Chapter 62 - Duo
Lavandeirs POV
Nagising ako nang naramdaman kong may ibang taong pumasok sa guest room. Kasama ko si Natsy at nasa lapag ako natulog. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising.
Nakita ko si kuya na nakasimangot habang nakatayo sa harapan ko. Naka-crossed arms pa siya.
"Wala ng thrill! Gigisingin sana kita kaso nagising kana!"
Akala ko kung ano ng problema niya iyon lang pala. Umaandar na naman siguro ang pagkaabno nito.
"Alas singko na. Maligo ka na. Ako na muna magbabantay sa kanya."
Hinawakan niya ang braso ko at pilit akong hinila patayo para makabangon. Tsaka buong lakas niya akong kinaladkad papuntang banyo.
Hindi na ako nagreklamo at nginisihan lang siya na parang nang-aasar. Alam ko namang gusto lang niyang makita si Natsy at ma-solo ito.
Nagtaka kasi ako kagabi na nakangiting lumabas si Ex mula sa kusina. Tinaasan ko siya ng kilay n'on kaya pinakita niya sa akin ang kuha ng video ni kuya na hinalikan si Natsy.
Sino bang mag-aakalang magkakagusto siya sa friend ko? Eh palagi kasi silang nag-aaway. Umabot pa sa puntong hindi na niya ito pinansin.
"Hindi ko gusto 'yang mga ngiti mo!" Pinanliitan niya ako ng mata na parang nagdududa sa iniisip ko.
"Alam ko PO ang nangyari kagabi pft!"
Mabilis akong pumasok sa CR at agad sinara ang pinto habang natatawa. Hindi ko talaga maisip na magagawa ni kuya iyon. Akala ko wala ng pag-asa si Natsy sa kanya. Alam namin lahat na may gusto na si Natsy kay kuya, sadyang siya lang ang walang alam.
"Baka akala mo ring wala akong alam sa nangyayari sa 'yo ng masungit na 'yon!" tukoy niya kay Ex kaya nakaramdam ako ng kaba.
'Ba't nabalik sa 'kin? Ano pang mga nalalaman niya?'
...
Paalis na sana kami papuntang ECU nang bigla nagkaroon ng malay si Natsy. Pinauna na niya kami at susunod na lang daw siya. Nag-insist si kuya nang sasamahan niya ito kaya pinigilan naming asarin sila. Si Natsy naman, hindi makapaniwalang sila lang dalawa ni kuya at nagpaiwan pa ito para samahan siya.
Ang cute pala ni Natsy ma-inlove.
...
As expected, pagbaba pa lang namin sa kotse, marami nang nakatingin sa amin. Nagbubulungan na naman ulit sila kaya naging center of attention na naman kami.
Nakita ko sa kalayuan sina Kim at ang boyfriend niya na nakatingin sa amin. Nakatitig lang siya sa akin. Nakapagtataka kung bakit hindi niya ako sinasamaan ng tingin 'tulad ng dati. Wala rin siyang ibang reaksyong pinapakita... Sadyang nakatitig lang siya...
Curious tuloy ako sa kung ano ang iniisip niya.
Hinawakan siya sa bewang ni Clent. Nginisihan muna niya ako bago niya hinila si Kim paalis. At feeling ko, ibabalita nila kina Jax na pumasok na kami, pumasok na ako.
Iniwas ko na ang tingin sa kanila. Sinasamaan ko ng tingin ang ibang estudyanteng panay kung makatingin sa akin. 'Yong iba tuwing makasalubong ko ang kanilang mata, iiwas agad sila na parang takot sila sa akin. Nakakatawa talaga! Nabaliktad na ngayon ang sitwasyon.
Napatingin ako kay Ex nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. 'Di man lang niya ako tiningnan at nagpatuloy lang sa paglakad. Pinabayaan ko na lang siya at 'di pinansin ang kakaibang tingin ni Kevn.
Pagdating namin sa room ko, binitawan na niya ang kamay ko tsaka hinarap ako sa kanya. "The plan," bulong niya sa 'kin. Tinanguan ko naman siya. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi tsaka umalis na sila nina Kevin at Veign. Kitang-kita ko pang nandidiri si Kevin habang nakatingin kay Ex.
Sino ba kasing mag-aakalang may side pa siyang gan'on eh sanay kami sa pagiging emotionless at walang paki niya.
Nawala ang ngiti ko nang pumasok na ako sa room. Hindi ko pinansin ang mga atensyong binibigay ng ibang kaklase ko kasi nakatuon lang ang aking paningin sa upuan ni Casey.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on. Umupo ako sa mismong upuan ko sa tabi ng upuan ni Casey. Dinig na dinig ko pa ang pinag-uusapan ng mga kaklase ko. Wala akong katabi pero masyadong malakas ang bulungan ng mga ito.
"They said she's L. OMG!"
"Totoo ba 'yan? Pa'no naman naging L ang loser na 'yan?"
