Chapter 2

"Mae tapos na nag klase natin 2 hours pa before our next class saan ka pupunta"tanong ni Donna

"Well kailangan ko mag-aral for exams"aniya

"Okay see you later may dadaanan pa ako"sagot ni Donna

Ang St. Vincent University or SVU ay isa sa presthiosong Uniberdidad sa lugar nila tangging mayayaman lang at mga anak ng pulitiko ang may kakayanan na makapasok dito. Mula sa gate hanggang sa kaliit liitang detalye ng eskwelahan na ito ay top of the class. Maswerte si Mae ng naglabas ng scholarship program ay nakapasa siya.

Hindi masyado maraming tao sa daanan dahil halos lahat ng estudyante ay may klase pa. Ang maga matataas na nagtatayuang mga puno sa magkabilang parte ng kalsada ang mga bulaklak at ang landscape ng eskwelahan ay isa sa pinakamagandang pasilidad dito. May tinatawag na secret place si Mae nahanap niya ang lugar na ito na minsan na naligaw siya. Sa pagitan ng nagtatayuang puno at damo may parte na kung saan pagbinaybay mo ay mapupunta ka sa lugar na liblib dito makikita mo ang isang luma at maliit na simbahan na may maliit na lawa sa tabi. Dito siya pumupunta pag gusto niya magrelax at magaral. Malayo sa ingay at istorbo ang maririnig mo lang ay ang kuliglig ng mga ibon at hampas ng hangin. Dito ay para siyang nasa munting paraiso.

Pumasok si Mae sa maliit na simbahan at nagdasal.

"Diyos ko marami pong salamat sa lahat ng biyaya mo sa akin. Sana hindi kayo magsawa."bulong niya

Lumabas siya at umupo sa upuang kahoy na malapit sa lawa pwede hanggang pangaapatan na tao ang umupo.

"Hayyy ang sarap ng hangin at ang ganda hanggang ngayon hindi ako magsasawa sa lugar na ito" bulong niya habang iniikot niya ang kanyang paningin sa palibot na parang minimemoryado ang bawat puno at halaman sa paligid. Nagpapasalamat siya dahil sa kabila ng moderno nilang paaralan hindi man lang nasira ang lugar naito. Sa una ay nagtataka siya kung bakit wala man lang tao dito tuwing siya ay nagpupunta.

"May oras pa naman makapagpahinga muna"sabay tingin sa relo niya. "Kahit ilang minuto lang" naghihikab niyang sambit, tinggal ang salamin at pinatong sa katabing kahoy na mesa at humiga. Maya maya nakaidlip na siya.

"Iba si coach ngayon at masyadong istrikto sa practice natin" nakasimangot na sabi ni Paul. Kaibigan ni Mark habang naglalakad sa daanan galing sa basketball court.

"Hayaan niyo na malapit na kasi ang varsity game" sagot ni Mark habang hinahagis ang bola.

"Hayy naku.. andito ka naman ano ba ang pinangangamba niya. Granted na matagal ka na hindi naglalaro. pero pare magaling ka pa din. Minsan nga tinanaong ko ang nanay ko asan ako ng nagsabog ang diyos ng talento.. pero grabe walng tatalo sa fans club mo pare halos sumakit na ang tenga ko sa katitili nila"sabay tapik sa balikat ni Mark

"Ano ka ba pre, nila lang mo lang ang sarili mo.. sa dami ng kompanya ng lolo at tatay mo wag mong maliitin"

"Siya siya we are the rich, handsome boys" tawang sagot ni Paul.

"Ay mauna pala ako sa inyo"paalam ni Mark.

"Bakit Mark saan ka pupunta?" takang tanong nito

"May bibisitahin lang ako andito ako for six months pero hindi ko pa rin napuntahan ung dapat na puntahan ko"

"Ganun ba sige kita na lang tayo mamaya"

Humiwalay si Mark at tinahak ang daanan kung saan may naglalakihang puno at matataas na damo. Isa ito sa pribading daanan ng mga Aristakis. Halos lahat ng tao sa Unibersidad ay alam ito kaya walang sinuman ang nagkaroon ng lakas ng loob na pasukin ito.

"Hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito"bulong nito sa sarili hanggang makita niya ang maliit na abondonadong simbahan at ang katabi nitong lawa.

"napakaganda pa rin talaga dito"napapangiti nitpng sambit at naalala ang mga panahong maliit pa siya. isa ito sa lugar na paboritong pasyalan na kasama ang Papa niya. noong ito ay nabubuhay pa. Dito siya madalas dalhin nito para turuan ng kung ano ano tulad ng pagbibisikleta o larong taguan. Nang napadaan ang kanyang paningin sa may lumang upuan at napansin na may biglang gumalaw doon.

"Ano yun" bulong niya habang dahan dahan siyang lumapit sa upuan at doon nakita niya ang isang babae na natutulog.

"My god!" Sambit nito. Dahan dahan niyang tiningnan ang magandang babae na natutulog sa sopa. Mula sa malilit nitong paa paakyat sa makinis nitong binti na lumbas dahil sa nalislis nitong palda sa dahan dahan pagtaas at pagbaba ng dibdib nito dahil sa paghinga hanggang sa mukha nito na napapaligiran ng natural na kulot na buhok. Pilikmata na mahahaba ang pinong makinis na kutis maliit na matangos na ilong at sa mapupula nitong labi na . bahagya na nakabuka na tila nagaanyang halikan. Hindi siya humihinga habang tinititigan ang babaeng na para bang isang larawan na para sa mata niya lang.

Dahan dahan siyang umupo sa harapan nito at tinitigan ang natutulog nitong mukha sabay sambit

"Agape mou at last I've found you." Nakangiti nitong sabi. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili kinuha ang celphone at kinunan ang mukha ng natutulog na babae.

Nanaginip si mae na may isang lalaki na nagsabi sa kanya "at last I've found you" at hinalikan siya.. isang napakagandang panaginip ayaw na niyang magising.

"Hmmm"naalimpungatan niyang sambit habang dahan dahan niyang binubukasan ang mata niya ay parang mayroon siyang naaninag na anyong palayo ngunit likod na lang nito ang naaninag niya."nanaginip pa ba ako" hindi niya mawari kung nanganip ba siya dahi hindi niya suot ang kanyang salamin ay malabo ang kanyang paningin. Hindi niya ito masyadong makita dahil hindi niya suot ang salamin. "Anong oras na?" habang inaabot niya ang salamin niya sa mata at sabay tingin sa relo . "Ayyy late na ako" sabay balikwas ng tayo ng biglang may jacket na nahulog sa may paanan niya.

"Kanino ito. wala naman ito kanina ha. may ibang tao dito"nagtatakang sabi niya sa sarili "Aay baka si manong nakakahiya nakita pa akong natutulog" hagikgik niyang sabi sa sarili na ang tinutukoy ay ang hardinero nila sa eskwelahan. Nagmamadali na inilagay ang mga gamit at jacket sa bag. Sabay lakad takbo na umalis sa lugar na iyon. Hindi niya napansin ang taong nakatayo sa isang puno.

"I will see you, Agape Mou"nakangiti nitong sabi.