Chapter 16
HABANG naghahapunan sila, asikasong-asikaso si Ace kay Lynne hindi dahil kasama nila si Mariz. This is what his heart wanted to do for her.
"Try this sweetheart ito ang special recipe ni Mama's stuffed chicken paella." Naglagay siya sa plato ni Lynne.
Pasimpleng napatingin si Lynne kay Mariz napatingin ito kay Ace makikita mo sa mata niya ang inis o inggit.
"Eat all, sweetheart."
Napatingin bigla sa plato niya si Lynne. Aba muntik ng mapuno ito sa dami ng nilagay ni Ace gusto niyang sabihin hindi ko ito mauubos pero nahiya ngumiti na lang siya rito tinikman muna niya ito ngayon lang kasi siya makakain ng ganitong ulam na may kain pa. Nang malasahan ito masarap kaya naman panay ang subo niya hindi niya namalayan naubos an ang nasa plato.
Ace smile what he seen dahil maganang kumain si Lynne this is what he want for a woman palakain ba."Gusto mo pa ba, sweetheart?" tanong niya.
Napailing si Lynne busog na busog na siya maliban sa stuffed chicken paella marami pang side dishes.
Mariz just looked at them sa totoo lang gusto niyang mag walk out. She's so jealous sa nakikita niya. At ngayon lang niya nakita si Ace na ganito sa babae. He never did that for her samatalang ang tagal nilang nagkasama eh babaeng iyan bago lang damn parang gusto niyang manampal eh.
"Mariz, eat more," ani ng ginang.
"I am already full of Tita. Thank you for this dinner. All the food was delicious. You are a really good chief. You know my taste."
"You're welcome, Mariz. Thank you for your good words as well. Ikaw, Lynne, did you like the food? " baling niya sa dalaga.
"Masarap po sa totoo lang ngayon lang ako nakatikim manok na may kanin na maraming sahog."
"Sweetheart, pag nagtagal lahat ng masasarap na recipes ni Mama, matitikman mo she will cook for us, di ba, Mama?"
"Of course, para sa inyo, hijo."
"See, you heard that, sweetheart? "
Lynne smiles with shyness.
Pagkatapos nilang kumain dumeretso sila sa garden para mag kuwentuhan.
Nag paalam naman na agad si Mariz, dahil gusto na niyang isigaw ang inis o galit na naramdaman niya dahil harap-harapan pinapakita ni Ace sa kanya na wala siyang puwang sa puso nito.
"Ace, ihatid mo muna si Mariz sa labas," sabi ng ginang.
"Okay, maiwan muna kita sweetheart."
Tumango si Lynne kay Ace.
Pagkadating nila Ace sa sasaktan ni Mariz.
Hindi muna sumakay si Mariz humarap siya kay Ace.
"What?" sabi ni Ace.
Mariz looked at him."I don't believe you, Ace?"
Napakunot ang noo ni Ace sa tinuran ni Mariz."Don't believe for what?"
"That, you have a woman already."
"Mariz, noon pa man alam mo kung ano ang istado natin, if you find someone else to make you happy then go. Nauna lang ako sa iyo na nahanap ito soon makakamit mo rin."
Napailing siya dahil mahal niya si Ace."I can't do that you know that I love you!"
"Well I don't know what to say, Mariz. nasa iyo iyan sinabi ko na sa una palang di ba?”
"Yeah, but you're a liar."
"What?"
"Yeah you are ang sabi mo wala kang balak magseryoso o kaya naman magmahal ng iba dahil nasa puso mo pa rin ang namayapa mong asawa."
"Yes I said that pero nagbabago ang lahat, Mariz. Hindi ko rin akalain na makikilala ko ang babaeng magpapabilis ng pagtibok ng puso ko. Hiling ko lamang sa iyo ngayon please be happy to be because nagtagpuan ko na ang babaeng mamahalin ko. I'm sorry, because you are not the one for me, Mariz."
Mariz just looked at him again at sumakay na sa sasakyan niya.
Napabuntong-hininga naman ng malalim si Ace alam niyang nasaktan niya ang babae pero anong magagawa niya his heart not belong to her.
Nang malayo na ang sasakta ni Mariz saka palang pumasok sa loob ng bahay si Ace deretso siya sa garden nang malapit na siya.
"Hijo, ikaw muna ang bahala kay Lynne, aakyat lang ako sandali. At saka bakit hanggang ngayon wala pa ang Papa mo ha?"
"Baka natrapik sa daan, Mama."
"Maybe okay maiwan ko muna kayo."
"Okay, Ma, pahinga ka muna."
"Okay hijo, Alex apo, ikaw hindi ka pa ba magpapahinga." Pinanglakihan niya mata ang apo para magsolo muna ang dalawa.
Gets naman ito ni Alex."Oh yeah I am tired, La." Tumayo na ito at inalalayan ang lola niya.
Nang wala na ang dalawa tumabi si Ace kay Lynne at niyakap ito.
Napangiti si Lynne pinulupot ang kamay sa baywang ni Ace at hinilig ang ulo sa dibdib nito.
"Sweetheart, now let's talk."
"Tunggol saan?"
"Kanina, what you are thinking."
"Ah, sa aksidenteng sinabi mo, Ace."
"Wait lang, sweetheart, ayaw mo ba akong tawagin, sweetheart?"
"Naiilang kasi ako."
"From now on call me, sweetheart sige ka pag Ace, pa rin ang itawag mo sa akin may parusa ka."
"Anong parusa na man 'yan?"
"Kissing you."
"Hmmm, parang maganda at masarap na parusa," biro ni Lynne.
"Try to call my name, sweetheart you get your punishment."
