Chapter 64 - Right to Revenge
Third Person's POV
*Everyone proceed to the court right now. To all students of ECU, proceed to the court right now…*
Lahat napahinto sa kanilang ginagawa nang marinig nila ang announcement matapos ang tatlong oras mula ng kinaladkad ng Elites ang loser. Hindi naman nagdalawang-isip sina Natasha, Kevin, at Veign na pumunta agad sa court. At hanggang ngayon, 'di pa rin nila mahanap si Ex.
Kumakalat na rin sa karamihan ang tungkol sa mysteryosong lalaki na kilala bilang L. Kahit pinagkaabalahang hanapin nina Natsy ang lalaking iyon, hindi pa rin nila makita. Nalaman din nilang ang mga taong naka-black mask na nagpakalat ng mga papel mula kay L ay mga kaklase pala ni Lavandeir sa first subject.
Tinanong nila ang mga ito tungkol sa mysteryosong lalaking iyon pero ang sagot lang nila ay hindi nila ito kilala kasi nakasuot ito ng mask at takip na takip ang buong mukha nito. Tanging sagot lang na nakuha nila ay mayroon daw itong tattoo na L.
They find it suspicious. Sa tagal ng pag-iisip at pag-uusap nina Natasha, it comes to their mind that Lavandeir and Ex were planning something they didn't know about.
Dahil na rin sa inakto ni Lavandeir nang tutulungan sana siya nina Veign. Ba't pinigilan siya ng dalaga sa paglapit? Ano ang balak nito?
Malakas din ang kutob nilang si Ex ang mysteryosong lalaking iyon kasi simula pa kanina ay hindi nila mahagilap ang kanilang leader. They also tried finding that mysterious L pero hindi na ito nagpakitang muli. Sa tindig din nito, parang si Ex.
Pagkarating nila sa court, marami nang estudyante ang nandoon. Nakita nila sa harapan ang lahat ng Elites at ang mga minions nito. Nagulat sila nang makita si Lavandeir na nasa gitna, nakaluhod ito at nakayuko. Nakaposas din at maraming sugat habang ang magkabilang balikat nito ay hawak ng tauhan nila. Kitang-kita ring nanghihina ito at hirap nang iangat ang mukha.
Hindi na nagdalawang-isip si Natasha at agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Lavandeir. Galit na galit itong sumugod. Hindi na rin pinigilan nina Veign si Natasha at sinundan ito.
'I won't forgive these bullshits!' Nagdilim ang paningin ni Veign sa galit. Wala siyang ibang nakikita kundi ang babaeng pinakamahalaga sa kanya na nanghihina na sa harapan nila.
Hindi pa sila nakalapit sa harapan nang harangan agad sila ng mga estudyante na tauhan ng Elites. Galit namang sinalubong ni Natasha ang mga ito at agad na inatake. Sumunod naman sina Veign at Kevin na agad ding nakipag-away sa mga ito.
'Yong ibang estudyante naman walang ibang magawa kundi magulat sa nakita, 'yong iba ay namangha pa.
Nanunuod lang sa kanila ang Elites at sa mga tauhan niyang nakikipaglaban. Kahit nagkakagulo na, hindi man lang magawang tumingin ni Lavandeir sa kanila. Alam niyang nakikipaglaban ang mga kaibigan niya pero... Iba ang nasa isip niya ngayon. Hindi mawala sa kanyang isipan ang kanyang nalaman...
'Di siya makapaniwala.
Dahil mas marami ang alagad ng Elites, nahihirapan sina Natasha sa pakikipaglaban sa mga ito. Naglabas pa ang iba ng baseball bat at hinampas ito sa kanila. Naiilagan naman nila Veign at Kevin pero nahihirapan pa rin sila kasi tatlo lang sila at nasa mga 15 ang kaaway nila.
Wala silang tigil sa pakikipaglaban. Bawat suntok at sipa nina Veign ay may halo itong galit at gigil. Napatumba nila ang ibang tauhan ng Elites... kaso sabay silang napatigil nang maglabas ang mga ito ng baril. Napaatras ang mga estudyanteng nakakita at 'yong iba napuno ng takot. 'Yong iba naman ay natawa.
"Ang feeling kasi! May gana pang makipaglaban sa Elites, 'yan tuloy!" sabi ng isang nanunuod.