"Can't you see? She's changed! Look at her! She doesn't looked like the poor loser that we knew!"
"What if it's true! Patay tayo!"
"So totoo sigurong siya ang may gawa kay Justine at sa sunog sa mini gym!"
"Duh! She's still not pretty for me!"
Marami pa akong narinig na mga bulong nila hanggang sa...
"Shhh! She's listening!"
Ngayon lang nila na-realize na kanina pa ako nakikinig?
'Ew that loser! Look at her! Kawawa naman!'
'Hahahaha! So ano dude? Papaiyakin ko 'to ah!'
'Batuhin mo! Batuhin mo bilis! Tingnan natin kung pa'no na naman siya iiyak!'
'Hahahaha!'
'Her clothes! Yuck! Basahan lang 'yan sa amin. Gross!'
Naalala ko noon ang mga bulungan nila tungkol sa akin. Ako pa rin naman ang palagi nilang topic pero ibang-iba na ngayon!
"Nakakatawa!" simple kong sabi na ikinatahimik ng buong room. Isang salita lang iyon pero nasa akin na ang lahat ng atensyon nila.
Sumandal ako sa inuupuan ko tsaka nag-crossed arms. Tiningnan ko sila isa-isa. 'Yong iba, umiiwas ng tingin pero 'yong iba nagmamatigas pa.
"Gusto niyong malaman kung sino si L?" nakangisi kong sabi. Wala pa ring nagsalita sa kanila at hinihintay lang nila ang sunod kong sasabihin.
"Kilala ko siya..." 'Di na ako nagsalita at hinayaang guluhin ang utak nila.
"Sino? Sino ang gagong L na 'yan? Bakit hindi mo sabihin?" galit na sabi n'ong isang kaklase naming lalaki. Napatango-tango pa 'yong iba sa kanya.
"Ikaw siguro si L. Tama nga sila!"
"Oo nga! If you really know L, let the Elites punish that devil!"
Napataas ang kilay ko sa nagmamagandang kaklase namin at mapaklang natawa. Tiningnan ko ito sa mata at kitang-kita kong parang napahinto ito.
"Baka nakalimutan mong ang paaralang ito ang impyerno at kayo mismo ang mga demonyo at hindi si L!"
Palihim kong hinulog sa sahig ang black na envelope at sinusiguro kong walang nakapansing iba. Dapat hindi muna nila 'yon mapansin ngayon.
"What did you just..."
"Shut up!" matigas kong sabi kaya 'di niya natuloy ang kanyang sasabihin.
Di na naman ulit sila makapaniwalang magagawa kong saguti-sagutin ang isa sa kanila. Hindi pa ba sila sanay sa pagbabago ko?
Binalingan ko ng tingin ang isang kaklase kong babae na kaibigan noon ni Casey. Galit na galit ako sa kanya pero wala akong pinakitang emosyon. Kung pwede lang sana 'yang patayin, ginawa ko na.
"What are you looking at?" mataray niyang sabi kahit klaro namang nagtapang-tapangan lang.
"Masaya ka na bang wala na si Casey? Masaya ka nang ikaw na ang tinitingala ng lahat dahil ikaw na ang queen bee?"
Ano bang meron sa title na 'yan?
Napatingin siya sa kanyang mga kasama nang nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Parang nanghihingi pa siya ng tulong sa mga ito pero inunahan ko na silang samaan ng tingin. Sa huli, tiningnan niya ako nang masama. Gusto pa niyang magpaliwanag kaso walang lumabas sa bibig niya.
Tama kasi ako, isa kasi siya sa dahilan kung bakit nalaman ng lahat ang sekreto ni Casey tungkol sa professor. Siya rin ang nag-utos sa iba pang kaklase namin na hindi na pansinin si Casey at tratuhing tulad sa akin.
Nilapitan niya ako na naka-crossed arms pa at nakataas ang isang kilay na hindi ko naman ikinatakot. Kitang-kita ko pa ang 'di mapakali niyang mata.
"What were you trying to say? That it's my fault that her life's miserable? She deserves it!"
"And your sister deserves it too!" matigas na sabi ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa mata niya. Tumayo ako at dahan-dahan siyang nilapitan. Lahat ng atensyon ay nasa amin. At ito nga ang pakay ko... Para hindi na muna nila mapansin ang envelope.
"'Di mo ba nahalatang may pinoproblema ang kapatid mo? The one who can truly understand Casey's feelings is your sister because they experienced almost the same."
Alam ko ang tungkol sa mga kaklase ko. Simula noon marami na akong alam. Minsan malalaman ko nang hindi sinadsadya, 'di sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. 'Di sinasadyang makita ang pinaggagawa nila. Kahit noong time na bullied pa ako. Wala lang akong pake kasi buhay ng iba iyon at di rin ako interesado. Di ko lang akalaing magagamit ko ang mga sekreto nila ngayon. 'Tong sa queen bee naman, may inutusan akong tauhan ng Dakumasuta para sundan siya kaya nalaman ko ang tungkol sa kapatid niya. Galit na galit ako sa kanya noon pa. Ngayon gusto ko nang pati siya ay masira rin. At di ako titigil hangga't 'di niya matikman ang karma.
