisyon na tanging mayayaman lamang ang nakatira. Nagumpisa siya magbabysit sa mga Ramires nung nakaraang taon ng irekomenda siya ni Nanang ang matandang katulong sa mansion ng mga Ramires. Kakilala kasi ito ng nanay niya nung ito ay nabubuhay pa. hanggang tuluyan nang napamahal na sa kanya ang bata kaya tuwing wala siyang pasok or kailangan ng mga Ramirez na magout of town siya agad ang tinatawagan ng mga ito.
"Jason anong gusto mong laruin ?"tanong ni Mae habang magkahawak kamay na naglalakad patungo sa playground
"Touch ball"
"Okay"
"Michael, I am telling you this place is the best. Hindi basta basta makakapasok ang mga paparazzi dito" paliwanag ni George kay Michael ang manager na sikat na rock band na The Rock Village or TRV.
"It’s been 2 years Michael till now wala pa rin tayong naproproduce na original song and all the fans are dying for your comeback"dagdag nito
Si Michael Torrentes head vocalist and song writer ng kilalang rock band na “The Rock Village”. Ang bandang ito ay isa sa pinakilalang banda sa buong Asya. Ang mahabang buhok nito na lampas balikat na tinali sa likod ay isa sa dahilan na lalong nagpatingkad ng badboy look nito na nagpapatili sa mga kababaihan sabayan pa ng talento sa pagsulat at pagawit kaya hindi nakapagtataka ang kasikatan nila sa ibat ibang panig ng asya. Ngunit dahil sa pangyayari nung 2 taon na ang nakakaraan hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nagagawang original na kanta.
"I know, George pero anong magagawa ko till now wala akong makitang inspirasyon"sabi nito habang nakatingin sa bintana ng sasakyan."maybe something will happen this coming days"
"Sana nga"ani ni George at binalik ang atensyon sa hawak na laptop.
"Drop me here. Ito yung clubhouse nila di ba.. impressive..”habang tinatanaw ang mga nagtatayuang mga puno at parke na pangbata.
Tumigil ang sasakyan at bumaba siya.
"Sigurado ka."tanong ni George
"Yup. tawagan na lang kita later pag pabalik nako sa bahay.. we never know maybe my inspiration is here."nakatawang biro pa nito. Habang lumalakad papunta sa club house.
"Auntie Mae are you ready?" sigaw ni Jayson
"Yes. Ito na make sure na masalo mo ito ha."
"Give your best shot"
Hinawakan ni Mae ang bola bumuwelo at binato. Di sinasadya na napasobrang lakas ang bato niya na lumampas kay Jason at tinamaan sa mukha ang lalaking dumadaan.
"Ouch"ani ni michael na napahiga ng tumama ang bola sa mukha nito.
Patakbong lumapit si Mae at Jason dito.
"Okay ka lang?" Nagaalalang sambit ni Mae na lumuhod sa tabi niya at sabay sipat sa noo niya.
Pagsasabihan sana ni Michael ang babae pero nang tingnan niya ito na gahibla ang pagitan ng mukha nila sa kabila ng makapal na salamin nito ay nakatago ang most expressive eyes na napapalibutan ng makakapal na pilantik ang nakita niya na ngayon ay masasalamin ang pagaalala. Mallit na matangos na ilong at mapupulang manipis na labi. Hindi kailangan nito ng kahit anong kolorete sa mukha. She is striking in her simple beauty.
"Ok lang ako."natutulalang sagot niya.
"Mr. Mr. are you okay?"nagaalalang tanong ni Jason
Para itong naalimpumgatan na nagising sa panaginip
"Yes young man, what is your name?" tanong niya habang tumatayo at tinulungan si Mae.
"I am Jason and she is my Aunt Mae. you?"
"My name is Mike" pakilala ni Michael habang hawak pa rin ang nasaktang noo.
"Pasensya na talaga napalakas ang hagis ko."hinging paumanhin ni Mae
"Walang problema kasalanan ko din hindi ko tinitingan ang dinadaan ko"nakangiti nitong sabi."hindi niya ako kilala"bulong niya ssa sarili. hindi niya alam kung matatawa siya o maiinsulto. Siya ang kaunaunahang babae na hindi nagtitili or nagpapakuha ng litrato ng makita siya.
"Aunt Mae magninight camping tayo mamaya bakit hindi natin siya isama the more the merrier kasi dalawa lang tayo."sabi ni jason
"Pero Jason bka may pupuntahan si Mike or bka hindi siya available and Jason we do not invite strangers."sagot ni Mae
"Jason"lumuhod si Michael sa harapan ng bata at ipinaliwanag nito "tama ang Auntie Mae mo hindi ka dapat basta basta nagiimbita ng mga taong hindi mo kilala. However, since nagpakilala nko hindi na tayo strangers do not worry I’m available today. Punta ako sa inyo mamaya"
"Mike hindi mo naman dapat" sambit ni Mae na hindi na natapos dahil sumabat si Mike
"You owe me for this, sabay turo sa maliit na bukol sa noo niya, Beside it will be my pleasure. Mae. I’ll be there at 7. nakatira din ako dito and since my bukol nko let's play ball"nakatawa nitong sabi sabay hatak kay jason.
Natatawa na lang na sumunod si Mae.