Isa-isang napaluhod sina Natasha at pinusasan ang mga kamay nila sa likod. Nang-aasar namang tumawa sina Mia at sinabing hindi sila makakapalag sa Elites at sa alagad ng mga ito.
Hindi nagsalita sina Natasha. Nakatingin lang sila nang masama sa mga walanghiyang Elites. Hindi niya rin makasalubong ang tingin ni Lavandeir kasi nakayuko lang ito.
'These fucking cowards! Why did I fucking left my gun?'
Napansin naman ni Veign ang isang braso ni Jax na may malaking bandage na nakapulupot rito. Parang nagkaroon siya ng malaking sugat sa bandang iyon. Nagkasalubong ang tingin nila. Nginisihan lang siya nito na mas lalong ikinainis niya.
'What the hell really happened?' Veign gritted his teeth out of anger.
…
Lavandeir's POV
Hindi na ako nagpumiglas habang kinakaladkad nila ako. Nasa unahan ko sina Mia at nasa likod ako at ang mga tauhan nila. Pasimple kong sinulyapan si Ex na sumasabay lang sa amin. Syempre ako lang ang may alam kung nasaan siya. Nakatingin siya sa akin mula sa rooftop. Nanglaki pa ang mata ko nang bigla siyang tumalon mula sa fence ng rooftop tsaka nagpahulog patungo sa 7th floor.
Mabilis siyang gumulong sa hallway nang tumingin din sa kanya ang tauhan ng Elites na may hawak sa 'kin. Umiwas agad ako nang tingin kasi nakita kong nagdududa ang isa sa kanila.
Muli kong sinulyapan ang kinaroroonan niya pero hindi ko na siya nakita.
So gan'on pala ang ginawa niya n'ong time na una ko siyang nakita sa 7th floor ng commerce building noon. N'ong bigla siyang tumalon sa fence at biglang nawala. Hindi pala siya nahulog hanggang ground floor.
Nilingon ako nina Mia at Kim. Nginisihan ako ni Mia nang kakaiba kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tumango siya sa lalaking may hawak sa 'kin na ikinataka ko. Naglabas naman ito ng piring sa mata tsaka piniringan ako. May tinali pa sila sa dalawang braso ko at may nilagay na parang tela sa dalawa kong kamay. Alam kong ginawa nila ito para 'di ko maabot ang piring at makuha ito. Hindi kasi nakaposas ang kamay ko sa likuran.
Saan ba nila ako dadalhin na kailangan pa nila akong piringan?
Mga ilang minuto kaming naglalakad. Hindi ako nagpumiglas kasi dinaramdam ko ang paligid. Akala ko sasakay kami ng kotse o ano kasi naisip ko na baka dalhin nila ako sa labas ng ECU, pero naramdaman ko na lang na bumaba kami sa hagdan. Hindi ko naman naalalang umakyat kami kaya alam kong nasa ground lang kami naglalakad kanina pa.
Wala akong ibang maisip na dahilan kundi patungo kami sa parang underground.
Mga yapak lang namin ang aking narinig dahil sa sobrang tahimik. Mas lalo tuloy lumakas ang kutob ko na nasa underground nga kami. Mas naging malamig na rin kumpara n'ong 'di pa kami bumaba.
Huminto kami saglit. Narinig ko ang kakaibang tunog na parang may binuksan na pintuan. Kapareho ng tunog kapag pumasok ako sa office ni Mr. Jackson sa Ohio.
Ano ba ang lugar na ito? Alam kong nasa ECU pa kami pero feeling ko rin hindi.
Ba't wala akong alam tungkol dito? Pa'no si Ex? Nakasunod kaya 'yon?
Nasa mga dalawang minuto pa ang nilakad namin bago kami huminto.
Mukhang pumasok pa kami sa isang room. kasi narinig ko ang pagsara ng pinto.
Tinulak ako ng isang tauhan nila na may hawak sa 'kin kaya natumba ako nang tuluyan sa malamig na sahig tas natamaan pa ang aking baba.
'Ang sakit!'
"Ms. Jackson," kalmadong sabi ni Jax.
Saglit akong natigilan nang marinig ko ang pangalan na binanggit ni Jax.
'Ms. Jackson?'
Ba't napakapamilyar ang pangalan na iyan?
Mga ilang Segundo lang bago ko naalala ang pangalang 'yon. Or should I say, apelyido.