Pero hindi ko pa nga nabigay sa kanya ang karma, nalaman ko na lang na nagsisimula na pala siyang karmahin. Hindi man direct sa kanya pero sa mahalagang tao ng buhay niya. Nasa ibang paaralan nag-aaral ang bunso niyang kapatid. Though she wasn't a queen bee but she's a famous one. Tulad kay Casey, she had a secret relationship with a professor then someone revealed it. Now everyone's hating her.
"Buti di siya rito nag-aaral. Kung dito pa, baka magkakampi pa kami."
Unti-unting namumula ang kanyang mata. Nanginginig siya habang napanganga kasi hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Alam ko kung bakit ganyan ang reaction niya. May napapansin na kasi siyang kakaiba sa kanyang kapatid kaya nang sinabi ko sa kanya ang tungkol doon, naniniwala siyang totoo ang sinabi ko.
"I-I cant b-believe you!"
"Then dont!" Nilapitan ko pa siya tsaka hinawakan ang neckline ng damit niya tas tiningnan siya ng masama. "Karma won't leave you alone!" Tinulak ko siya nang malakas sa sahig dahilan nang napasinghap ang iba ko pang kaklase. Dali-dali naman siyang tinulungan ng mga kagrupo niya.
Tinalikuran ko na sila nang nasulyapan ko ang wall clock sa ibabaw ng board. Wala na akong time para sa babaeng to! Kailangan ko nang umalis!
Hindi pa ako nakalabas ng room nang may naramdaman akong isang bagay na papalapit sa likod ko. Mabilis ko itong hinarap tsaka sinalo ang isang bola ng basketball. Dahil alam ko kung sino ang nagbato n'on, buong lakas ko ring binato iyon sa lalaki kong kaklase. Hindi siya nakailag sa sobrang bilis kaya nasapol siya sa mukha at napaupo sa isang armchair.
Mabilis ko itong nilapitan tsaka tinadyakan sa tiyan. Dahil do'n, natumba ang upuan pati siya sa sahig. Nilapitan ko pa ito at kwenelyuhan. Hindi ko pinansin ang dugong dumaloy sa dalawa niyang ilong. Nilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya at gigil na bumulong. "Nagtitimpi lang ako sa 'yong gago ka!"
Sinuntok ko pa siya ng isang beses tsaka umayos ng tayo. Tiningnan ko siya at ang dalawa pa naming kaklase na babae. "Mamili ka kung sino ka unang magpaalam... Kay Abi o kay Adi?"
Lahat ng kaklase ko ay nagtataka sa aking tinanong sa kanya... Maliban sa kanila ni Adi kasi alam nila kung anong mali nila.
Napangisi ako nang makita si Abi na kinukuhanan ako ng video kanina pa. 'Di niya alam kung anong panggagagong ginawa ng boyfriend niya. Nilapitan ko siya at nanginginig naman siyang umatras. Inagaw ko sa kanya ang phone niya tsaka kinuha ang phone ko. Pilit kong hinablot ang daliri niya para mabuksan ang phone niya gamit ang fingerprint. May pinasa akong mahalagang video roon.
Binalik ko sa kanya ang phone niya. "Prepare yourself before watching it..." Sinulyapan ko sina Adi at ang lalaking kaklase namin na sinuntok ko. "'cause you might lose a friend and a boyfriend," pagpaparinig ko kay Abi.
Si Adi naman hindi mapakali. Lumayo ako sa kanya at hinarap ang mga demonyong walang kwenta.
"Simula ng araw na 'to, malalaman ni'yo kung sino talaga ang tunay na demonyo sa classroom na 'to! I know all your secrets and fears so I can ruin your image and yourself anytime I want! You're messing with the wrong person now! But I'm fine if you still bully me, I'm your loser afterall!"
Umalis na ako sa room na yon. Matagal ko nang alam ang mga sekretong tinatago nila kaya alam kong hindi pangkaraniwang demonyo ang mga kaklase ko. 'Yong iba sa kanila, nagd-drugs at nangre-rape! Sa mga babae naman, nangb-blackmail at naninira. Bilang lang sa daliri ko ang maayos sa classroom na iyon!
Nang makitang wala nang ibang tao sa hallway, sinuot ko agad ang isang maliit na earpiece sa isa kong tenga. "Im done," sabi ko.
"Thats good!" walang gana niyang sabi. Dinig ko na lang ang mabilis na pagt-type niya sa keyboard. Dahil d'on, alam kong ginagawa na niya ang kailangan gawin.
Napapangiti ako. Di ko kasi akalaing magiging partner ko siya sa mga oras na to.
"Stop smiling alone Lav. You look insane."