Chapter 6

Chapter 6

"I'm hungry, baby..."

Umarko ang kilay ko sa narinig mula sa lalaki. Mabilis kong kinalas ang braso niyang nakapulupot pa rin sa akin. Kaagad naman akong nakawala kaya mabilis kong hinarap ang bruho. Nang makita ko ang mukha niya ay talaga nga namang nanginig ang buong katawan ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa galit!

Galit ako dahil naaalala ko na naman ang garden kong inagrabyado niya!

I raised my right brow at him before crossing my arms. Nakita ko pa kung paano nito sinundan ang mga galaw ko bago napatingin sa aking mukha. Kaagad na lumambot ang mukha nito, parang asong nagpapaawa pero hindi naman ako naaawa! Mas lalo lang kaya akong nairita!

"Kumain ka mag-isa mo. At dahil inantala mo ang dapat sana'y paglilinis namin ng mga kasambahay kanina, ikaw na ang tumapos nito! Ligpitin mo at hugasan mo ang mga plato!" Maldita kong pang-uutos rito, itinuro pa ang ibang platong nasa lamesa pa rin. Buong akala ko ay aangal ito ngunit puno ng pagpapasensiya lang itong bumuntong-hininga.

His ocean blue eyes shows how tired he is but I stayed still. Hindi ako pwedeng lumambot! No way! Hindi ako kasing-lambot ng mamon!

I narrowed my eyes at him even more.

"Fine, baby. But, wala ng food? The one you cooked?" napapaos at mahina nitong tanong sa akin.

Sumimangot ako. "Wala na! Inubos na namin lahat! Kita mo ngang ang dami naming kumain eh!" Saad ko. Nakita ko ang pagka-lukot ng kaniyang mukha. Bumakas pa doon ang sakit ngunit parang namalikmata lang naman yata ako dahil kaagad na nawala 'yon.

I sighed. Tinalikuran ko na ito. "Linisin mo 'yan, ah." Huling saad ko bago tuluyang lumabas ng kusina.

Umakyat na ako sa itaas at kaagad na pumasok sa guest room. Pinalinisan ko ito kanina sa isang kasambahay dahil ayaw kong magsama kami ni Lexus sa iisang kwarto. Sa kwarto niya, kumbaga. Ayaw ko doon dahil naaamoy ko siya sa buong sulok.

Dahil tapos naman na akong maligo kanina ay naghilamos nalang ako at nag-toothbrush bago humiga sa kama.

Napatitig ako sa puting kisame at inalala ang mukha kanina ni Lexus. Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa nang sabihin kong wala nang pagkain dahil naubos na namin. Nagi-guilty ako at hindi ko dapat iyon maramdaman!

I sighed.

Naiinis kong sinipa ang comforter na nakatakip sa akong katawan habang mariin pa rin ang titig sa kisame. Iritado ko itong dinuro habang ini-imagine ang mukha ni Lexus doon.

"Kasalanan mo rin naman kasi! Ayan tuloy! Bakit kasi hindi mo inalagaan ang garden ko?!" pasigaw kong saad. Kumunot ang noo ko at bumangon. Sumandal ako sa kama at mahinang hinila ang buhok.

Am I too heartless for doing that to Lexus? Wala na nga siyang makain tapos pinagligpit ko pa ng mga pinagkainan namin?

I close my eyes tightly.

Ang mukha ni Lexus kanina... naglalambing siya. Mukha na siyang gutom na gutom. He look so tired too. At parang gusto niya ring lutuan ko siya...

I bit my lower lip.

Ang sama sama ko! Ang sama sama ko naman para gawin iyon kay Lexus! Naiiyak ako pero...

No!

Mas mahaba ang pride ko kaysa sa Mt. Everest! Hindi ako magso-sorry! Bahala siya sa buhay niya! Dapat siyang magtiis dahil kinidnap niya ako!

Tama!

Napatango ako at kaagad na humiga sa kama. Ilang minuto ko pang tinitigan ang puting kisame hanggang sa dahan-dahan nalang akong nilamon ng antok.

Kinabukasan ay alas otso na ako ng umagang nagising. Siguro nga ay pagod na pagod ako kahapon dahil ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang pamamanhid ng buong katawan ko.

Sobrang bigat kaya ng mga binuhat ko kahapon!

Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay tahimik ang buong mansyon.

My eyebrows furrowed. This is so unusual. Usually kasi ay nakakalat na sana ang mga kasambahay dito ngayon pati mga bodyguards.

And where's the Triple A?!

Pumasok ako sa kusina at muntik nang mahimatay nang makitang puro basag lahat ng gamit! What the hell?!

Bubog ng mga babasaging plato at baso ang nasa sahig.

