Chapter 11
"Mae Mae"humihingal si Donna nna nilapitan si mae sa classroom
"May ticket ako magyroong exclusive concert ang The Rock Village dito.. makikita ko na rin si Michael"kinikilig na sabi nito
"Eh di maganda"
"Maganda Maganda yan lang ang masassbi mo hindi mo alam ang hirap na dinanas ko para makuha lang ito kailangan mong magpabook in advance last year ko pa pinareserve ito. Mayroon akong dalawang ticket at sasama ka sa akin"
"Donna ayan ka na naman"
"Mae himdi na naman siguro mangyayari ung nangyari before.. hindi ang tulad ni Mark Ariistakis ang pupunta sa ganitong klase okay.. at kung magkita kayo ano naman.. wala namang nangyari di ba.. o may tinatago ka sa akin"
"Donna! at naalala ang halik na pinagsaluhan nila..:wala okay"namumulang pisnging sagot ni Mae
"Hmmm"
"Okay okay sasama na"
"Yeheyyy the best ka talaga"at niyakap siya ni Donna.. napapangiti na lang si Mae
"Mark achooo...."
"Paul ok ka lang"
"Kailangam lo ng tulong mo. Samahan mo naman si Patricia mamaya.. masama lang talaga ang pakiramdam ko.. manoood ng concert eh hindi papayagan ni daddy yun nanag hindi ako kasama.. baka pwede ikaw muna ang sumama nsa kanya"
"Paul alam mo naman na hindi ko gusto yung mga ganyang banda”
"Please pare i owe you one.. magkita na lang kayo ng kapatid ko"
"Ok pare" it will be a long night bulong nito sa sarili.
"Mae dali" hatak nito kay Mae habang sumusingit sa mga taong nakatayo."para makahanap tayo ng magandang pwesto.. ang tagal mo. kasi nauumpisa na silang kumanta" nakasimangot na sabi ni Donna
"Sorry na"hinging paumanhin ni Mae. Nangako siya kay Donna na sasamahan ito at sa hindi inaasahang pangyayari puno ang café at hindi siya agad nakaalis.
"Ayyy"tili ni Donna habang pianapanood ang pagkanta ng banda na nasa entanblado. Napapatawa na lang si Mae sa kaibigan. Sino ang magaakala sa inaasal nito ay isa itong anak mayaman at most sought after bachelorette. Nang biglang huminto sa pagkanta ang head vocalist at lumapit sa mga bandmates niya.
"Kuya Mark salamat at sinasimahan mko" sabi ni Patricia ang nakababatang kapatid ni paul. Nasa VIP section sila na nasa pangalawang palapag. Sa parte na ito may sarili silang lamesa at kitang kita ang stage."paborito ko kasi ang bandang ito"
"No problem kiddo"at masuyong ginulo ang buhok nito
"Kuya hindi na ako bata and i am 14 years old pareho kayo ni kuya Paul eh"nagrereklamong sabi nito.."bakit sila huminto" nagtatakang sabi nito habang tinitig na titig sa stage kung saan ang head vocalist ay nakatalikod. Maya maya pa nagsalita na ito.
"Sorry for the interruption.. since 1st time nanin kumanta uli dito after 2 years.. gusto namin kayo sopresahin.. i will song a song na isang revival para sa upcoming album.. and this song is dedicated to one of you” nakangiting sabi nito.
"Donna sumasakit na ang tenga ko sa katitili mo..." saway ni Mae sa kaibigan na hindi na nahinto ang pagtitili simula pa kanina.
"Mae kanino kaya yung dedication ng kanta ayy sana sa akin" nangagarap na sagot nito.
"This song is dedicated to Mae Cavillas"sabi nito
"Mae para sayo.. paano nangyari" nagtatakang tanong nito sa kaibigan.
"Ha"gulat si Mae at sabay na tumutok ang spotlight sa kinatatayuan niya.
"Mike"sambit ni mae at nagsimulang umawit ito.
Napatulala na lang ai mae habang nakatitig kay Mike at naalala ang pinagusapan nila ng huli silang magkita
Ano ang ginagawa mo
I write songs someday ill write for you... will u promise me.. wait for 2 weeks at babalikan kita
Hindi makapaniwala si Mae na ito ang Mike na nakasama niya noon. Ang lampas balikat nitong buhok ngayon ay nakalugay na lalong nagbigay sa aura nitong boyish. Ibang iba sa Mike na nakilala niya noong dalawang linggo na ang nakakaraan. Ramdam na ramdam mo ngayon sa paraan ng pagawit nito ang mensaheng nais nito. Titig na titig ito sa kanya habang umaawit na para bang wala itong pakialam sa mundo na para bang para sa kanya lang ang awit na iyon.
“Ms. Cavillas” naalimpungatan si Mae na lumingon sa taong tumawag sa pangalan niya. Isa itong lalaki na nakaamerikana. May edad na din at salamin sa mata.”ako ang manager ng The Rock Village you can call me George.. at last nakilala na din kita” nakangiti nitong sabi kay Mae..”this way please.. follow me.”. sabi nito sa dalawang dalaga na nagkatinginan na lang
"Mae Cavillas, kuya Mark kung hindi ako nagkakamali hindi ba iyon yung babaeng gusto mo"sabi ni Patricia na nagtataka kung paano nito Nakilala ang sikat na vocalist ng banda...”my god kuya kung magkakataon hindi biro ang karibal mo.. pareho kayo na gwapo.. mayaman.. popular name it.. sana ako na lang si Mae.. tsk tsk tsk good luck”.. umiiling na sabi ni Patricia kay Mark. Napatiim bagang si mark habang nakatingin sa stage.