Chapter 10

"Sister Kristine, musta na po kayo matagal po tayo hindi nagkita"sabi ni Mae at nagmano sa matandang madre na nagpapatakbo ng bahay ampunan. Tuwing may libreng oras si Mae pumupunta siya dito at kusang nagvovolunteer minsan para magluto o magbasa ng mg kwento sa mga bata. Ang bahay ampunan na nito ay kumukupkop ng mag batang inabandona ng mga magulang simula pagkasilang.

"Medyo busy lang po sa school at trabaho"

"Mae walang anuman iyon. Alam ko marami ka pang dapat gawin at isa pa malapit ka ng magtapos kaya nararapat lang na ibuhos mo ang oras mo sa pagaaral"pangaral ng madre kay Mae.

"Opo."

"Tamang tama pala na naandito ka dumating yung principial benefactor natin kaya excited ang lahat."

"Yun pong pinakamalaki magdonate ng pera sa ampunan natin"

"Oo at ipalakilala kita halos magkasing edad lang kayo.. aba Mae malay mo ito na ang hinihintay mo ha kailangan din minsan may ibang taong nagaalaga aa atin"kinikilig na banggit ng madre

"Si sister talaga hanggang ngayon ba naman. Ayan ang napapala niyo kababasa ng pocketbook."natatawang sabi ni Mae

"Mae hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa na makakakita ka ng taong magmamahal talaga sa iyo. Naniniwala ako na ang diyos ay may itinakda sa bawat tao na magamahal sa kanya lalo na sa mga tulad mo na may mabuting kalooban”

"Halika na ng sister at ipakilala mo sa akin itong sinasabi mo na baka ito na ang inaantay ko"natatwang sabi ni Mae.

Pumunta sila sa hardin kung saan may maliit na palaruan para sa mga bata at doon ang isang lalaki na nakikipaglaro sa mga bata. Ang malapad nitong balikat at magandang pangangatawan ay bakat sa suot nitong simpleng tshirt at pantalon.

"Pamilyar sa akin itong taong ito.. bulong ni mae sa sarili habang titig na titig sa lalaking nakatalikod at unting unti pumasok sa isip niya ang katotohanan na ang lalaking nakikipaglalaro sa mga bata ay walang iba kundi si"Mark Aristakis" gulat na sabi niya”Paanong..” hindi makapaniwalang sambit niya sa sarili dahil ibang iba ito sa pagkakakilala niya.

"Sister siya ang major benefactor"tanong ni Mae sa madre na hindi inaalis ang paningin sa lalaking nakatalikod.

"Oo si Mark Aristakis. Matagal na nagdodonate ang mga Aristakis sa atin. Simula ng mamatay ang lolo niya ang akala namin mahihinto na pero ipinagpatuloy ng apo. Alam mo ba napakabait ng batang yan at gustong gusto siya ng mga bata."paliwanag ng madre

Binalik uli ni Mae ang paningin kay Mark kung saan buhat niya ang isang bata habang hinahabol ang isa pa. Ang halakhak nito ay parang musika sa pandinig niya. Sino ang magaakala na si Mark Aristakis heir to Aristakis Worlwide ay simple at mahilig sa mga bata. Tamang tama at lumingon si mark at nakita si mae kasama si sister Katherine at ngumiti ito na pasarkastiko.

"Mr Aristakis siya yung sinasabi ko sayo na pupunta ngayon na isa sa mga volunteers hanggang ngyon ay single pa"

"Sister!"saway na sabi ni Mae

"Well not for long sister"

"Mark"

"Kilala niyo ang isat isa"

"Yes sister actually siya yung kinukwento ko sa inyo"

"Alin yung babae na hindi binibigyan pansin ang mga ginagawa mo at yung matigas ang ulo. Si Mae yun"gulat na sabi ng madre.."aba mae mahiya ka naman at pinahihirapan mo pa itong binata na ito. Ano pa ba ang hahanapin mo"sabi nito kay Mae

"Sister!

"Mabuti pa at magusap muna kayong dalawa at makapagpahinga ka muna Mark mamaya kakain na tayong lahat.. mga bata sunod kayo lahat sa akin"

"Yes sister"sabay sabay na sagot ng mga bata at sinundan ang madre.

"Aristakis"

"Ano"

"Hindi ko subok akalain na may tinatago kang lihim na ganito"

"Actually ang lolo ko ang principal benefactor dito ng mawala diya tinuloy ko lang at saka gusto ko ang mga bata"

"Pareho pala tayo.. wala akong kapatid ng maulila ako sa magulang ko gusto ko makatulong sa iba kahit sa maliit na bagay tulad nito"

"ibang iba la talaga sa mga babaeng nakilala ko agape mou.. at hinawakan ang hibla ng buhok niya.. hindi ako nagkamali ng pagpili "

"Mark" hinawakan siya nito sa pisngi sabay halik sa noo niya"tara kain na tayo at tumatawag na si sister and tulad ng sinabi ko sayo nuon you belong to me Mae.. to be with you is a matter of choice and you are my choice"kumakaway ang madre mula sa may pinto. Tumayo si Mark at nilahad ang kamay sa kanya.”let’s go”

Nagaalangan man inabot ni mae ang kamay niya dito at tumayo na din. Mahigpit na hinawakan ni Mark ang kamay niya at sabay silang pumasok sa loob.