Liander Jackson ang pangalan ni papa. So it means…
'My sister is already making her move so you should be careful… She's wicked.'
Naalala ko ang babala sa akin ni papa noon n'ong nasa Ohio pa kami. Ayaw kong mag-conclude pero kung tama man ang hinala ko ngayon… Siya ang kapatid ni papa.
Mas lalong naging tahimik ang paligid. Ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Nananayo ang balahibo ko nang tanging narinig ko lang ay ang yapak ng high heels.
Alam kong papalapit siya sa akin base sa tunog nito. Parang lumamig ang paligid dahil lang sa presensya niya. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot 'tulad ng nararamdaman ko noon tuwing makasalubong ko ang Elites.
Walang duda, siya ang tinatawag nilang Ms. Jackson.
Nablanko bigla ang isip ko nang hinawakan niya ang aking mukha. Sobrang lamig ng kamay niyang nakahawak sa pisngi ko na mas lalong nagparamdam sa 'kin nang matinding kaba. Akala ko magsasalita siya pero mga isang segundo naramdaman ko na lang na tumayo siya at umalis palayo sa 'kin.
"S-sino ka?" lakas-loob kong tanong.
"She's Ms. Jackson, one of the higher ranks in Yumi Empire. She's the one who created Elites, well as you already know, the Saisho Yumi," imbes na si Ms. Jackson ang sumagot, boses ni Mia ang narinig ko.
Kumunot ang aking noo. Nakapagtataka kung bakit hindi siya nagsasalita. Pero mas lalong nakapagtataka kung ba't nalaman ng Elites na alam ko ang tungkol sa Saisho Yumi.
"Wag ka nang magtaka pa loser! Alam na namin ang mga pinagkaabalahan mo. Alam na rin naming may tumutulong sa 'yo. And it happened to be our greatest enemy, the Dakumasuta and their secret group which is Aeon."
'Alam na namin?' so kakaalam pa lang nila. Pa'no nila nalaman? Si Ms. Jackson ba ang nagsabi sa kanila? Kaya ba kung makangisi sila kanina parang may alas silang nalalaman. Ito pala?
Kinakabahan ako sa mangyayari sa Aeon. Ginawa namin ang lahat para walang makaalam tungkol sa secret group namin. Paano?
"We also knew that you showed something to Justine and tried to control her by using Kim's secret. Nakapagtataka man n'ong una kung ba't parang alam mo na masusunog ang mini gym at ba't nagparamdam si L n'ong time na iyon. But when we knew that someone's helping you, nagkatugma-tugma na ang lahat," segundang paliwanag ni Kei.
"And we wonder if L is one of Aeon."
Hindi ako nagsalita at nanatili lang na tahimik. Nakakunot ang aking noo kasi pati ang sekreto ni Kim ay alam na rin nila.
Pinili talaga ni Justine na isumbong ako. Pero okay lang, isa ito sa in-expect ko.
"You can't control me bitch!" iritang sabi ni Justine na kahit 'di ako nakatingin alam kong iniirapan niya ako.
Kahit naguguluhan ay umakto akong hindi big deal sa akin ang nalalaman nila. "As I expected!" sabi ko at ngumisi kay Justine. Hindi ko man siya makita pero alam ko kung saan siya nakatayo.
Dahil pinili niyang sabihin sa kasama niya ang ginawa ko sa kanya, siya na naman ang sisirain ko! Binantaan ko na siya noon.
Unti-unti akong natawa nang mahina. "So nag-confessed na rin pala si Kim. Owh! 'Di na pala siya takot malaman ni'yo ang sekreto niya? Sayang, 'yon pa naman ang alas ko laban sa kanya." Natawa pa ako pagkatapos sabihin iyon.
"Shut up!" gigil na sabi ni Clent na mas lalo kong ikinatawa.
"So you just accepted her? Knowing she's married with someone else? That's maybe the result of loving too much," asar ko pa sa kanya.
Inalis ko muna ang atensyon kay Ms. Jackson kahit damang-dama ko ang mga titig niya.
"He accepted her but we don't! That shameless bitch!" galit namang sumingit si Mia na ikinagulat ko. Agad naman siyang pinatahimik ni Reid.