I told Lexus to clean the...

My jaw clenched. Ang bruhong iyon?! Porket mayaman ay talagang magsasayang siya ng mga gamit?! Ganon nalang?! Babasagin niya lahat ng gamit niya porket marami siyang pambili?!

That spoiled rotten brat Montgomery!

"RIZA!!!!!!" Sobrang lakas ng pagkakasigaw ko na mukhang umabot yata sa kabilang siyudad iyon. Maya-maya pa ay narinig ko ang mabilis na yabag pababa ng hagdan. Lumabas ako ng kusina at kaagad na sumalubong sa akin ang namumutlang si Riza, hinihingal pa ito at mukhang nagmamadali talaga sa pagbaba.

"Nasaan ang amo mong magaling, huh?!"

"P—po? Si Young Master po?!" Nairita kaagad ako sa pautal-utal nitong tanong. Malamang! Sino pa bang ibang amo niya dito?!

"Malamang, Riza! Iyong amo mong pinaglihi yata sa sama ng loob ay nagwala na naman at lahat ng mga gamit sa kusina ay gulong-gulo! Ang mga baso at plato ay basag! Lahat ng bubog ay nasa sahig! Ano?! Panibagong lilinisin na naman?! Diyos ko!"

"Kausap niya po 'yong tatlong bodyguard mo s—sa kwarto niyo pong dalawa..." mahina nitong sagot. Aba! Hindi pa rin pumapasok sa trabaho iyon?! Alas otso na ah!

Walang sabi sabi akong nag-martsa paakyat. Natataranta namang sumunod sa akin si Riza na para bang natatakot itong baka mapatay ko ang kaniyang amo. Talagang mapapatay ko ang bruhong iyon! Akala mo naman kung sino! Kung ganitong sisirain niya lahat ng gamit niya dito! Edi sana ay pina-uwi niya na ako! God! Naii-stress na naman ang ka-dyosahan ko!

Nang makarating ako sa harap ng kwarto ay kaagad ko iyong padabog na binukasan. Nakita ko ang pag-igtad ng tatlo, gulat na gulat sa sobrang lakas ng pagkakabukas ko sa pintuan pero ang bruhong lalaki! Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin!

Mas lalong nag-init ang aking ulo!

"M—Miss!" Nataranta ang tatlo nang diretso akong lumapit sa lalaking nanatiling nakayuko habang nakaupo sa gilid ng kama. He was topless and his hair is wet. Mukhang kakatapos lang nitong maligo, ah?

Sinubukan akong pigilan ng tatlo ngunit nang makita ang masama kong titig yan kaagad na gumilid. Ayan dapat. Matuto silang gumalang sa mas nakaka-ganda!

"Anong ginawa mo na naman at gulong-gulo ang buong kusina, ha?! Ang sinabi ko kagabi ay linisan mo di ba?! Ligpitin! Hindi basagin! Eh, kung 'yang ulo mo kaya ang basagin ko, ha?!"

Buong akala ko ay sisigawan din ako nito pabalik kaya napaatras ako nang tumayo ito mula sa pagkaka-upo. Doon ko lang napansin na ang dalawa nitong kamao ay nababalutan ng bondage at may bahid pa doon ng dugo.

Napasinghap ako at akmang hahawakan na ang kamay nito nang iwasan ako ni Lexus. And I admit...

Bitch, that hurts like hell.

"I don't need your nagging. Save that next next days. Let's go, Alex. Allen and Alden, maiwan kayo dito." Malamig nitong saad bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nilampasan lang ako nito na para bang...

Napahawak ako sa aking dibdib, kung nasaan ang aking puso. Ang sakit. Parang may pilit na lumalakumos non.

"Hindi po si Boss Trev ang gumawa non, Miss. Napasok kasi tayo kagabi, eh. Tulog na tulog na lahat at walang nagbabantay sa main gate dahil iyon ang utos mo na dapat sundin, sabi ni Boss. Siya lang ang natira sa kusina kagabi. Niligpit niya po at hinugasan niya lahat ng plato. May pumasok lang na tatlong lalaki, Miss. Patungo sa... kwarto kung saan ka natutulog kagabi. Muntik na ngang pasukin eh. Mabuti nalang at nakita ni Boss nang paakyat na siya. Naitumba niya kaagad ang isa pero bumaba ang dalawa at doon pumasok sa kusina eh. Kaya ayon, sobrang kalat. Nasaksak pa po si Boss sa kanang hita niya eh."

Sa sinabi ni Alden ay doon na ako tuluyang bumagsak sa sahig. I cried loudly while saying sorry to Lexus inside my head.

Ang sama sama ko nga talagang tao!