Chapter 7
Chapter 7
Next next days.
Pero mag-iisang linggo nang hindi umuuwi ang lalaki sa mansyon at kahit ayaw kong aminin ang totoo, heto at nami-miss ko ang bruhong iyon.
Hindi pa ako nakapag-sorry dito and I've been dying to do that already! Ang problema nga lang ay hindi pa rin umuuwi! At hindi pa man din binigay sa akin pabalik ang cellphone ko na kinonfiscate niya! Tapos hindi rin tumatawag sa telepono!
Sobrang frustrated na ako! Ni hindi ko pa nga naayos ang garden dahil iniisip ko pa kung paano ako magso-sorry kay Lexus! I am deeply sorry of what I did! Aminado akong mali ako sa parteng pinaratangan ko siya! Actually, sa lahat naman ng parte, maling mali ako.
Hindi siya umuuwi. Siguro ay enjoy na enjoy siya sa piling ng babae niya?
Napamuglat ako dahil doon.
Tama! Baka nga hindi siya umuuwi dahil nasa babae niya siya! Aba naman! Huwag nalang siyang uuwi kung ganoon!
Napanguso ako. I still want to say sorry though.
Malakas akong napabuntong-hininga at pinaypayan ang sarili. Katatapos ko lang mag-lunch at itong bruho na naman ang naiisip ko. At ang init init pa!
Pumasok akong muli sa loob ng kwarto matapos tumambay sa veranda ng kwarto ni Lexus. Dito na ako matulog simula noong hindi siya umuwi.
Hinalungkat ko ang walk-in closet nito, nagbabasakaling makakakita ng swimsuit o kung ano pero wala! Ano ba naman ang iniisip ko! Malamang ay nasa walk-in closet ako ng lalaki! Paanong magkakaroon ng swimsuit dito?!
Malakas akong napabuntong-hininga at napa-upo nalang sa gilid ng kama. May ibang gamit pa akong natira dito, actually. Kaya lang, ang iba ay masyado nang maliit sa akin so if Lexus is planning to keep me here for too long, sana naman ay maisipan niyang bilhan ako ng mga bagong damit.
Hinubad ko ang malaking t-shirt na suot ko. It's actually Lexus' clothes. I love wearing his shirt lalo na at maluwang sa akin. Sobrang maginhawa.
Tinitigan ko ang sariling repleksiyon sa harap ng full-body mirror. I am wearing a black bra and a black panty. I think this will do, huh?
Pagpapalamig lang muna ako. Total ay hindi pa umuuwi ang bruho. Akin ang buong pool ngayon.
Dala-dala ang puting tuwalya at sun glasses ay kaagad akong bumaba. Nakita ko pang napatingin sa akin ang ibang kasambahay. Klarong klaro sa mga mata nila ang pagka-mangha and I can't help but to feel so proud.
I know that I am sexy and gorgeous. Diyosa nga di ba?!
"Riza, pwede bang pakihatiran ako ng orange juice sa pool?" Saad ko. Narinig ko naman ang pag-sagot nito kaya kaagad kong nilapag ang tuwalya sa may sun lounger. Humiga ako doon habang tahimik na nakatanaw sa kalangitan.
Ilang minuto lang ay kaagad na dumating si Riza. May dala-dala din itong isang slice ng cake kaya mas lalo akong napangiti.
"Thank you, Riza."
"Welcome po, Miss. Enjoy po..."
I stayed on the sun lounger for awhile before I decided to take a swim.
I did a lot of swimming styles bago huminto. Sumandal ako sa gilid ng pool at pumikit. Napangiti ako nang tumama sa aking mukha ang init ng araw. Hindi naman masyadong mainit. Sakto lang para hindi ako matusta.
Napakunot ang noo ko nang makarinig ng mga yabag na papalapit hanggang sa narinig ko ang pamilyar na boses ng bruho!
Nanatili akong nakapikit. Hindi gumagalaw lalo na at alam kong papunta siya dito.
"She's swimming?"
"Opo, Sir.." Boses ni Riza iyon.
Mas lalo kong diniinan ang pagkakapikit. I don't know how to face him!
Kanina lang ay ang tapang tapang kong hiniling na sana ay umuwi na ito para naman makapag-sorry na ako samantalang ngayon... Damn it!
"What is she wearing?" Gusto kong idilat ang mga mata ko at mag-dabog dahil sa narinig. Bakit gusto niya lang malaman kung anong suot ko?! Pyjama? Hoodie?! Napairap nalang ako.
"P—po? Ahm, itim pong bra at panty... Kitang-kita po ang pwet ni Miss sa suot niyang panty—"
Napaawang ang labi ko. Really Riza?! Eh ano naman kung kita ang pwet ko?! At least maputi?!
"Alex, go somewhere else. Walang ibang papapasukin dito sa may pool, maliwanag? Riza you can leave us."
Aba't!
"S—sige po..." Riza.
"Okay, Boss. Pupuntahan ko lang sina Allen at Alden."
Nang matahimik ay alam kong kaming dalawa nalang ngayon ni Lexus ang nandito. Nakatalikod ako sa may entrance patungo dito sa pool kaya hindi ko siya nakikita. And I don't think I still want to see him pagkatapos ng mga naisip ko kanina.
Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi man lang niya sinabihan sina Allen at Alden. Hindi rin siya nag-effort na tumawag. Kaya ano pa bang ibang dahilan?
Busy siya, malamang. Busy sa babae.
"My love?"
Ang malambing nitong boses ang siyang nagpa-mulat sa akin. Sunod sunod akong napalunok, hindi alam ang gagawin.
Hindi ba siya galit?! Di ba galit siya noong araw na iniwan niya ako?! Alam kong galit siya eh!
"Baby, umahon ka na diyan. Let's talk, please..." Nasa tapat ko na ito ngayon. Halos mapaigtad ako nang hawakan nito ang aking balikat at marahan iyong hinaplos.
"Babe, come on."
Napabuntong-hininga ako at napanguso. Hindi na ako mag-iinarte dahil ako na ngayon ang sinusuyo niya imbes na ako ang sumuyo sa kaniya dahil sa totoo lang, alam ko namang siya ang galit sa akin eh. O kung hindi galit, baka nagtatampo siya, malamang.
Sa huli ay umahon nga ako. Inalalayan niya pa ako. Hinawakan nito ang magkabila kong baywang kaya nag-iinit na naman ang aking pisngi.
Hay, iba talaga kapag masyadong maganda. Masyadong maka-mandag, ano?
Hinaplos nito ang aking baywang bago tuluyang pina-upo sa sun lounger. Inabot nito ang tuwalya at kaagad na binalot sa akin. Nakanguso kong tinanggap ang pag-aalaga niya.
Mas lalo lang akong na-guilty. Matagal ko na 'tong inaalagaan eh. Mga isang linggo na tapos dinagdagan niya pa.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang singhap nang yakapin ako nito mula sa gilid. Ibinaon pa nito ang kaniyang mukha sa aking leeg at maya-maya lang ay naramdaman ko na ang dila nito na nagsimula nang humaplos. Halik at pag-dila sa aking leeg at maya-maya ay sinipsip na niya.
Napapikit ako ng mariin.
Puta naman. Kung ito lagi ang pambungad niya sa akin pagkatapos ng away, aba, edi aawayin ko nalang siya araw-araw!
"I'm in love with you..." napapaos at buong lambing nitong saad habang nakabaon pa rin ang kaniyang mukha sa aking leeg.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Oh, tukso! Lapitan mo pa ng konti at talagang susunggaban ko na!