Ilang segundo bago nag-process sa utak ko ang sinabi ni Mia. Natigilan ako nang ma-realize ko ang mga kakaibang tingin ni Kim sa akin kaninang umaga na parang may mali sa kanya. At sa napansin ko kanina ang mga tinginan nina Mia, Justine at Elayah sa kanya ay kakaiba rin. Ngayon ko lang napagtantong may meaning na pala iyon.
Simula kanina pa, 'di ko sila nakitang nakipag-usap kay Kim o si Kim nakipag-usap sa kanila. Palaging katabi lang niya ay ang boyfriend niya.
So ito pala ang nangyari… Galit sila kay Kim!
"Kaya pala may kakaiba sa inyo… Hahaha! Kawawa ka naman Kim!" pang-aasar ko sa kanya. Gusto ko siyang asarin. Bumubuo pa rin kasi ang galit tuwing makita siya.
"Shut up bitch!"
Malakas na sampal ang natamo ko mula sa kamay niya. Nabaling ang tingin ko sa gilid dahil sa lakas ng impact sa pagsampal niya sa 'kin. Kinagat ko ang labi ko sa sakit. Tangina!
Dumura ako ng dugo nang malasahan ko ang dugo sa 'king bibig.
Inayos ko ang sarili tsaka hinarap siya nang dahan-dahan. Nginisihan ko pa siya para mas lalong mainis sa akin. "Sabi ko naman sa 'yo noon, hindi ka magiging part ng Elites kung 'di mo naging boyfriend si Clent. Ang pagtraydor mo sa 'kin n'on ay walang epekto, to think you're still not strong enough to be part of rank 1 group in one of the strongest mafia! Hahaha! How sad!"
"Walangya ka!" sigaw niya at bigla akong sinabunutan ng buhok.
Kung 'di lang sana ako nakaposas ngayon, kanina ko pa nasuntok ang traydor na 'to!
Ilang sandali pa ay nakarinig ako nang malakas na sampal na nagpahinto sa aming lahat. Nabitawan na rin niya ang buhok ko. Wala akong idea sa nangyari pero narinig ko na lang na inawat ni Clent si Justine.
"Justine! Enough!"
"She doesn't have the right to shout and get angry here! It's hard to admit but that loser is fucking right!" inis na sigaw ni Justine.
"Enough!" sigaw ulit ni Clent.
"We all know that it's true! She wouldn't be a part of us if it isn't because of you!"
"You're just jealous 'cause I chose her over you!"
*bang!*
Pareho silang natahimik at ako naman ay natigilan dahil sa isang putok ng baril.
"I'm sorry Ms. Jackson. I'll fix this!" kalmadong sabi ni Jax.
Nanindig ang balahibo ko sa kaba dahil sa biglaang nangyari. Hindi ko inasahang gan'on kabilis kumilos si Ms. Jackson na hindi man lang naming naramdamang kumasa siya ng baril.
Tumahimik ang paligid. Narinig ko ang yapak ng heels niya at tanging 'yon lang ang naririnig namin. Mas lalo ring humigpit ang hawak ng dalawa nilang tauhan sa magkabila kong braso. Mukhang natatakot din sila.
Hindi pa rin nagsasalita si Ms. Jackson na hanggang ngayon ay ipinagtataka ko. Dahil sa tunog ng yapak niya ay mukhang aalis siya sa room na 'to.
Dahil do'n, nataranta ako bigla. Hindi ko hahayaang makaalis siya nang wala man lang isang bagay akong nalalaman tungkol sa kanya. At mukhang wala na akong ibang chance kundi ngayon lang.
Kailangan kong gumawa ng paraan!
"Sandali!" lakas loob kong sigaw.
Alam kong alam niyang siya ang tinutukoy ko kasi huminto siya. Mas lalo tuloy naging tahimik ang paligid.
"Kilala kita! You are the sister of my father! L-Liander Jackson! Siya ang ama ko!"
Wala man akong proweba na siya nga pero kailangan kong gawin ang lahat para makakuha ng information sa kanya! Kailangan kong kunin ang atensyon niya!
Dahil sa sinabi ko, narinig kong napasinghap ang ibang Elites. Pati na ang may hawak sa magkabilang balikat ko, naramdaman kong medyo nabitawan nila ako dahil sa gulat. At base sa expression nila, kilala nga nila ang ama ko.
"Liander? That one of the higher ranks and known as one of the strongest individuals? That rumored to be the traitor?"