Biglang naging pilya ang isip ni Lynne.
Kumalas siya sa pag kayakap kay Ace. Nagtaka naman ito."Why, Sweetheart?"
Isang pilyang ngiti ang tungong ni Lynne sa sinabi nito.
"Para saan naman ang ngiting 'yan, sweetheart? Hmmm parang gusto ko yan, ah."
Ngiting-ngiti pa rin si Lynne, Ace senses kung ano ang nais nito.
Bumuka ang bibig ni Lynne.
"Ace, Ace, Ace, Ace."
Napatawa ng malakas si Ace sa pagbanggit ni Lynne sa pangalan niya.
"Natawa ka hmp!"
"Sweetheart, you have become naughty already, huh?"
"Sino ba naman ang hindi. Every time you kiss me, I feel that I'm totally a woman. "
"Every time I kiss you too, I just restrain myself from making you mine. Sweetheart, your lips make me horns."
"Teka bakit wala pa?"
"Ang alin?"
"Hmmpp!" irap niya dito.
"Makakalimutan ko ba, now this is your punishment, sweetheart." Kaniya ng hinalikan ang labi nito.
Sa sandaling iyong nakatingin ang anak at magulang ni Ace sa kanila. At may ngiti sa labi nila.
"La, sa wakas, Dad found the right woman for him."
"Tama ka apo, your Dad is so much in love kay Lynne, nakikita ito sa kilos at mata niya wala akong masasabi sa kanya kahit na bago palang sila magkakilala."
"Sabi nga nila if you feel the love in your heart, sa unang pagkikita, no need to keep it, let it go at ipadama ito sa kanya, how's your love to him or her?" sabat ng ginoo na kararating lamang.
"Lo, ganyan ka ba kay La, noong nakita mo siya?"
"Yes, apo, agad-agad I tell her, mahal ko siya."
"Like father like son, kayo ni Daddy, Lo."
"Kaya ikaw, apo huwag kang maging palikero ha?"
"La, hindi naman."
"Good, sige na pumasok kana sa silid mo take a rest."
"Opo, goodnight, La, Lo." Humalik muna ito sa pisngi nila.
"Goodnight too, apo."
"Kumain ka muna, Felix?"
"Hindi ako nagugutom, Amanda."
"Ganon ba, sige magpahinga na tayo pero kung nagugutom ka magsabi ka lang. "
"Oo, tara na."
"Pero teka paano sila?"
"Naman, Amanda, matanda na ang dalawang 'yan kahit na ano pang gawin nila gumawa man sila ng apo natin that good di ba?"
"Sige, tara na sana nga para may bata na naman dito sa bahay na mimiss ko narin marinig ang palahaw ng isang sanggol dito sa bahay."
Inakbayan ng ginoo ang asawa at silay pumasok na sa kanilang silid.
Matapos ang halik na pinagsaluhan nila muli silang angkayakap.
"Sweetheart, balik tayo sa usapan natin kanina about the accident, ano ang ugnayan nito sa iyo?"
"Limang taon gulang palang ako noon ng maaksidente kaming pamilya, dahil sa lakas ng impact nito kami ng magulang ko nawalang ng malay pag gising namin nasa hospital na kami, dahil bata pa ako wala akong alam sa nangyayari basta naririnig ko na lang nagsisisigaw ang nanay ko hinahanap ang kapatid kung baby."
"Bakit hinahanap niya?"
"Sabi ng mga nagdala sa amin sa hospital wala silang nakitang baby sa pinangyarihan ng aksidente madaling-araw na kasi noon galing kami sa kapatid ng tatay ko."
Biglang kumabog ang dibdib ni Ace."Kailan nangyari ang aksidente, sweetheart?"
"Gaya ng sabi ng mommy mo, fifteen years ago."
Lalong kumabog ang dibdib ni Ace.
"Where's the exactly location nang mangyari ito?"
"Sa mismong Sta Fe, sa pababang highway patungo ng Bang-bang."
Napahugot ng malalim na bunton-hininga si Ace, he know kung ano ang nangyari noon. At pakiramdam niya may ugnayan ang aksidenteng iyon kay Lynne.
At ito ang nais niyang malaman.
"Why are you here in Manila, sweetheart? Para ba magtrabaho?"
Kumalas sa pagkayakap si Lynne sa binata at tumayo.
Napatingin si Ace sa dalaga.
"Dahil sa pagkawala ng kapatid ko, sina nanay at tatay hindi sila tumigil sa paghahanap sa kanya kahit na matagal nangyari ito. Sa sapantaha ng lahat patay na si Carlo, pero ang magulang ko hindi sila naniniwala sabi ni nanay nararamdaman niyang buhay pa siya hanggang sa huli nilang paghahanap ka kapatid ko..." Napahinto muna sa pagsasalita si Lynne dahil naggigilid na ang luha niya.
Tumingala siya para hindi mahulog ang luhang nagbabadyang kumawala. Hinayaan lang naman ni Ace ang dalaga.
Huminga ng malalim si Lynne at ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"Naaksidente rin sila, at ipinangako sa kanila na ipagpapatuloy ko ang paghahanap sa kapatid ko kaya ako narito ngayon sa Manila."
Tumayo si Ace yumakap siya sa likuran ni Lynne. Ngayon kumpirmado niya na meron ugnayan sina Lynne at Alex.
"Sweetheart, nakita mo na ba siya?"
Umiling si Lynne.
"Halika may ipapakita ako sa iyo."
"Ano 'yon?"
"Just came with me malalaman mo ito, sweetheart." Ginagap ni Ace ang palad ni Lynne at silay pumasok na sa loob ng bahay.