"Shut up Mia!" saway ni Kei sa kanya.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Ms. Jackson at ang paglapit niya sa 'kin. Mas lalo akong kinabahan na parang anytime, papatayin niya ako. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maramdaman ang presensya niya kundi lang dahil sa tunog ng heels niya.
Akala ko magsasalita na siya kasi 'yon lang ang hinihintay kong gawin niya pero hindi. Bigla akong nakaramdam ng isang kamay na mahigpit na sumasakal sa aking leeg. Napakalamig ng kamay niya! Ramdam ko pa ang kuko niyang medyo bumaon sa 'king leeg.
Nahihirapan akong huminga at pilit akong umaalis sa pagkasakal niya kaso nakaposas ako kaya 'di ako makapalag. Ramdam na ramdam kong sobra ang galit niya na hindi ko alam kung bakit.
Akala ko mawawalan na ako ng hininga buti na lang binitawan niya ang leeg ko. Binitawan rin ako ng mga tauhan nila kaya natumba ako sa sahig. Umuubo ako at pilit na huminga. 'Di ko rin napigilang mapadura sa sahig.
'Tangina!'
Mukhang nalaman pa niya ang intension ko! Hindi siya nagsalita kasi parang alam niyang ang boses niya ang hinihintay kong marinig. Naging maingat din siyang hindi ako makaalam na kahit kunti tungkol sa kanya.
Narinig ko ang mga yapak niyang papalayo sa kinaroroonan ko, pati na rin ang pagsara ng pinto.
Umalis na siya!
Mga ilang segundo naman bago ako muling nakahinga nang mabuti. Napangisi ako dahil sa naisip ko.
"What the heck is she thinking? She smirked?" iritang tanong ni Elayah.
Kahit 'di pa nagsasalita si Ms. Jackson kanina, may alam na ako kahit kunti sa kanya.
Una, base sa pag-react niya sa sinabi ko, tama ako na kapatid nga siya ni papa.
Pangalawa, kilala ko siya! Kasi kung 'di namin kilala ang isa't-isa, 'di siya takot magsalita kasi 'di ko naman makikilala ang boses niya.
Pangatlo, naamoy ko ang pabango niya. Nakakalito rin. Kung kilala ko siya, ba't hindi pamilyar sa akin ang amoy ng pabango niya?
"Reid! Bring Justine and Kim outside. Go with them Clent! You all humiliated me!" malamig na utos ni Jax.
Natawa naman ako sa sinabi nito. Bago pa makaalis sila, tinawag ko si Justine.
"What?" irita niyang tanong.
Ngumisi ako. Ewan! 'Di ko mapigilang ngumisi!
"You're relieved right now 'cause you know your rival will be kicked out in your group soon… But we'll see, some amazing things will be revealed anytime!" Natawa akong muli nang susugurin niya sana ako kaso pinigilan siya ni Reid tsaka lumabas na sila. Narinig ko na lang kasi ang pagsara ng pinto.
Naging tahimik muli ang paligid kaya unti-unting nawala ang aking ngiti.
"So that's why…" biglang sabi ni Jax. "…you're hard to eliminate because Mr. Lian is your father. I see…"
"I still can't believe it! The hell!" maarteng sabi ni Mia.
Kailan ba nila ako tatanggalan ng piring? Parang bumalik ako n'ong time na tini-train pa ako ni Mr. Jackson.
"And the fact that she knew who's L," saad ni Kei.
"Exactly…" sang-ayon ni Jax kaya gusto ko sanang matawa. "The real reason why we're holding you now isn't accusing you as L and not punishing you for being his associate… However, we will punish you if you won't say something about him."
Nakapagtataka…
Kung alam nila ang tungkol sa Aeon, ba't 'di nila alam na ako si L? Ex's already doing his job that's why Jax thought that L's a guy. Alam kong si Ms. Jackson ang source nila kaya nalaman nila ang tungkol sa Aeon. Kung alam ni Ms. Jackson ang pinaka-sekreto ng Dakumasuta, imposibleng 'di niya alam na ako si L?
Dalawa lang ang posibleng rason… It's either 'di sila sinabihan ni Ms. Jackson tungkol sa akin or... nagpapanggap lang ang Elites na hindi nila alam.
Ano ba talaga sa dalawa?
Nakakunot lang ang noo ko. Hindi ako dapat basta-bastang mag-conclude dito. Nilapitan ako ni Elayah at bigla akong sinampal sa kanang pisngi nang malakas.
Tangna! Wala pa naman akong ginawa!
Sinabunotan niya ako ng buhok kaya napakagat ako ng labi sa sakit.
"Speak bitch!"
'Kung nagsalita na si Kim tungkol sa sekreto niya, imposibleng 'di sinumbong ni Kim na ako si L. Pero ba't kung makaakto 'tong mga 'to as if hindi talaga nila alam na ako si L?'
'Ang sakit!'
Kung hindi lang ako nakapiring, matagal ko na siyang pinatay sa tingin ko.
"I said speak up!"
"Why would I?" simpleng tanong ko. Gusto ko sanang makita ang reaction niya sa pagsagot-sagot ko. "When even that Ms. Jackson didn't tell you who it is? 'Di ako naniniwalang hindi niya alam kung sino eh alam nga niya ang tungkol sa Aeon?"
Natahimik si Elayah at binitawan niya ang buhok ko at muli akong sinampal. "Fuck you! I won't be afraid that your father is Mr. Jackson! He's already a traitor in our org! We could make you a bait!"
Muntikan na akong matumba dahil sa lakas ng sampal niya sa mukha ko. Hindi pa ako naka-recover nang sinuntok niya naman ako sa kabilang pisngi. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi at napadura din ako ng laway. Tangina!
Elites still Elites! 'Tulad ng dati gan'to rin nila ako tratuhin. Naalala ko na naman ang mga naranasan ko mula sa kanila. Noong time na napakahina ko pa!
"Stop it Elayah!" pigil ni Jax.
Alam ko namang nag-e-enjoy siya sa nangyari sa 'kin. Ngayon pa niya pinigilan ang member niya?
Kahit nakapiring ako, alam kong lumapit sa akin si Jax.
"Lavandeir…" banggit niya tsaka hinawakan ang mukha ko at inangat ito. Hindi ko man siya makita pero nai-imagine ko ang mga mata nitong nakatitig sa 'kin.
Pinahiran niya ang dugo sa labi ko gamit ang parang isang panyo. "You have the same lips like Cath. I wonder if Exseven was imagining her while kissing you," mahinahon niyang sabi. Naramdaman kong hinipan niya ang labi ko tsaka siya mahinang natawa. "…How sad if it is!" dagdag pa niya.
Nakakunot lang ang noo ko. Bumuo muli ang galit ko sa kanya. Galit ako sa lahat ng pinaggagawa niya.
Binitawan niya ang mukha ko at lumayo na sa 'kin. Hindi ko matukoy kung anong iniisip niya ngayon. Gusto ko sanang hindi pansinin ang sinabi niya tungkol kay Cath at Ex pero hindi maalis sa isip ko. Nasasaktan ako kung gan'on nga ang iniisip ni Ex. Dahil hanggang ngayon, alam kong isa pa rin si Cath sa pinoproblema niya.
"My instinct is telling me that you're really L. And you had proven it many times back in school trip… Suddenly, a mysterious guy appeared and telling everyone he's L. First, I don't know what are your intentions knowing you came here easily without having a REAL fight with my men…"
Pinagsasabi niya? Umakto nga akong kunwari nakikipaglaban sa tauhan niya kanina para hindi sila maghinala sa intension ko… Oo nga pala, 'di niya pala nakita ang pag-akto ko kanina.
"That act that you showed everyone as if you're fighting with my men, I won't buy it. I know what your skills in fighting and you can't fool me."
Kumunot ang noo ko. Ba't niya nasabi? Sigurado akong wala naman siya n'ong time na hinuli ako ng mga minions niya!
Nilapit niya ang bibig sa may tenga ko kaya naramdaman ko rin ang hininga niya.
"I'm observing you from the time you entered the school this morning. My members were unaware but I knew you and Exseven were working something. Well, I don't know which one of you is L but I'm certain that you're planning something. Then I found out minutes ago your real intension…" Huminga siya nang malalim kaya nanindig ang aking balahibo. "…It's Ms. Jackson."
Umalis naman ang dalawang mga lalaking kanina pa nasa tabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nilapit ang katawan ko sa kanya at muling bumulong.
"If you're wondering why I didn't tell it to any of my member, it's because I have other intension too...
... And if you think you're doing this to seek vengeance, well it's not just you who have the right to revenge," gigil niyang sabi na parang pinipigilan niya ang galit niya.